Share

57 - her necklace

Author: 4stratcats
last update Huling Na-update: 2025-10-20 10:37:31

Naging awkward ang atmosphere sa loob ng elevator at ramdam ni Yelena ang discomfort ni Morgan. Nag-angat siya ng tingin para sana silipin ang mukha ng ex-husband niya pero matalim na titig ni Argus ang sumalubong sa mga mata niya. Nanindig ang mga balahibo niya at humigpit ang kaniyang batok. Kapag talaga hindi siya handa at nagtatagpo ang paningin nila'y napapralisa ang buong katawan niya.

Ibinaling niya sa pinto ng elevator ang mga mata at tumikhim. Morgan is also observing her. Mistula siyang nakasalang sa apoy at yelo. Nanunuot sa buto niya ang malamig na aura ni Argus at para naman siyang mapapaso sa mainit na titig ni Morgan.

"Tapos na ang trabaho mo, di ba? Hindi ka pa ba magre-relax? I mean, the day has been long for you." Tinutukoy ng lalaki ang mga hindi kaaya-ayang ganap kanina rito sa hospital. "Also, bakit mo binigay kay Nova ang pinadeliver kong flowers kanina at gift para sa iyo?"

"Para ba sa akin ang mga iyon? Sabi kasi ni Nova para sa kaniya iyon. Hindi ako nang-a
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter
Mga Comments (6)
goodnovel comment avatar
Jurma Gulam
si argus xarajean ang tawag nya kay yelena
goodnovel comment avatar
Enen Tinod
impostor talaga si nova mang aagaw
goodnovel comment avatar
Jimarry Alberto
thanks authur next plzz
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • BETRAYED WIFE OF THE ZILLIONAIRE BOSS   141 - tampered data

    Sinubukan pang pigilan ni Morgan si Yelena na inakay ni Mark palabas ng villa pero pinigilan na ito ni Lito. Ang mga bantay ay hindi na rin nakialam matapos bigyan ng babala ng dalawang lalaki. Kung tutuusin ay parehas din namang kilala sa business arena ang pamilya nina Mark at Lito. Mas umangat nga lang sa kanila si Argus dahil hindi nakasandal sa angkan nito ang lalaki pero nagawa nitong mailagay sa top corporation ang Le Cadran. "Thank you, Kuya..." sabi ni Yelena kay Mark pagkasampa nila ng sasakyan. "Wala iyon," tango ng lalaki at bumaling sa driver nito. "Tara na.""Paano n'yo nga pala nalaman na naroon ako sa villa ni Morgan?" tanong niya pagsapit nila ng main road."Nag-message sa gc namin si Argus. Sira-ulong Morgan iyon, ayaw makinig ng advice noon tapos ngayon pipilitin kang bumalik sa kaniya? Gusto ko nang buntalin kanina." Bakas sa tono ni Mark ang pikon. "Huwag kang mahihiyang magsabi sa akin kung guguluhin ka pa rin ng lalaking iyon."Tipid siyang ngumiti at tumango.

  • BETRAYED WIFE OF THE ZILLIONAIRE BOSS   140 - rescue

    Sumakit ang ulo ni Yelena sa pag-iisip kung paano makatatakas mula roon sa villa. Inisip niyang gumamit ng kumot pero hindi sapat ang haba ng mga iyon. Pwede niyang tanggalin ang kurtina pero mahahalata siya ng mga bantay sa ibaba. Matamlay na naupo siya sa kama at tumingin sa pinto nang marinig ang mahinang katok. She walked over and opened the door."Doc, dinalhan kita ng snacks.""Okay lang ako, Aling Luiza, wag na kayong mag-alala. Hiwalay na kami ni Morgan kaya wala na kayong dahilan para pagsilbihan ako.""Alam kong na galit ka kay Sir, pero hindi pwedeng idamay mo ang iyong katawan. Kumain ka. Huwag kang mag-alala, naintindihan ko ang desisyon mo. Maraming pagkukulang si Sir noon at sinaktan niya ang damdamin mo.""Thank you, Aling Luiza." Tipid na ngumiti si Yelena. Pumasok ang mayordoma at nilapag sa mesita ang tray na may pagkain. "Nasaan po si Morgan?" tanong niya kay Aling Luiza."Nasa ibaba, dumating ang mga kaibigan niya." Halos hindi pa tapos magsalita ang kasambahay

  • BETRAYED WIFE OF THE ZILLIONAIRE BOSS   139 - trap

    "Pasensya ka na, hindi muna ako makakapasok, inform kita kung okay na ang schedule ko." Kausap ni Yelena si Gerald sa cellphone. "Okay lang, I will cover for you.""Thank you, tatawag ako mamaya at update kita regarding sa R&D.""Looking forward to it."Nagpaalam siya at binalikan ang nakabukas na laptop sa study table. Ilalapag na sana niya ang cellphone nang mag-ring iyon ulit. Si Lola Ale ang tumatawag."Hello po, Lola?""Hello, Yena? Naistorbo ba kita?" "Hindi po, Lola, okay lang po.""Nasaan si Argus? Hindi ko siya matawagan. Nagpunta kasi ako ng palengke kanina at nagkaroon ng problema ang kotse, buti na lang nakita ako ni Morgan. Narito ako sa bahay niya, isinama niya ako at hinatid niya sa shop ang sasakyan para matingnan. Tumawag ako kay Argus para masundo ako. Pero hindi siya sumasagot.""Umalis po siya. May emergency daw sa Le Cadran at titingnan niya. Sige po, try ko po siyang tawagan.""Salamat, apo. Sige, maghihintay na lang ako rito."Yelena typed out Argus' contact n

  • BETRAYED WIFE OF THE ZILLIONAIRE BOSS   138 - subtle war

    Tipsy na si Morgan sa nainom na whiskey pero ayaw pa rin magpahinga ng utak niya. Kada sulok ng kaniyang ulo ay umaalingawngaw ang sinabi ni Lito. In love si Argus kay Yelena? Ganoon din ba ang asawa niya? Kaya ayaw na nitong bumalik sa kaniya? May sekretong affair ang dalawa? No. Hindi siguro matatawag na sekreto iyon. Argus is very loud about it. Siya lang itong ayaw maniwala. Dinampot niya ang cellphone at huminga ng malalim. Sinubukan niyang tawagan si Yelena. "Morgan," boses ni Argus ang nas a kabilang linya.Nagtagis siya ng mga bagang. "Kakausapin ko si Yelena.""She's asleep."Asleep...Yelena is sleeping in Argus' bed? Are they sleeping together? Lalong nag-alburuto ang utak niya. "I will get her back, I'll win my wife back." He promised."Don't you think it's too late for that? She is in my arms at the moment, taking her away from me is not gonna be easy, Morgan. I've given you plenty of time when she is still yours, hindi ako nanggulo. Ngayong nakabalik na siya sa akin, h

  • BETRAYED WIFE OF THE ZILLIONAIRE BOSS   137 - stolen shots

    Kasado na ang partnership ni Argus sa Lextallionez Security Agency. Ilang araw lang at magiging balita na iyon sa business arena. Madalas dumadaan sa auction ang security services ng Lextallionez at sa pagkakataong ito ay naipanalo niya ang bid. Mapapanatag na siya kahit nasa abroad, kahit sa mga pagkakataong wala siya sa tabi ni Yelena, masisiguro na niya ang kaligtasan ng asawa."Boss, hindi n'yo ba susundan si Doc sa kabila? Kanina pa iyon," nag-aalalang tanong ni Rolly na palakad-lakad sa harapan niya. Malaking bulas ito kaya natatakpan ang liwanag ng mushroon lantern na nasa wall na tanging ilaw sa workstation."She needs to settle the score with Morgan, let her take her time," sagot niya sa naiiritang tono.Nagkamot ng batok si Rolly. "Grabe ka, Boss, hindi ka nag-aalala na baka i-blackmail ng lalaking iyon si Doc?""Yelena is not stupid, you idiot!" angil niya at sinipat ang oras sa suot na relos. Napatiim-bagang siya nang makitang isa ang kompanya ni Morgan sa sumali sa auctio

  • BETRAYED WIFE OF THE ZILLIONAIRE BOSS   136 - compromise

    Pakiramdam ni Yelena ay bibigay na ang utak niya dahil sa pagod. Pero nang mahiga siya ay hindi naman siya makatulog. Kaya bumangon na lamang siya at lumabas ng kwarto. Si Argus ay nasa working station at may ginagawa. Malapit lang sa kusina ang area na iyon."Kukunin ko lang sa kabilang bahay ang laptop." Nagpaalam siya.Tumayo ang lalaki. "Hindi ka makatulog?" tanong nitong bakas sa tono ang pag-aalala."Hindi, eh. Pero okay lang. I-check ko lang ng update ng R&D project. Baka aantukin din ako mamaya.""Sasamahan na kitang kunin ang laptop mo.""Huwag na. Ituloy mo na lang iyang ginagawa mo."Palagay niya ay may meeting na inaantabayanan si Argus. Naka-activate ang suot nitong headseat base sa kulay berdeng ilaw na kumikislap mula roon."Bumalik ka agad," sabi ni Argus.Tumango siya at nagtungo sa kabilang bahay. Akala niya umalis na si Morgan dahil wala na ang sasakyan nito sa bakuran. Pero ang driver lang pala nito ang umalis. Nadatnan niya ang lalaki sa sala. Nakayukyok sa pagkak

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status