LOGIN
Prologue
Christine’s POV Tahimik akong naglalakad sa kahabaan ng garden path sa labas ng university, hawak-hawak ang isang puting rosas. Maingat ko itong inaamoy. Hindi pa rin nakakalimot si Clyde sa pagpapadala ng bulaklak. Simula nang huling pag-uusap namin, kahit pangit ang mukha ko, hindi ko naramdaman na nandidiri siya sa akin. Malamig ang pakikitungo niya pero hindi na mahalaga iyon. Graduation ko ngayon. Isa na akong ganap na flight attendant. Di magtagal, magsisimula na rin ako sa bagong trabaho bilang brand ambassador ng DelCas Airlines, ayon sa pinirmahan kong kontrata. Bagong simula. Bagong pangarap. At syempre, plano kong makabawi sa aking asawa. Panahon na para aminin ko ang totoong mukha sa kanya. “Christine Scott?” Napalingon ako. Isang lalaking hindi ko kilala ang lumapit. Maayos ang bihis niya. Disente ang tindig. Pero may kung anong hindi ko maipaliwanag na biglang gumapang na lamig sa batok ko. “Ano po ‘yon?” tanong ko, may halong kaba ang boses ko kahit pinipilit kong kumalma. “Naaksidente raw po ang tatay niyo sa trabaho. Pinapapunta ka niya sa ospital. Ngayon na raw.” Nanlaki ang mga mata ko. “Ha? Saan pong ospital? Anong nangyari?” Sinubukan kong tawagan si Mommy, pero ilang ulit akong nag-dial, walang sumagot. Out of coverage area. Si Daddy naman ang sinubukan ko, pero biglang namatay ang phone ko—low batt. Napamura ako sa loob-loob ko. Anong klaseng timing ‘to? Napatitig ako sa lalaking kaharap ko. Wala akong ibang makontak. Wala akong ibang mahingan ng tulong. Hindi puwedeng mawala ang chance na ito kung totoo nga ang aksidente. Kaya kahit may takot, sumama ako. ============= “Saan ako?” Madilim. Malamig. Basang sementadong sahig ang unang bumati sa akin nang magkamalay ako. Mabigat ang ulo ko. Masakit ang batok. Hindi ko alam kung gaano na ako katagal nawala sa ulirat. Basta’t ang alam ko lang—nakagapos ako. Ang mga kamay ko’t paa, mahigpit ang tali. Walang liwanag. Wala akong makita. Kahit sariling mga daliri ko ay di ko matanaw. Napapitlag ako nang may marinig akong yabag. May presensya sa sulok ng silid. Isang boses ng babae ang bumulong, malamig at puno ng paghihiganti. “Ngayong nandito ka na... panahon na upang ako naman.” Kinilabutan ako. “Ano'ng ibig mong sabihin? What do you want from me?” tanong ko, pilit pinapakalma ang sarili kahit ramdam kong nanginginig ang boses ko. Sumagot siya ng halakhak dahilan upang lalo akong magtaka. “Liwanag. Liwanag ang gusto ko. At ikaw ang makapagbibigay sa’kin niyon. Matagal na akong nabuhay sa dilim… ngayon, ikaw naman.” “Anong—” Pak! Wala na akong nasabi pa nang isang mabigat na bagay ang tumama sa ulo ko. Pagkatapos niyon, unti-unting igunupo ng dilim ang paningin ko. Unti-unti akong nagkamalay. Mabigat pa rin ang pakiramdam ko. Naramdaman kong basa ang gilid ng labi ko. Hindi ko alam kung dugo ba ito o sariling kong pawis? May mga boses akong unti-unting naririnig. “Dala ko na ang pera. Nasaan ang anak ko?!” Boses iyon ni Mommy. Napakagat ako sa labi, pilit pinipigilan ang luhang gustong bumagsak. Sinubukan kong magsalita— “Mommy! Nandito ako! Mommy help me!” Pero walang tunog na lumalabas sa bibig ko. Namamaos ako. Hindi ako marinig. Muling nagsalita ang lalaki. “Nandiyan siya sa loob.” Narinig ko ang pagbukas ng pintuang bakal. Ngunit hindi sa akin iyon. Hindi sa selda ko. Kundi sa kabilang silid na katabi lang din ng sa akin. “Anak, Christine? Salamat at buhay ka. Halika, umalis na tayo sa lugar na ‘to.” Nanigas ako. Christine...? Bakit siya ang tinatawag? “Mommy, saan ka? Nandito ako!” Sumigaw ako ngunit bakit walang boses na lumalabas sa bibig ko. Hindi naman ako mute. “Anak, sinaktan ka ba?” Bumagsak ang luha ko. Gusto kong yakapin si Mommy, ngunit hindi ko siya makita sa dilim. “I’m tired Mom.” May babaeng sumagot na kaboses ko? Bakit siya ang nilalapitan ni Mommy? Bakit... hindi ako? Pilit kong ginagalaw ang katawan ko. Gusto kong sumigaw. Gusto kong tumayo. Gusto kong malaman kung— Sino siya? Kung hindi ako si Christine? Sino ako? Ilang sandali pa’y mayroong dumaan na ka-boses ko mula sa pintuan ng aking selda. "Totoo ngang mas madali kapag mukha mong ginagamit ko."Sa isang iglap, nawala sa akin ang lahat. May babaeng gumamit ng identity ko at hindi ko alam kung ano ang dahilan.
Kailangan kong gumawa ng paraan para makalabas sa dungeon na ito. Hindi pwedeng magtagumpay ang babaeng 'yun sa kanyang plano.
Ngunit paano? Sino ang tutulong sa akin gayong walang nakakaalam na nandito ako?
Sa susunod na pahina ng aking libro hindi na ako ang gumaganap kundi ang pekeng ako...
CONTINUATION...CLYDE'S POVTumalon ang feed sa next angle. Kahit sa ibang camera, halatang may hinahanap siya. Ako ba ang hinahanap niya? Minsan tumitingin sa entrance, minsan sa stage, minsan sa paligid na parang may inaabangan.At mas lalo kong naramdaman ang gulo sa pagitan naming dalawa.Posibleng ako ang dahilan ng pagpunta niya. Ngunit bakit hindi niya ako tinawagan? Bakit hindi niya sinabi kanina na sasama siya?Nagflashback sa akin ang nangyari sa opisina kanina. Nag-uusap kami ng Brando nang pumasok si Christine. Posibleng narinig niya ang plano namin. “Fvck!” Ini-on ko ang suot na earpiece at kinausap si Brando.“Brando, we have a problem. My wife is here.” Hindi sumagot si Brando pero nakita ko ang pagkagulat sa kanyang mga mata. Naging malikot na ito at tila may hinahanap. “Wala siya sa loob ng venue. lumabas ulit siya, may kausap na lalaki, hindi ko kilala. Alamin mo, huwag kang magpahalata kay Megan.” diretsahan kong utos.Nakita kong napakamot ng ulo si Brando. Ibin
CLYDE’S POVKasalukuyan akong nasa loob ng VIP room ng hotel na katabi lang ng mismong hotel na pinagdausan ng event ni Xian. Tahimik ang paligid, tanging mahinang ugong ng airconditioner ang naririnig ko habang binubuksan ang laptop ko. Ginamit ko ang pagkakataon habang hindi ko pa kasama si Megan. Kasama siya ngayon ni Brando at naghihintay sa akin sa viewmont hotel kung saan naroon si Xian. Muli akong nagfocus sa screen ng aking laptop. Kailangan kong malaman kung ano ang mga ganap sa loob ng Viewmont hotel, kung sino ang mga tauhan na inimbita ni Xian at kung dumating na si Tommy Laurencio. Hindi ko pwedeng i-asa lahat kay Brando, kailangan ko ng Plan B at Plan C sakaling pumalpak kami sa Plan A.“Show me what you’ve got…” bulong ko sa sarili ko.Binuksan ko ang espesyal na programang ako mismo ang gumawa, isang custom interface na hindi mo makikita kahit sa black market. Sa screen, unti-unting lumitaw ang holographic-style dashboard, kumikislap na parang heartbeat ng isang buha
Agad kong pinahid ang luha ko. Sinubukan kong i-praktis ang aking mga ngiti na parang walang narinig. Nang maging okay na ang aking pakiramdam, kumatok ako sa pintuan sabay bukas.Nahuli ko pang bahagya silang nagulat sa pagpasok ko. “Oh? Anong nangyari sa inyo? May problema ba?” Umakto ako na parang walang nangyari.. Na parang wala lang sa akin ang aking mga narinig.Agad na kinuha ni Brando ang mga files mula sa akin at siya na ang naglagay nun sa mesa ni Clyde."Natapos ko nang pirmahan ang mga 'yan. May ilan lang akong hindi in-approve na request since need ko pang i-check ang proposals."Ngumiti si Clyde at kita ang paghanga sa kanyang mukha habang nakatingin sa akin. Hinapit niya ako sa sa baywang. “I missed you.”Ngumiti ako sa kanya at tinanggap ang halik niya sa aking mga labi, ngunit ang puso ko parang pinupunit sa sakit.“Ahmmm, tapos ko na pirmahan ang mga ‘yan. Dapat noon pa pala ako bumalik sa trabaho. Apektado ang branding ng airlines dahil hindi ko nagampanan ang oblig
CHRISTINE’S POV“Whew..almost done..” Napangiti ako matapos pirmahan ang lahat ng dokumento na nakatambak sa ibabaw ng lamesa ko. Ilang buwan akong hindi nakabalik sa opisina dahil hindi ako pinayagan ni Clyde. Mabuti nga at napapayag niya akong isama rito, mayroon akong pagkakaabalahan kaysa naman magmukmok lang ako sa bahay na walang ginagawa.“Miss Scott,”Napalingon ako sa babaeng tumawag ngayon lang sa akin–Si Helena Merced. Naalala ko siya dahil isa siya sa kontrabidang nilalang nang mag-aral ako sa Cypress University during my college days. “Heto pa,” Bumaba ang tingin ko sa mga files na pabagsak niyang ipinatong sa mesa ko.“What is this?” nakakunot ang noo ko habang nakatingin sa kanya. Umarko ang isang kilay niya.“Mga pipirmahan mo. Ang iba, mga pending transactions ‘yan na kailangan matapos bukas.” Habang nagsasalita siya, daig pa ang pwet ng manok na gustong iluwa ang itlog. Noon pa man nabwesit na talaga ako sa mukha niya. Hindi ako sumagot. Dali-dali kong binuklat ang
CLYDE’S POV“Dad,” tipid kong tawag nang makita ang aking ama na seryoso ang mukha habang nakaupo sa couch. Hinintay niyang makaupo muna kami ni Brando sa opposite couch habang nakaharap sa kanya.“Kumusta ang mga tauhan sa ospital?” kay Brando si Dad nakatingin. So, pinatawag niya kami ni Brando hindi para tanungin kung ano ang nangyari kagabi, kundi may iba kaming pag-uusapan.“Mahigit labing walo sa mga tauhan natin ang nasa ospital pa rin ngayon, Boss. Isang driver natin ang namatay, dalawa ang comatose at ang iba nagpapagaling pa.”Napapikit si Dad sa binalita ni Brando. Ramdam ko ang guilt sa kanyang mukha. “Alam na ba ng kanilang mga pamilya?” muling tanong ni Dad.“Pinarating ko sa kanilang pamilya ang nangyari, boss. Binigyan ko na rin sila ng assurance na sasagutin natin ang lahat ng gastusin. At sa pamilya ng namatayan, sinunod ko ang sinabi mo na magbibigay ng malaking halaga para makapagsimula sila ng negosyo. Sinigurado ko rin na maayos ang pagpapalibing.”Tumango lang
Napatingin din ako sa kamay ko. Nakakuyom na ito. Muli kong hinatak si Christine at niyakap. “Wife, nagseselos lang ako. Ayaw kong mawala ka rin sa akin, lalo na ang mapunta sa Xian na ‘yun.”“Ano ba kasi ang iniisip mo? Nagkukuwento lang ako sa ‘yo sakaling magkasilip ka ng idea sa tungkol sa koneksyon ni Xian kay Tommy. Selos naman ang iniintindi mo. Isipin mo na lang. Kung talagang may tiwala ako sa kanya, sana hindi mo ako niyayakap ngayon. Noong hindi pa totally bumalik ang ala-ala ko, sana mas pinili kong pagkatiwalaan lahat ng sinabi niya at hindi ako sumama kay Zariah. Pero mas pinakinggan ko pa rin ang boses mo sa puso ko. Mas pinili kong paniwalaan ang dinidikta ng isipan ko na bumalik sa ‘yo.”Sa mahabang paliwanag niyang ‘yun napawi lahat ng selos at galit ko, dahil totoo naman. “Kaya mas lalo kitang minamahal.” naging sagot ko na lang dahilan upang kurutin niya ako sa tagiliran. Hindi masakit kundi may kasamang kiliti.“Teka, patingin nga ng likod mo. Papalitan natin ng







