Share

Chapter 42

"Hardy!," masiglang tawag pansin at kaway sa akin ng isang may sisenta anyos mahigit na edad na lalake.

Napalingon kami agad ni Jing-Jing sa kanya.

Isa itong matandang traysikel driver na suki namin noon pa sakyan kapag ihahatid ko si Jing-Jing sa kanila. Hapis ang mukha at may balat na sinunog ng araw sa pagtatrabaho.

Bilib kami sa kanya dahil kahit nagmumukha na siyang maliit sa kaunting pagkakakuba sa pagmamaneho, maingat pa rin siya. Kahit mabagal siya magmaneho, mas gusto ko siya magdrive dahil nagkakaroon kaming magkasintahan ng mahaba pang time makapag-usap sa byahe. Siya si Tatay Manuel:

"Pauwi na ba kayo? Ihatid ko na kayo...,"

"Sige po, 'Tay... sa may inuupahan ko po muna tayo dumaan...," wika ko habang palapit kami sa kanyang traysikel.

Nakapasok na sa loob ng traysikel si Jing-Jing nang may maramdaman akong kakaiba.

Napapikit ako. Lumakas ang kaba ng dibdib ko ng kumapit ako sa hawakan ng traysikel at parang bang sa kaunting kura

Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status