Share

Chapter 60

Hindi malinaw na nauulinigan ni Mang Hamin at ng kanyang kasamang longhaired na lalake ang debateng nagaganap sa harap ng kanyang bahay habang nakatago sila sa pinakahardin ng kanilang bakuran.

Nais na nilang tumakbo dahil sa alam na nilang sila ang pakay ng mga tanod na paikot-ikot sa loob at labas ng bahay ng kanilang pamilya. Subalit pinangingilagan nila na makagawa ng di inaasahang ingay mula sa kanilang kinaroroonan at makaagaw ng pansin sa mga naghahanap.

Nakaramdam siya ng sama ng loob na kasama ng mga ito ang kanyang dalawang kumpadre na kasalukuyan noong kinakausap ang kanyang Tatay.

Hindi niya man maintindihan ang usapan, alam niyang itinatanggi ng kanyang ama ang anumang paratang ng mga ito sa kanya.

"Paano nila nalaman na may kinalaman tayo sa nangyari sa mga babae?," galit na bulong ni Long hair.

"Hindi ko alam paano, Pidio.... pero malamang may kinalaman dito ang ginawa nila sa kakahuyan. Dahil sa mga batang iyon, mapapahamak ang kalayaan

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status