LOGINCHRISTINE'S FAKE POV
I forgot to tell you, bakit nakaawang ang labi ni Clyde.
Ang aking make-up ay malinis at fresh—dewy skin, soft nude lips, at defined brows, sapat lang para idiin ang natural kong ganda. Overall perfect para sa akin na parang sumisigaw ng “understated power.” Walang sobra, walang kulang. Isang modernong babae na alam ang halaga niya, at alam din ng iba. Maliban na lang sa lalaking ito.
“Ouch”
Napangiwi si Helena Merced nang bigla siyang hinawi ni Clyde. Para bang isang kalat na basura sa ibabaw ng mesa. Isang hawi lang, linis agad. Wala nang panahon dahil may magandang bisita na dumating, at ako ‘yun.
Muntik nang masubsob si Helena sa patong-patong na files na nakatambak sa metal na filing cabinet. Inis niya akong tinapunan ng tingin. Pasimple lang akong ngumiti sa kanya.
Tumayo si Clyde at inayos ang suot na branded tuxedo. Nakangiting lumapit sa akin na parang walang nangyari.
“Welcome to DelCas Group, Miss Delmar. Come here.”
Hinawakan niya ako sa balikat nang may paggalang at inakay sa loob ng Boardroom.
Sa loob, naghihintay na ang ilan sa mga shareholders ng DelCas Airline. Maaliwalas ang kwarto, salamin ang buong gilid at tanaw ang skyline. Ngunit ang mga taong naroon sa loob ay tila hindi pa rin makamove-on sa pagtitig sa akin.
Tumikhim si Clyde habang binubuklat ang folder sa harap niya. Agad namang umayos ng upo ang lahat upang ituon ang atensyon sa presidente.
Sa kabilang side ng long glass table naman ako umupo ng elegante at may kumpiyansa sa sarili. Ibang-iba sa ordinaryo at childish na Christine ayun sa pagkakilala ni Clyde sa akin.
Tumagilid ng kaunti si Clyde bahagyang nakasandal sa swivel chair.
“So... the new face of DelCas.” Tumingin siya sa akin.
“Do you really believe you can represent a brand that’s built on decades of perfection?”Hindi ko pinalusot ang tono ng kanyang pananalita. Sumagot na rin ako nang naayon sa kung paano niya ako kausapin.
“I don’t believe. I know.” Ngumiti ako ng bahagya ngunit malalim ang paraan ng pagtitig ko kay Clyde. “You didn’t hire me to mirror perfection. You hired me to evolve it.”
Nakita ko ang pag-arko ng dalawang kilay ni Clyde.
“Evolve it? Into what exactly, Miss Delmar?”
Bahagya akong sumandal sa aking seat ngunit nandoon pa rin ang confident sa aking sarili.
“Into something unforgettable. People don’t just buy luxury anymore. They buy identity. Story. Relevance.” Huminto ako saglit, hinanap ang right words na dapat sabihin. “If you want legacy, you can’t just whisper elegance. You need to speak power—boldly, relentlessly.”
Clyde smirked. Somehow, naintriga siya sa sinabi ko.
“Hmph. And I assume you’ve come prepared with how you plan to do that?”
Lumipad ang tingin ko sa portfolio na hawak ko kanina ngunit hindi ko binuksan. Sa halip sumagot ako.
“I could show you a proposal. Slides. Data. Buzzwords. But none of that matters unless you understand this: you didn’t hire a pretty face, Mr. President. You hired a voice. One, your brand desperately needs to be heard.”
Boom!
Malakas na palakpakan ang namayani sa loob ng boardroom, hindi galing kay Clyde kundi mismo sa mga shareholders.
Si Clyde tahimik lang at inoobserbahan ako. Parang sinusukat kung gaano ako ka- dangerous….o ka-valuable. Alin man sa dalawa atleast I’ve done my part.
Ilang sandali pa, unti-unting sumilay ang ngiti sa labi ni Clyde.
“You’re not what I expected.”
I smirked pabalik. “Then I must be doing my job.”
Si Helena, inis na nakatingin sa akin, kanina pa. Alam ko ‘yun. Ngunit wala akong panahon sa kanya. After all, hindi niya alam na ako, ‘to, si Christine.
“Clyde,” tawag ni Helena matapos ang boardmeeting with me. Kasalukuyan kaming palabas ng board room.
Napataas ang kilay ko dahil sa paraan ng pagtawag ni Helena sa kanyang Boss. Mukhang totoo nga na may relasyon sila. Nahalata siguro ni Clyde ang reaksyon ko kaya agad niyang tinanggal ang kamay ni Helena na nakadikit sa braso niya.
Matalim ang paraan ng pagtitig ni Clyde sa babae at nakakasunog kung may kasamang apoy lang ang kanyang mga tingin.
Tila naintindihan naman ni Helena ang pinaparating ni Clyde kaya muli itong nagsalita.
“Sir,” Nagbago ang pagtawag ni Helena, may kasama nang paggalang. “Your post-lunch schedule includes a meeting with Mr. Patopatin concerning Top World Airlines' investment proposal.”
Bumalik si Clyde sa pag-upo sa loob ng kanyang opisina. Plano ko na sanang magpaalam upang makaalis na since tapos naman ang boardmeeting, nang sumagot si Clyde.
“Let them know I’m coming with Miss DelCastrillo.”
Napalingon ako nang wala sa oras. Walang salita na lumabas sa bibig ko habang nakatingin sa kanya ng may pagtataka.
“What?” Tanong nito na para bang sinasabi na ‘magtataka ka pa?’ Muli nitong dagdag, “You said you’re more than just a face. I want them to see that. You’re coming with me.” Wika nito sa tonong wala ka nang magagawa kundi ang sumunod dahil hindi niya tatanggapin ang “No,”
“Sir, I’ve always been by your side. Why is she needed now?” Agad na kumontra si Helena. Pakiramdam siguro niya napag-iiwanan siya dahil sa akin. Maaring hindi ako makabawi sa mukha ni Christine, pero sa totoong ako, laglag ka sa akin.
“Of course, Sir.” Malumanay kong tugon, banayad ang tono pero may diin. “I’d be honored to stand by your side... just like she did.” Mas lalo ko pang diniinan ang huling linya habang dahan-dahang lumilingon kay Helena. Nakangiti pa rin ako, halatang nang-aasar.
Tahimik ang silid, pero ramdam ko ang pagbago ng ihip ng hangin. Nanigas ang panga ni Helena. Hindi siya nagsalita, pero kitang-kita ko sa mga mata niya ang inis, na parang gusto na akong lapain ng buo sa sama ng loob. Kung ang mga titig ay sandata, matagal na sana akong wala. Pero narito pa rin ako at nakangiti pa rin.
“By the way, Miss Merced, starting tomorrow, your role will be reassigned. You’ll report to the Marketing Department. I have my new secretary.” Biglang dugtong ni Clyde habang abala sa pagbubukas ng files.
Gusto kong matawa sa reaksyon ni Helena. Mukhang dobleng pasakit ito. Umupo ako sa couch at nanood muna ng palabas.
Kapansin-pansin ang unti-unting pamumula ng pisngi ni Helena. Pinipilit na panatilihin ang composure, pero nanginginig na ang kamay habang hawak ang clipboard.
“You’re replacing me?”
Nagtitimpi sa galit si Helena ngunit si Clyde relax lang na humihigop ng kape.
“I’m reassigning you. There’s a difference.”
Humakbang si Helena palapit kay Clyde at bahagyang tumaas ang boses.
“With all due respect, Sir. I’ve been at your side for years. I know this company like the back of my hand. And now I’m being dismissed? Just like that?”
Binalingan ni Clyde si Helena sa malamig na aura. Parang hindi apektado sa kadramahan ng sekretarya.
“You’re not being dismissed. You’re being moved where you can be more useful.”
Lalong uminit ang ulo ni Helena ngunit nandoon pa rin ang pagpipigil na huwag magalit sa boss.
“Useful?” Napasinghap si Helena, waring isang katawa-tawa ang biglang desisyon ni Clyde.
“You mean replaced. After everything I’ve done, after all the nights I stayed late, covered for you, defended you—”
Tumigil si Helena sa pagngalngal nang napansin ang bahagyang pagtaas ng kilay ni Clyde.
Walang imik si Clyde kaya lalong nadagdan ang inis ni Helena. Sandali siyang tumahimik ngunit halatang may nakamamatay na plano. Maya pa’y nagtanong.
“Who is she?”
Hindi muna siya sinagot agad ni Clyde. Tinapos muna ang pagpirma ng documento bago siya binalingan sa kalmadong tono.
“You’ll meet her tomorrow.”
Tumalikod siya, mariing pinisil ang clipboard bago tumingin muli kay Clyde at pagkatapos sa akin. Binalikan ko naman siya ng matamis na ngiti.
“This isn’t over.”
Narinig kong sambit niya bago tuluyang iniwan ang opisina nang hindi lumilingon.
“Ms. Delmar,”
Nakabalik agad ako sa seryosong mukha bago tumingin kay Clyde.
“Sir?” tanong ko, naghihintay ng instructions, ngunit bago pa man ako sagutin ni Clyde, agad nang umalingawngaw ang tawag mula sa kanyang telepono.
“Hello, Dad.”
Umalerto agad ako nang marinig na kausap niya si Tito Clarence. Nagdadasal ako na sana maririnig ko lang ang pinag-uusapan nila. Ngunit nagkasya na lamang akong intindihin ang pinag-usapan nila ayon sa reaksyon ni Clyde.
“Dad, sinubukan n’yo na ba siyang tawagan? Baka nasa mall pa rin siya at hindi naman nawala.”
Natutop ko ang bibig. Mukhang nagreport na ang dalawang gwardya na nawawala ako. I need to go back.
“Fvck!”
Narinig ko ang inis ni Clyde maging ang mahinang pagmura, sapat lang na hindi marinig ng kanyang ama.
“Sige, Dad, I’m coming home with her.”
Matapos ibaba ni Clyde ang telepono halata ang stress sa kanyang mukha na humarap sa akin.
Pinagdarasal ko na lang na sana hindi ako mahalata. Paano ba ito? Ano ba ang idadahilan ko para makaalis agad rito at maibalik ang pangit na Christine Scott?
CONTINUATION...CLYDE'S POVTumalon ang feed sa next angle. Kahit sa ibang camera, halatang may hinahanap siya. Ako ba ang hinahanap niya? Minsan tumitingin sa entrance, minsan sa stage, minsan sa paligid na parang may inaabangan.At mas lalo kong naramdaman ang gulo sa pagitan naming dalawa.Posibleng ako ang dahilan ng pagpunta niya. Ngunit bakit hindi niya ako tinawagan? Bakit hindi niya sinabi kanina na sasama siya?Nagflashback sa akin ang nangyari sa opisina kanina. Nag-uusap kami ng Brando nang pumasok si Christine. Posibleng narinig niya ang plano namin. “Fvck!” Ini-on ko ang suot na earpiece at kinausap si Brando.“Brando, we have a problem. My wife is here.” Hindi sumagot si Brando pero nakita ko ang pagkagulat sa kanyang mga mata. Naging malikot na ito at tila may hinahanap. “Wala siya sa loob ng venue. lumabas ulit siya, may kausap na lalaki, hindi ko kilala. Alamin mo, huwag kang magpahalata kay Megan.” diretsahan kong utos.Nakita kong napakamot ng ulo si Brando. Ibin
CLYDE’S POVKasalukuyan akong nasa loob ng VIP room ng hotel na katabi lang ng mismong hotel na pinagdausan ng event ni Xian. Tahimik ang paligid, tanging mahinang ugong ng airconditioner ang naririnig ko habang binubuksan ang laptop ko. Ginamit ko ang pagkakataon habang hindi ko pa kasama si Megan. Kasama siya ngayon ni Brando at naghihintay sa akin sa viewmont hotel kung saan naroon si Xian. Muli akong nagfocus sa screen ng aking laptop. Kailangan kong malaman kung ano ang mga ganap sa loob ng Viewmont hotel, kung sino ang mga tauhan na inimbita ni Xian at kung dumating na si Tommy Laurencio. Hindi ko pwedeng i-asa lahat kay Brando, kailangan ko ng Plan B at Plan C sakaling pumalpak kami sa Plan A.“Show me what you’ve got…” bulong ko sa sarili ko.Binuksan ko ang espesyal na programang ako mismo ang gumawa, isang custom interface na hindi mo makikita kahit sa black market. Sa screen, unti-unting lumitaw ang holographic-style dashboard, kumikislap na parang heartbeat ng isang buha
Agad kong pinahid ang luha ko. Sinubukan kong i-praktis ang aking mga ngiti na parang walang narinig. Nang maging okay na ang aking pakiramdam, kumatok ako sa pintuan sabay bukas.Nahuli ko pang bahagya silang nagulat sa pagpasok ko. “Oh? Anong nangyari sa inyo? May problema ba?” Umakto ako na parang walang nangyari.. Na parang wala lang sa akin ang aking mga narinig.Agad na kinuha ni Brando ang mga files mula sa akin at siya na ang naglagay nun sa mesa ni Clyde."Natapos ko nang pirmahan ang mga 'yan. May ilan lang akong hindi in-approve na request since need ko pang i-check ang proposals."Ngumiti si Clyde at kita ang paghanga sa kanyang mukha habang nakatingin sa akin. Hinapit niya ako sa sa baywang. “I missed you.”Ngumiti ako sa kanya at tinanggap ang halik niya sa aking mga labi, ngunit ang puso ko parang pinupunit sa sakit.“Ahmmm, tapos ko na pirmahan ang mga ‘yan. Dapat noon pa pala ako bumalik sa trabaho. Apektado ang branding ng airlines dahil hindi ko nagampanan ang oblig
CHRISTINE’S POV“Whew..almost done..” Napangiti ako matapos pirmahan ang lahat ng dokumento na nakatambak sa ibabaw ng lamesa ko. Ilang buwan akong hindi nakabalik sa opisina dahil hindi ako pinayagan ni Clyde. Mabuti nga at napapayag niya akong isama rito, mayroon akong pagkakaabalahan kaysa naman magmukmok lang ako sa bahay na walang ginagawa.“Miss Scott,”Napalingon ako sa babaeng tumawag ngayon lang sa akin–Si Helena Merced. Naalala ko siya dahil isa siya sa kontrabidang nilalang nang mag-aral ako sa Cypress University during my college days. “Heto pa,” Bumaba ang tingin ko sa mga files na pabagsak niyang ipinatong sa mesa ko.“What is this?” nakakunot ang noo ko habang nakatingin sa kanya. Umarko ang isang kilay niya.“Mga pipirmahan mo. Ang iba, mga pending transactions ‘yan na kailangan matapos bukas.” Habang nagsasalita siya, daig pa ang pwet ng manok na gustong iluwa ang itlog. Noon pa man nabwesit na talaga ako sa mukha niya. Hindi ako sumagot. Dali-dali kong binuklat ang
CLYDE’S POV“Dad,” tipid kong tawag nang makita ang aking ama na seryoso ang mukha habang nakaupo sa couch. Hinintay niyang makaupo muna kami ni Brando sa opposite couch habang nakaharap sa kanya.“Kumusta ang mga tauhan sa ospital?” kay Brando si Dad nakatingin. So, pinatawag niya kami ni Brando hindi para tanungin kung ano ang nangyari kagabi, kundi may iba kaming pag-uusapan.“Mahigit labing walo sa mga tauhan natin ang nasa ospital pa rin ngayon, Boss. Isang driver natin ang namatay, dalawa ang comatose at ang iba nagpapagaling pa.”Napapikit si Dad sa binalita ni Brando. Ramdam ko ang guilt sa kanyang mukha. “Alam na ba ng kanilang mga pamilya?” muling tanong ni Dad.“Pinarating ko sa kanilang pamilya ang nangyari, boss. Binigyan ko na rin sila ng assurance na sasagutin natin ang lahat ng gastusin. At sa pamilya ng namatayan, sinunod ko ang sinabi mo na magbibigay ng malaking halaga para makapagsimula sila ng negosyo. Sinigurado ko rin na maayos ang pagpapalibing.”Tumango lang
Napatingin din ako sa kamay ko. Nakakuyom na ito. Muli kong hinatak si Christine at niyakap. “Wife, nagseselos lang ako. Ayaw kong mawala ka rin sa akin, lalo na ang mapunta sa Xian na ‘yun.”“Ano ba kasi ang iniisip mo? Nagkukuwento lang ako sa ‘yo sakaling magkasilip ka ng idea sa tungkol sa koneksyon ni Xian kay Tommy. Selos naman ang iniintindi mo. Isipin mo na lang. Kung talagang may tiwala ako sa kanya, sana hindi mo ako niyayakap ngayon. Noong hindi pa totally bumalik ang ala-ala ko, sana mas pinili kong pagkatiwalaan lahat ng sinabi niya at hindi ako sumama kay Zariah. Pero mas pinakinggan ko pa rin ang boses mo sa puso ko. Mas pinili kong paniwalaan ang dinidikta ng isipan ko na bumalik sa ‘yo.”Sa mahabang paliwanag niyang ‘yun napawi lahat ng selos at galit ko, dahil totoo naman. “Kaya mas lalo kitang minamahal.” naging sagot ko na lang dahilan upang kurutin niya ako sa tagiliran. Hindi masakit kundi may kasamang kiliti.“Teka, patingin nga ng likod mo. Papalitan natin ng







