Share

CHAPTER 9

SHAWN

NAPABALIKWAS siya nang bangon. Isang daan bituin yata ang dumaan sa paningin niya dahil sa matinding hilo natamo nang suntukin siya ni Charlene.

Nanggagalaiting luminga-linga siya. Nakita niya si Sarmiento na nakaupo sa gilid. Nasa loob pala siya ng clinic. Shit!

"Nasaan ang Charlene na 'yon?!" malakas na wika niya.

Hindi siya makapaniwala na napabagsak siya ng isang suntok lang at isang maliit na babae pa? Naiiling na nagtatagis ang mga ngipin niya. Lintek!

"Basted ka na nga, na-knockout ka pa. Grabe! Ang astig!" nakangising sabi ni Sarmiento.

"Gusto mo rin ba ma-knockout? Sabihin mo lang," puno ng iritasyon ani niya at nagmamadaling lumabas na ng clinic.

Ang walang hiyang, Charlene na iyon. Bigla-bigla na lang siyang sinugod. Nagalit ba ito dahil kinuha niya sa registrar office ang cellphone number nito? Umingos siya. Nagpakahirapa pa naman siyang pumasok sa registrar office para makuha lang ang numero nito. Kainis!

Sa

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status