Pumasok ang sasakyan ni Morgan sa bakuran at itinabi niya iyon sa driveway. Napansin niyang may guards mula sa main house na nakabantay sa labas ng chapel. Sino'ng nandoon?
Sa halip na tumuloy sa loob ng bahay, tinungo niya ang kapilya at nakita si Nova na nakaluhod sa ibaba ng altar. Itinulak niya ang guards na humarang at dinaluhong ang babae.
Niyakap niya mula sa likod si Nova at kinarga. Tiim ang mga bagang na lumabas ng chapel at nilandas ang pathway papasok ng bahay. Ang suot niyang mahabang coat ay nagbigay ng kalmadong ora sa kaniyang tindig kahit nagdeliryo sa galit ang dibdib.
Itinuloy niya sa guest room ang hipag at minasahe ang mga binti nito at tuhod na namumula. Halata ang poot sa kaniyang mga mata, hindi para kay Nova kundi sa sinuman na responsable sa pagpaparusa sa babae.
"Tanga ka ba? Bakit pumayag kang paluhurin doon?"
"Si Grandma ang nag-utos, ano'ng magagawa ko? Nagsumbong kasi ang asawa mo." Umiyak si Nova. "Hindi ko akalaing ganoon siya. Natatakot sa kaniya si Philip."
"Kakausapin ko siya."
"Morgan, hiwalayan mo na siya." Hinatak ni Nova ang manggas ng kaniyang coat. "Kaya lang naman sinira ni Philip ang paintaing ni Grandpa dahil binigyan ni Yelena ng ideya ang bata para gawin iyon."
"Tama iyon, Uncle!" hiyaw ni Philip na naiiyak din. "Tinakot ako ni Auntie, sabi niya may halimaw sa painting at kakainin ang kamay ko."
"Imposible iyon," umiling si Morgan at hinaplos ang ulo ng bata. "Baka nagkamali ka lang ng narinig, hindi mabilis magalit ang Auntie mo. Mahaba ang pasensya niya. Sabi niya kagabi hindi na siya magagalit sa iyo at hindi ka na niya tatakutin pa. Isa pa, mahal siya ni Grandpa, hindi magbibiro si Yelena para sirain ang painting."
"Sinasabi mo bang sinungaling kaming dalawa ni Philip? Morgan, nagbago ka na talaga!"
Lalong uminit ang ulo ng lalaki pero mahinahon niyang tinitigan ang dismayadong mga mata ni Nova. "Hindi ako nagbago, Nova, mula noon hanggang ngayon."
"Talaga? Hindi ka talaga natukso sa asawa mo maski minsan? Hindi mo ba talaga siya ginalaw?"
Bahagyang nanigas si Morgan at naningkit ang mga mata. "Hindi ko siya ginalaw."
Ang pag-uusap na iyon at lahat ng sinabi ng lalaki ay narinig ni Yelena. Unfiltered words of her husband. Sumilay sa kaniyang labi ang mapait na ngiti. Kumatok siya at pumasok ng silid.
"Morgan, may dinner banquet bukas sa chamber of commerce, niyaya ako ni Grandma na dumalo."
May orientation si Yelena sa business at mula nang maikasal sila ni Morgan ang kalakal sa pagitan ng Cuntis at business chamber members ay nagpatuloy at tumibay pa.
"Susunduin kita bukas at sabay na tayong pupunta," deklarasyon ni Morgan na hindi makatingin sa kaniya ng maayos.
"Okay," tango niya at nilipat ang tingin kina Nova at Philip. Kung makatingin sa kaniya ang mag-ina'y para siyang intruder sa bahay na iyon.
Pumihit siya paalis. Pagbalik niya ng bedroom ay natanggap niya ang chat ni Yaale. Nanalo ito sa kasong hinawakan at niyaya siya nitong mag-shopping. May oras pa naman. Magbibihis na lang siya. Pumili siya ng maisusuot at di sadyang nasilip ang gift box. Gusto na niyang ibigay iyon kay Morgan. Kinuha niya ang kahon.
"Ano iyan, Yena?"
Muntik na siyang lumundag sa gulat. Ibinuga niya ang hangin na naiipon sa dibdib at nilingon ang asawa. Ngayon na nga siguro ang tamang pagkakataon.
"Gift," maiksi niyang sagot.
"May kaibigan kang bibigyan ng regalo?" Lumapit ang lalaki.
"Para sa birthday mo ito, malapit na iyon. Ilang tulog na lang." Magiliw siyang ngumiti kahit naghihimagsik ang puso. "Ito sana 'yong regalo ko sa wedding anniversary natin kaya lang hindi ko naibigay sa iyo dahil sa nangyari kay Kuya."
Nakita niya ang pag-ukit ng guilt sa mukha ni Morgan. "I'm sorry, Yena."
Tumitig siya sa mga mata ng asawa. Kailan pa lumalabo ang reflection niya roon. Para bang hindi na niya kilala ang anino ng babaeng naaninag niya sa mga mata ni Morgan. Siya pa ba iyon? O baka pinaniniwala na lang niya ang sarili na siya pa rin iyon.
"Bawi na lang tayo sa kaarawan mo, heto oh, advance happy birthday, Morgan!" bati niya sa asawa.
'At hiling ko rin ang maligayang paglaya mula sa iyo.' Bulong ng kaniyang isip.
***
Kinuha ni Morgan ang box at napalunok dahil sa kirot na humaplos sa kaniyang puso. Panandalian lamang iyon pero damang-dama niya pati paghinga niya ay nawala sa ritmo. Pinagmasdan niya ang kahon. Mahigpit na nakatali ang ribbon. Mukhang nag-effort ang asawa niya para ihanda ang regalong iyon.
Bago pa siya makapagpasalamat ay pumihit na si Yelena. Noon lang niya napansin na nakabihis ito. Aalis ang asawa at wala man lang sinabi? Saan ito pupunta?
Sumunod siya sa labas at magtatanong na sana.
"Aray!" Boses ni Nova mula sa bungad ng pintuan ng guest room.
Mabilis na nawala sa isip ni Morgan si Yelena at binalikan ang hipag niya sa kabilang silid.
"Dadalhin na kita sa hospital kung hindi pa rin huhupa ang sakit ng mga tuhod mo."
"Huwag na, ayaw ko roon." Naglapat ang mga labi ni Nova at nahulog ang mga mata sa box na bitbit ng lalaki. "Akala ko ba hindi ka matutukso sa kaniya pero tinatanggap mo ang gifts na ibinibigay niya. For sure iingatan mo rin iyan gaya ng mga binibigay ko sa iyo noon."
"Nova, malaki ang utang na loob ko kay Yelena."
Namilog ang mga mata ni Nova at mabilis na bumalong ang mga luha. "At paano ako? Hahayaan mo na lang na pahirapan niya kami rito?"
"Sinabi ko na sa iyo, hindi siya ganoong uri ng tao!"
"Tama na!" singhal ni Nova. "Ipinagtatanggol mo pa talaga siya!" Hinatak ni Nova si Philip at lumabas ng silid ang dalawa.
Nawalan ng kibo si Morgan at pagkuwa'y bumuntong-hininga ang lalaki. Ano bang pumasok sa isip niya? Pero ayaw niyang makarinig ng hindi magandang salita mula sa ibang tao para kay Yelena.
Niyuko niya ang box.
Pumasok ang sasakyan ni Morgan sa bakuran at itinabi niya iyon sa driveway. Napansin niyang may guards mula sa main house na nakabantay sa labas ng chapel. Sino'ng nandoon?Sa halip na tumuloy sa loob ng bahay, tinungo niya ang kapilya at nakita si Nova na nakaluhod sa ibaba ng altar. Itinulak niya ang guards na humarang at dinaluhong ang babae.Niyakap niya mula sa likod si Nova at kinarga. Tiim ang mga bagang na lumabas ng chapel at nilandas ang pathway papasok ng bahay. Ang suot niyang mahabang coat ay nagbigay ng kalmadong ora sa kaniyang tindig kahit nagdeliryo sa galit ang dibdib.Itinuloy niya sa guest room ang hipag at minasahe ang mga binti nito at tuhod na namumula. Halata ang poot sa kaniyang mga mata, hindi para kay Nova kundi sa sinuman na responsable sa pagpaparusa sa babae."Tanga ka ba? Bakit pumayag kang paluhurin doon?""Si Grandma ang nag-utos, ano'ng magagawa ko? Nagsumbong kasi ang asawa mo." Umiyak si Nova. "Hindi ko akalaing ganoon siya. Natatakot sa kaniya si P
Itinago ni Yelena sa ilalim ng cabinet ang box at hinarangan iyon ng ilan sa designer bags niya. Minsan kasi ay naghahalungkat doon si Morgan, ayaw niyang makita nito ang box bago ang takdang araw na nasa kaniyang plano.Umunat siya at matagal na nakatitig sa door mirror ng cabinet matapos isara iyon. Nasa ganoon siyang ayos nang muling bulabugin ni Manang Luiza na nakalimutan na yatang kumatok at binalya pabukas ang pinto."Maám! May nangyari po sa ibaba," nangangatal ang boses ng mayordoma. "Ang ink painting na ginawa ni Sir Victor ay sinira ni Philip!""Ano'ng sabi nýo?" Nalukot ang mukha ni Yelena at kumaripas palabas ng kuwarto. Humabol sa kaniya si Manang Luiza na sa sobrang nerbiyos ay natapilok pa. Bumaba sila ng sala at nadatnan doon ang wasak na painting.Bumuntong-hininga siya at naglibot ang mga mata, hinahanap si Nova. Pero wala roon ang babae. Aroganteng lumapit sa kanila si Philip at namaywang na wari pag-aari nito ang buong bahay at libre itong sirain ang mga gamit na
Dis-oras na ng gabi at hindi na muling dinalaw ng antok si Yelena. Nasa verandah siya at natanaw ang itim na Chevrolet na pumasok sa bakuran. Maya-maya pa ay naroon na ang mag-ina at sumalubong, hila-hila ni Philip sa kamay si Nova. A harmonious family of three kung pagmasdan.Pumihit siya at bumalik sa loob ng kuwarto. Nagtungo sa kama at humiga. Bakit ba nakita pa niya ang ganoong tagpo? Ilang minuto ang lumipas, narinig niya ang kaluskos sa may pintuan. Pumasok si Morgan na madilim ang mukha. Nagsumbong siguro ang mag-ina."Totoo bang tinakot mo si Philip kanina?" angil sa kaniya ng asawa."Oo. Pero bago ka magalit sa akin, tingnan mo muna ang family photo na tanging alaala ko sa aking mga magulang. Pinunit iyan ni Philip! At bakit ba kasi sila pumasok dito sa kuwarto? Sinabi mo ba na okay lang makialam sila sa mga gamit dito?"Natigilan si Morgan. Hindi nakakilos. Lumamlam ang mga mata nito at nahawi ang lambong sa mukha. Tinangka nitong haplusin sa ulo si Yelena pero umiwas siya.
Nahugot ni Yelena ang hininga at bahagyang naguguluhang tumingin kay Philip na sumampa sa kaniyang tabi. Isiniksik ng bata ang malusog at matabang bulto."Auntie, sama kami ni Mama sa iyo."Kunot ang mga kilay na tumingin siya kay Morgan para kompirmahin kung iyon din ba ang gusto ng lalaki o baka ito pa mismo ang nag-alok sa mag-ina na sumama sa kanila roon sa bahay."Galit na galit pa rin sina Mom and Dad, baka kung ano'ng gawin nila kay Nova. Doon muna sila mag-stay sa bahay natin." Nakatiim ang mga bagang na wika ni Morgan. "Pansamantala lang naman."Halos matawa na siya, pero naisip niyang nasa sementeryo pa rin sila. Hindi yata tama na tumawa siya roon kahit dala pa iyon ng sama ng loob at galit.Ang talino nga naman ng asawa niya. Sa kaniya sasama sina Nova at Philip habang ito ay babalik sa main house, sa bahay ng mga magulang nito at tutubusin ang galit ng pamilya para kay Nova. Napaka-responsable naman talaga.Pero wala rin naman siyang choice. Papakinggan ba nito ang katuwi
Tatlong taon ng pagiging mag-asawa nila ay mistulang alikabok na hindi na mahagilap ni Yelena ang halaga. Kaya matapos mamatay ang panganay na kapatid ni Morgan, naglakas-loob siyang mag-file ng annulment. Gusto niyang lumaya, sa kabila ng mga pangamba sa posibleng epekto ng desisyon niya sa buong pamilya at sa mismong sarili niya, dahil aaminin man niya o hindi, minahal niya nang buong puso ang asawa."Ano ito?" Sumimangot si Morgan, nakarehistro sa mga mata ang gulat. "Dahil lamang hinarang ko ang sampal mo para kay Nova?" angil ng lalaking hindi makapaniwala.Tuwing binabanggit nito ang pangalan ng hipag, naroon ang pagsuyo na hindi niya madama kapag pangalan niya ang sinasambit ng lalaki.Hinamig ni Yelena ang sarili at malamig na sumagot, "Oo, dahil sa ilang beses mong pagtatanggol sa kaniya. Pinagmumukha mo akong kawawa, Morgan. Ako ang asawa mo at hipag mo lang si Nova. Pero nasaan ba ang simpatiya mo? Hindi ko na hihintaying sabihin mong umalis ako dahil mas importante sa iyo