LOGIN"Ano ngayon ang plano mo, Pare?" tanong ni Jhay-R sa kaibigang hindi na niya mabilang kung ilang beses nang nagpakawala ng malalim na hininga.
"Alam kong nagtataka na ang buong organisasyon kung bakit ganoon na lamang ang kagustuhan kong mahanap si Luther. Ngunit wala akong pakialam, Pare. Dahil sa ilang buwan simula nang nawala ito ay mas naisip kong mali ang naging desisyon ko noon," anito imbes na sagutin ang tanong niya.
"Tama ka, Pare. Subalit malayong-malayo naman yata ang pahayag mo sa naging tanong ko." Seryoso ang usapan nila ngunit sinadya niyang ngumiti upang pukawin ang agam-agam nito.
Dati na itong seryoso maliban na lamang kung nagbibiruan sila ngunit mas naging seryoso ito ilang buwan na ang nakaraan. Hindi rin naman niya ito masisisi dahil anak nito ang sangkot. Kaso nais rin niya itong sapakin dahil hindi rin masabi-sabi sa legally adopted child nitong si Skyler ang katotohanan tungkol sa katauhan nito.
"Tsk! Tsk! Alam kong pinapatawa mo lang ako, Pare. Ngunit tama ka rin naman. Kaso ano ang magagawa ko kung iyon ang nanulas sa labi ko? By the way, sa tanong mo kung ano ang plano ko ay gusto kong kausapin ang mga magulang ni Mariz Kaye. Dahil alam kong kagaya natin silang hanggang sa kasalukuyan ay wala pa rin silang kamalay-malay kung nasaan ang mga anak natin." Lumingon si Jolbon sa kaibigang kailanman ay hindi siya pinabayaan simula pa noong unang tapak niya sa bansang Pilipinas.
"Hmmm... Well, sa bagay na iyan ay talagang sasamahan kita. Hindi ko alam pero nabanggit ng kambal ko na nandito sa Manila ang panganay niyang apo. So, uulitin ko ang aking tanong, Pare. Kailan tayo pupunta sa tahanan ng mga Mondragon?" patanong nitong pahayag.
"Since that it's getting late already, bukas na lamang, Pare. Baka masabihan pa tayong VIP dahil gabi kung dumalaw," nakatawa niyang saad.
Kaso!
"There you are, Pare. Simula pa dumating ako kanina ay ngayon ko lang napansing ngumiti ka. Sure na iyan, Pare. Pupunta tayo sa bahay nina Clarence. Ah, bago ko pala makalimutan ay narinig ko kanina sa opisinang hindi na pala pumasok ang mga kaibigan ni Luther---"
Wala namang masama sa pahayag ng kaibigan niya ngunit dahi sa huliang bahagi ay agad siyang napalingin dito.
"Sigurado na akong pinagtatakpan lamang nila ang anak ko. Nasaan daw sila ngayon?" tanong niya.
"Walang nakakaalam, Pare. Ngunit kung tama ang hinala ko ay sa kinaroroonan ni Luther. Kahit walang kasiguraduhan ay malamang pinuntahan nila ito. Ang mga taong iyon ay may loyalty sa pagkakaibigan nila kaya't kahit anong gawin natin ay wala tayong nalaman sa kanila," pahayag nito.
"Hindi na iyan nakapagtataka, Pare. Dahil nasaksihan na natin kung paano nila pinahalagaan ang grupo nila. Sila pa kayang magkakaibigan? Hindi rin lingid sa ating dalawa na sa buong organisasyon natin ay ang BAKAL NA REHAS o ang grupo nila ang outstanding. Hindi lang sa performance kundi sa lahat ng bagay." Sa pagkakaalala sa grupo ng anak niya o mas tamang sabihing tauhan ng nawawala niyang anak ay hindi niya namalayang napangiti siya.
At sa kanilang pagpapatuloy ay nauwi sa kung saan-saan ang usapan nila. Hanggang sa naisipan na rin nilang magpahinga. Nasa Manila naman kasi ang main office ng organisasyong itinatag noong kapwa sila nagretero sa militar.
(Italics)
"Anak ng tokwa naman oo. Bakit ba kayo yumuyuko sa akin? Ano ako DIYOS?" inis na tanong ni Luther. Dahil bawat taong nadadaanan niya ay niyuyukuan siya.
"Panggalang sa aming master. Kaya't huwag ka nang magalit, Young Master," tugon ng unipormadong guwardiya.
"Young Master? Huh! Kailan pa ako nagkaroon ng maraming tauhan? Aba'y ang grupo ko lang naman sa BAKAL NA REHAS ang alam kong tauhan ko. Saglit ngae lang, sino ba kayo? Sagutin n'yo ako ng maayos kung ayaw ninyong samain sa akin!" Mula sa malumanay na pananalita ay napataas ang boses.
"Anak, ano ba ang problema mo? Bakit ka ba sumisigaw?" tanong ng boses na nagmula sa kaniyang likuran.
"Ha? Ano kamo? Anak? Ako ba ang kinakausap mo, mister?" sunod-sunod niyang tanong habang nakaturo ang palad sa sarili.
Ngunit hindi agad sumagot ang Ginoo dahil hinarap ang mga guwardiyang kausap ng anak. He mouthed to them that he will handle his son. Tahimik lamang ding sumunod ang mga ito. Kaso ang anak niyang mukhang tinubuan na naman nang pagkainip ay muling nagsalita bago pa niya maibuka ang bibig upang sagutin ito.
"Hey, old man! Will you answer me? Look at those people. Can you explain to me why they are vowing every time that I'm passing to their posts? Do I need to explain to you why did I came in these place?" Lukot na lukot ang mukha nitong humarap sa kaniya. Palatandaang naiinis at naiinip na ito.
"Anak, huwag ka ng magalit. Dahil sa katunayan ay pinatawag kita rito upang sabihin sa iyo ang tunay mong pagkatao. Hindi ka anak mahirap, anak. Kaya nga anak ang tawag ko sa iyo dahil talaga namang anak kita. Ako ang ama mo, Hijo---"
What the heck is going on? When did the man in front of him became his father father? He was an orphaned child. And he know nothing where did he came from. Is he's jesting on him too because he was a man without any family?
"Stop talking nonsense, old man. Hindi ako pumarito upang makipagbolahan sa iyo. Kung wala kang matinong sabihin ay bahala ka sa buhay mo. I'm not going to ask forgiveness to my rudeness. And I'll tell now, if I offended you with my words, go and meet my boss and the him what I've done to you."
Kabastusan mang putulin ang pananalita nito ngunit hindi niya iyon inisip. Dahil ayaw niyang ipahalatang lihim siyang natutuwa sa pagtawag nito sa kaniya ng anak. But at the same time, he is thinking that he must have pitty on him. Upon thinking of pitty, he smirked.
"Alam kong mahirap unawain, anak. Ngunit umaasa akong balang-araw ay magawa mong tanggapin ang tunay na ikaw. Dahil totoo lahat ang sinabi---"
Kaso kung sa nauna ay pinutol ng anak niya ang pananalita niya ay iba sa pagkakataong iyon. Dahil siya mismo ang pumutol. Ihinarang niya ang sarili sa anak. Dahil kitang-kita niya ang nakaumang na baril. Kaya naman ay siya ang tinamaan.
Subalit dahil sa tunog ng baril ay nagsilabasan ang mga hidden watchmen niya. Hinuli ang may kagagawan nang pagkabaril niya.
SAMANTALA, marahil ay dulot na rin nang pagharang nang nagpakilalang ama niya ay nabangga siya nito kaya't para silang mga scarecrows na kapwa naihipan ng hangin kaya naman ay parehas silang natumba.
"Hey, wake up..."
"Listen to me carefully, Hijo. Tanggapin mo ang katotohanang ikaw ang tagapagmana ko. Dahil iyon ang nararapat. Kung ayaw mong mauwi sa lahat ang pinaghirapan ko ay bumalik ka na sa headquarters. Ngunit kung may halaga ako sa iyo ay huwag ka nang umalis sa mansion. Dahil oras na gawin mo iyan ay mahihirapan ka nang mabawi sa palad nang nagtangkang patayin ka ang lahat. No one in this world will inherit all our family's wealth except you because you are the one and only heir. Kaya't please lang, anak. M-maniwala ka sa akin. I-ikaw ang nag-iisa kong anak---"
Ngunit ang pautal-utal niyang pananalita ay tuluyang naputol. Kung ano man ang sumunod na nangyari ay hindi na niya nalaman.
SAMANTALANG hindi sukat akalain ni Luther na maririnig ang mga bagay na iyon sa taong matagal na niyang iniidolo. Ito rin ang nagturo sa kaniya sa lahat ng nalalaman niya sa buhay. Ngunit wala siyang kamalay-malay na kaya siya nito sinanay ay anak daw siya nito. Kaso, nasabi nga nitong ama niya ito subalit hindi naman nagtagal sa mundong ibabaw.
SA kaisipang wala na ito ay saka pa lamang tumino sa isipan niyang nasa kandungan pala niya ito.
"Old man, wake up! Open your eyes and explain everything to me! Don't just leave, old man! Wake up!" Kung ilang beses niya itong niyugyog upang gisingin ay hindi niya mabilang.
Kaya naman ay mas nagheristikal siya dahil hindi niya ito magising. Kung ganoon ay talagang iniwan na siya ng taong inaaway-away niya. Ang taong pinalampas ang lahat ng pang-aaway niya. Kailanman ay hindi siya nito binigyan ng sakit sa ulo. Bagkus ay siya pa ang sakit ng ulo nito.(end of italics)
"Sweetheart, gising." Bahagyang niyugyog ni Mariz Kaye ang asawang mukhang may kaaway sa panaginip.
Noong una ay inakala niyang siya ang nanaginip kaso nang iminulat niya ang mga mata ay napagtanto niyang ang mahal niyang asawa ang dumadaing. Iyon nga lang ay sa panaginip.
"Sweetheart, aba'y gising na riyan. Binabangungot ka kaya't gising na, my dearest Curly Boy," aniyang muli habang tinapik-tapik ang pisngi nito.
HINDI nagtagal ay dahan-dahan nitong iminulat ang mga mata. Ngunit dahil liwanag lang mula sa full moon ang tumatanglaw sa kanilang mag-asawa ay naupo rin ito saka sumandal sa dingding.
"Uminom ka muna, sweetheart," dinig ni Luther na sambit ng asawa. Kaya't napataas siya nang pagtingin.
"Salamat, wifey," saad niya saka tinanggap ang hawak-hawak nitong baso na mayroong lamang tubig saka inisahang lagok. Hindi na niya ibinalik sa asawa ang binakante niyang baso bagkus ay siya na ang kusang tumayo at inilapag ito sa simple nitong tokador.
"Uhmmm, sweetheart, nanaginip ka. Ano ba iyon? Mukha ngang mayroon kang kaaway," anitong sumandig sa kaniya.
Iniyakap muna ni Luther ang braso sa asawa habang hinahaplos-haplos ang likuran nito. Hinamig muna niya ang sarili bago muling nagwika.
"Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin ng panaginip na iyon, wifey. Mayroong Ginoong nagpatawag sa akin. Ngunit nainis ako dahil bawat taong nadadaanan ko ay yumuyuko sila at sinabing panggalang sa young master. Sa galit ko ay kinompronta ko ang Ginoo na iyon. Kaso kinumpirma pa lang nito ang mga pahayag ng guardsmen." Bahagya siyang tumigil ngunit agad ding nagpatuloy.
"Sa aking panaginip ay ama ko raw ang Ginoo na iyon. Ngunit bago ako makapagtanong ng ina ay may babaril sa akin ngunit ihinarang ng Ginoo ang sarili. Again, bago ko pa nakumpirma ang mga binitiwan niyang salita ay tuluyan na siyang pumanaw dulot na rin ng balang bumaon sa katawan. Kaya't hindi ko naitanong kung totoo ba ang lahat lalo at sinabing ako raw ang nag-iisang tagapagmana. Ang masaklap ay ito ang mentor ko sa lahat ng bagay." Pagtatapos niya.
SA pahayag ng asawa niya ay kumalas si Mariz Kaye mula sa pagkayakap dito saka tumingala rito.
"Hindi ako mind reader at mas lalong hindi ako physiognomist. Ngunit ang masasabi ko lang ay maaring bungang pananigip lamang. O 'di naman kaya ay may iniisip ka."
'Maaring napanaginipan mo lamang ang usapan ninyong magkakaibigan.' Nais sana niyang idugtong kaso sinarili na lamang niya ito. Dahil wala itong kaalam-alam na narinig niya ang usapan ng mga ito. Hindi pa niya nakita at nakilala ang boss na tinutukoy nila. Subalit malakas ang loob niyang malaki ang kaugnayan nito sa panaginip ng mahal niyang si Curly Boy.
"Wala naman, wifey. Let's continue our sleep now, sweetheart. Midnight pa lang kaya't mahaba-haba pa ang itutulog natin." Inalalayan niya ito upang makahiga ng maayos.
Kung tutuusin naman ay ilang oras pa lang ang itinulog nila simula nang pumasok siya sa kanilang silid. Ngunit sa hindi niya malamang dahilan ay talagang mailap ang antok sa kaniya sa gabing iyon. Ganoon pa man ay ayaw niyang idamay ang asawa. Kaya't inaya na lamang niya itong matulog.
Hindi na sumagot si Mariz Kaye bagkus ay kusa siyang gumalaw saka hinalikan sa labi ang asawa at tahimik na yumakap dito. Masarap ang matulog kapag kayakap ang mahal niyang asawa. Well, it's been a while since they are in Albay. At ganoon na rin katagal na ganoon ang routine nila. Ang maglaro sa init ng apoy bago matulog na magkayakap.
KINABUKASAN...
Labis-labis ang pagtataka ng mag-asawang Clarence at MaCon dahil maaga pa lang kung tutuusin pero may bisita na raw sila.
"Do you have idea about this early visit, hon?" tanong ng una sa asawa.
"Wala, Honey. Aba'y mukhang hindi lang tayo ang naghahanap sa anak natin ah." Umiling-iling ito tanda lamang na walang kaalam-alam sa maaga nilang bisita.
Nagtataka man pero pumanaog pa rin silang mag-asawa. Kaso, laking-gulat nila nang makilala ng una kung sino ang maaga nilang panauhin.
FEW days later..."Good morning, Mommy, Daddy, may bisita pala kayo. Akyat na lang muna kami ni Sean, mamaya na lang kami bumaba," ani MK.Hindi naman kasi niya akalaing may bisita ang mga magulang niya. Hindi tuloy siya nakapag-ayos, wala namang masama sa suot niya kaso pambahay. At isa pa ay mukhang kagalang-galang ang mga ito."Same to you, Hija. Good morning to you and our grandchild. Pero hindi kami ang may bisita kundi kayong mag-ina. Nagkataon lamang na kami ang nandito kaya hinarap na muna namin. Come here, Mariz anak." Tinapik ni MaCon ang katabing upuan tanda ng pagpapaupo sa anak."Tama ang Mommy mo, anak. Kayong mag-ina ang may bisita kaya halika na rito. Mamaya niyan eh magwawala ang FLYING DRAGON mo," nakangiti namang saad ni Clarence.Wala siyang maunawaan, paano nangyaring siya ang may bisita? Kung may bibisita man sa kaniya ay walang iba kundi ang asawa niya. Ang asawa niyang ilang araw na rin simula noong ihinatid silang mag-ina sa tahanan ng mga magulang niya. Ganoo
Samantalang pagkagaling ng apat sa tahanan ng mga Mondragon ay dumiretso sila sa dating bahay ni Luther."May dahilan din pala kung bakit hindi ko ipinagbenta ang bahay noon. Maaring marumi at wala sa ayos ang bahay pero babalik din sa dati kapag malinisan ng maayos," bulong niya saka iginala ang paningin."Brod, maaring magtanong?" Pukaw sa kaniya ng kaibigan. Marahil ay inakalang wala siya sa sarili."Of course, Pare. Ano ba iyon?" balik-tanong niya."May hindi ba kami nalalaman, bro? Bakit biglang nagbago ang desisyon mo? I mean, bakit hindi ka nagpakita sa mga biyanan mo? Sigurado namang matatanggap ka na nila dahil sa katotohanang hindi ka preso kundi team leader ng grupo, so ano ang nangyari?" muli ay tanong ni Bong-Bong.Kaya naman ay humarap siya sa mga ito. Iisa lang ang nagtanong ngunit alam niyang pare-parehas ang nilalaman ng isipan ng mga ito. Mas mabuti na ang isahang paliwanag. Lalo na sa tulad niyang maiksi ang pasensiya. Well, according to them, that's his assets by t
"Huh! What do you mean, sweetheart?" maang na tanong ni Mariz sa asawa.Buong akala niya ay sabay silang haharap sa mga magulang niya kaso silang mag-ina lang daw ayon dito. Kaya naman ay talagang naguguluhan siya sa naging desisyon nito o mas tamang sabihin na wala siyang maunawaan. Dahil ibang-iba iyon sa napagkasunduan nilang dalawa."Mahal na mahal kita tandaan mo iyan, wifey. Saan man ako mapadpad, ilang taon man tayong hindi magkita ay habang-buhay kang mananatili rito sa puso ko, kayo ni Sean. Gusto ko kayong kasama sa araw-araw pero kailangang harapin ko ang tunay kong mundo. Wala nang mas ligtas na lugar kundi dito sa piling ng magulang mo. Huwag kang mag-alala, wifey. Dahil darating din ang tamang panahon upang muli tayong magkita-kita at magsama," pahayag ni Luther."Alam ko iyon, sweetheart. Pero ano ang ibig sabihin nito? Akala ko ba ay napag-usapan na natin ito? Bakit kung kailan nandito na tayo sa harap ng bahay ay saka ka pa tatalikod? May hindi ba ako nalalaman, sweet
"Ano sa tingin mo, Pare? I mean, hindi ba mas magandang ako na mismo ang pupunta at kausapin ang mga bata sa Albay?" isang araw wika ni Boss Jolbon sa best of friend niyang nasa siyudad ng Manila. Dahil na rin sa meeting ng organisasyon nila."Pare, nasaksihan na natin ang paglaki ng taong iyon. Sala sa init at sala sa lamig oo hindi iyan maipagkakamali dahil na rin sa tatak Tondo niya. Ngunit sa tanong mo ay hindi magandang ideya iyan. Matalinong tao ang anak mo. At sa oras na ito ay sigurado akong nakaamoy na iyon ng panganib," paliwanag naman ni Jhay-R."Sabagay tama ka, Pare. Pero alam mo ba kung ano ang nararamdaman ko ngayon? Oo, inaamin kong nagalit ako dahil sa bigla silang nagkahong magkakaibigan. Ngunit nang nakita ko sa malayuan ang apo ko ay napawi ang lahat. Bagkus ay mas humanga ako sa kaniya. Dahil kahit ampon siya ng organisasyon natin ay lumaki siyang may prinsipyo." Nagpakawala ng malalim na hininga si Boss Jolbon dahil sa muling pagkaalala sa anak.SA pahayag ng kai
*******"Ano sa tingin mo, Romano?" tanong ni Skyler sa kanang kamay niya."The truth, bossing? Wala akong ibang makitang dahilan kung bakit sumugod ang Daddy mo rito sa Albay." Napakamot sa ulo si Romano.Eh, ano ang magagawa niya kung iyon ang naisagot niya. Nagpakatotoo lang naman siya. Kaso agad-agad din niyang itinaas ang mga palad at nagmistulang kriminal dahil binalingan siya ng amo. Aba'y mahirap na baka magkaroon ng himala at sapakin siya nito."Tsk! Tsk! Ang labo mo talagang kausap, Romano. Paano natin malalaman kung bakit pinapahanap ni Daddy si Curly Boy kung ang tactician ko ay malabong kausap. Susme ikaw, Romano, gayahin mo nga si De Silva. Kayang-kaya niya ang lahat nang ipinapagawa ni Daddy. Mali pa rin, huwag mong gayahin kundi lampasan mo siya upang malaman natin kung ano ang puno't-dulo ng lahat." Napangiwi tuloy si Skyler dahil sa kausap.Minsan, gusto niya itong paghahagkan bigla na lamang siyang nagkaka-ideya sa mga binibitawan nitong salita. Kaso kagaya ng oras
"Ha! Sino ang nakita mo, boss?" hindi makapaniwalang tanong ni De Silva sa amo."Ikaw naman, De Silva. Ang linaw-linaw nang pagkasabi ko eh," nakangiwing tugon ni Boss Jolbon. Hindi naman siya galit sa paraan nang pagtanong nito pero hindi pa rin siya makapaniwala't makahuma sa nasaksihan. Mag-asawa na ang anak niya at dalaga ng mga Mondragon, at higit sa lahat ay may apo na sila. Nanganak na ang manugang niya.Kaso dahil na rin sa malaliman niyang pag-iisip ay maaring inakala ng right hand man niyang hindi siya nakikinig. Kaya't muli itong nagwika."Haist, bossing naman eh. Kanina pa ako daldal nang daldal dito sa harapan mo. Baka naman maaring sabihin mo sa akin kung bakit ka napatulala? Ah, mali pa rin. Ano ba kasi ang nakita mo, boss? Sabi mo malinaw ang pagkasabi mo pero hindi ko naman naunawaan." Sa pagtataka y kakamot-kamot na rin si De Silva sa ulo.Tama, tauhan lang siya ng boss Jolbon niya pero parehas silang pamilya ang turing sa isa't-isa. Sabi nga ng iba ay mag-asawa sil







