CHRISTINE'S FAKE POV
Maagap akong nagsalita.
“Sir, magpapaalam sana ako na pupunta ng mall. Since first day ko rito sa pilipinas, gusto kong gumala muna. Babalik ako at one p.m. sharp para sa meeting natin with Mr. Patopatin.”
Agad siyang sumang-ayon.
“Sa mall din naman ako pupunta, sasamahan na kita.”
Pumayag na ako sa offer ni Clyde para mas mapabilis ang aking transformation.
Pagdating sa mall, mabilis akong nagpaalam kay Clyde.
“Sorry, Sir. I need to pee.” Pagdadahilan ko para makalayo ako sa kanya. Sumang-ayon din siya ngunit nakita kong nagsisimula nang maglikot ang kanyang mga mata tila may hinahanap. Alam kong hinahanap nito si Christine.
Mabilis akong pumasok sa fitting room at hinanap sa bag ko ang suot ko kanina. Inayos ko ang paglagay ng makapal na kilay, makapal na labi at maraming nunal sa pisngi. Mga fake moles na binili ko pa sa states at ibinaon dito sa pinas. Nang makitang ako na naman ulit ang pangit na Christine, lumabas na ako ng fitting room. Gumala-gala ako sa loob ng mall at nagkunwaring naliligaw.
“Pwede bang makita ang cctv ninyo? May hinahanap akong babae.”
Napakubli ako sa manikin matapos marinig ang boses ni Clyde. Nakapamewang siya habang kausap ang gwardya sa may entrance.
“Sige, Sir. Samahan ko kayo.” ani ng gwardya na ikinataranta ko. Pag nakita ni Clyde ang cctv footage tiyak unang araw ko pa lang failure na ako.
Mabilis akong dumaan sa gawi nila bago pa man umalis ang guwardya. May humatak bigla sa aking kamay.
“Wait..” umasta akong na shock sa presensya niya ngunit may bahid nang pasalamat. “Oh, my gush, Clyde. Mabuti at nandito ka. Muntik na akong maligaw.”
Humigpit ang paghawak niya sa akin. Ramdam ko ang galit niya.
Nagsalita ang guwardya. “Nandito na pala ang babaeng hinahanap mo, Sir. Asawa mo ba siya?”
Hindi sumagot si Clyde, marahil nahihiya siyang aminin na asawa niya ako. Hindi ko alam bakit nakaramdam ako ng kirot. Ganito pala ang pakiramdam kapag kinakahiya ka ng taong malapit sa’yo. Kinurot ko ang aking binti sapat na upang matauhan ako. Marahas niya akong hinila palabas ng mall at tinulak sa loob ng kotse.
“Ouch..” Napangiwi ako sa sakit nang tumama ang ulo ko sa headrest ng upuan.
“Drive,” Narinig kong utos niya sa driver.
Galit akong binalingan ni Clyde. “Kung ayaw mong sinasaktan kita, pwede kang bumalik sa states.”
Ininda ko ang kirot at matapang na sumagot. “Hindi ako babalik. Kung ayaw mong magsama tayo sa iisang bubong, Magmakaawa ka sa Daddy mo.”
“Then, I’ll make you suffer the consequences.” Matalim at puno ng pagkamuhi ang kanyang boses.
Napakapit ako sa aking bag at buong tatag na sumagot.
“Go ahead. I’d love to see you try.”
Hindi ko alam kung ano ang iniisip niya. Ngunit hindi na siya sumagot pa. Nakakuyom ang kanyang kamay at halatang nagpipigil.
Ilang sandali pa, tanaw ko na ang DelCastrillo Estate. Hindi ko maiwasang hindi mapasighap sa ganda nito. Marami na akong nakita na mayayamang mansion sa San Francisco ngunit kakaiba ang desenyo ng mansion ng mga DelCastrillo. Ang mansion na tila hinugot mula sa isang architectural magazine. Malawak, elegante, at tahimik na nakatayo sa gitna ng isang pribadong estate na napapalibutan ng mga pine tree at matataas na pader. Paglapit mo pa lang sa gate, makikita mo agad ang black iron gates na may ukit ng kanilang family crest. Isang agila na may korona, sumisimbolo sa kanilang kapangyarihan at karangalan. Sa aming pagpasok, humahawi ito nang kusa at awtomatikong nagsasara pagkatapos. Ang mismong mansion ay tatlong palapag na modern-classic design, malalawak na bintana mula sahig hanggang kisame, at golden light fixtures na nakasabit sa mga porch at veranda. Kapag gabi, naiimagine ko nang animo’y may sariling bituin ang bahay sa dami ng warm lights na bumabalot dito.
“Iha, mabuti at nagkita kayo ng anak ko.”
Agad akog sinalubong ni Tito Clarence. Ngumiti lang ako sa kanya. Hindi pinahalata na nag-away kami ni Clyde.
“Halika sa loob, naghanda ng masasarap na pananghalian ang Mommy Ciara mo.”
Nakita ko ang pagkunot ng noo ni Clyde, marahil dahil sa Mommy na ang tawag ko sa Mommy niya.
Habang papasok kami sa loob ng mansion, hindi pa rin ako tinigilan ng aking pagkamangha.
Sa loob, ay may isang grand staircase, makintab na kahoy na may balustrade na bakal na tila gawa sa kamay ng alagad ng sining. Sa ilalim nito, may fountain na may glass sculpture ni Aurora, ang diyosa ng bukang-liwayway.
Mayroon na rin silang indoor garden at koi pond. May isang library na may second floor balcony, at syempre, isang private wine cellar na may mga vintage bottles pa mula Europe.
“Ano ka ba, mahal. Dinala mo agad si Christine dito sa dining room. Hayaan mo muna siyang magbihis sa silid nila ni Clyde.”
Narinig kong saway ni Tita Ciara. Pasimple kong sinulyapan si Clyde. Wala akong emotion na makukuha. Tahimik lang siya na tumungo sa kusina.
“Clyde, anak. Samahan mo si Christine sa inyong silid.” utos ni Tito Clarence nang makita ang anak.
“Come here,” malamig ang boses ni Clyde na inanyayahan ako. Hindi ko alam bakit napakamasunurin niya at hindi manlang kumontra. Marahil nagpapanggap rin na okay kami.
Sumunod na rin ako sa taas.
Ang silid ni Clyde ay nasa ikatlong palapag. Isang presidential suite na may sariling elevator access, terrace na may view ng lungsod, at high-tech security system. May private gym, walk-in closet na mas malaki pa sa condo, at isang bathroom na parang hotel spa.
Namangha ako lalo habang nakatayo sa terrace. Sa paligid ng mansion ay may infinity pool, guest house, tennis court, at isang garahe na kasya ang mahigit sampung luxury cars.
Ganito kayaman ang asawa ko? Bakit hindi man lang ito binanggit ni Mommy. Lalo akong nanliit sa aking sarili. Ang kaninang tapang ko, parang unti-unting nalusaw dahil sa karangyaan na tumambad sa aking harapan.
May dahilan din pala si Clyde kung bakit may pagka dominant type siya.
“Satisfied with the view?”
Napasinghap ako nang maramdaman ang presensya ni Clyde sa aking likuran.
“Hindi ko alam kung ano ang dahilan mo na pumayag kang sumama rito. Since ayaw mong bumalik, don’t blame me if I will make your life a living hell.” Mahinang bulong nito sa aking tenga ngunit ramdam ko ang nag-aapoy na galit sa kanyang boses.
Bigla akong lumingon para sana sumagot ngunit natigilan nang marealize kong kaunting galaw lang ay didikit na ang aming mga labi. Ngunit hindi ako umatras.
“Kung ganun, kailangan kong maging demonyo, para maging angkop sa impyerno mo.”
Nakita kong natigilan siya sa aking sinabi ngunit sa paraan ng kanyang pagtitig sa akin, ramdam ko ang apoy na gustong kumawala.
CLYDE’S POV“Kuya! Ano, hahayaan mo na lang ba si Christine na umalis!?”‘Tsaka palang ako natauhan nang marinig ang sinabi ni Zariah. Mabilis akong tumakbo palabas ng silid.“Clyde! Paano ako!?”Narinig ko pa ang pahabol na sigaw ni Megan ngunit hindi ko siya pinansin. Natatakot ako para kay Christine. “Boss,”Napahinto ako sa tapat ng guard house nang marinig ang boses ni Brando. Nagliwanag ang paningin ko nang makita si Christine na nakatayo sa tabi ni Brando.“Thanks God.” mahinang bulong ko at napalunok ng aking laway.“Gusto niyang umalis, boss, pinigilan ko lang. Nakasalubong ko siya sa labas ng gate.” sumbong ni Brando. Si Christine tahimik lang at parang hindi ako nakita.“Sige, salamat. Ako na ang bahala sa kanya.” Lumapit ako kay Christine. Akmang hahawakan ko ang kamay niya nang agad niyang tinabig.“Huwag mo akong hawakan.”Hindi ko pinansin ang pagtataray niya. Naiintindihan ko kung bakit siya nagagalit. Mahal niya ako at normal lang na magselos siya..”Selos?” Napaisip
CHRISTINE’S POVTHE NEXT DAY…….Tahimik ang paligid, tanging huni lamang ng mga ibon ang naririnig ko mula sa labas ng bintana. Nakahiga pa rin ako sa malambot na kama, tinatamad akong bumangon. Hindi ko alam kung dala pa ba ito ng pagbubuntis ko o sadyang ayaw ko lang magkaharap kami ni Clyde. Simula nang tumawag ang babaeng ‘yun sa kanya, nawalan ako ng gana na makausap ang kahit sino rito. Mahigpit kong pinikit ang aking mga mata, nang marinig ko ang mga yabag mula sa labas ng silid na tinutulugan ko. Ilang sandali pa’y boses na ni Clyde ang aking narinig na para bang may kinakausap sa veranda gamit ang phone niya.“Zariah, bumalik ka muna rito sa isla,” mahina ngunit mariing utos niya.Napalunok ako at marahang pinihit ang ulo sa gilid para marinig pa ang susunod niyang mga salita.Hindi ko man maririnig ang sinasabi sa kabilang linya ngunit mahuhulaan ko sa pamamagitan ng mga sagot ni Clyde.“Kailangan kong alamin kung hanggang saan na ang narating ni Xian sa paghahanap sa kanya.
CHRISTINE’S POVNakita kong dumistansya si Clyde palayo sa akin. Lalo akong nakaramdam ng kirot sa aking dibdib habang nakatingin sa kanya na kausap ang ‘babe’ na ‘yon.Kaya ba ako nasasaktan dahil naniwala akong siya ang totoong asawa ko? Siguro mas masakit ito kapag nagkataon na bumalik na ang alaala ko.Agad kong tinakpan ang sakit na nararamdaman nang makita siyang pabalik sa kinaroroonan ko.“Sorry, ang tumawag kanina—”“May kontak ka ba sa pamilya ko?” maagap kong pinutol ang pagsasalita niya. Para bang natatakot akong marinig ang anumang sasabihin niya sa akin.Natigilan siya sa tanong ko, bagay na lalo kong pinagtaka.“Bakit? Wala na ba akong pamilya?” Gusto kong malaman kung bakit parang nag-aalangan siyang sumagot.“Christine, ang totoo… hindi kayo okay ng mommy mo.”Napakunot ang noo ko habang nakikinig sa kanya.“Tutulungan kitang bumalik ang alaala mo, nang sa gano’n, magkakaroon na ng kasagutan lahat ng mga katanungan d’yan sa isipan mo.”Sumang-ayon ako, hindi na nagpum
“Yes?” mataray niyang tanong sa mga bodyguard ko kanina.“Magtatanong lang Miss. May nakita ba kayong babae na maganda, nakapulang bestida ang suot?”Kunwari nag-isip si Zariah, “Ahh, oo, napansin ko siya sa loob. Masakit yata ang tiyan. Kanina pa siya nandoon eh.”“Ganun ba? Sige, salamat.” "Sabi ko sa'yo sa loob pa si Ma'am" Sabi niya sa kasama.Ngumiti si Zariah pabalik ngunit pinipisil na ang kamay ko hudyat na magpatuloy kami sa paglalakad.“Tara, bilisan na natin, si Tsinoy, papalapit.” bulong sa akin ni Zariah. Palihim ko ring binaling ang tingin sa direksyon na tinuturo ng nguso ni Zariah. Si Xian, halata ang pagkabagot at pag-alala sa mukha. Papunta siya sa Cr. Alam kong ako na ang hinahanap niya.Binilisan namin ni Zariah ang mga hakbang namin hanggang sa makarating kami sa parking area.Akala ko sasakay kami ng kotse, ngunit isang malaking chopper ang nakaabang sa amin. Umakyat na si Zariah nang bumigat naman ang mga hakbang ko.Nagtataka si Zariah na tumingin sa akin. “
CHRISTINE’S POV“P-pero paano tayo makakalabas rito? Nakabantay ang mga bodyguard ni Xian sa labas.” tanong ko ngunit kinakabahan na rin na baka mali ang desisyon kong sumama sa babaeng ito. Hinawakan ako ni Zariah sa dalawang balikat..” Wait, okay lang ba na tingnan ko ang tiyan mo?” “Bakit?” tanong ko pero hinayaan pa rin siyang buksan ang laylayan ng suot kong bestida. Sandali siyang may tinitigan doon.“Confimed. Ikaw nga ang hinahanap ni Kuya.” Naramdaman ko ang tuwa sa kanyang mga mata. “Huwag kang mag-alala may inihanda na akong plano.”Kinuha niya ang cellphone mula sa dalang clutchbag at mayroong tinawagan.“Hello Makoy, ano na ang plano natin?”Naka-loudspeak ang phone niya kaya naririnig ko ang kanilang pinag-uusapan.“Okay na mam, Bilisan n’yo nang lumabas dyan habanginaaliw pa sila ng babaeng inutusan ko. Kasama na rin niya ang ibang tauhan natin.”Mabilis akong hinawakan sa kamay ni Zariah. Mahigpit ang pagkakahawak niya. “Tin, magpalit ka ng damit, bilis. Heto, suotin
CLYDE’S POV“Boss, ilang araw nang nagmamanman ang mga tauhan natin sa Hidden Valley, pero hindi na umuuwi roon si Doc Xian.”Napakuyom ako ng kamao habang matalim ang tingin sa glass wall ng aking opisina. Nakatitig lang ako sa city view, ngunit malalim ang iniisip ko.“Sinadya ng Xian na ‘yon na itago ang asawa ko,” mahina ngunit may bahid ng galit ang boses ko.“Ano ang plano mo ngayon, Boss?”“Tawagan mo lahat ng koneksyon natin. Gamitin mo ang pangalan ko. Ang sinumang makapagtuturo sa kinaroroonan nina Xian at Christine, may pabuya na isang bilyon kapalit ng impormasyon.”Napakunot ang noo ni Brando sa narinig.“Ang laki, Boss. Sino pa ang mananahimik sa ganyang kalaking halaga?” wika ni Brando.Dinagdagan ko pa ang mga utos. “Sabihin mo rin sa lahat ng staff ng airlines — i-hold ang dalawa sakaling magplano silang lumabas ng bansa.” Kailangan kong gamitin ang utak ko para lang mabawi ulit si Christine. Wala siyang naaalala. Posibleng nagkaroon siya ng temporary amnesia dahil bla