Isang linggo na rin simula ng ma-confine ang anak nila ni Khrystal sa ospital. Sa tuwing manggagaling siya sa kompanya upang sumilip doon ay dumidiretso na agad siya sa ospital upang dalawin ang kanyang anak. Dahil kulang ‘to sa buwan ay kailangang ma-incubator siya sa loob ng isang buwan o kung hanggang saan nito kailangan. Mabuti na lang ay naka-discharged na rin si Khrystal at ‘to ang malimit na nagbabantay sa anak nila pati si Nurse Monica dahil siya ang nag-aasikaso sa mga papeles ng daddy ni Khrystal.
Habang nasa bahay ako at nag-aasikaso sa mga bisitang dumadating ay di niya mapigilang balikan ang mga nangyari noong nakaraang linggo.
May sumalubong agad sa kanila na mga nurse pagdating nila sa ospital. Ang unang lumabas na lalaking nurse na may dalang stretcher ay inakay agad si Khrystal para isakay at ipasok sa labor room. Ang kamang may gulong naman ay agad doong inihiga ng dalawang nurse na lalaki ang
LINGGO, ito ang araw kung kailan ilalagak ang abo ng daddy ni Khrystal sa loob ng bahay nila kung saan nakahimlay din ang abo ng mommy nito.Habang ang magulang muna ni John ang nagbabantay sa anak nilang si Janice sa ospital dahil hindi ‘to puwedeng maiwan na walang bantay at gusto ng kanyang asawa na ipagluksa ang pagkawala ng kanyang ama. Nakatingin lang siya sa kanyang asawa habang nakaluhod na hinahaplos ang salamin sa kabinet kung nasaan ang vase na pinaglalagyan ng abo ng magulang nito.“Tama na ‘yang pag-iyak mo Khrystal! Makakasama ‘yan sa ‘yo dahil baka mabinat ka,” nagpapaalalang sabi niya sa asawa habang nakahawak sa balikat nito.Tumingin muna si Khrystal nang matalim sa kanya bago nagsalita. Puno ng hinanakit ang kanyang mata habang nakatingin at may masaganang luha na umaagos sa kanyang mukha.“NO! Hi-Hindi mo pa kasi nararamdaman ‘yong g
Katatapos lang ng meeting ni John sa Marketing Department. Mabuti na lang noong mahigit isang linggo siyang nawala sa kompanya ay naging maayos ang pagpapatakbo ng kanyang kapatid na si Sage. Kaya matapos niyang sabihin sa mga employee niya ang tungkol sa gagawin nila ngayong buwan ng Hunyo ay nakangiti na siyang lumabas. Nasasabik na kasi siyang umuwi sa bahay nila dahil makakalabas na rin ang baby nila ni Khrystal sa ospital.“Sir John, napapansin ko po simula noong mag-asawa kayo at magkaanak ay marunong na kayong ngumiti,” natutuwang sabi ni Ms. Rona na kailan lang niya naging sekretarya dahil sa walang nakakatagal sa kanya dahil sa pabago-bago ng kanyang ugali.“May kinalaman ba ‘yan sa trabaho mong pinasok dito?” seryosong tanong niya na nagpawala ng ngiti nito.“Ahhh…Ehhh…” tanging nasabi ni Rona sabay kamot ng kanyang ulo. “Wala po sir, pas
“Will you still love me if I tell you something you didn’t know about me?” tanong niya habang nakatingin sa asawa. Mukha namang naguluhan si Khrystal sa mga pinagsasabi niya. “You know what, I’m a monster. Kaya nga sa tuwing tinatawag mo akong Beast ay hinahayaan lang kita dahil alam kong bagay lang sa akin ‘yon.”Nakita niyang ibinigay muna ni Khrystal ang anak nila kay Nurse Monica para ihiga sa katabing kuwarto nilang mag-asawa. Pagkatapos ay lumapit ang kanyang asawa sa kanya at hinila siya papunta sa kanilang kuwarto.“No, you’re not a monster. Oo, noong una halimaw ang tingin ko sa ‘yo. Pero unti-unting nabago ang tingin ko sa iyo simula noong ipinaramdam mo sa akin na puwede ka pa lang magbago,” seryosong sabi ni Khrystal habang nakahawak sa kanyang mukha at diretsong nakatingin sa kanyang mga mata.Dahil sa pagkailang ay hinawi ko ang mga kamay niy
KATATAPOS lang kahapon ng ika-40 days’ ng Daddy Drixx niya. Dahil doon ay nagpatawag sila ng pari at naghanda ng ilang putahe na paborito nitong kainin noong nabubuhay pa ito. Tanda ng pag-ala-ala sa ama ni Khrystal.Wala namang ibang dumalong bisita bukod sa pamilya niya at ibang mga matatagal ng nagtatrabaho sa kompanya pati ang malalapit na kaibigan ng daddy ni Khrystal. Kaya hindi na nag-abala pang maghanda ng marami ang mga kasambahay nila.Alam niya kahit hindi sabihin ni Khrystal ang kanyang nararamdaman ay nalulungkot pa rin tio sa pagkamatay ng kanyang ama. Talaga ngang mapagbiro ang tadhana dahil hindi nila akalaing kukunin agad ng Diyos ang daddy niya sa hindi nila inaasahang pangyayari.Ang inakala nilang sakit na papatay sa kanya noong una ay babala lang pala. Dahil may mas malala pa palang puwedeng mangyari para kunin angmahal mo sa buhay. Alam niyang masaya naman ang dadd
Simula ng dumating si Marianne mula sa ibang bansa ay nagpasya siyang tumira sa pinsan niyang si Alec. Dahil malaki ang posibilidad na makita niya si John dahil nalaman niyang matalik na kaibigan nito noon si Khrystal at malapit ang bahay nito sa tinitirhan ng ex-live in partner niya. Hindi nito alam ang tungkol sa binabalak niyang pag-angkin muli kay John kaya malayang niyang nakikita ito mula sa bintana ng kanyang tinutuluyan. Pinili niya ang kuwarto kung saan makikita niya kung saan naglalabas-masok ang lalaki tuwing pumapasok at umuuwi ito galing sa trabaho.“Ate Marianne, napapansin ko lagi kang nakasilip diyan sa bintana? May hindi ka ba sinasabi sa akin?” nanunuring tanong ni Alec sa kanyang pinsan. Umpisa pa lang kasi ay napapansin niya na sa kanyang pinsang si Marianne na laging may kakaiba sa ikinikilos nito.“Naku naman Alec! Pinaghihinalaan mo ba ang pinsan mong maganda?” natatawang sagot ni Marianne
“Good morning, my sweet lips,” nakangiting sabi ni John habang inaayos ang kuwelyo ng kanyang polong suot.“Good morning, Beast. Ba’t ang aga-aga bihis na bihis ka?” nagtatakang sabi ni Khrystal sabay ayos ng upo sa higaan habang kinukuskos ang kanyang mata.“Khrystal, you know what your voice sounds like rocks scraping across sand paper,” birong sabi ni John pagkatapos ay tumawa na animo’y nang-aasar kaya binato siya ng asawa ng unan na malapit sa kanya. “Kailangan ko kasing makipagkita sa isa sa kliyente ko. Baka gabihin na ako sa pag-uwi mamaya kaya magpahinga ka na agad nang maaga at huwag mo na akong hintayin.”Nakatanaw lang sa kanya si Khrystal habang sinusuklay ang buhok niya pagkatapos ay nagsuot na siya ng medyas.“Basta mag-text ka para alam ko kung anong nangyayari sa ‘yo ha? Kapag hindi ka nag-text sa labas ka matutu
Kinagabihan ay dumiretso na agad siya sa kuwarto pagkatapos niyang patulugin si Janice. Tumingin siya sa orasan na nasa dinding at nakita niyang alas-diyes na ng gabi.“Bakit kaya wala pa si Beast? Tapos hindi pa siya nag-text sa akin. Lagot talaga siya sa akin mamaya kapag pumasok siya rito sa kuwarto namin,” nakasimangot na sabi niya pagkatapos ay pinatay ang ilaw sa kuwarto.Pagkatapos ay binuksan niya ang lampshade na malapit sa kama. Hindi mapakaling humiga siya roon habang nakatingin lang sa kisame at hinihintay na dumating ang magaling niyang asawa. Mayamaya ay nakarinig siya ng tunog ng sasakyang dumating kaya agad siyang tumayo at sumilip sa bintana.Nakita niyang bumaba si Beast sa BMW niyang kotse dala ang kanyang attache case. Pansin niyang tumin
Hindi mapigilan ni John ang mag-isip habang naglalakad papasok sa pinto ng kanilang bahay. Pumasok siya at umuwi na walang ibang iniiisip kung di ang nangyari kagabi. Pinagsisihan niya na nasaktan niya ang kalooban ng asawa niya at higit sa lahat ay muntik na niya itong saktan. Gano’n siguro kapag lasing nawawala ang kontrol mo sa sarili at sa sasabihin mo. Iyon kasi ang sumunod na beses na nag-inom siya ulit.Mahal na mahal niya ang asawa at anak. Wala siyang ibang gustong gawin kung hindi ang maging masaya ito at ‘wag mawala sa piling niya. Kaya nga ginawa niya ang lahat para lang hindi sila guluhin ni Marianne at huwag sabihin dito ang itinatago niyang sekreto.Maaga niyang tinapos ang mga gawain sa opisina para dumiretso sa Flower Shop at bumili ng isang pumpon ng pulang rosas na ibibigay niya sa kanyang asawa. Alam niya kasing paborito niya ito kaya ‘to ang naisip niyang peace offering sa kanya.