Share

CHAPTER 16: AWAKEN

EURUS' POV

Nagising ako sa lamig ng hinihingaan ko. Matigas at malamig, nasaan ako? Nasaan sila? Agad kong inilibot ang boung paningin ko, nasa isang maliit na kubo pala  ako. Umuulan pa rin sa labas kaya hindi ko makita kung nasaan ako bukod sa kubo na ito. Agad akong tumayo para maghanap ng pwedeng maging ilaw dahil sobrang dilim sa loob. Hindi ko alam kung papaano ako napunta dito, si Ayu kaya? Nasaan? 

Kinapa ko ang bawat madadaanan ko, buti nalang at hindi ako napapatid o nababangga sa mga gamit. May hagdan pababa siguro ay ito ang papuntang kusina. Kaagad akong bumaba para maghanap ng lampara o kandila. Buti naman at may nahanap ako, nakalagay ang lampara sa maliit na lamesa at may posporo doon. Para bang naghihintay lang ito ng taong maliligaw at magpapahinga dito sa kubong 'to. Agad kong sinindihan ang lampara, hindi siya ganon kaliwanag pero pwede na  gamitin pangpalipas ng gabi. 

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status