Sa lahat ng nag-aabang ng loving you is a losing game. wait nyo lang siya dahil hinahanap ko oa ang drafts ni Kingstone dati sa laptop niya. Alamko nabuo na niya 'yun eh. Please wait lang po, Thank you.
CHRISTINE’S POVMabilis akong sumilip sa bintana, upang tingnan kung nakaalis na si Clyde. Nakita ko siyang kausap si Brando bago tuluyang pumasok sa kanyang itim na bently.Sinadya kong huwag sumabay sa kanya sa pagpunta sa opisina. Simula nang mangyari ang mainit na eksena sa amin kagabi, pakiramdam ko wala na akong mukhang maihaharap sa kanya. Binalingan ko ang puting sapin namin sa kama. May pulang mantsa pa na naiwan doon patunay na sa kanya ko binigay ang aking pagkabirhen. Humarap ako sa salamin. Ako pa rin ito. May kirot sa aking dibdib sa isiping hanggang dito lang kami ni Clyde. Pagkatapos ng isang taon, tanggapin ko na lang sa sarili na hindi kami para sa isa’t-isa.Dala ang tibay ng loob at tiwala sa sarili, lumabas ako ng silid namin ni Clyde. Magtataxi na lang ako.“Christine!”Palabas na ako ng pintuan nang makita si Zariah na patakbong lumapit sa akin. “Saan si Kuya? Ikaw lang ba mag-isa? Wait…” Tinitigan niyang mabuti ang mukha ko. Kababalik lang siguro nito galing
CLYDE’S POV“Alam mo na pala ang totoo, bakit hinayaan mo ako na sumama sa states para makita si Kevin?”Biglang tanong ni Ms. Real habang nasa kalagitnaan kami ng biyahe pauwi.Sinulyapan ko siya bago muling itinuon ang atensyon sa pagda-drive.“Pinagbigyan lang kita, parang himatayin ka na kasi sa iyak.” Balewala kong sagot ngunit lihim pa rin pinagmamasdan ang reaksyon niya. “Kung sasabihin ko sa’yo ang totoo, maniniwala ka ba?”“Bakit naman hindi? Naniwala nga ako sa kasinungalingan mo.” Namula ang mukha niya sa sinabi ko. “Spill it.” Gusto ko pa rin marinig ang sasabihin niya. Maaring isa sa kanila ang nagsasabi ng totoo.“Actually, masaya ako na nagawa mo akong ipaglaban kay Mommy kahit hindi mo pa ako lubusang kilala. Nahihirapan akong paniwalain siya na ako ang totoong Christine Scott.”Hindi ako umimik kahit bahagya akong natigilan. Nagpatuloy lang ako sa pagdrive habang nakikinig sa kwento niya na may kasamang pagsinghot.“After ng graduation ko sa college, nakidnap ako. Ti
CHRISTINE REAL’S POVNagkakatitigan pa kami ni Clyde nang biglang tumunog ang phone niya. Parang kuryenteng dumaloy sa akin ang kaba nang marinig ko ang boses ng impostor sa kabilang linya. Agad siyang lumayo at pinahina ang speaker, pero nahuli ko ang panaka-nakang pagsulyap niya sa akin.Ano na naman kaya ang pakana ng babaeng ‘yon?“Magpahinga ka na. Aalis muna ako,” wika ni Clyde nang bumalik siya sa harap ko.“Saan ka pupunta?” Hindi ko mapigilang itanong kahit alam kong wala akong karapatang manghimasok. Hindi siya sumagot kaagad, at halatang nagtataka siya sa tanong ko. Bago pa ako makapag-isip ng susunod na sasabihin, nagpatuloy na siya.“Kailangan ko munang puntahan si Christine sa ospital.” Mabilis siyang kumuha ng bagong damit at nagbihis.Christine? Yung pekeng ‘yon? Gusto kong ibulalas, pero pinili kong itago na lang sa dibdib ko.“Huh? Bakit, anong nangyari sa kanya?” Nilagyan ko ng kunwaring pag-aalala ang tono ko.Tumigil siya at tumingin sa akin, para bang binabasa ku
“Halika na. We need to go back.”Narinig kong wika ni Clydegunit hindi ako gumalaw sa inuupuan ko. Kasalukuyan kaming nasa loob pa rin ng ospital. “Gusto ko pang makita si Kevin.” Mahina kong sagot habang nagpapahid ng luha. Hindi ko alam kung ano ang iniisip niya ngayon sa akin. Magalit man siya, wala akong pakialam. Nag-alala ako sa kapatid ko.Nakita ko siyang nagkamot sa noo, tila namomroblema habang tinitingnan ako.“Paano mo siya makikita, nandoon si Tita Mylah. Ayaw ka nga niyang papasukin.”Muli na naman tumulo ang luha ko sa sinabi niya. Masakit kasi. Hindi ko alam bakit umabot ako sa puntong ito na hindi na ako magawang kilalanin ni Mommy. Hinawakan ko ang kamay ni Clyde. “Please help me, promise..kapag tinulungan mo akong makita si Kevin, lahat ng utos mo, gagawin ko.” Nakikiusap anng mga mata ko. Kahit ang lumuhod gusto ko nang gawin. Ramdam ko ang pinag-iwanan ng mundo.“Fvck!” narinig ko siyang nagmura. Hindi ko alam kung sa sinabi ko o dahil naiirita na siya sa akin.
CHRISTINE FAKE’S POV“Ilayo mo sa akin ang impostor na ’yan, Clyde! Siya ang dahilan kung bakit nangyari ito sa anak ko!”Matalim ang tingin ko sa babaeng umagaw sa pamilyang dapat sana’y akin.“Hindi sana nangyari ito kay Kevin kung hindi ka bumalik, Christine.” Puno ng galit ang dibdib ko ngayon. Okay na sana eh… wala na sana akong balak maghiganti. Mas gusto ko na lang sanang magkaroon ng masayang pamilya — ang pamilyang ninakaw sa akin noong bata pa ako.“Ganyan naman talaga ang dapat mong gawin! Huwag mong kalimutan na ang pamilya DelCastrillo ang pumatay sa ama mo. At ang hilaw mong pinsan na ’yan ang siyang umagaw ng dapat ay para sa’yo. Kaya normal lang na magalit ka ngayon. Kailangan nilang malaman kung sino ka at kung ano ang kaya mong gawin.”Habang nakikinig ako sa boses na nanggagaling sa utak ko, lalo lang akong nadadarang sa galit.Hindi ako nagpakita kay Mommy Mylah. Sapat na ang nakita ko para masabing hawak ko pa rin sila. May laban pa ako.Sinubukan kong tawagan si
CHRISTINE REAL’S POVNaudlot ang lambingan namin ni Clyde nang marinig ang katok sa pintuan.Si Clyde ang nagbukas.“Dad?” tanong niyang may pagtataka.Nakatingin lang ako sa kanilang dalawa. Nang makita ko sa mga mata ni Tito Clarence ang kagustuhang makausap ang anak niya nang pribado, agad akong lumabas ng silid.Hindi pa man ako nakakalayo nang marinig ko ang sinabi niya.“Anak, tumawag ang ninang Mylah mo—naaksidente si Kevin.”“What?!” Natakpan ko ang bibig ko dahil sa lakas ng pagkakabigkas ko. Hindi ko napigilan ang sarili ko. Nataranta akong bumalik kina Tito Clarence.“Tito, kumusta na si Kevin?” Halata sa boses kong nanginginig na naiiyak ako.Wala silang sagot. Pareho lang silang nakatingin sa akin, halatang nagtaka sa reaksyon ko.Doon ko lang naalala: Christine Real ang pagkakakilala nila sa akin.Pero hindi pwedeng wala akong balita kay Kevin. Baka nagsimula na ang impostor na sirain ang pamilya ko. Kailangan kong gamitin ang pagkakataong ito habang ako pa ang kilala ni