Home / Romance / BEHIND HER MASK: THE WIFE I NEVER KNEW / CHAPTER 1 - ISANG TAON...ISANG BUBONG

Share

CHAPTER 1 - ISANG TAON...ISANG BUBONG

last update Last Updated: 2025-07-29 17:50:08

Christine's Fake Pov

“Ngayong Twenty na si Christine, panahon na upang magsama kayo sa isang bubong.”

“What!?”

Nagulat ako sa aking narinig. Muntik pang malaglag ang bilog na pekeng nunal ko sa pisngi habang inis kong hinawi ang buhok na tumakip sa mukha ko.

Sabay kaming nagsalita ng lalaki sa tabi ko dahilan upang nagkatinginan kami. Ngunit sandali lang ‘yon. Ramdam ko Ang malamig niyang presensya.

Siya si Clyde DelCastrillo—asawa ko sa papel. Pero kung umasta, gustong ipamukha sa akin na huwag akong umasa na mamahalin niya.

Ayon sa impormasyon na nakalap ko, ikinasal daw kami noong isang taon pa lang ako at si Clyde, limang taon. Pero kahit anong tanggi raw niya noon, wala siyang nagawa sa set-up. Dying wish daw kasi ng Daddy niya. Ngayon milagrong gumaling siya sa sakit na iyon. Gayunpaman sinubukan daw muli ni Clyde na ipa-annul ang kasal.

Ngunit tumanggi ang Daddy niya. Bakit? Hindi ko na inusisa. Anyway, high school na ako nang ikuwento sa akin 'yan. Kung nahirapan nga si Clyde na kumbinsihin ang ama, ako pa kaya? So, no choice. Hintayin na lang namin na pwede na kaming legal na maghiwalay pagkatapos ng isang taon.

“Careful, you might fall for me.”

Maagap akong nakabalik sa sarili nang marinig ko ang pang-aasar niya. Matagal na pala akong nakatitig sa kanya nang hindi ko namamalayan.

Inirapan ko siya. Pakiramdam ko napahiya ako kay Tito Clarence at sa parents ko.

Kasalukuyan kaming magkaharap sa Lounge area dito sa bahay namin sa San Francisco. Akala ko kung anong emergency ang nagdala sa pamilya DeCastrillo kung bakit buong pamilya nandito, ‘yun pala, pag-uusapan lang naman ang pag-iisang dibdib namin, este, pag-iisang bubong.

Hindi ako nakumbinsi sa ginawa Kong pag irap kanina kaya sinagot ko siya.

“Excuse me, you’re not my type.” Mataray kong sagot sa kanya. Never akong ma fall in love sa lalaking ang taas ng standard sa sarili.

“Clarence, kailangan pa ba natin ituloy ito? Ang pagsamahin dalawa sa isang bubong?”

Narinig kong tanong ni Tita Ciara—ang Mommy ni Clyde. Bakas ng pag-alala ang kanyang mukha.

Seryoso ang mukha ni Tito Clarence. Tumingin siya sa akin at ganun na rin kay Clyde.

“If they wish to convince me, they’ll have to do more than just claim their marriage didn’t work.”

Kita ko ang pagpipigil ni Clyde na sagutin ang Ama. Ngunit ako, agad na akong tumayo at umangal.

“No! Hindi ako papayag. What if pagsamantalahan ako ng lalaking ‘yan habang magkasama kami sa isang bubong. At pagdating ko ng twenty one, maghihiwalay kami pero hindi na ako virgin!” Namumula ako sa inis. Gusto kong gumawa rin siya ng paraan para hindi matuloy ang ganitong set-up.

“Tsk..Napaka OA. Hindi kita type para galawin ko.”

Napalingon ako sa hambog na lalaki. Kita ko ang pag-ismid niya, para bang nakakahiya akong tignan. Lalo lang madagdagan Ang inis ko sa kanya. Kung ayaw niya sa akin, bakit pa siya pumayag na kontrolin kami ng Daddy niya.

“Sigurado ka bang hindi mo ako type?” tanong ko. Hindi ko alam kung bakit lumabas iyon sa aking bibig. Tila umaasa pa ako na mahalin niya.

“No. I’m taken.” Buo nitong sagot as if hindi na magbabago pa iyon.

“Good. At least malinaw. Nangangarap pa akong ibigay ‘to sa lalaking mahal ko.” Sagot ko pabalik. Ayaw ko rin i-assume niya na umaasa ako sa pagmamahal niya.

Kitang-kita ko ang pagkainis sa kanyang mukha. Para bang tinamaan ang ego niya.

“Hindi nga kita type. Paano naman kita magugustuhan? Napaka-childish mo. I prefer smart and mature women.” Bakas ng iritasyon ang boses niya.

Tumawa ako. Alam ko kung anong ibig niyang sabihin. Hindi ako tanga. Pero kung ‘yan ang tingin niya sa akin, so be it. Napakunot ang noo niya, parang gulong-gulo kung bakit natatawa ako.

“Tito Clarence,” sabay lingon ako sa kanya, “manang pala ang hanap nitong anak n’yo. Dapat hindi ako ang pinakasal n’yo. Sana ‘yung mas matanda sa kanya ng sampung taon.”

Tumawa si Tito Clarence sa kalokohan ko. Ramdam ko kung gaano ako kagusto ni Tito Clarence para sa anak niya. Ngunit si Clyde gusto na akong tirisin, nagtitimpi lang siya. Sa ganitong paraan man lang makaganti ako. Childish pala huh?

“Enough of this nonsense, Dad. I need to go back. I have important meetings to attend to.” Tumayo na si Clyde. Halatang napipikon.

Sayang, gwapo pa naman sana siya. Hinayaan ko noon na tumagal ang kasal namin at baka pag nagkita kami, magbago ang damdamin namin sa isat-isa. Magkaroon ng kahit kaunting spark man lang. Ngunit wala nang pag-asa sa aming dalawa, in the first place siya ang unang nagloko kahit hindi pa kami hiwalay. Nagkamali si Mommy sa pagbuild-up ng kabaitan ni Clyde sa akin. Tingnan mo naman. Ganito niya ako tratuhin. Alin doon sa ugali niya ang mabait?

Kunsabagay bakit naman niya seseryosohin ang kasal namin gayung laro lang ito para sa kanya?

“Tungkol saan naman ang meeting na ‘yan?” Halata ang pagdududa sa mga mata ni Tito Clarence habang nagtatanong.

“Magsisimula na ngayong linggo ang brand Ambassador ng DelCas Airline, Dad. We need to plan the launch of “Rebrand Elegance” Campaign.”

Muntik na akong malaglag sa kinauupuan ko. Ngayon ko lang naalala, ako nga pala ‘yon! Ako ang brand ambassador. Walang nakakaalam. Kahit si Mommy. Nakagat ko ang ibabang labi ko habang lumulubog sa utak ko ang lahat.

“Anak, are you okay?”

Narinig kong tanong ni Mommy. That’s when I realized na nakatulala pala ako habang nakanganga. Binalingan ko si Clyde para lang makasalubong ang malamig na ekspresyon niya habang nakatingin sa akin.

“Isama na natin si Christine sa pagbalik sa Pilipinas. Make her your secretary.” biglang sabi ni Tito Clarence.

“No way!”

“No!”

Sabay pa kaming nag-react ni Clyde. Muntik ko nang matadyakan ang mesa sa gulat. Muli kaming nagkatinginan. Nakita ko ang inis niya sa loob kahit pasulyap lang ang ginawa niya sa akin.

Hindi ko alam kung bakit ayaw niya na magsama kami sa isang bubong. Ako? Simple lang. Mahirap pagsabayin ang dalawang identity ko: Ako si Christine, ang legal wife-slash-secretary, at ako pa rin bilang Crystal na brand ambassador ng DelCas Airline.

Galit na binalingan ni Tito Clarence si Clyde.

“Gusto kong gawin mong secretary si Christine para lalo ka niyang maalagaan kahit sa kumpanya.”

“Dad, you know I already have a secretary,” sabat ni Clyde, halatang ayaw talaga ngunit nanatili pa rin ang respeto sa ama.

“Is she Helena Merced? Hindi ko gusto ang babaeng ‘yon. Change her job. At kung kailangan na ilipat mo siya ng ibang branch gawin mo. Akala mo hindi ko alam ang ginagawa ng babaeng ‘yan sa opisina mo? Lagi ka niyang inaakit.”

“She’s my girlfriend.” Direstsahan na sagot ni Clyde. “May karapatan siyang gawin iyon.”

Alam kong pasimple siyang sumulyap sa akin upang basahin ang magiging reaksyon ko. But then, wala siyang mababasa na anumang emosyon sa akin. Lalo na ngayon na may girlfriend na pala siya mas lalo kong protektahan ang aking puso na ‘wag ma-inlove sa kanya.

“Mylah, okay lang ba na isama na namin si Christine pauwi ng pilipinas?” Tanong ni Tito Clarence kay Mommy. Sa mga mata niya nandoon ang pag-asa na sumang-ayon ang aking ina.

Ngumiti si Mommy ngunit may pag-alala na tumingin sa akin. Hindi pa man ako makasagot nang muling magsalita si Clyde.

“Huwag kang sumama kung ayaw mo. Useless din naman pagsasama natin. Hindi natin kayang mahalin ang isa’t-isa. May girlfriend na ako.”

“Clyde!” Saway ni Tito Clarence sa pagiging bulgar ng salita ni Clyde.

Actually wala pa akong balak na sumama. Ngunit dahil hindi ko gusto ang tono ng pananalita niya, nag-iba ang desisyon ko.

“Sure, Tito, sasama ako ngayon.” Nakangiti kong sagot. Bahala na. Langgam lang sa akin ang Isang taon na sakripisyo kasama ang lalaking ‘to.

Nakita ko kung paano umusok ang magkadikit na kilay ni Clyde. Ngunit wala akong pakialam. Alam ba niyang pinarusahan ko ang sarili kong maging pangit para lang walang magkagusto sa akin dahil lang ayaw ni Mommy na may manligaw at baka mainlove ako sa iba? Di hamak na pambubully ang inabot ko para lang matawag na loyal wife. Tapos ang lalaking ito, proud pa sa sarili na ipakilala ang girlfriend niyang si Helena Merced.

Ang babaeng ‘yun. Di ko alam hinabol palang makapasok sa DelCas Group. Hindi nga niya nakuha ang trono ng pagiging brand ambassador ngunit nakuha naman niya ang puso ni Clyde. Nakakabwisit siya.

Teka, bakit ba ako naiinis? Bahala sila kahit magkandungan pa sila wala akong pakialam. Ngunit sa kabila ng inis ko may bahagi ng aking isipan na gusto kong subukan maging secretary ni Clyde. Hindi para akitin ang asawa ko kundi para lalong inisin si Helena. Hindi pa ako nakabawi sa babaeng ‘yun at ngayon naman kay Clyde.

“I’m heading out.”

Nagbuga ng malalim na hangin si tito Clarence habang nakatingin sa papalayong likuran ni Clyde. Tuluyan na pala siyang lumabas ng bahay.

“Ahmm, Tito Clarence, pwedeng respetuhin na lang natin ang desiyon ni Clyde? Isa pa ayaw ko rin manghimasok sa buhay niya. May girlfriend na siya at ayaw ko naman mag-away sila dahil sa akin.” Paliwanag ko kay Tito Clarence. Sinubukan ko kung seryoso ba ito sa desisyon na isama ako pauwi.

“Yan nga ang gusto ko iha. Kung totoong girfriend na niya ang Helena Merced na iyon, much more na ilagay kita sa posisyon bilang sekretarya ng anak ko. Gusto kong ikaw lang ang tanging babae na nakabuntot sa kanya. Pumayag ka na kanina, hindi ba? Sige na, mag-impake ka na..”

Napangiwi ako sa naging response ni Tito sa akin.

My God’ ano ba itong pinasok ko? Pumayag akong maging brand ambassador noon dahil akala ko lilipad-lipad lang ako sa kalawakan.

Hindi ko inakala na lilipad ako sa kawalan.

Mula sa langit ng DelCas Airline, diretso akong babagsak sa impyerno ng opisina… kasama ang lalaking may girlfriend, kahit ako ang asawa.

**

Tandaan mo, panandalian lang ang kilig na nararamdaman mo, ngunit hindi tatagal 'yan."

Narinig kong sabi ng bahagi ng utak ko. "ISang taon lang ang pagsasama namin ni Clyde kaya hindi dapat mahulog ang loob ko sa kanya."

—------

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (7)
goodnovel comment avatar
Jimwell
CNONG UNG CHRISTINE NA NAIWAN SA KULUNGAN?
goodnovel comment avatar
Jimwell
NAGGULUHAN AKO DUN AH
goodnovel comment avatar
Mahilig sa Pancit
Umpisa pa lang Asot pusa na ang dalawa hahaha
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • BEHIND HER MASK: THE WIFE I NEVER KNEW   THE TRUTH BEHIND THE DOOR

    CHRISTINE’S POVTHE NEXT DAY…….Tahimik ang paligid, tanging huni lamang ng mga ibon ang naririnig ko mula sa labas ng bintana. Nakahiga pa rin ako sa malambot na kama, tinatamad akong bumangon. Hindi ko alam kung dala pa ba ito ng pagbubuntis ko o sadyang ayaw ko lang magkaharap kami ni Clyde. Simula nang tumawag ang babaeng ‘yun sa kanya, nawalan ako ng gana na makausap ang kahit sino rito. Mahigpit kong pinikit ang aking mga mata, nang marinig ko ang mga yabag mula sa labas ng silid na tinutulugan ko. Ilang sandali pa’y boses na ni Clyde ang aking narinig na para bang may kinakausap sa veranda gamit ang phone niya.“Zariah, bumalik ka muna rito sa isla,” mahina ngunit mariing utos niya.Napalunok ako at marahang pinihit ang ulo sa gilid para marinig pa ang susunod niyang mga salita.Hindi ko man maririnig ang sinasabi sa kabilang linya ngunit mahuhulaan ko sa pamamagitan ng mga sagot ni Clyde.“Kailangan kong alamin kung hanggang saan na ang narating ni Xian sa paghahanap sa kanya

  • BEHIND HER MASK: THE WIFE I NEVER KNEW   CHAPTER 48 - THE REPLACEMENT

    CHRISTINE’S POVNakita kong dumistansya si Clyde palayo sa akin. Lalo akong nakaramdam ng kirot sa aking dibdib habang nakatingin sa kanya na kausap ang ‘babe’ na ‘yon.Kaya ba ako nasasaktan dahil naniwala akong siya ang totoong asawa ko? Siguro mas masakit ito kapag nagkataon na bumalik na ang alaala ko.Agad kong tinakpan ang sakit na nararamdaman nang makita siyang pabalik sa kinaroroonan ko.“Sorry, ang tumawag kanina—”“May kontak ka ba sa pamilya ko?” maagap kong pinutol ang pagsasalita niya. Para bang natatakot akong marinig ang anumang sasabihin niya sa akin.Natigilan siya sa tanong ko, bagay na lalo kong pinagtaka.“Bakit? Wala na ba akong pamilya?” Gusto kong malaman kung bakit parang nag-aalangan siyang sumagot.“Christine, ang totoo… hindi kayo okay ng mommy mo.”Napakunot ang noo ko habang nakikinig sa kanya.“Tutulungan kitang bumalik ang alaala mo, nang sa gano’n, magkakaroon na ng kasagutan lahat ng mga katanungan d’yan sa isipan mo.”Sumang-ayon ako, hindi na nagpum

  • BEHIND HER MASK: THE WIFE I NEVER KNEW   CHAPTER 47 - TO LOVE BUT TO HATE

    “Yes?” mataray niyang tanong sa mga bodyguard ko kanina.“Magtatanong lang Miss. May nakita ba kayong babae na maganda, nakapulang bestida ang suot?”Kunwari nag-isip si Zariah, “Ahh, oo, napansin ko siya sa loob. Masakit yata ang tiyan. Kanina pa siya nandoon eh.”“Ganun ba? Sige, salamat.” "Sabi ko sa'yo sa loob pa si Ma'am" Sabi niya sa kasama.Ngumiti si Zariah pabalik ngunit pinipisil na ang kamay ko hudyat na magpatuloy kami sa paglalakad.“Tara, bilisan na natin, si Tsinoy, papalapit.” bulong sa akin ni Zariah. Palihim ko ring binaling ang tingin sa direksyon na tinuturo ng nguso ni Zariah. Si Xian, halata ang pagkabagot at pag-alala sa mukha. Papunta siya sa Cr. Alam kong ako na ang hinahanap niya.Binilisan namin ni Zariah ang mga hakbang namin hanggang sa makarating kami sa parking area.Akala ko sasakay kami ng kotse, ngunit isang malaking chopper ang nakaabang sa amin. Umakyat na si Zariah nang bumigat naman ang mga hakbang ko.Nagtataka si Zariah na tumingin sa akin. “

  • BEHIND HER MASK: THE WIFE I NEVER KNEW   CHAPTER 46 - ESCAPE PLAN

    CHRISTINE’S POV“P-pero paano tayo makakalabas rito? Nakabantay ang mga bodyguard ni Xian sa labas.” tanong ko ngunit kinakabahan na rin na baka mali ang desisyon kong sumama sa babaeng ito. Hinawakan ako ni Zariah sa dalawang balikat..” Wait, okay lang ba na tingnan ko ang tiyan mo?” “Bakit?” tanong ko pero hinayaan pa rin siyang buksan ang laylayan ng suot kong bestida. Sandali siyang may tinitigan doon.“Confimed. Ikaw nga ang hinahanap ni Kuya.” Naramdaman ko ang tuwa sa kanyang mga mata. “Huwag kang mag-alala may inihanda na akong plano.”Kinuha niya ang cellphone mula sa dalang clutchbag at mayroong tinawagan.“Hello Makoy, ano na ang plano natin?”Naka-loudspeak ang phone niya kaya naririnig ko ang kanilang pinag-uusapan.“Okay na mam, Bilisan n’yo nang lumabas dyan habanginaaliw pa sila ng babaeng inutusan ko. Kasama na rin niya ang ibang tauhan natin.”Mabilis akong hinawakan sa kamay ni Zariah. Mahigpit ang pagkakahawak niya. “Tin, magpalit ka ng damit, bilis. Heto, suotin

  • BEHIND HER MASK: THE WIFE I NEVER KNEW   CHAPTER 45 - CALL OF FATE

    CLYDE’S POV“Boss, ilang araw nang nagmamanman ang mga tauhan natin sa Hidden Valley, pero hindi na umuuwi roon si Doc Xian.”Napakuyom ako ng kamao habang matalim ang tingin sa glass wall ng aking opisina. Nakatitig lang ako sa city view, ngunit malalim ang iniisip ko.“Sinadya ng Xian na ‘yon na itago ang asawa ko,” mahina ngunit may bahid ng galit ang boses ko.“Ano ang plano mo ngayon, Boss?”“Tawagan mo lahat ng koneksyon natin. Gamitin mo ang pangalan ko. Ang sinumang makapagtuturo sa kinaroroonan nina Xian at Christine, may pabuya na isang bilyon kapalit ng impormasyon.”Napakunot ang noo ni Brando sa narinig.“Ang laki, Boss. Sino pa ang mananahimik sa ganyang kalaking halaga?” wika ni Brando.Dinagdagan ko pa ang mga utos. “Sabihin mo rin sa lahat ng staff ng airlines — i-hold ang dalawa sakaling magplano silang lumabas ng bansa.” Kailangan kong gamitin ang utak ko para lang mabawi ulit si Christine. Wala siyang naaalala. Posibleng nagkaroon siya ng temporary amnesia dahil bla

  • BEHIND HER MASK: THE WIFE I NEVER KNEW   CHAPTER 44 - THE NAME

    CLYDE’S POV“Clyde?”Nabaling ang tingin ko sa babaeng tumawag sa akin. “Fvck!” Napamura ako sa sarili nang makita si Megan na papalapit. Nakasunod na rin si Brando sa kanya.“Clyde, nandito ka lang pala, akala ko totoong umuwi ka na.” May himig pagtatampo ang boses ni Megan. Hindi ako sumagot. Wala akong gana makipag-usap sa kanya. “Brando, akala ko ba, hindi pupunta ang Boss mo. So pang go-goodtime lang pala ang ginawa mo sa akin.”Nakamot ni Brando ang ulo habang nakatingin sa akin, tilaa nanghihingi nang tulong na magpaliwanag ako, ngunit hindi ko ginawa. Tinapunan ko silang dalawa ng tingin bago tumalikod.“Sandali, Clyde!” Mabilis akong pinigilan ni Megan sa kamay.“What!?” Singhal ko sa kanya para malaman niyang nakakairita siya. Noon pa man unang kita ko sa kanya sa states, hindi ko maipaliwanag bakit naiirita ako sa mga kinikilos at pinapakita niya. ‘Yun pala, isa siyang impostor. Nakita kong nagpipigil din siyang umiyak ngunit hindi ako apektado sa mga drama niya.“Gust

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status