Share

Chapter 59

"Kumalma ka nga, Ian...," pag-awat ni Pete sa takot na nararamdaman ng pinsan ko. "Sa tingin ko, magmula ng pagbalik natin dito hanggang ngayon, napagtahi-tahi ko na ang lahat...," dagdag nito.

"Ano'ng ibig mong sabihin, Pete?," usisa ni Kuya Bobby.

Biglang tumunog ang cellphone na hawak ni Mang Hamin at daglit niya itong sinagot:

"Hello? .....Napatawag ka?," nanlaki ang mga mata ni Hamin sa balitang inihatid sa kanya ng kung sino ma'ng tumawag at saka bumaling sa amin. "Maiwan ko na muna kayo, may emergency lang sa bahay....," pagmamadaling pagbalikwas nito at pagpapaalam sa amin.

Sa isang di inaasahang pagkakataon, natapilok si Mang Hamin at nahulog pababa sa tatlong baitang na hagdan sa bukana ng pintuan ng bahay.

Nagulat kami sa eksenang iyon at naalarmang lapitan siya upang tulungan makatayo.

"Peste... bakit ba ako natapilok?," pagtataka nito sa sarili saka muling bumangon at nagmadaling sumibat.

Nang makalayo si Mang Hamin, saka namin

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status