공유

31 - Riou

작가: 4stratcats
last update 최신 업데이트: 2025-09-18 10:15:27

Pabugso-bugso ang buhos ng ulan pagkababa ni Yelena ng taxi sa tapat ng private road papasok ng Armadda territory. Sinipat niya ang oras. Almost the call time. Tinawagan niya si Morgan.

"Mga ano'ng oras ka darating dito? Hihintayin kita sa may gazebo."

"Yena..." may alanganin sa tono ni Morgan. "May emergency rito sa office at kailangan kong asikasuhin. Mauna ka na roon sa banquet, hahabol ako pagkatapos dito."

As usual. Bakit pa ba siya umaasa? Alam naman niyang ganito rin ang mangyayari. Hindi darating si Morgan.

"Okay-"

"I'll definitely be there, wala pang seven, di ba? I'll make it there, I promise."

"Sige, hihintayin kita roon." Ibinaba ni Yelena ang cellphone at dismayadong pinukol ng tanaw ang direksiyon ng main house. Ayaw na niyang maghintay kay Morgan. Naglakad siya papunta sa bahay. Sinagasa ang ulan at mag-isa ulit. Pero lakas-loob pa rin siyang nagpatuloy kahit posibleng ang naghihintay sa kaniya ay panibagong sakit at parusa mula sa matriach ng Armadda.

Tumingala siya
이 책을.
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요
잠긴 챕터
댓글 (3)
goodnovel comment avatar
Nanc y Obias
Sana kayo nalng yena ni arguz
goodnovel comment avatar
Mercy Villafuerte
Knight in shining Armour si Argus
goodnovel comment avatar
Christine Joy
ay salamat buti nandiyan c argus
댓글 모두 보기

최신 챕터

  • BETRAYED WIFE OF THE ZILLIONAIRE BOSS   137 - stolen shots

    Kasado na ang partnership ni Argus sa Lextallionez Security Agency. Ilang araw lang at magiging balita na iyon sa business arena. Madalas dumadaan sa auction ang security services ng Lextallionez at sa pagkakataong ito ay naipanalo niya ang bid. Mapapanatag na siya kahit nasa abroad, kahit sa mga pagkakataong wala siya sa tabi ni Yelena, masisiguro na niya ang kaligtasan ng asawa."Boss, hindi n'yo ba susundan si Doc sa kabila? Kanina pa iyon," nag-aalalang tanong ni Rolly na palakad-lakad sa harapan niya. Malaking bulas ito kaya natatakpan ang liwanag ng mushroon lantern na nasa wall na tanging ilaw sa workstation."She needs to settle the score with Morgan, let her take her time," sagot niya sa naiiritang tono.Nagkamot ng batok si Rolly. "Grabe ka, Boss, hindi ka nag-aalala na baka i-blackmail ng lalaking iyon si Doc?""Yelena is not stupid, you idiot!" angil niya at sinipat ang oras sa suot na relos. Napatiim-bagang siya nang makitang isa ang kompanya ni Morgan sa sumali sa auctio

  • BETRAYED WIFE OF THE ZILLIONAIRE BOSS   136 - compromise

    Pakiramdam ni Yelena ay bibigay na ang utak niya dahil sa pagod. Pero nang mahiga siya ay hindi naman siya makatulog. Kaya bumangon na lamang siya at lumabas ng kwarto. Si Argus ay nasa working station at may ginagawa. Malapit lang sa kusina ang area na iyon."Kukunin ko lang sa kabilang bahay ang laptop." Nagpaalam siya.Tumayo ang lalaki. "Hindi ka makatulog?" tanong nitong bakas sa tono ang pag-aalala."Hindi, eh. Pero okay lang. I-check ko lang ng update ng R&D project. Baka aantukin din ako mamaya.""Sasamahan na kitang kunin ang laptop mo.""Huwag na. Ituloy mo na lang iyang ginagawa mo."Palagay niya ay may meeting na inaantabayanan si Argus. Naka-activate ang suot nitong headseat base sa kulay berdeng ilaw na kumikislap mula roon."Bumalik ka agad," sabi ni Argus.Tumango siya at nagtungo sa kabilang bahay. Akala niya umalis na si Morgan dahil wala na ang sasakyan nito sa bakuran. Pero ang driver lang pala nito ang umalis. Nadatnan niya ang lalaki sa sala. Nakayukyok sa pagkak

  • BETRAYED WIFE OF THE ZILLIONAIRE BOSS   135 - limitations

    Pagdating ng bahay ay hinayaan ni Argus na makapagpahinga si Yelena at na-appreciate iyon ng doktora. Hindi kasi niya alam kung ano ang unang ikukuwento sa lalaki. Parang nagkabuhol-buhol ang ganap. Kailangan muna niyang himayin ang isip. Pagod na pagod siya.Pero nakaligtaan niya ang isang bagay. Ang dahilan kung bakit hindi siya umuwi muna roon sa bahay niya. Wala pang isang oras ay naroon na si Morgan at doon lang niya naalalang hinatid na pala rito ng ex-husband niya ang mga gamit nito para lumipat pansamantala mula sa villa. "Hindi ba ako pwedeng pumasok diyan?" tanong ni Morgan na bahagyang sumimangot. Buti na lang sumaglit sa kabilang bahay si Argus. Nilakihan ni Yelena ang awang ng pintuan at itinabi ang sarili. "Dito muna ako para maalagaan kita," sabi ni Morgan."Kaya ko namang alagaan ang sarili ko, isa pa, Argus is just right next door. Kung need ko ng tulong tatawagin ko lang siya. Hindi ka pwedeng tumira rito, maiilang si Yaale.""Yelena-""Please, Morgan. This is my

  • BETRAYED WIFE OF THE ZILLIONAIRE BOSS   134 - dream

    "Boss, paano ang appointment natin sa Pagoda?" tanong ni Rolly."Send Angela later to take care of it," sagot ni Argus na nakatuon lang ang mga mata sa labas ng bintana ng sasakyan. Related kay Yelena ang appointment niya sa Pagoda. Pero nabigyan naman niya ng instructions si Brando beforehand. Kahit ligtas ang asawa, mahihirapan siyang ituon ang concentration sa kaniyang pakay kaya wala ring kwentang tumuloy doon."Dati hindi ko kayo magawang protektahan ni Doc dahil sa nangyari sa mga magulang ko, lalo at hawak ng Armadda ang buhay n'yo, hindi ako makakilos," pahayag ni Rolly."Galit ka ba sa Armadda, Rolly?""Galit na galit, Boss. Laging buhay ng ibang tao ang ginagamit nila para kontrolin ang nasasakupan. Hindi sila lumalaban ng patas. Ngayon, gusto kong makita kung saan sila dadalhin ng kalupitan nila noon.""When I learn to fight back, Eleanor suppressed me using Yelena as the bait. Her method of torture never changed. Alam niyang mula noon priority ng buhay ko si Yelena. Hangga

  • BETRAYED WIFE OF THE ZILLIONAIRE BOSS   133 - rescued

    Morgan's tall and sturdy build was shaken, his throat rolled and he almost lost his voice. For a while, nakatitig lamang siya sa cellphone na nasa pavement, wondering kung nasa loob ba siya ng isang bangungot. "Sir Morgan," boses ni Brando na nagpabalik kay Morgan sa wesyo.Muli niyang dinampot ang cellphone. "B-Brando, sigurado ka ba sa sinasabi mo?" Imbis na matuwa ay tila unti-unti siyang pinapatay. Ang sakit sa puso tanggapin ang rebelasyon. Dahan-dahang gumapang ang matalim niyang tingin kay Nova na nakatayo sa kaniyang tabi at nanigas habang nakaawang ang bibig. Narinig din nito ang sinabi ni Brando. Maliwanag pa sa sikat ng araw na pinaglalaruan siya ng babaeng ito pilit inilalayo sa katotohanan. Marahil ay sa simula pa man ay alam na nitong sina Xara Jean at Yelena ay iisa kaya sinikap nitong sirain ang anumang koneksiyon niya sa asawa.Pumihit si Morgan at iniharang ang sarili. Tiniyak na hindi makatatakas ang hipag. Nova's face is showing the confusion. Ang mailap nitong m

  • BETRAYED WIFE OF THE ZILLIONAIRE BOSS   132 - revelation

    "Binigyan ka ba ng lokasyon kung nasaan si Philip?" tanong ni Morgan kay Nova."Ah, oo...this, here." Ipinakita ng babae ang text sa cellphone niya mula sa unknown number.The same industrial area where Yelena was taken by her kidnappers. Nagtagis ng mga bagang si Morgan. Dinukot ng grupo ang asawa at pamangkin niya. "Ako na ang pupunta, umuwi ka at maghintay doon sa bahay," utos niya kay Nova. "Ayaw ko, sasama ako. Anak ko si Philip, hindi ako pwedeng tumunganga na lang doon sa bahay." May disgustong sinulyapan niya ang babae. "Baka nakakalimutan mong muntik mo nang mapatay ang anak mo?"Natameme si Nova. Pero hindi rin naman ito nagpaawat at sumama talaga. Morgan glanced at her suspiciously, not wanting to delay any longer. He signaled the driver to speed up. Samantala, sinapit ng van na sinasakyan ni Yelena ang abandonadong planta sa border ng Pagoda at Magallanes. Dinaluhan siya ng isa sa mga dumukot sa kaniya pababa ng sasakyan.Sumalubong sa kanila ang tatlo pang kalalakihan

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 책을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 책을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status