Nagtuluy-tuloy ang pabugso-bugsong ulan sa nakalipas na dalawang araw. Pero hindi nagbabago ang daily routine ni Yelena bago pa namatay ang kaniyang bayaw. Pumupunta siya sa City Health Office sa umaga para sa consultation at sa hapon ay nag-aaral siya tungkol sa mental health. May bago kasing programa na bubuksan ang LGU at ang concentration at mental health intervention. Dulot ito sa talamak na suicide events na kinasasangkutan ng mga kabataan.
Resident pedia si Yelena ng City Health Office at primary care facility ng Magallanes City. Last year lang siya nagtapos ng medicine at nakapasa sa board exam. Pinili niyang sa CHO ng lungsod magtrabaho dahil dito madalas tumatakbo ang kapos at walang pambayad sa private hospitals.
Umuwi siya ng bahay pagkatapos ng duty niya at nagpalit ng damit. Nag-ayos siya ng sarili. Naglagay ng light make-up. Likas na maganda si Yelena. Mestiza at maliit ang mukha na may singkit na mga mata, matangos na ilong at higis puso na mga labi. Lalong tumingkad ang takaw-pansin niyang kinis sa suot na navy blue na bestidang lagpas tuhod ang haba. Hapit din ang malambot na tela ng damit sa hubog ng kaniyang katawan.
Pero nakakatawa na ang alindog niyang napapasunod ang titig ng mga lalaki ay hindi kayang akitin ang asawa niya. Oh, talking about her husband. What is he up to now? Pansin niyang tahimik ang buong bahay nang umuwi siya. Kakaiba. Hindi tuloy siya mapalagay. Wala siyang narinig maski kaluskos ng mag-ina.
"Yelena," boses ni Nova buhat sa likuran niya. Sarcastic ang tono nito. "Sabihin mo, ikaw kaya ang pipiliin ni Morgan o ako?"
Saglit na natigilan si Yelena pero agad ding nakabawi at ngumiti. "Sis, hindi ko naintindihan kung ano'ng sinasabi mo." Maang-maangan niya. "Ano, gusto mong mag-stage ng show about widow na hipag na nilalandi ang kaniyang bayaw? At sino ang magiging audience mo, ang Cuntis family? Ay bet, siguradong ikatutuwa nila. Sa sobrang tuwa baka yakapin ka nila sa leeg hanggang sa mag-color violet ka."
"Yelena!" gigil na sigaw ni Nova na nagtagis ng mga ngipin.
"What?" Mahinahon niyang ibinalabal ang scarf at ngumiti. "Excuse muna, hinihintay na kasi ako ni Morgan."
Mula sa kinaroroonan nila ay matatanaw naman ni Nova ang sasakyan ng lalaki kaya hindi nito masasabing nagsisinungaling siya. Iinisin niya ang babae tuwing may pagkakataon hanggang sa sumuko ito ng dugo dahil sa tension.
Alam niya kung bakit ito pumayag na pakasalan siya ni Morgan noon kahit may relasyon ang dalawa. Gusto nitong ipakita na easy to get siya, kayang gawing puppet na sunud-sunuran at madaling manipulahin dahil ang outside character niya ay malambot. Pero ngayon matatauhan na ito. Hindi siya maamong tupa, isa siyang tigre na kada bukas ng bibig ay nananakmal.
Pumasok si Yelena ng sasakyan at tumingin sa lalaking nasa likod ng manibela.
"Kanina ka pa ba?" tanong niya rito.
"No, kadarating ko lang."
Hinawakan ni Morgan ang kamay niya at bumaba ang mga mata nito sa hem ng kaniyang bestida. Bahagya itong sumimangot. "Bakit ito ang suot mo? Medyo maiksi at hantad masyado ang mga hita mo."
"May scarf naman ako rito, tatakpan ko na lang mamaya."
"Hm, let's see what will you do kung lalagnatin ka dahil diyan sa outfit mo. Tag-ulan na at maginaw sa labas."
"Doctor ako, Morgan. Kung may fever, iinom ng gamot, that's basic."
Kaya naman niyang alagaan ang sarili niya. Hindi siya aasa sa asawa lalo na sa ibang tao.
"Kung magsalita ka'y kulang na lang sabihin mong wala akong pakialam sa iyo."
Iba ang dating sa kaniya ng sinabi nito. Naisip niyang baka binuksan nito ang gift. "Binuksan mo ang regalo?"
"Hindi pa. Di ba sabi mo sa birthday gift iyon? Saka ko na titingnan."
Nakahinga siya ng maluwag. Buti na lang. This way, may sapat na panahon pa siya para maghanda.
Katahimikan na ang bumalot sa pagitan nila. Wala talaga silang something in common kaya madalas nauubusan sila ng topics na pwedeng pag-usapan. Hindi rin naging interesado sa medical field ang lalaki. Siya naman ay non-chalant sa mga ganap nito sa business arena.
Panaka-naka'y sumusulyap sa kaniya ang asawa habang tahimik siyang nanonood sa daloy ng traffic sa labas. Nababasa niya ang admiration sa mga mata ng lalaki, pero hindi niya malaman kung ano'ng iniisip nito.
Although, she often hear him say she is harmless and gentle pero bakit kaya mabilis pa rin itong naniniwala sa kasinungalingan ni Nova.
Akmang magsasalita ito pero pinatigil ng tumutunog nitong cellphone.
"Sir, si Ma'am Nova lumabas po, may date raw," sabi ni kausap nito sa kabilang linya. Kahit medyo malalim ang boses pero naririnig iyon ni Yelena dahil malakas ang volume.
At iyon lang, bigla nang umangat ang tension sa buong looban ng sasakyan. Galit ang dahilan. Galit si Morgan. Pero pilit nitong tinitimpi. Right now, he is clearly in dilemma.
"Send me the location," matigas nitong utos, ang mukha'y madilim at tila mag-aamok na.
Matapos sabihin ng kausap ang lokasyon ay ibinaba nito ang cellphone at bumaling sa kaniya.
"May nangyaring emergency, hindi na kita masasamahan doon sa family dinner."
Emergency na nakipag-date si Nova? Gusto niyang itanong pero tinikom na lamang niya ang bibig. Siya lang din naman ang mapapahiya sa huli.
"Okay," tango ni Yelena. "Pero mag-taxi ka. Gagamitin ko 'tong sasakyan."
"What?" May pagtutol sa tono nito.
"Magta-taxi ka. Itabi mo na at bumaba ka!" sikmat niya sa lalaki.
Tulirong itinabi nito sa shoulder ng highway ang sasakyan at halos itulak na niya ito palabas. Gusto pa sana nitong umapela pero binagsakan na niya ng pinto at pinausad pabalik sa main lane ang SUV.
Ang pamilya ng mga negosyante na nakalakihan ni Yelena ay kakaiba. Hindi masaya ang pagtitipon dito. Seryoso at strict ang atmosphere. Napakatahimik pagdating niya. Daig pa ang sementeryo.
"Nandito na pala kayo, Ma'am." Sinalubong siya ng kasambahay at sinamahan patungo sa pavilion kung saan naka-setup ang dinner. "Kanina pa po kayo hinihintay ni Madam Eleanor. Umaga pa lang tinatanong na niya kung ano'ng oras kayo darating."
Tumango siya at nagkuyom ng mga kamao dahil sa pagbangon ng kakaibang nerbiyos sa kaniyang sistema.
Nadatnan niya sa loob ng pavilion house ang matandang matriarch, si Madam Eleanor. Nakaupo ito sa main seat sa may kabisera. Ang dalawa nitong anak ay nasa kanan at kaliwa.
"Lola, hello po sa inyo, Tita Mercy at Auntie Glo," bati niya sa mga ito.
Hindi tinugon ang pagbati niya bagkus ay sinilip ng mga ito kung may tao pa ba sa likuran niya, hinahanap si Morgan.
"Mag-isa ka lang? Nasaan ang asawa mo?"
"May emergency po siyang inaasikaso."
Halos mapalundag siya nang ihambalos ni Madam Eleanor sa sahig ang baso.
"Lumabas ka roon at lumuhod ka!" utos nito.
Bumalikwas ng bangon si Yelena pagkatapos magising sa panaginip niya kay Argus. Pinilit daw niya ang lalaki na isali siya sa project kahit ayaw nito hanggang sa inakit na lamang niya ito para pumayag. Muli niyang ibinagsak ang sarili sa kama at tumitig sa madilim na kisame. Hinintay na humupa ang paghahabol niya ng hininga.Matagal nang walang pakialam sa kaniya ang lalaking iyon bakit umaasta pa rin siya gaya noong mga bata pa sila? Bumangon siya at binuksan ang ilaw. Nagtungso siya sa sala at naupo sa couch. Kinapa ang pendant ng kwintas. Doon niya napansin na tila may kakaiba. Hinubad niya iyon para tingnan. Bakit parang nag-iba ang hugis? Ito ba 'yong binigay ni Lola Ale sa kaniya? Parang baliktad ang arko ng pendant.Umiling siya. Baka guni-guni lang niya. Isinuot niya muli ang kwintas at bumalik sa kaniyang kwarto. Kinabukasa, sa provincial hospital ang duty niya. Gaya ng nakaraang mga araw, bumungad sa kaniya sa lobby si Nova na binobola ng ilang mga empleyado dahil kay Morgan
Sa VIP box ng restaurant, nakadungaw si Argus mula sa railing, ang kanang kamay ay nakaangkla sa barandilya habang hawak ng kaliwa ang wine glass. Nakatuon ang titig niya kina Yelena at Gerald na kumakain sa ibaba. Mukhang nawiwili sa usapan ang dalawa. His chest tightened thinking that he could never see her curious smile again like that. Estranghero na ngayon ang turing sa kaniya ni Yelena. "Sino'ng tinitingnan mo riyan?" Lumapit sa kaniya si Lito. "Ang kapatid mo ba iyan?" "Ikaw na ang bahala sa iba pagdating nila. I'll go ahead. Charge n'yo na sa akin ang bill," sabi niyang tinapik sa balikat ang kaibigan.Hanggang ngayon ang tingin ng mga tao sa kanilang dalawa ni Yelena ay magkapatid. Matagal na niyang na-correct ang ideyang iyon dahil napunta naman sa poder niya ang babae para maging bride niya. Pero ang lipunan pa rin ang nagdidikta kung ano dapat ang magiging relasyon nila sa isa't isa.Papalapit pa lamang siya sa table ay nakita na siya ni Yelena. Rumehistro agad ang pagka
Gigil na pinapanood ni Nova ang ginawa ni Yelena at kung paano ito hinangaan ng ibang mga naroon. Bakit ganoon? Noong college siya madalas din naman siyang purihin ng instructors nila pero hindi niya makuha ang recognition na nakukuha ni Yelena. Kung tutuusin ay mas bata sa kaniya ang babaeng ito. "Nurse, monitor him every two hours, wag mong kalimutang i-turn-over sa susunod na shift bago ka mag-clock out mamaya. Medyo seryoso ang kalagayan niya. Naka-refer na siya for laboratory exam bukas," bilin nito sa nurse na umalalay."Okay po, Dr. Yena. Thank you po.""Doc, maraming salamat po," pilit nagsalita ang pasyente."Tumango si Yelena at umalis na.Namumuhing hinatid ito ni Nova ng tanaw at akmang lalapitan niya ang pasyente."Huwag n'yo na po siyang pakialaman, baka ang ending ay mamatay siya," sikmat ng nurse. "Ano'ng sabi mo?" maldita niyang pakli. "Doctor ako-""Hindi ka po licensed doctor. Bawal po nag-handle ng pasyente lalo na kung tulad nito na komplikado ang kaso."Wala si
Napangiti si Nova pagkatapos marinig ang sinabi ni Manang Luiza. Hindi man niya tiyak kung bakit nagsinungaling ang kasambahay pero pabor sa kaniya ang ginagawa nito. Ngayong umalis na si Yelena sa villa, siya ang bagong Mrs. Curtis at Madam sa bahay. Hindi siya papayag na makabalik pa ang babaeng iyon."Sigurado ka, Manang Lu na araw-araw umuuwi si Yelena? Hindi ko maramdaman ang presensya niya rito sa bahay. Isa pa, bakit kunti na lang ang books na nasa kuwarto? The last time I check, siksikan sa medical books iyon," sabi ni Morgan at naningkit ang mga mata. "Minsan lang po siyang hindi nakauwi rito, Sir. Noong kaarawan ng lola n'yo," sagot ng mayordoma."Morgan, baka dinala niya sa hospital ang books para may mababasa siya. Don't tell me iniisa-isa mo ang mga aklat doon shelf?" sabat ni Nova na nauumay na sa inaasta ng lalaki.Sinulyapan niya si Manang Luiza. Siguro natanto ng matanda na mas karapat-dapat siyang maging Madam sa bahay na iyon. Natutuwa siya sa mayordoma."Sige na,
Yelena's shoulders fell down and relaxed. "Morgan, kaya kong mag-drive. Puntahan mo na sila at doon ka magpaliwanag saka samahan mo na si Nova. Her sports car is waiting." Iminuwestra niya ang showroom kung saan tanaw mula sa kinaroroonan nila ang sasakyang binili ni Morgan para sa hipag nito.No amount of explanation can change the fact that he cheated and that she has to deal with it professionally. Hindi niya ibababa sa level ni Nova ang sarili niya. Lalong hindi siya papayag na magtanim ng kalituhan si Morgan sa utak niya tapos sa bansang huli ay lalabas na siya ang may kasalanan. Hinayaan nitong sa paningin ng iba ay si Nova ang asawa nito at siya ay kabit na sumisira sa relasyon ng iba."Yena-""Mr. Curtis, marami pa akong gagawin. Excuse me," pormal niyang sabi na gumulat kay Morgan."Mr. Curtis?" Dumilim ang mukha ng lalaki.Ang sinabi niya ay malinaw na pagmarka ng boundary sa pagitan nilang dalawa. That formal address is not just for setting limits but for building high wall
"Ang babaeng iyon ang kabit ng asawa mo?" tanong ni Gerald pagkapasok nila ng opisina ni Yelena. Tinutukoy nito si Nova na nasa lobby at kung anu-ano'ng token ang binibigay sa mga empleyado. Hindi na siya magtataka kung bukas o sa susunod na araw ay magbabago ang pakikitungo sa kaniya ng iba. Hindi lang basta token ang binibigay ni Nova, may kasamang kuwento iyon at madalas siya ang kontrabida."First love siya ni Morgan," sagot ni Yelena at naupo sa silya. Pumasok ang secretary at binigay sa kaniya ang listahan ng mga gustong magpa-check up."Lumapit si Morgan sa aking ama at narinig kong ni-recommend ni Dad sa Mayor si Nova. Kakausapin ko si Dad-""Huwag na, okay lang." Ngumiti siya ng tipid. "Hindi basta hihingi ng pabor si Morgan sa ibang tao. Tiyak may agreement sila ng Dad mo tungkol sa business. Hayaan mo na. I can make a room for Nova. Ako na lang ang iiwas sa kaniya para hindi kami magkagulo.""I'm sorry, sinabi ni Dad sa akin ang tungkol dito pero hindi ko gaanong pinansin,"