DHALIA’S POV
Ang bilis ng pangyayari.
Tatlong linggo pa lang ang nakalilipas mula nang alukin ako ni Sir Henri ng kasal, ipakilala ako sa magulang niya, hingin ang basbas ni Inay, at dahil sa hindi inaasahang pagkakataon, inanunsyo niya sa buong kumpanya ang nalalapit naming kasal.
At ngayon, narito ako, nakatayo sa harap ng isang malaking salamin, suot ang puting wedding gown na espesyal niyang ipinagawa para sa akin. Simple lang ito, walang masyadong dekorasyon, ngunit ang bawat detalye ay sumisigaw ng pagiging elegante. Ang palda nitong mahaba at bumabagsak sa sahig ay parang alon ng ulap sa paligid ko. Nakapuyod ang buhok ko, at ramdam kong bumagay sa akin ang maingat na inilapat na makeup.
Para akong ibang tao.
Para akong isang babaeng tunay na ikakasal.
"Prayer reveal naman diyan, Dhalia," biro ni Rea habang inaayos ang belo ko. "Kaya ka pala natitiis si Sir Henri, ha? May something pala sa inyo!"
Napatawa ako at umiling. "Ikaw talaga."
"Teka, kinakabahan ka ba?" tanong niya.
"Oo," amin ko. "Pakisampal nga ako, baka nananaginip lang ako."
"Hay naku, hindi na kita sasampalin," natatawang sagot niya, saka marahang tinapik ang likod ko. "Pero alam mo, Dhalia, hindi lang dapat kaba ang nararamdaman mo. Dapat excited ka rin, kasi girl, lahat ng kamag-anak ni Sir Henri narito ngayon. Diyos ko, Dhalia! Puro ulam, walang patapon!"
Napailing ako sa biro niya, pero totoo naman ang sinabi niya. Ang pamilya ni Henri, pati na ang ilan sa pinakamakapangyarihang negosyante sa bansa, ay nasa loob ng simbahan ngayon.
"Pero seryoso, congrats sa inyo," dagdag niya. "At finally, makakatikim ka na rin ng—"
"Rea!" Pinandilatan ko siya, pero nakangisi lang siya nang maloko.
Nagbibiro lang siya, pero hindi ko maiwasang mapaisip. Hindi ba’t kasal lang ang napagkasunduan namin ni Henri? Wala naman sa usapan ang…ang ibang bagay… di ba? Ano kayang plano niya rito?
Bago pa ako tuluyang lamunin ng sariling isip, dumating na ang organizer. "Handa na po kayo, Ma’am Dhalia? Magsisimula na tayo."
Huminga ako nang malalim. Ito na.
Pagbukas ng engrandeng pinto ng simbahan, agad akong binalot ng kaba.
Sa loob, napakaraming mata ang nakatutok sa akin. May mga mukhang masaya, may mga nagtataka, at may ilan ding halatang hindi natutuwa.
Pero ang lahat ng iyon ay nawala sa isipan ko nang matuon ang tingin ko sa isang lalaki. Ang lalaking naghihintay sa akin sa altar.
Si Sir Henri.
Ang lalaking hindi ko inakalang magiging asawa ko.
Napakagwapo niya sa suot niyang puting suit, parang isang prinsipe sa isang fairy tale. Matangkad, makisig, at kahit mula rito ay kitang-kita ko kung paano niya ako tinititigan.
"Dhalia," mahina ngunit puno ng emosyon ang tinig ni Inay nang alalayan niya ako. "Sana ay hindi ka sasaktan ng batang iyon. Pero nakikita kong nasa mabuti kang kamay."
Namuo ang luha sa mga mata ko, pero pinilit kong pigilan. Hindi ko aakalaing ikakasal ako nang ganito kabilis. Hindi ko rin inakala na maririnig ko kay Inay ang ganoong mga salita, na nakikita niyang magiging maayos ako sa piling ni Henri.
Napangiti ako at muling tumingin kay Henri.
At sa sandaling magtagpo ang mga mata namin, parang nawala ang lahat ng kaba ko.
Nang nasa altar na ako, naramdaman kong bahagyang hinigpitan ni Henri ang hawak sa kamay ko.
"Kabado ka ba?" tanong niya.
Hindi ako sumagot.
Ang totoo, hindi ko alam ang sagot.
Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman sa kasal na ito.
Pero sa paraan ng paghawak niya sa akin—mahigpit ngunit maingat, parang gusto niyang ipaalala na narito lang siya—hindi ko maiwasang mapalagay.
Sinimulan na ng pari ang seremonya, at mabilis na lumipas ang oras. Hindi ko na namalayan ang karamihan sa mga sinasabi niya—parang lumulutang ako sa panaginip na hindi ko alam kung gusto kong magising o hindi. Basta’t tahimik akong nakinig at sumagot kung kinakailangan.
Hanggang sa umabot kami sa pinakamahalagang bahagi.
Tiningnan kami ng pari, saka nagtanong kay Henri.
“Henri Yanno Garciaz, tinatanggap mo ba si Dhalia Augustine Madrigal bilang iyong tunay at lehitimong asawa? Ipinapangako mo bang mamahalin, igagalang, at ipaglalaban siya, sa hirap at ginhawa, sa sakit at kalusugan, habang kayo'y nabubuhay?"
Napatigil ang mundo ko.
Ang tanong na iyon… Hindi ba dapat kasali sa kasunduan namin na walang emosyon?
Pero nang bumaling ako kay Henri, halos hindi ako makahinga.
Walang pag-aalinlangan sa mata niya, walang bakas ng alinman kundi isang matatag at matigas na desisyon.
Napakaseryoso ng anyo niya nang dahan-dahan siyang tumango.
"Oo. Tinatanggap ko."
Parang may kung anong bumagsak sa dibdib ko.
Lalo na nang mapadako sa akin ang tingin ng pari.
"Dhalia Augustine Madrigal, tinatanggap mo ba si Henri Yanno Garciaz bilang iyong tunay at lehitimong asawa? Ipinapangako mo bang mamahalin, igagalang, at ipaglalaban siya, sa hirap at ginhawa, sa sakit at kalusugan, habang kayo'y nabubuhay?"
Napalunok ako.
Ano bang dapat kong isagot?
Pero nang bumalik ang tingin ko kay Henri, biglang lumambot ang ekspresyon niya. May kakaibang init sa mata niyang para bang sinasabing nandito lang ako.
At hindi ko alam kung bakit, pero kahit sa isang kasal na batay lamang sa kasunduan…
Narinig ko ang sariling tinig, mahina ngunit matatag.
"Oo. Tinatanggap ko."
At sa huli, nang sabihin ng pari ang mga huling salita—
’You may now kiss the bride.’
Biglang nanigas ang katawan ko.
T-teka lang.
Hindi ako handa rito!
Pero bago pa ako makapagprotesta, hinawakan na ni Henri ang kamay ko at marahang hinaplos ang pisngi ko.
"Dhalia," bulong niya, at bago ko pa maintindihan ang sumunod na nangyari—
Naramdaman ko na lang ang labi niya sa akin.
Malambot. Mainit. At higit sa lahat, may kakaibang init na dumaloy sa katawan ko.
Nanlaki ang mga mata ko, pero hindi ko rin nagawang umatras.
Hindi ko alam kung ilang segundo kaming ganoon. Pero sa sandaling bumitaw siya, parang may nawala sa akin.
Hindi ko alam kung paano ako titingin sa kanya pagkatapos nito.
Hindi ko rin alam kung paano ako hihinga ng maayos.
Pero isa lang ang sigurado ko….
Ito ang unang halik ko.
DHALIA's POVNormal lang naman siguro ang magtampo, ‘di ba?Simula kahapon ay hindi ko na pinansin si Henri. Alam kong hindi makatuwiran ang dahilan ko—na dala lang ng selos at mga negatibong iniisip—pero hindi ko mapigilan ang nararamdaman ko. Naiinis ako. Mas nagagalit ako sa sarili ko dahil hindi ko naman dapat maramdaman ito, pero hindi ko mapigilan.Natapos ko ang buong araw na hindi siya kinibo. Alam kong napansin niya ito, pero hindi niya ako pinilit magsalita. Pinili niyang bigyan ako ng espasyo, na sa isang banda ay nagpapasalamat ako, pero sa kabilang banda ay lalong nakadagdag sa inis ko. Hindi niya man lang ba susubukang suyuin ako?Sa halip na manatili sa condo, umuwi ako sa bahay namin ni Nanay. “Nay,” mahina kong tawag nang makita siyang abala sa kusina.Lumabas siya mula sa pagluluto, at agad na kumislap ang kanyang mga mata nang makita ako. “Anak, Diyos ko, bakit ngayon ka lang?” “Naku, Nay, wala pang isang linggo simula nang umuwi ako galing Bali, ang OA mo naman,”
DHALIA's POVNaiilang kong sinusubo ang kanin at adobo sa harap ko. Sino ba naman ang hindi maiilang kung may isang lalaking perpekto sa paningin ng lahat ang walang sawang nakatitig sa bawat galaw mo? At hindi lang basta lalaki—si Henri Garciaz, ang supladpng CEO na nagkataong asawa ko.Samahan mo pa ng iilang tukso mula sa mga kasama kong walang pakundangang nanunukat ng bawat reaksyon ko.“Uyyy, nagpapa-cute kumain ang kaibigan namin,” tukso ni Rea, sabay nguso sa katabi kong tila wala nang ibang iniisip kundi ang pagmasdan ako.Ramdam ko ang init sa pisngi ko habang tinutukso nila. Tumikhim ako, hindi magpapatalo, at unti-unting humilig kay Henri. Lalong lumakas ang kilig sa paligid, pero hindi ako nagpadaig. Pagkadikit ko sa kanya, agad akong bumulong.“Henri, tigilan mo ang pagtitig sa akin. Nakakailang.”Pero hindi ko inaasahan ang sagot niya. Sa halip na umiwas, mas lalo pa siyang lumapit.“I can't help it. Parang minamagnet ata ako sa mahika ng pagkatao mo, asawa ko,” bulong n
DHALIA’s POV Nakahinga ako nang maluwag nang makalabas sa opisina ni Henri. Jusko, kung ganito ba naman siya araw-araw, baka mahimatay ako. Napaka-flirt. Para bang ang goal niya sa araw-araw ay paasahin ako at wasakin ang natitirang katinuan ko. Naglalakad ako patungo sa cafeteria nang biglang sumulpot si Rea kasama ang mga ka-team niya sa HR, sina Jane at Hannah. “Hoy, Mrs. Garciaz, anong ginagawa mo rito?" bungad ni Rea, may kasama pang nanunuksong tingin. Kahit kating-kati akong pilosopohin siya, pinili kong ngumiti. “Nagutom kasi ako, Rea," sagot ko nang mahina. “Ay, bet! Feel ko talaga, buntis ka!" Napalingon si Rea kina Jane at Hannah. “’Di ba, girls? Tingnan niyo, sobrang blooming ng bagong nadiligan!" Halos mas malala pa ata ang bibig nito kaysa kay Henri. Napatawa ako nang mapakla. “Ikaw talaga, Rea. Parang hindi naman ah, stress nga ako, eh," sabi ko, kahit ang totoo ay hindi ko rin maintindihan kung bakit parang ang ganda ng aura ko ngayon. Pero agad nama
HENRI’s POVDamn. Hindi talaga ako nakapagpigil at nagseselos na naman ako. Nanganganib na talaga ako. Sobrang nabihag ako ni Dhalia. Pagkatapos ng kabaliwang ginawa ko sa kanya kanina ay pinanood ko lang siyang abalang inaayos ang schedule ko. Kunot pa ang noo niya habang nagta-type sa laptop. Alam kong hindi niya nagustuhan ang ideyang kunin si Irina bilang modelo sa bagong clothing design ng kumpanya. Pero wala akong magawa. Sa totoo lang, plano ito ng ama ko. At ayaw ko na siyang kontrahin. Hindi naman maikakaila na nangunguna si Irina sa larangan ng modeling. “May meeting ka pala bukas kasama ang marketing team at si Irina?" maya't maya’y tanong ni Dhalia, halatang inis. Napangiti ako sa napansin. Amoy selos. Hindi lang sinasabi. Nagkibit ako ng balikat. “Yes, baby, kailangan. Next week na ang pag-launch ng bagong design natin." Calling her baby is such a tease. Alam kong naiilang siya pero halatang gustong-gusto niya ang tawag na ‘baby.’ Napanguso siya at hindi
DHALIA’s POV “He…Henri,” daing ko nang bigla niya akong hatakin at ipaupo sa kandungan niya. Napakapit ako sa kanyang balikat, ramdam ang init ng katawan niya sa akin. Kakaalis pa lang ni Ralph sa opisina, ngunit parang gusto ni Henri na burahin ang presensya nito sa pamamagitan ng bawat galaw niya. Hinila niya ako papalapit, ipinaikot ang mga daliri sa buhok ko, at marahan akong inangkin ng kanyang yakap. Masuyong hinagod ng labi niya ang gilid ng aking leeg, at hindi ko napigilang makiliti. "Henri…anong gagawin mo?" pilit kong iniiwas ang katawan ko, ngunit mas lalong lumakas ang kapit niya. “Dhalia… baby… hmmmm… nagseselos ako,” mahina at nakakakilabot niyang bulong sa tainga ko, kasabay ng pagdampi ng maiinit niyang halik sa aking balat. Ramdam ko ang kaba, ngunit higit doon, ang matinding kiliti na gumapang sa buo kong katawan. Ganito pala ang pakiramdam ng isang lalaking baliw na baliw sa ‘yo? Ramdam ko ang pag-angkin niya, ang pag-aari, at ang pagnanasa. “Baliw
DHALIA’s POV Naiilang man, ay b****o rin ako kay Ralph. “K-Kumusta ka, Ralph?” magalang kong tanong, pilit na hindi pinapansin ang titig niyang parang may ibang ibig sabihin. Napansin ko naman sa gilid ang umiirap na si Irina, halatang naiinis sa muling pagkikita namin ni Ralph. Ngumiti si Ralph at kasabay no’n ang pag-upo sa sofa, relaks na relaks habang nakatingin sa ‘kin. “Okay lang ako, Dhalia, pero ngayon ay sobrang okay dahil nakita ulit kita.” Kung kalmado ang pagbigkas niya sa mga salitang iyon, ay siya namang kaba ang dulot nito sa ‘kin. Hindi ko maisip kung bakit niya kailangang sabihin ‘yon, gayong alam naman niyang may asawa na ako—at kaibigan pa niya si Henri. Napa-iling ako nang bahagya, sabay tikhim. “Mabuti kung gano’n, Ralph.” Napatawa naman si Irina, tawang may halong panunuya. “Ohhhhh, saucy. Alam kaya ‘to ng EX ko?” malakas ang pagkakabigkas niya sa salitang “ex,” halatang gustong mang-asar. Narinig ko ang mahinang tawa ni Ralph bago ito bumaling