“Anak, sigurado ka bang okay ka lang. Hindi ka napipilitan? Tanong sa akin ni Mommy habang papalabas kami ng gate dito sa bahay namin sa San Francisco.
Bahagya akong tumango.
“Of course mom. Gusto ko na rin maging independent woman. Hindi na ako ang little girl mo.”
Sabay kaming napatawa ni Mommy. Niyakap ko siya ng mahigpit. Nasanay akong nasa tabi ko palagi ang aking ina at sandalan sa tuwing nasa problema ako. First time kong maghiwalay kami, although malaki ang tulong ng communications thru cellphone ngunit iba pa rin na may kayakap kang ina at humahagod ng likod mo sa tuwing nabibigatan ka na.
“Mom, I have to go.”
Agad akong kumalas sa pagyakap kay Mommy nang makita ko sa loob ng Rolls Royce ang matalim na tingin ni Clyde sa akin. Hindi pa man ako nakalabas ng gate ngunit nais na nitong iparating na impyerno ang sasalubong sa akin.
“Sige, anak. Mag-ingat ka. Tawagan mo ako araw-araw. Okay? Don’t worry, susunod na rin kami ng kapatid mo pag nakapagtapos na siya.”
Tumango lang ako kay Mom. Hindi na ako tumagal pa sa pakikipag-usap sa kanya. Agad na akong humakbang palayo. Gusto kong tumayo sa sarili kong mga paa.
“Mom, balang araw, maging proud kayo sa akin, Hindi dahil nakapag-asawa ako ng mayaman kundi may sarili na rin akong Airlines.”
Ang lawak ng imahinasyon ko, para bang kaya kong gawin ‘yon. Kung bigyan ng ratings ang katayuan namin sa buhay, nasa mid-range lang kami. Hindi ganun kayaman, hindi rin mahirap. Sakto lang ngunit may masayang pamilya.
Isa sa dahilan kung bakit ako pumayag noon maging brand ambassador ng DelCas Airline sa dahilan na gusto kong aralin ang kumpanya. And now, mas lalo akong naging malapit sa pangarap kong iyon.
“Fasten your seatbelt.”
Nakabalik ako sa aking sarili ng marinig ang baritong boses ni Clyde. Ngayon ko lang napansin, nasa loob na pala ako ng kanilang private jet. Napakagara sa loob, at talagang pang mayaman.
“Damn,”
Gusto akong pintasan ni Clyde nang makitang hindi pa rin ako gumagalaw sa aking upuan. Siya na ang kusang naglagay ng seatbelt ko. Hindi ko maiwasan mmapatitig sa kanya dahil sobrang lapit namin a isa’t-isa. Manipis ang kanyang labi at mahahalata mo talagang ang lambot, tila masarap humalik.
“Tumigil ka sa ilusyon mo. Walang mangyayari sa atin.”
Para takpan ang kahihiyan, maagap akong tumingin sa labas ng bintana at nagkasyang tingnan ang mga ulap na nagkakaisa. Ipinagkit sa utak ko na kahit kailan hindi ako iibig sa lalaking katulad ni Clyde DelCastrillo. Masasaktan lang ako at ‘yun ang ayaw kong mangyari. Manatili akong pangit sa kanyang paningin hanggang dumating ang araw ng paghihiwalay namin.
Di nagtagal at nag landing ang private jet sa airport. Mabilis kaming sinalubong ng mga Elite body guards ni Tito Clarence, iba pa yung Kay Clyde.
“Diretso na ako sa opisina, Dad, Mom.” Magalang na paalam ni Clyde sa magulang bago tumalikod at diretsong pumasok sa loob ng itim na Bently. Parang hangin lang ako sa paningin niya. Ni magpaalam sa akin di niya ginawa. Kahit di na sa pagiging asawa ko kundi sa pagiging tao na lang na kasama niya sa pag-uwi.
“Don’t mind him, iha. Nagmamadali lang siya dahil darating ang Brand Ambassador.”
Pinawi ni Tito Clarence ang pag-alala ko ngunit nabuhay naman ang simula ng kalbaryo ko. Bakit ko ba laging nakakalimutan na ambassador ako at hindi lang asawa?
“Tito Clarence, hmmm…. pwede bang mamasyal muna ako? Gusto kong gumala sa malls. Kaunti lang kasi ang gamit na baon ko. Isa pa mabuburyong lang ako sa bahay dahil wala naman doon si Clyde.”
Agad akong nakahanap ng reason upang makahabol sa DelCas. Mabuti at naniwala naman si Tito Clarence.
“Sige, iha. Bibigyan kita ng bodyguard. Kakarating mo lang sa Pilipinas. Hindi mo pa kabisado Ang mga malalaking malls dito. Mabuti na yung may guide ka.”
Wala na akong panahon makipag argumento Kay Tito kaya sumang-ayon na ako.
“And wait, from now on, call me Daddy.”
Ngumiti na rin si Tita Ciara.”And call me Mom, iha. Best friends kami ng Mommy mo kaya anak ka na rin namin.”
Alam kong pinagpalagay na lang ni Tita Ciara na ganun para hindi awkward para sa akin na tawagin silang Dad and Mom.
Bahagya akong ngumiti.
“S..Sige Mom, Dad. Mauna na kayo, susunod na lang ako.”
Nahihiyang sabi ko. Tuwang-tuwa naman ang dalawa.
Di na ako nagpatumpik tumpik pa. Agad na akong pumunta sa mall upang maghanap ng susuotin na corporate attire–bagay sa isang Brand Ambassador.
Ilang minuto ang nakalipas nakatayo na ako sa tapat ng salamin sa loob mismo ng fitting room. Napangiti ako nang makita ang aking repleksyon. Napaka elegante, at imposibleng hindi papansinin ng sinuman makakita sa akin. Maaaring kayabangan sa sino man makarinig ngunit iyon ang totoo. Suot ko ang isang tailored ivory blazer na bahagyang bukas sa harap, at nakasilip ang silky nude-toned camisole na yumayakap sa aking balingkinitang katawan. Ang high-waisted, wide-leg trousers na kapareho rin ng kulay ay bumabagsak nang perpekto sa aking baywang pababa sa maayos kong stilettos, na gawa sa matte leather—minimalist pero matapang ang pinaparating.
Ang buhok ko naman ay hinayaan kong naka-loose low bun, may ilang hiblang sinadya kong i-laylay para maging effortless tingnan. Wala akong masyadong alahas—tanging ang isang manipis na gold chain, at maliit na diamond studs sa tenga. Sapat na ang mga ito para maipakita ko na hindi na kailangan ng ingay para mapansin lang ako.
Sumilay ang ngiti sa aking labi nang makita ang reaksyon ng dalawang body guard na binigay sa akin ni Tito Clarence. Hindi nila ako nakilala. Alam kong nagtataka sila kung bakit ibang babae ang lumabas sa fitting room.
“Miss, saan na ang babaeng maraming nunal sa mukha, dito at dito.” Sabay turo sa sariling pisngi upang ibigay ang tugmang diskrepsyon ng kapangitan ni Christine–ang pekeng ako.
Ngumiti ako at sumagot. “Ah, kanina pa siya umalis. Abala yata kayo sa pag-uusap kanina nang pumasok ako.”
Nakita ko ang matalim na titigan nila sa isa’t-isa waring nagsisihan dahil hindi nila ako nabantayan ng maayos.
Isinuot ko ang aking sun glasses at masiglang lumabas ng mall.
“Taxi,”
Mabilis akong sumampa habang panay ang sulyap sa aking suot na relo.
“Manong, makuha n’yo ba ang dalawang minuto papuntang DelCas Group tower?”
Napasulyap sa rear view mirror ang driver at ngumiti. “Yes, po Maam. Paglagpas natin ng stoplight na ‘yan, lalakarin lang, DelCas tower na agad. Pero ihahatid kita hanggang sa entrance Ma’am.”
“Thank you, Manong. Heto ang bayad. Keep the change.” Binigyan ko siya ng isang libo bago ako bumaba. Tuwang-tuwa siya sa natanggap. Well, I’m generous dahil maganda ang mood ko.
Pagbukas ng matataas na glass doors ng DelCas building, kaagad akong sinalubong ng malamig na simoy ng centralized aircon at ng maamong titig ng front desk security. Nakita ko ang pagkamangha sa kanyang mukha habang nakaawang ang labi na nakatitig sa akin.
Lumapit ako sa security desk at walang kagatol-gatol na nagsalita habang nakangiti.
“Good morning, I’m Crystal Delmar, the newly appointed brand ambassador of DelCas Airlines. The president is expecting me.”
Sandaling natigilan ang guard habang nakatitig pa rin sa akin. Parang hindi makapaniwala sa ganda at presensyang nakaharap sa kanya. Kinuha niya ang phone sa gilid at nagsimulang mag-report.
Matapos kumpirmahin ng guard ang appointment, mabilis niya akong pinapasok sa private access elevator. Isang staff ang nag-abot sa akin ng temporary pass, sabay yuko bilang paggalang.
Tahimik lang ako habang pinipindot ang floor number na diretsong magdadala sa executive offices. Habang nagsasara ang elevator doors, pansin ko ang ilang empleyado sa lobby. May mga napahinto at napahaba ang leeg habang sinusundan ako ng tingin. May mga nagbubulungan at nagkakatinginan na para bang ako na naman ang laman ng kanilang usapan sa buong araw.
Hindi ito bago sa akin.
Sanay na ako sa mga titig na nagtataka, humahanga, at minsan ay nagdududa. Pero sa oras na ito, wala akong panahon na makipagtsika sa kanila at magpaliwanag.
Sa loob ng elevator, sumandal ako ng bahagya. Malakas ang kabog ng aking dibdib, hindi sa trabaho kundi sa mga katanungan na lumilitaw sa isipan ko. Makakaya ko kayang harapin araw-araw ang isang Clyde DelCastrillo? Sandali kong ikinalma ang aking sarili. Hindi ako dapat magpaapekto sa paligid, sa sinasabi ng iba, lalo na sa presensya ni Clyde at ni Helena.
Ding.
Bumukas ang pinto sa executive floor. Tumindig ako nang diretso, muling inayos ang blazer at lumabas sa hallway na tila isang runway sa harap ng mga nakaabang na empleyado’t sekretarya.
Habang taas noo akong naglalakad, ramdam ko ang tensyon sa paligid. Sa dulo ng hallway nakita ko ang malaking sign na sumisigaw ng pangalan ni Clyde at ng nakakabit na ‘OFFICE OF THE PRESIDENT”
Kumatok ako ng dalawang beses. Walang sumagot. So I assumed na okay lang na pumasok ako since pagpihit ko nakabukas naman.
“Don’t you know how to knock?”
Ang mataray na boses ni Helena ang agad na sumalubong sa akin.
Tumaas ang isang kilay ko nang makita siya na nakaupo pa rin sa ibabaw ng table ni Clyde. Lantaran pang nakataas ang laylayan ng mini skirt nito upang ihayag lalo ang malaking binti. Mukhang nasa malas na oras ako dumating. Tiningnan ko ang oras, sakto pa naman ako sa pinag-usapan naming oras na darating ako.
“Ito ba ang dahilan kung bakit nagmamadali ka kanina na umalis, Clyde? Dahil makikipagharutan ka pa sa babae mo?”
Gusto kong isigaw iyon sa harap ni Clyde ngunit minabuti ko na lang lunukin. After all, wala siyang alam na ako si Christine.
“I knocked, waited, and heard nothing. I figured I was expected. But if I’m interrupting something, I’d be happy to come back when things are more... professional.” Sagot ko in a sarcastic tone.
Nagdilat ng mga mata si Clyde at nakita ko kung paano umawang ang kanyang labi habang nakatingin sa akin.
CLYDE’S POV“We’re here to discuss business, not your shared past with her.” Hindi ko alam kung halata ang iritasyon sa boses ko habang nagsasalita. Ngunit wala akong paki-alam. Gusto ko nang matapos itong business meeting namin ni Mr. Patopatin. Tila nawalan ako ng gana para tumagal pa na magkasama kami ni Crystal. “Apologies, I didn’t mean to cross a line. It’s just hard to believe that the woman I’ve been looking for all this time is here… working for your com—.”“Let’s get straight to the business.”Maagap kong pinutol ang sinasabi ni Mr. Patopatin. Hangga’t maaari gusto kong manatiling kalmado ang aura ko. Ayoko ng ganitong pakiramdam. Hindi ko alam bakit ako naiinis? “Sure..I’m sorry.” Binuksan niya ang dalang folder. Nagkunwari pa akong hindi nakita ang matamis na ngiti ni Mr. Patopatin habang nakatingin kay Crystal. Nanatili lamang akong kalmado ngunit ramdam ko nang nang-iinit na ako sa inis. “As for the current standing of Topworld Airlines, we suggest a…………..Sinimula
Nanigas ang panga niya habang dahan-dahan akong umaatras. Agad kong tinanggal ang kamay ko na nakahawak sa kanyang matipunong dibdib. Nanginginig ang mga daliri ko habang bumababa ang titig ko sa sahig."If this is how you are on day one, I can't wait to see what kind of mess you'll bring on the next." Mababa at mariin ang kanyang boses, tila nagbabanta kahit hindi sumisigaw. Maging ang mga balahibo ko gustong tumayo sa lamig ng boses niya tila pinaparamdam sa akin na wala akong silbi.“Kuya, it’s all my fault.” Napapikit na lang ako ng mga mata habang nagpapasalamat kay Zariah. Agad siyang pumagitna sa aming dalawa ni Clyde.Ang kaninang paninilim ng mga mata ni Clyde ay napalitan ng pagtataka habang palipat-lipat ang tingin niya sa amin ni Zariah. Tila nagtatanong kung paano kami nagkakilala.“Pinigilan ko kasi si Chris—” Kinabahan ako ng muntik nang banggitin ni Zariah ang pangalan ko. Napakapit ako sa braso niya. “Crystal,” Pabulong kong sabi na kaming dalawa lang ang nakakari
“Zariah, nagtataka ka ba kung bakit minabuti kong maging pangit sa harap ninyong lahat?” Napatingin ako sa malayo habang tinatanong ito, pilit pinapakalma ang sarili.Sandaling nag-isip si Zariah bago sumagot. “Hmmm…dahil kay Kuya?” Umangat ang isa niyang kilay, parang sinusubok kung tama ang hinala niya.Tumango ako. “Excatly. Hindi ko pa nakikilala ang kuya mo noon, ayaw ko rin sa set-up ng kasal namin. Kaya ang mga pangit na mukha ko sa pictures ang pinapadala ko sa kanya upang hindi siya mainlove sa akin.” Bahagya akong ngumiti, tila ako na rin ang natawa sa pinaggagawa ko. Nagpatuloy ako sa pagsasalita.“Yun pala, hindi ko na dapat ginawa iyon, dahil simula’t-sapul galit na pala siya sa akin.” Napalunok ako, pilit nilulunok ang pait na nararamdaman habang sinusubukang panatiling matatag ang boses. “Not totally, na galit si Kuya sa’yo. Mas tamang sabihin na ikaw ang napagbuntunan ng galit niya dahil hindi niya magawang magalit kay Daddy.” Paliwanag ni Zariah. Malumanay ang to
“Ate, halika, may ipapakita ako sa’yo.”Bigla akong hinila ni Zaria. Hindi ako nakatanggi. Somehow, mas okay na iyon para makaiwas ako kina Tito Clarence. Baka ipiipilit na naman ang pagbibigay ng bodyguard sa akin.“Zariah, may pupuntahan sana ako.” wika ko nang makita sa suot kong relos na malapit na ang oras sa meeting namin kay Mr. Patopatin. Ayoko sana siyang tanggihan, pero wala na akong choice. Kailangang makabalik ako kay Clyde sa tamang oras, bago niya mapansin na may kulang na naman sa script ng pagpapanggap ko.“Really?” May halong lungkot ang boses niya. “Sayang, may ibibigay sana akong pasalubong. Ibinalita kasi ni Mommy sa akin na nandito ka na.” Agad naman akong nakaramdam ng konsensya sa sinabi niya. Ngumiti ako at hinawakan siya sa kamay. "Promise mamayang gabi, titingnan ko ang pasalubong mo sa akin. Huwag na muna ngayon, may mahalaga kasi akong lakad.” Mahinahon kong paliwanag sa kanya.Sandali muna niya akong tinitigan at masiglang sumagot. “Sige, promise mo ‘yan
“Nice one, huh? Pati dila mo wala na rin palang inaatrasan ngayon.” May banayad nang pang-iinsulto ang boses niya.Umarko naman ang isang kilay ko. “Nagpapatawa ka ba, Mr. DelCastrillo? Huwag mong sabihin na nakaurong ang dila mo kapag kaharap mo ako?”Tumaas ang tensyon sa pagitan naming dalawa. Nanatiling nakataas ang kanyang kilay habang nakatitig sa akin. Kung yelo lang ako, kanina pa ako natunaw sa mainit na titig niya. Tila ba sinusuri niya ang buong pagkatao ko gamit lang ang kanyang mga mata. Kumakabog ang dibdib ko pero hindi ako nagpadaig, ayokong ipakitang natitinag ako.“Excuse me, senorito, tinatawag na po kayo ng Daddy mo. Kasama po si Senorita Christine. Kakain na raw po.”Napalingon kami nang marinig ang tuloy-tuloy na pagsasalita ng kanilang kasambahay. Naalarma ako, panandaliang pahinga mula sa tensyon pero ramdam kong hindi pa tapos si Clyde.Muli akong pinasadahan ng tingin ni Clyde, tila walang balak na tantanan ako. Tumagilid ang ulo niya, bahagyang nagtaas ng ki
Maagap akong nagsalita. “Sir, magpapaalam sana ako na pupunta ng mall. Since first day ko rito sa pilipinas, gusto kong gumala muna. Babalik ako at one p.m. sharp para sa meeting natin with Mr. Patopatin.”Agad siyang sumang-ayon. “Sa mall din naman ako pupunta, sasamahan na kita.”Pumayag na ako sa offer ni Clyde para mas mapabilis ang aking transformation. Pagdating sa mall, mabilis akong nagpaalam kay Clyde.“Sorry, Sir. I need to pee.” Pagdadahilan ko para makalayo ako sa kanya. Sumang-ayon din siya ngunit nakita kong nagsisimula nang maglikot ang kanyang mga mata tila may hinahanap. Alam kong hinahanap nito si Christine.Mabilis akong pumasok sa fitting room at hinanap sa bag ko ang suot ko kanina. Inayos ko ang paglagay ng makapal na kilay, makapal na labi at maraming nunal sa pisngi. Mga fake moles na binili ko pa sa states at ibinaon dito sa pinas. Nang makitang ako na naman ulit ang pangit na Christine, lumabas na ako ng fitting room. Gumala-gala ako sa loob ng mall at nag