Itinago ni Yelena sa ilalim ng cabinet ang box at hinarangan iyon ng ilan sa designer bags niya. Minsan kasi ay naghahalungkat doon si Morgan, ayaw niyang makita nito ang box bago ang takdang araw na nasa kaniyang plano.
Umunat siya at matagal na nakatitig sa door mirror ng cabinet matapos isara iyon. Nasa ganoon siyang ayos nang muling bulabugin ni Manang Luiza na nakalimutan na yatang kumatok at binalya pabukas ang pinto.
"Maám! May nangyari po sa ibaba," nangangatal ang boses ng mayordoma. "Ang ink painting na ginawa ni Sir Victor ay sinira ni Philip!"
"Ano'ng sabi nýo?" Nalukot ang mukha ni Yelena at kumaripas palabas ng kuwarto. Humabol sa kaniya si Manang Luiza na sa sobrang nerbiyos ay natapilok pa. Bumaba sila ng sala at nadatnan doon ang wasak na painting.
Bumuntong-hininga siya at naglibot ang mga mata, hinahanap si Nova. Pero wala roon ang babae. Aroganteng lumapit sa kanila si Philip at namaywang na wari pag-aari nito ang buong bahay at libre itong sirain ang mga gamit na gusting paglaruan.
"Manang, natawagan na ba ang main house?" tanong niya kay Manang Luiza.
"Hindi pa, Maám."
Magbibigay na sana siya ng instruction sa mayordoma pero sinuntok siya ni Philip sa puson. Napauklo siya sa sakit.
"Bad ka! Sabi Mama bawal ikaw magreklamo! Ano, laban ka?" matapang nitong hamon.
Masakit na ang kamao ng bata sa kabila ng edad nito at hindi makaiwas si Yelena nang undayan nito ng sapok.
“Tama na, Philip!” babala niya.
"Bata lang naman iyan, hindi ganoon kasakit ang suntok niya." Nagsalita si Nova na lumabas galing ng kusina. Aba’t parang walang nangyari? "Spoiled sa akin si Philip kaya siya ganyan. Paborito niyang paglaruan ang mga tao. Pero ganito naman talaga ang mga bata kaya ‘wag kang magalit."
"So, okay lang na ikaw ang sisisihin ko sa kalikutan niya?" Utas ni Yelena at sinulyapan ang painting na may malaking butas sa gitna. "Ugali nýo bang mag-ina ang manira ng mga gamit?" Hindi lang mga gamit, pati pamilya at pagsasama ng mag-asawa gaya nila ni Morgan.
Namula ang mukha at mga mata ni Nova. Magmumukha na naman itong biktima. "Nalingat lang ako saglit, hindi mo ako pwedeng singilin sa ganyan kamahal na painting."
"Nalingat ka lang. Kung buong araw kang hindi attentive sa anak mo, baka bukas sumabog na itong bahay. In just a day ang dami na niyang binasag na mga gamit."
"Ganyan ba kakitid ang utak mo? Bata lang si Philip! Ano, isusumbong mo ako sa main house para magalit na naman sa akin si Grandma? Dahil lang sa basag na painting na iyan gusto mong masaktan kami ng anak ko?"
"Tama ka, painting lang iyan, last painting na ginawa ni Daddy Victor bago siya namatay." Huminga ng malalim si Yelena, isenenyas sa kaniya ng isang katulong na may dumating galing ng main house.
“I can’t believe you! Tinawagan mo talaga si Grandma?” Parang tinakasan ng kaluluwa si Nova nang makita ang mga bisitang pumanhik ng bahay. Sinakop ng panic ang buong mukha ng babae at mabilis na sinikop si Philip. "Sinadya mong gawin ito! Kasalanan mo ito! Gusto mo kaming i-frame up ng anak ko para mapaalis kami rito!”
"Ano ba? Nasa kwarto lang ako at naghahanda ng gift para kay Morgan, bakit ako na naman ang sisisihin mo? Baka ikaw itong nagplano na ipasira kay Philip ang mga gamit dito at ubusin ang pasensya ko. That way, may rason ang asawa ko na itaboy ako, di ba?”
Pumasok si Hubert, ang butler ng main house kasunod ang ilang bantay. Hindi maipinta ang mukha ng may edad na lalaki nang makita ang kalat at pinsala sa sala. Tiim ang mga bagang na tumingin ito kay Philip na sumiksik sa ina. Pagkuwa’y binalingan si Nova.
"Nova, pinasasabi ni Madam Rosela na kung hindi mo magawang turuan at disiplinahin ang anak mo, ikaw na lang muna ang tuturuan niya ng leksiyon."
"A-Ano?" Umawang ang bibig ni Nova.
"Doon sa may kapilya at lumuhod ka sa harap ng altar nang ilang oras." Itinuro ng butler ang direksiyon ng outdoor chapel.
"Excuse me, Hubert..." sumabat si Yelena pero nag-angat ng kamay ang butler, pinatatahimik siya.
"Yena, pinasasabi rin ni Madam na alagaan mo ang sarili mo. Napansin niyang nagpupuyat ka para estimahin ang mga bisita noong burol ni Sir Morris. Ikaw ang katuwang ng mga kasambahay roon."
Hindi naman niya balak pigilan ang parusa kay Nova. Gusto lang sana niyang itanong kung maayos na ang kalagayan ng biyenan kasi nais niyang pag-usapan ang tungkol sa annulment process nila ni Morgan.
Sinubukan pang umapela ni Nova habang kinakladkad ito ng mga bantay palabas ng bahay. Si Philip ay dinala ng ibang katulong sa kuwarto. Umiiyak ang bata.
"Maám, ano po ang gagawin natin sa painting?" tanong ni Manang Luiza na hindi pa rin napawi ang nerbiyos sa mukha.
"May kukuha po niyan para ma-repair bago ibabalik dito," sagot ni Yelena at humakbang patungo sa hagdanan. “Manang, sabihan ang ibang katulong na linisin ang mga kalat.”
“Sige po, Ma’am. Ako na ang bahala rito.”
Muli niyang sinulyapan ang wasak na painting. Hindi niya sasabihing fake iyon. Ang original masterpiece ay nasa art gallery ng kaibigan niyang artist. Ligtas at iniingatan. Iyon din naman ang bilin ng biyenan niyang lalaki. Ang makita ng ng mga tao ang obra-maestra nito kahit wala na ito sa mundo.
"Bad woman!" sigaw ni Philip mula sa guest room. Nagpapalahaw pa rin ng iyak. "Tawag na ako kay Uncle, pag-uwi niya lagot ka! Lagot ka, bad ka!”
"Hayaan mo, hinihintay ko rin si Uncle mo."
"Sabi ni Mama, itatapon ka ni Uncle sa labas! Ayaw ni Uncle sa iyo!”
Pati bata ay alam ang reyalidad na iyon. Naririnig siguro nito tuwing nag-uusap sina Morgan at Nova. Gusto sana niya itong kulitin pero napapagod na ito sa pag-iyak. Naaawa na siya kay Philip.
Kapag nagtagumpay ang annulment process, maiiwan sa iisang bubong ang mag-hipag. Isang malungkot na lalaki at biyudang babae. Magandang scoop ng balita iyon. At tiyak masisira ang buhay ni Nova. Kaso lang, hindi iyon papayagan ni Morgan.
"Apologize to Nova," ang unang lumabas sa bibig ni Morgan pagpasok nito ng investigation room.Mapait na ngumiti si Yelena. "Hihingi ako ng tawad? For what? I didn't do anything. Hindi ko sinaktan si Philip at lalong hindi ako hihingi ng tawad sa pagsampal ko sa kaniya dahil kulang pa na bayad iyon sa kasalanan niya sa akin.""Kahit tingin mo wala kang kasalanan, humingi ka ng tawad kay Nova!" sigaw ni Morgan at hinawakan siya sa siko."Bakit ako makikinig sa iyo? Ano ba kita? Sino ka ba?" Sapilitan niyang hinablot ang braso. "Pa-check mo nga iyang utak mo, may tama ka yata, eh.""Yelena!"Hindi niya pinansin ang lalaki at sa halip ay nilapitan ang opisyal ng police."Hintayin lang natin ang kopya ng CCTv, Sir." Pinukol niya ng matalim na sulyap si Nova na namutla."Wala namang CCTv sa bahaging iyon ng exit," sabi nito sa basag na tono."Akala mo lang wala. Ano? Kabado ka na dahil makikita kung sino ang totoong nagtulak kay Philip sa hagdan?""Tumigil ka na, Yelena! Kung noon siguro n
Buti na lang at hindi ganoon kagulo ang opisina nang pumasok si Yelena. May mga gamit pa hindi pinakialaman si Philip. Pero nang makita siya ng bata ay sinugod siya nito."Bad ka, agaw mo si daddy-uncle kay mommy! Bad ka!" sigaw nito.Ang dalawang nurses na naroon ay hindi nakahuma. Napailing na lamang siya. Mukha siya na naman ang lalabas na kabit sa lagay na ito."Doc, totoo ba ang sinabi ng bata?" tanong ng nurse."Tingin mo ugali kong mang-agaw ng asawa ng iba at manira ng pamilya? Oo nga pala, bata ang may sabi at may kasabihan tayong ang bata ay hindi marunong magsinungaling. Na-shock nga rin ako dahil sa buong buhay ko ngayon lang ako nakakita ng bata na ubod ng sinungaling." Nilapag niya sa ibabaw ng desk ang kaniyang bag. "Ano'ng problema kay Philip? Bakit siya nandito sa office ko? At kung tapos na kayong magmarites, asikasuhin na ang mga pasyente para masimulan ko ang consultation," malamig niyang utos.Pero hinablot ni Philip ang bag niya at itinapon sa sahig. Nagkalat an
"Hilig mo talagang kalkalin ang mga nakakahiyang ganap sa buhay ko, Argus." Himutok ni Yelena at hinawakan sa kamay ang lalaki. "At ano, gagamitin mo naman ito laban sa akin?""Kahit hindi mo sasabihin, malalaman ko pa rin iyan. I concentrated my in formation network and even my forces in your direction, Yelena. Who do you thin is the reason why I return?""Hindi kami naghiwalay ni Morgan, single ka kaya hindi mo naiintindihan ang sitwasyon naming dalawa. Maaring lumipat ako ng tirahan pero sa totoo lang nakatutulong ito para ma-improve ang relationship namin. Alam mo iyon, mami-miss niya ako, parang ganoon.""Really? Your lies are trying hard, Yelena. You know more anyone else, I won't buy that crap. Tell it to the marines, okay?" Argus smirked and eyes sparks with evil mockery. "What husband will bring his girlfriend to event. Part ba iyon ng improvement ng pagmamahalan ninyo bilang mag-asawa?""Yelena?" Si Yaale na pumasok, bitbit ang mainit na sabaw. "You have a lawyer at your di
Binalot ng katahimikan ang buong fine dining. Napalunok naman si Yelena dahil sa hiya. Hindi niya inaasahan na babatiin siya mismo ni Argus dito mismo sa sarili nitong teritoryo kung saan diyos ito kung ituring.Huminga siya ng malalim at pilit ikinalma ang puso na gusto nang tumakas palabas ng dibdib niya. Ni-remind niya ang sarili na nasa formal dinner siya at kailangan niyang rendahan ang kaniyang emosyon. "Joker po pala kayo, Mr. Armadda," aniyang tumawa ng mahina."No, I'm serious, Doc Yena. Come and sit with me." He personally invited her.Doon lang niya napansin na isang silya na lang ang bakante at nasa tabi nito iyon. Para bang sadyang inalis ng waiter ang ibang bakanteng upuan lalo na ýong extra chairs.Nanigas ang mga binti niya pero maiinsulto si Argus kung hindi niya pagbibigyan. Nakatitig sa kaniya ang lalaki. Malagkit. Matiim. Para bang binabasa at binibilang ang bawat kilos niya mula sa pinakamalaki hanggang sa pinakamaliit. His fingers are drumming softly on the tab
Natigilan si Morgan. "That's your nickname when you were a kid, nakalimutan mo na?" Kumunot ang kaniyang noo. Posible bang makalimutan nito ang pangalang iyon? Naikuyom ng lalaki ang mga kamao."Huh?" May panic sa mga mata ni Nova nang tumingin sa kaniya. "Hindi ko nakalimutan, kaya lang matagal nang walang tumatawag sa akin ng ganoon kaya hindi ako nagre-react," paliwanag nito sa boses na tila pwersahan ang pagiging kalmado."Really?" Morgan squinted his eyes. Hindi pa rin kumbinsido. Unless nagkaroon ng amnesia si Nova, may tendency na makakalimutan nito ang pangalang iyon pero hindi naman ito nagkaroon ng memory loss. "Maniwala ka, isa pa hindi maganda ang memories ko sa name na iyon kaya nga pumayag akong palitan doon sa orphanage." Kabado ito at unti-unting namula ang mga mata. "Sino pa ba ang tatawag sa akin ng ganyan pagkatapos mamatay ng mga magulang ko...... Morgan, twenty years...... Normal lang naman na makalimot ako diba?" Tumulo ang luha nito."Sorry, 'wag mo nang isipin
Halata pa rin ang galit sa mukha ni Nova kahit nakauwi na sila mula sa dinner. Kahit si Morgan ay dismayado rin at mabigat ang dibdib. "Sinabi ko na sa iyo, may affair sina Gerald at Yelena, ayaw mo kasing maniwala sa akin. Tingin mo sa babaeng iyon at santa na hindi marunong magkasala pero mas masahol pa pala."Hindi kumibo si Morgan. Masakit ang ulo niya at ayaw niyang patulan ang paggagatong ni Nova para lalo siyang galitin. Bagamat may punto ang babae. Naiinsulto siya sa ginawa ni Yelena kanina. Not so sure kung dapat niyang palagpasin o pagsabihan ang asawa. Bilang second highest lady ng Cuntis family, kailangan nitong mapanatili ang dignidad at tila ba hindi nito naintindihan iyon."Kakausapin ko siya mamaya pag uwi niya.""By the way, Morgan, narinig ko roon sa hospital na may project na sasalihan sina Gerald at Yelena, drug research and development project. Pwede ka bang gumawa ng paraan para makasali rin ako?""Okay," tango ni Morgan. "May talent ka, tiyak malaki ang maiaamb