แชร์

Chapter 005

ผู้เขียน: Melodia
last update ปรับปรุงล่าสุด: 2025-03-10 14:13:35

Dahlia’s POV

Tahimik akong naglalakad sa hallway ng kumpanya matapos ipasa kay Sir Henri ang ilang mahahalagang dokumento. Sinubukan kong huwag pansinin ang mga mapanuring tingin ng ibang empleyado, pero hindi ko maiwasang maramdaman ang kakaibang atmosphere sa paligid.  

Hindi ko alam kung nagkataon lang, pero parang mas naging mausisa ang mga tao sa akin nitong mga nakaraang araw. May ilang nagbubulungan sa gilid, at may mga matang palaging sumusunod sa bawat kilos ko.  

Hindi ko alam kung bakit. Wala namang ipinahayag si Sir Henri tungkol sa amin.  

Agad namang bumalik sa isipan ko ang nangyari nakaraang gabi. Hindi ko aakalaing pati si Inay ay madadamay sa plano namin—bagay na alam kong hindi maiiwasan.  

Pero sa kabila ng lahat, masaya ako.  

Kahit pa isa lang itong kontrata, may dugong Pinoy pa rin si Sir Henri. Hiningi pa rin niya ang basbas ni Inay.  Napagalitan pa nga ako, pero ang mahalaga… pumayag siya.

Mabilis kong iwinaksi ang iniisip ko at nagpatuloy sa paglalakad. Ngunit bago pa ako makalayo, isang pamilyar na pigura ang biglang humarang sa daraanan ko.  

Si Irina Lim.

Matangkad, elegante, at perpektong nakasuot ng corporate dress na bumabagay sa kanya. Ang mala-diyosa niyang itsura ay parang sinadyang ipamukha sa akin ang malaking pagkakaiba namin.  

Agad akong nagdahan-dahan sa paggalaw, pero hindi ko naitago ang bahagyang pag-aalalang lumandas sa mukha ko.  

“Hindi ko akalaing makikita kitang naglalakad nang ganito lang, parang ordinaryong empleyado,” malamig niyang sabi, sabay ngiting hindi aabot sa kanyang mga mata. “Nakasanayan kong ang babaeng malapit kay Yanno ay laging espesyal.”  

Huminga ako nang malalim at sinubukang dumaan sa gilid niya, pero agad niyang hinarangan ang daan gamit ang braso niya. 

"Hindi ko alam kung dapat kitang kaawaan o pagtawanan," aniya, may bahid ng pang-iinsulto sa tono niya. "Ang isang katulad mong simpleng babae, isang hamak na sekretarya lang, ay nasa tabi ngayon ng isang Henri Yanno Garciaz? Hindi ba katawa-tawa ‘yon?"  

Napatingin ako sa kanya at pilit pinakalma ang sarili ko. "Ano ba talaga ang gusto mong sabihin, Miss Lim?"  

Nakita ko ang bahagyang pagngangalit ng kanyang panga bago ito agad napalitan ng pilit na ngiti.  

"Dhalia," aniya, kunwari kalmado. "Alam mo bang nilalaro ka lang ni Yanno? Sa tingin mo ba, seryoso siya sa’yo? Ginagamit ka lang niya para takasan ang arranged marriage namin. Pero kung gusto mo, puwede kitang tulungan. Aangkinin kong mulii Yanno."  

Kumulo ang dugo ko sa sinabi niya. Alam kong dati silang magkasintahan, pero bakit parang hindi niya matanggap na tapos na iyon?  

Tumawa ako nang bahagya at tinapunan siya ng malamig na tingin. "Kung gusto mong makuha siya ulit, bakit hindi mo subukang lumapit sa kanya ngayon at tanungin kung gusto ka pa niya?"  

Nakita ko ang bahagyang pagkagulat sa kanyang mukha bago ito agad napalitan ng matalim na tingin.  

"Napaka-kapal ng mukha mo," bulong niya, at bago ko pa namalayan, bigla niyang sinadyaang masagi ang braso ko nang malakas. Halos mawalan ako ng balanse, pero agad akong nakaapak nang maayos.  

“Ano bang problema mo?” inis kong tanong.  

"Ano? Hindi ka marunong makisama sa mga taong alam mong hindi mo ka-level?" patuloy niyang pang-iinsulto. "Siguro dapat mong malaman kung saan ka dapat lumugar, Dhalia. Hindi ka bagay kay Yanno."  

Alam kong dapat hindi ko na siya pinatulan, pero hindi ko kayang palampasin ang pangmamaliit niya.  

"Bakit? Dahil lang ba hindi ako katulad mo? Dahil hindi ako lumaki sa yaman at hindi ako kasing perpekto mo?"  

Nakita ko ang pagtaas ng kilay niya, at bago pa siya makasagot, isang pamilyar na boses ang pumuno sa buong hallway.  

"Ano'ng nangyayari rito?"  

Napalingon kaming dalawa, at doon ko siya nakita.  

Si Sir Henri.  

Nakatayo siya roon, nakasuot ng mamahaling suit, ang presensya niyang puno ng awtoridad at hindi matitinag. Ang matalim niyang tingin ay nakatutok kay Irina, halatang narinig ang ilang bahagi ng pag-uusap namin.  

Parang bumagal ang oras nang lumapit siya sa amin. At bago pa ako makagalaw, marahan niyang hinawakan ang kamay ko.  

Narinig ko ang ilang paghugot ng hininga sa paligid. Hindi ko rin alam kung bakit, pero pakiramdam ko, lahat ng tao sa hallway ay nakasaksi sa eksenang ito.  

“Yanno,” tawag ni Irina, pilit ang mahinahong tono. "Nagpapaliwanag lang ako kay Dhalia. Gusto ko lang siyang tulungan—"  

"Hindi mo na kailangang makialam, Irina," malamig niyang sagot. "At sana, huwag mo nang babastusin ang fiancée ko."  

Nakita ko kung paano nanlaki ang mga mata ni Irina sa sinabi ni Sir Henri. At ngayon ko lang napansin kung paano rin nakatuon ang buong atensyon ng mga empleyado sa amin.  

"Fiancée?" halos sabay-sabay na bulong ng mga naroroon, tila hindi makapaniwala sa narinig.  

"Seryoso ka ba talaga, Henri?" tanong ni Irina, may halong pag-aalinlangan at bahagyang pagngangalit ng panga.  

Tumango si Sir Henri bago lumingon sa mga empleyadong tahimik na nakatingin sa amin. Doon ko lang lubos na napagtanto kung gaano kadaming mata ang nakatutok sa amin. Lahat ay tila nag-aabang sa susunod na mangyayari.  

At sa isang iglap, bigla akong kinabahan.  

Si Sir Henri ay hindi lang basta lumingon sa mga tao. 

Magsasalita siya.

At hindi nga ako nagkamali.  

Sa harap ng lahat, sa mismong hallway ng kumpanya, inanunsyo niya ang tungkol sa kasal namin. 

"Simula ngayon, gusto kong malaman ng lahat na ako at si Dhalia ay magpapakasal." Itinaas niya ang kamay ko, para bang sinisiguradong walang makaka-question sa sinabi niya. "At umaasa akong irerespeto ninyo ang desisyong iyon."  

Nagkaroon ng sandaling katahimikan. Alam kong marami ang nagulat, marami rin ang naiinggit, at higit sa lahat, si Irina ay mukhang hindi makapaniwala sa sinabi ni Sir Henri.  

Nakita ko ang bahagyang panginginig ng kanyang mga kamay.  

At sa unang pagkakataon, hindi ako naging talunan. 

อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป

บทล่าสุด

  • BE MY WIFE   Chapter 031

    DHALIA's POVNormal lang naman siguro ang magtampo, ‘di ba?Simula kahapon ay hindi ko na pinansin si Henri. Alam kong hindi makatuwiran ang dahilan ko—na dala lang ng selos at mga negatibong iniisip—pero hindi ko mapigilan ang nararamdaman ko. Naiinis ako. Mas nagagalit ako sa sarili ko dahil hindi ko naman dapat maramdaman ito, pero hindi ko mapigilan.Natapos ko ang buong araw na hindi siya kinibo. Alam kong napansin niya ito, pero hindi niya ako pinilit magsalita. Pinili niyang bigyan ako ng espasyo, na sa isang banda ay nagpapasalamat ako, pero sa kabilang banda ay lalong nakadagdag sa inis ko. Hindi niya man lang ba susubukang suyuin ako?Sa halip na manatili sa condo, umuwi ako sa bahay namin ni Nanay. “Nay,” mahina kong tawag nang makita siyang abala sa kusina.Lumabas siya mula sa pagluluto, at agad na kumislap ang kanyang mga mata nang makita ako. “Anak, Diyos ko, bakit ngayon ka lang?” “Naku, Nay, wala pang isang linggo simula nang umuwi ako galing Bali, ang OA mo naman,”

  • BE MY WIFE   Chapter 030

    DHALIA's POVNaiilang kong sinusubo ang kanin at adobo sa harap ko. Sino ba naman ang hindi maiilang kung may isang lalaking perpekto sa paningin ng lahat ang walang sawang nakatitig sa bawat galaw mo? At hindi lang basta lalaki—si Henri Garciaz, ang supladpng CEO na nagkataong asawa ko.Samahan mo pa ng iilang tukso mula sa mga kasama kong walang pakundangang nanunukat ng bawat reaksyon ko.“Uyyy, nagpapa-cute kumain ang kaibigan namin,” tukso ni Rea, sabay nguso sa katabi kong tila wala nang ibang iniisip kundi ang pagmasdan ako.Ramdam ko ang init sa pisngi ko habang tinutukso nila. Tumikhim ako, hindi magpapatalo, at unti-unting humilig kay Henri. Lalong lumakas ang kilig sa paligid, pero hindi ako nagpadaig. Pagkadikit ko sa kanya, agad akong bumulong.“Henri, tigilan mo ang pagtitig sa akin. Nakakailang.”Pero hindi ko inaasahan ang sagot niya. Sa halip na umiwas, mas lalo pa siyang lumapit.“I can't help it. Parang minamagnet ata ako sa mahika ng pagkatao mo, asawa ko,” bulong n

  • BE MY WIFE   Chapter 029

    DHALIA’s POV Nakahinga ako nang maluwag nang makalabas sa opisina ni Henri. Jusko, kung ganito ba naman siya araw-araw, baka mahimatay ako. Napaka-flirt. Para bang ang goal niya sa araw-araw ay paasahin ako at wasakin ang natitirang katinuan ko. Naglalakad ako patungo sa cafeteria nang biglang sumulpot si Rea kasama ang mga ka-team niya sa HR, sina Jane at Hannah. “Hoy, Mrs. Garciaz, anong ginagawa mo rito?" bungad ni Rea, may kasama pang nanunuksong tingin. Kahit kating-kati akong pilosopohin siya, pinili kong ngumiti. “Nagutom kasi ako, Rea," sagot ko nang mahina. “Ay, bet! Feel ko talaga, buntis ka!" Napalingon si Rea kina Jane at Hannah. “’Di ba, girls? Tingnan niyo, sobrang blooming ng bagong nadiligan!" Halos mas malala pa ata ang bibig nito kaysa kay Henri. Napatawa ako nang mapakla. “Ikaw talaga, Rea. Parang hindi naman ah, stress nga ako, eh," sabi ko, kahit ang totoo ay hindi ko rin maintindihan kung bakit parang ang ganda ng aura ko ngayon. Pero agad nama

  • BE MY WIFE   Chapter 028

    HENRI’s POVDamn. Hindi talaga ako nakapagpigil at nagseselos na naman ako. Nanganganib na talaga ako. Sobrang nabihag ako ni Dhalia. Pagkatapos ng kabaliwang ginawa ko sa kanya kanina ay pinanood ko lang siyang abalang inaayos ang schedule ko. Kunot pa ang noo niya habang nagta-type sa laptop. Alam kong hindi niya nagustuhan ang ideyang kunin si Irina bilang modelo sa bagong clothing design ng kumpanya. Pero wala akong magawa. Sa totoo lang, plano ito ng ama ko. At ayaw ko na siyang kontrahin. Hindi naman maikakaila na nangunguna si Irina sa larangan ng modeling. “May meeting ka pala bukas kasama ang marketing team at si Irina?" maya't maya’y tanong ni Dhalia, halatang inis. Napangiti ako sa napansin. Amoy selos. Hindi lang sinasabi. Nagkibit ako ng balikat. “Yes, baby, kailangan. Next week na ang pag-launch ng bagong design natin." Calling her baby is such a tease. Alam kong naiilang siya pero halatang gustong-gusto niya ang tawag na ‘baby.’ Napanguso siya at hindi

  • BE MY WIFE   Chapter 027

    DHALIA’s POV “He…Henri,” daing ko nang bigla niya akong hatakin at ipaupo sa kandungan niya. Napakapit ako sa kanyang balikat, ramdam ang init ng katawan niya sa akin. Kakaalis pa lang ni Ralph sa opisina, ngunit parang gusto ni Henri na burahin ang presensya nito sa pamamagitan ng bawat galaw niya. Hinila niya ako papalapit, ipinaikot ang mga daliri sa buhok ko, at marahan akong inangkin ng kanyang yakap. Masuyong hinagod ng labi niya ang gilid ng aking leeg, at hindi ko napigilang makiliti. "Henri…anong gagawin mo?" pilit kong iniiwas ang katawan ko, ngunit mas lalong lumakas ang kapit niya. “Dhalia… baby… hmmmm… nagseselos ako,” mahina at nakakakilabot niyang bulong sa tainga ko, kasabay ng pagdampi ng maiinit niyang halik sa aking balat. Ramdam ko ang kaba, ngunit higit doon, ang matinding kiliti na gumapang sa buo kong katawan. Ganito pala ang pakiramdam ng isang lalaking baliw na baliw sa ‘yo? Ramdam ko ang pag-angkin niya, ang pag-aari, at ang pagnanasa. “Baliw

  • BE MY WIFE   Chapter 026

    DHALIA’s POV Naiilang man, ay b****o rin ako kay Ralph. “K-Kumusta ka, Ralph?” magalang kong tanong, pilit na hindi pinapansin ang titig niyang parang may ibang ibig sabihin. Napansin ko naman sa gilid ang umiirap na si Irina, halatang naiinis sa muling pagkikita namin ni Ralph. Ngumiti si Ralph at kasabay no’n ang pag-upo sa sofa, relaks na relaks habang nakatingin sa ‘kin. “Okay lang ako, Dhalia, pero ngayon ay sobrang okay dahil nakita ulit kita.” Kung kalmado ang pagbigkas niya sa mga salitang iyon, ay siya namang kaba ang dulot nito sa ‘kin. Hindi ko maisip kung bakit niya kailangang sabihin ‘yon, gayong alam naman niyang may asawa na ako—at kaibigan pa niya si Henri. Napa-iling ako nang bahagya, sabay tikhim. “Mabuti kung gano’n, Ralph.” Napatawa naman si Irina, tawang may halong panunuya. “Ohhhhh, saucy. Alam kaya ‘to ng EX ko?” malakas ang pagkakabigkas niya sa salitang “ex,” halatang gustong mang-asar. Narinig ko ang mahinang tawa ni Ralph bago ito bumaling

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status