Home / Romance / BIDDING FOR HER (She was His to Win) / Kabanata 8 => Sa Likod ng Ngiti.

Share

Kabanata 8 => Sa Likod ng Ngiti.

last update Last Updated: 2025-06-20 23:25:05

Sa hindi kalayuan, mula sa ikalawang palapag ng mansyon, tahimik na pinagmamasdan siya ng binata sa gilid ng bintana. Nakasandal ito sa poste ng veranda, hawak-hawak ang baso ng malamig na wine, hindi para uminom, kundi tila ba para may mahawakan lang habang nagmamasid.

Hindi ito napansin ni Megan. Abala siya sa marahang pagnguya ng tinapay, tahimik, maingat, parang ayaw lumikha ng kahit anong ingay na puwedeng magpagalit muli sa sinuman. Ang bawat galaw niya ay may takot—hindi hayag, ngunit halatang batid ng isang sanay nang umiwas sa gulo. Ang pagtiklop ng kamay, ang pagyuko ng ulo, ang pag-iwas ng tingin, lahat ay kilos ng isang taong sanay pagsabihan, pero kailanman ay hindi nasanay mahalin.

Ang tingin ng binata sa kanya ay malamig, walang emosyon. Ngunit sa likod ng mga matang iyon ay may bahagyang pag-aalinlangan, isang uri ng pagkalito na hindi niya pa kayang pangalanan.

"Mahina. Mukhang iiyak lang ‘yan sa unang linggo," bulong ng isa pang binatang nasa tabi ng lalaki, hawak
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • BIDDING FOR HER (She was His to Win)   kabanata 9 => Umpisa ng Trabaho.

    Isa siyang tulad ng mga bulaklak sa hallway na lilinisin niya mamaya. Hindi man pinansin sa umpisa, pero may taglay na ganda. At kapag napunasan ang alikabok, masisilayan rin. Dahil minsan, ang mga taong tahimik… ay silang may pinakamatitinding kwento. At ang mga kagaya ni Megan—iyong laging nakayuko, laging nakangiti, laging sumusunod—sila ang pinaka-marupok sa tingin ng iba. Pero sa totoo lang, sila ang may pinakamatibay na likod. Dahil araw-araw, binubuhat nila ang bigat ng hindi pagmamahal. Ngayon, panibagong araw na naman. At kahit walang bumati sa kanya ng “Magandang umaga,” ngumiti pa rin siya. Kasi sa dami ng sakit na dinanas niya, natutunan niyang ang ngiti ay pwedeng maging sandata. At kung ang ngiti niya ang tanging bagay na hindi pa niya nakikitang sinisira ng mundo… ayaw niyang mawala pa iyon. Hindi niya sinayang ang oras. Alam niyang hindi siya narito para magpahinga, kaya’t agad niyang kinuha ang papel na naglalaman ng kanyang schedule at tumuloy sa unang gaw

  • BIDDING FOR HER (She was His to Win)   Kabanata 8 => Sa Likod ng Ngiti.

    Sa hindi kalayuan, mula sa ikalawang palapag ng mansyon, tahimik na pinagmamasdan siya ng binata sa gilid ng bintana. Nakasandal ito sa poste ng veranda, hawak-hawak ang baso ng malamig na wine, hindi para uminom, kundi tila ba para may mahawakan lang habang nagmamasid. Hindi ito napansin ni Megan. Abala siya sa marahang pagnguya ng tinapay, tahimik, maingat, parang ayaw lumikha ng kahit anong ingay na puwedeng magpagalit muli sa sinuman. Ang bawat galaw niya ay may takot—hindi hayag, ngunit halatang batid ng isang sanay nang umiwas sa gulo. Ang pagtiklop ng kamay, ang pagyuko ng ulo, ang pag-iwas ng tingin, lahat ay kilos ng isang taong sanay pagsabihan, pero kailanman ay hindi nasanay mahalin. Ang tingin ng binata sa kanya ay malamig, walang emosyon. Ngunit sa likod ng mga matang iyon ay may bahagyang pag-aalinlangan, isang uri ng pagkalito na hindi niya pa kayang pangalanan. "Mahina. Mukhang iiyak lang ‘yan sa unang linggo," bulong ng isa pang binatang nasa tabi ng lalaki, hawak

  • BIDDING FOR HER (She was His to Win)   Kabanata 7 => Almusal.

    "Tanggalin mo na ang 'HO' hindi naman ako ganoon ka tanda" Malamig na saad ng binata na sa wakas ay itinuon na ang paningin sa kaniya, naparulala siya sa ganda nito, napaka kinis ng mukha, napaka puti, matangos ang ilong, matulis na panga, at mapupulang labi. "Tapos ka na bang titigan ako?" Malamig na saad nito kaya agad siyang napaiwas ng tingin at napayuko. Nangingilid nanaman ang kaniyang mga luha ngunit pinilit niyang ngumiti sanay na siyang masita ngunit ayaw niya non. "Pasensya na ho-, pasensya na, hindi ko sinasadyang titigan ka, hindi na mauulit." Saad niya habang naka yuko pa rin. "Wag ka nang ngumawa diyan kumain kana." Malamig na saad nito at tumayo. "Manang yung schedule niya ibigay mo na." Marahas na saad niyq sa ginang atsaka mabibigat ang hakbang na umalis ng dining.“Tanggalin mo na ang ‘ho’. Hindi naman ako ganoon katanda,” malamig na saad ng binata, sa wakas ay iniangat na ang paningin at itinapat ito sa kanya.Parang napako si Megan sa kinatatayuan niya. Lahat ng ba

  • BIDDING FOR HER (She was His to Win)   Kabanata 6 => Bagong Simula.

    Kinabukasan, magaan ang pakiramdam ni Megan nang magising. Parang ito na yata ang unang beses sa napakahabang panahon na hindi siya nagising dahil sa masakit na sampal, tadyak at suntok, ngyon ay parang may kakaibang kapayapaan ang bumalot sa kanya parang may humaplos sa kanyang kaluluwa habang siya’y natutulog.Mabilis siyang bumangon. Maayos niyang tiniklop ang kumot, inayos ang mga unan, at pagkatapos ay dumiretso sa banyo upang maligo. Habang ang malamig na tubig ay bumubuhos sa kanyang katawan, dama niya ang unti-unting paghilom ng kanyang mga sugat. Hindi lang mga sugat sa balat kundi pati na rin ang mga lamat sa kanyang damdamin.Paglabas niya mula sa banyo ay dumiretso siya sa walk-in closet. Hindi pa rin siya sanay sa lawak nito, mas malaki pa sa kwartong tinirhan nila ng kanyang ina sa lumang apartment. Habang pumipili ng damit, napatingin siya sa salamin. Doon niya napansing ang mga pasa sa kanyang katawan ay halos wala na. Ang mga galos sa braso ay mapupusyaw na, at ang ku

  • BIDDING FOR HER (She was His to Win)   Kabanata 5 => Bangungot.

    Lumipas na ang dalawang araw ngunit wala pa ring malay si Megan. Tila ngayon pa lamang siya nakapagpahinga ng maayos, matapos ang mahabang panahon ng pisikal at emosyonal na pagpapahirap. Sa wakas ay natahimik ang kanyang katawan, ngunit ang katahimikang ito ay nagbabadya rin ng kaba."Hindi pa rin ba siya nagigising?" bungad ni Alyana, ang pinsang buo ni Lucien, habang dahan-dahang pumasok sa silid. Suot pa rin niya ang kanyang uniporme mula sa ospital, dala-dala ang pag-aalalang hindi kayang itago sa kanyang mukha."Hindi pa rin," sagot ni Lucien, hindi inaalis ang tingin kay Megan. Nanatili siyang nakaupo sa gilid ng kama, hawak ang malamig na kamay ng dalaga. "Ano sa tingin mo ang nangyayari sa kanya? Dapat ko na ba siyang isugod sa ospital?"Hindi sanay si Lucien sa ganitong takot. Sanay siyang magdesisyon, sanay siyang kontrolado ang sitwasyon. Pero ngayon, sa bawat minuto ng katahimikan ni Megan, para siyang sinasakal ng kawalang magawa. Ang dating malakas na babae, na hindi hi

  • BIDDING FOR HER (She was His to Win)   Kabanata 4 => Kalinga.

    Mabilis na idinala ni Lucien ang dalaga sa kwarto nito at marahang inilapag sa malambot na kama. Nanginginig ang katawan ni Megan, tila ba kahit ang mga himaymay ng kanyang kaluluwa ay dumaranas ng pagod at sakit. Walang inaksayang oras si Lucien. Kinuha niya agad ang telepono at tumawag sa kaibigang doktor upang ipatingin ang dalaga. Habang naghihintay, nanatili siyang tahimik sa isang sulok ng silid. Mula roon, hindi niya maiwasang titigan ang nakahandusay na katawan ni Megan, mahina, maputla, at tila ginupo ng lahat ng pasakit sa mundo. Pagdating ng doktor ay agad nitong kinuha ang stethoscope sa kaniyang dalang bag at lumapit sa kama. Ngunit sa paglapit nito at sa pagtatangkang tanggalin ang pang-itaas ng dalaga upang masuri nang mabuti, mabilis na lumapit si Lucien at mariing pinigil ang kamay ng doktor. “Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?!” singhal niya, ang kanyang mga mata'y naglalagablab sa galit. Napaatras nang bahagya ang doktor ngunit agad ding nagpaliwanag, “Kumalma ka

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status