Share

EIGHT

Author: JOELYSHENG
last update publish date: 2026-11-05 22:08:06

"Welcome to our home, officer Xavier, officer Andaya I never expected you two to rushed here in our home. Have a sit." Masayang sinalubong ni Clarence ang mga maaga nilang panauhin.

"Thank you, Captain Mondragon, pilot Herrera," tugon ni boss Jolbon.

"Naipasa ko na sa panganay kong anak ang pagka-captain ko, officer Xavier. Pero teka lang, hindi inaasahang magkakilala kayo ng balae ko. How do you know each other?" Pinaglipat-lipat ni Clarence ang paningin sa dalawang panauhin.

Kaya naman si Jha
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • BAKAL NA REHAS   TEN

    "Ha! Sino ang nakita mo, boss?" hindi makapaniwalang tanong ni De Silva sa amo."Ikaw naman, De Silva. Ang linaw-linaw nang pagkasabi ko eh," nakangiwing tugon ni Boss Jolbon. Hindi naman siya galit sa paraan nang pagtanong nito pero hindi pa rin siya makapaniwala't makahuma sa nasaksihan. Mag-asawa na ang anak niya at dalaga ng mga Mondragon, at higit sa lahat ay may apo na sila. Nanganak na ang manugang niya.Kaso dahil na rin sa malaliman niyang pag-iisip ay maaring inakala ng right hand man niyang hindi siya nakikinig. Kaya't muli itong nagwika."Haist, bossing naman eh. Kanina pa ako daldal nang daldal dito sa harapan mo. Baka naman maaring sabihin mo sa akin kung bakit ka napatulala? Ah, mali pa rin. Ano ba kasi ang nakita mo, boss? Sabi mo malinaw ang pagkasabi mo pero hindi ko naman naunawaan." Sa pagtataka y kakamot-kamot na rin si De Silva sa ulo.Tama, tauhan lang siya ng boss Jolbon niya pero parehas silang pamilya ang turing sa isa't-isa. Sabi nga ng iba ay mag-asawa sil

  • BAKAL NA REHAS   NINE

    "Move faster! We're running out of time!" sigaw ng unipormadong Thai Commander."Sabi ko naman kasing ihanda ang mga iyan kahapon pa pero hindi kayo nakinig sa akin eh." Paninisi pa nito sa isang tauhan."Sorry po, Sir. Wala naman po kasing mag-aakalang dadalaw ngayon si boss Ram," tugon ng isa."Kaya nga lagi kong sinasabi sa inyong lahat na maging cowboy kayo na laging handa. Hindi iyong saka pa lang kayo magliligpit kapag darating si boss. Pasalamat kayo't hindi strikto ang boss natin eh," sagot ng Thai Commander."Sorry na, Commander. Sisikapin naming gawin at sundin ang lahat," muli ay wika ng isa."Dapat lang, Sao. Dahil kapag si Boss Ram ang magalit ay lagot tayong lahat. Mabait ang Boss natin ngunit alalahanin nating mahirap abusuhin ang tiwala niya," saad ng Thai Commander.Sasagot pa sana ang isa pero eksakto namang paglapit ng isa pang tauhan. Kaya't napabaling sila rito."Sir, nandiyan na sa labas si Boss Ram. Sabi niya ay sa library daw kayo mag-usap," bulong nito.Bulong

  • BAKAL NA REHAS   EIGHT

    "Welcome to our home, officer Xavier, officer Andaya I never expected you two to rushed here in our home. Have a sit." Masayang sinalubong ni Clarence ang mga maaga nilang panauhin."Thank you, Captain Mondragon, pilot Herrera," tugon ni boss Jolbon."Naipasa ko na sa panganay kong anak ang pagka-captain ko, officer Xavier. Pero teka lang, hindi inaasahang magkakilala kayo ng balae ko. How do you know each other?" Pinaglipat-lipat ni Clarence ang paningin sa dalawang panauhin.Kaya naman si Jhay-R ang sumagot. Well, nais sana niyang sabihing masyadong formal kaso sinarili na lamang niya. Dibale na lamang total masaya naman ito na nandoon sila. Ganoon pa man ay nagsalita siya. Ayaw na ayaw naman kasi niyang tinatrato siyang VIP lalo at in-laws ito ng pamangkin niya."Magkakilala na kami noong nasa serbisyo pa kami balae or should I say noong parehas kaming nagsisimula pa lamang sa bokasyong tinahak namin. At kalaunan ay naging best buddies na kahit bihirang magkita ay handang supurtaha

  • BAKAL NA REHAS   SEVEN

    "Ano ngayon ang plano mo, Pare?" tanong ni Jhay-R sa kaibigang hindi na niya mabilang kung ilang beses nang nagpakawala ng malalim na hininga."Alam kong nagtataka na ang buong organisasyon kung bakit ganoon na lamang ang kagustuhan kong mahanap si Luther. Ngunit wala akong pakialam, Pare. Dahil sa ilang buwan simula nang nawala ito ay mas naisip kong mali ang naging desisyon ko noon," anito imbes na sagutin ang tanong niya."Tama ka, Pare. Subalit malayong-malayo naman yata ang pahayag mo sa naging tanong ko." Seryoso ang usapan nila ngunit sinadya niyang ngumiti upang pukawin ang agam-agam nito.Dati na itong seryoso maliban na lamang kung nagbibiruan sila ngunit mas naging seryoso ito ilang buwan na ang nakaraan. Hindi rin naman niya ito masisisi dahil anak nito ang sangkot. Kaso nais rin niya itong sapakin dahil hindi rin masabi-sabi sa legally adopted child nitong si Skyler ang katotohanan tungkol sa katauhan nito."Tsk! Tsk! Alam kong pinapatawa mo lang ako, Pare. Ngunit tama ka

  • BAKAL NA REHAS   SIX

    "Tol, mukhang hiyang n'yong mag-asawa dito ah," ani Mundo."Tama ka, Tol. Ilang buwan na simula noong napadpad kami rito sa Albay and as you can see malaki na rin ang ipinagbago ng paligid even the house that you prepared for us." He smiled to them."Ikaw naman Tol para kang others. Bahay n'yo na ito dahil kayo ang nandito. By the way, total nakasunod na kami rito nang walang aberya ay balak naming magpagawa ng isa pang bahay diyan para may matirhan kaming tatlo---"Kaso ang pananalita ni Bong-Bong ay agad ding pinutol ni Mariz Kaye. May dala-dala itong meryenda para sa kanilang lima."Mawalang-galang muna, Kuya Bong at pasensiya na dahil narinig ko ang sinasabi mo. Kung tutuusin, no, mali pala dahil kayo naman talaga ang may-ari ng bahay. Bakit pa kayo magpapagawa ng samantalang may bahay na tayo rito? Hindi ba't kami dapat ng asawa ko ang magpagawa ng sarili namin. Naku, Kuya Bong, kasya naman tayo rito. Kaya't huwag na kayong magpagawa ng ibang bahay," sabi ni Mariz Kaye sabay lapa

  • BAKAL NA REHAS   FIVE

    "Ito na nga ba ang sinasabi ko sa iyo dati pa, Pare. ano ngayon, naglayas na ang anak mo. Naglayas man o nagtanan ganoon pa rin iyon. Dahil sigurado akong nagmamahalan sila ng dalagang Mondragon," sabi ni Jhay-R sa kaibigang hindi mapakali.Paanong hindi siya aligaga samantalang huli na rin nang nalaman niyang anak ng may-ari ng MARGARITA INTERNATIONAL CRUISE SHIP ang nobya ng anak niya. Magsisi man siya ay huli na dahil wala nang nakakaalam kung nasaan ang mga ito. Kahit ang mga tauhan nito ay wala silang makuhang sagot kahit takutin niya. Mga sworn brothers nitong kahit yata tanggalin niya sa trabaho ay wala ring saysay. At sa kaisipang iyon ay napahinga ng malalim si Boss Jolbon. Maaring hindi mahintay ng kaibigan niyang sasagot siya kaya't muli itong nagwika."Manugang ng kambal ko ang kapatid itinanan niya, pare. Panganay na anak ni Clarence ang manugang namin kay Agatha kaya't sigurado akong hindi sila titigil hangga't wala silang nalalaman. Alam kong hindi ka magpapatalo sa yam

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status