LOGINDahan-dahang nagmulat ng mga mata si Hannah habang sinasalubong ng malambot na liwanag ng umaga ang silid. Umupo siya sa kama at bahagyang nahulog ang kumot sa kanyang baywang. Agad na namula ang mga pisngi niya nang bumalik sa isipan ang mga alaala ng nangyari kagabi.
Ibinaba ni Hannah ang kanyang mga paa sa sahig kasabay ng pagkarinig niya sa tunog ng umaagos na tubig mula sa banyo. Natigilan siya at napatingin sa nakasarang pinto ng banyo. Magulo ang kanyang isip. “Mag-isip ka nang maayos,” mahina niyang bulong sa sarili. “Nakikipagrelasyon ka sa boss mo... Hindi na ito tama.” But her breath hitched when the bathroom door opened. Lumabas si Zach habang sumusunod ang manipis na usok ng singaw dito. Isang tuwalya lamang ang nakabalot sa mababang bahagi ng baywang nito. Tumutulo pa ang tubig mula sa kanyang matipunong dibdib at basa ang kanyang buhok, magulo ngunit tila perpekto pa rin tingnan. Napalunok si Hannah. Tila ipinagkanulo siya ng kanyang mga mata habang dahan-dahang pinagmasdan ang katawan nito. He looks sinful in the morning. “Pwede kang kumuha ng litrato,” nakangising sabi ni Zach. “Mas tatagal iyon.” Napakurap si Hannah nang mapagtantong nahuli siya. Lalong namula ang kanyang mukha. Mahinang natawa si Zach habang kumukuha ng isa pang tuwalya at pinupunasan ang buhok na para bang hindi nito kagagawang tunawin ang buong pagkatao ni Hannah. Naroon pa rin ang ngiti sa mga labi ni Zach habang pinupunasan ang basang buhok nito. Samantalang si Hannah ay mabilis na umiwas ng tingin at nagkunwaring abalang inayos ang kumot na nakabalot sa katawan. “Relax,” natatawang sabi ni Zach. “Hindi kita kakainin.” Lalong namula ang kanyang mukha. “Hindi naman ako kinakabahan.” “Talaga?” May bahid ng pang-aasar ang tono nito. Hindi na lamang siya sumagot. Muling natawa si Zach bago nagtungo sa walk-in closet na konektado sa silid. Ilang minuto rin itong nawala roon. Nakahinga nang maluwag si Hannah. Pakiramdam niya ay mas madali siyang makakapag-isip kapag wala ito sa kanyang harapan. Ngunit agad ding bumilis ang tibok ng puso niya nang muling lumabas si Zach. Nakasuot na ito ng simpleng puting polo at itim na pantalon. Maayos na rin ang buhok nito, ngunit nananatili pa rin ang natural nitong kagwapuhan. Parang kahit ano ang isuot ng lalaki ay nagmumukhang mamahalin. “Okay na ba?” tanong nito. Napakurap si Hannah. “Ano?” “Hindi ka na masyadong namumula.” Napangiwi siya. “Hindi ako namumula.” “Kung iyan ang gusto mong paniwalaan.” Bago pa siya makapagreklamo ay tumalikod na si Zach at nagtungo sa pinto. “Halika na.” “Saan?” “Mag-aalmusal.” Tumayo si Hannah at mabilis na inayos ang sarili bago sumunod dito. Tahimik silang bumaba sa malawak na dining area. Agad na bumungad sa kanya ang mahabang mesa na puno ng pagkain. May mga toasted bread, scrambled eggs, bacon, pancakes, sariwang prutas, at mainit na kape. Napahinto siya. “Para tayong may bisita,” aniya. Bahagyang ngumiti si Zach habang hinihila ang isang upuan para sa kanya. “Wala. Ikaw lang.” Tahimik na umupo si Hannah sa mahabang kitchen island habang lumalanghap ng amoy ng bagong timplang kape at bagong toast na tinapay. She watched him move around with effortless grace. Ang paraan ng paggalaw ng mga kalamnan nito sa ilalim ng suot na fitted shirt habang nagsasalin ito ng kape ay nagpatuyo sa kanyang lalamunan. Agad siyang umiwas ng tingin at pinagsabihan ang sarili. Naglagay si Zach ng isang tasa ng kape sa harapan niya bago ito umupo sa kanyang tabi. Nanatili sa hangin ang bango ng cologne nito at nakakalasing. “Hannah,” tawag nito sa malalim na tinig. Bahagyang nanigas si Hannah. “Sir?” she replied, her tone formal and guarded. Tumaas ang isang kilay ni Zach. “Sir pa rin ang tawag mo sa akin. Sa kama mo lang ba ako tatawagin sa pangalan ko?” Nag-init ang kanyang pisngi. “Nakasanayan na kasi.” Ilang segundo ng katahimikan ang namagitan sa kanila habang kumakain. Hindi mabigat ang tensyon sa pagitan nila. Pero naroon ang nakakakuryenteng damdamin na tila naghihintay lamang sumabog. “Halos hindi mo na ginagalaw ang pagkain mo,” puna ni Zach. “Hindi kasi ako masyadong gutom,” sagot niya habang nakatingin sa tinidor. “Liar,” natatawang sabi nito. “You devoured a whole slice of cake at midnight.” Namula si Hannah. “Iba naman kasi iyon.” Bahagyang lumapit si Zach. “Mahilig ka pala sa matatamis, ha?” Napakurap siya, hindi sigurado kung pagkain pa rin ba ang tinutukoy nito. Ngumisi si Zach, halatang natutuwa sa kanyang reaksyon. “Relax, Hannah. Kumain ka na.” Kinuha ni Hannah ang tinidor pero hindi niya napigilan ang maliit na ngiting sumilay sa kanyang mga labi. “Pwede ba akong magtanong?” tanong ni Zach makalipas ang ilang sandali. Napatingin si Hannah dito nang may pagtataka. Humihingi ito ng permiso para magtanong? Hindi iyon ugali ng kanyang boss. Kilala niya si Zach bilang isang lalaking ginagawa ang lahat sa sarili nitong paraan nang hindi humihingi ng pahintulot kaninuman. Kaya bakit tila maingat ito ngayon? “Yes,” sagot niya. Bahagyang lumapit si Zach at mariing sinalubong ang kanyang tingin. Para bang nais nitong basahin ang bawat lihim na nakatago sa kaluluwa niya. Napalunok si Hannah. Bigla siyang nakaramdam ng init at kaba. “Napakaganda mo,” mahinang sabi ni Zach habang bumababa ang tingin sa kanyang mamula-mulang mga labi. “Uh... Sir?” “Tawagin mo ako sa pangalan ko kapag tayo lang ang magkasama. Hindi sa opisina. Please, Hannah.” Nanlaki ang mga mata niya. Hindi siya makapaniwala. Ngunit malinaw niyang narinig iyon. Ang boss niyang si Zach ay nagsabi ng please. At bago iyon. “Why do you always seem to get lost in your thoughts?” tanong nito sa mas malambot na tinig. “Hindi naman,” mahina niyang sagot. “You are,” mariing sabi ni Zach. “Kapag kasama mo ako, ayokong may iba kang iniisip. Your mind, your thoughts, your soul, everything belongs to me when you’re here, Hannah Lopez. Do we understand each other?” His tone was filled with authority and unmistakable possessiveness. Napalunok si Hannah at bahagyang tumango kahit may bahagi ng kanyang gustong makipagtalo. “You’re mine, Hannah.” “S-sir Zach. Ikaw…” “Zach ang itawag mo sa akin,” mariing putol nito sa sasabihin niya. Pagkatapos ay bahagyang yumuko si Zach at marahang hinalikan siya sa labi. Isang simpleng halik lamang sana iyon, ngunit mabilis na lumalim at naging isang halik na tila ninanakaw ang kanyang hininga. Patuloy pa rin silang magkadikit nang biglang tumunog ang intercom. “Damn it... Sino naman iyon?” inis na mura ni Zach habang nag-aatubiling lumayo. Tumingin ito kay Hannah at marahang hinaplos ng hinlalaki ang kanyang mga labi bago tumayo. “I’m coming,” mahina nitong sabi bago siya hinalikan sa noo. Natigilan si Hannah sa kanyang kinauupuan, tila nawawala sa sarili habang pinagmamasdan si Zach na naglalakad palabas ng dining room. Nalilito siya sa trato nito. Parte pa rin ba nang kasunduan iyon?Tahimik na nakaupo si Hannah sa likurang upuan ng sasakyan habang si Romeo ang nagmamaneho pauwi sa kanilang bahay. Nakatitig lamang siya sa bintana. Walang buhay ang mga mata habang tuluy-tuloy na pumapatak ang kanyang mga luha na para bang hindi na niya kayang pigilan pa ang sakit na unti-unting dumudurog sa kanyang puso.Ni isang salita ay wala siyang binitiwan sa buong byahe.Tanging katahimikan lamang ang namayani sa loob ng sasakyan. Paulit-ulit na tumatakbo sa kanyang isipan ang mga nangyari."Interesado ka pa bang pakasalan ako?"Paulit-ulit na umalingawngaw ang mga salitang iyon sa kanyang isipan na tila isang malupit na biro ng tadhana. Hindi niya maintindihan. Ilang minuto lamang ang nakalipas. Direkta siyang tinignan ni Zach sa mga mata bago ito pumasok sa silid.Magiliw siyang hinalikan nito sa pisngi. Ipinagtanggol siya nito sa harap ng lahat. Pinaniwala siyang nasa panig niya ito. Ngunit pagkatapos niyon, bigla na lamang nitong ginawa ang hindi niya kailanman inasahan.A
Her voice was calm but firm. Hindi siya umiwas ng tingin kay Veronica. Sa halip, buong tapang niyang sinalubong ang matalim nitong mga mata."Ano ba talaga ang balak mo, Hannah?" malamig na tanong ni Veronica, punô ng pangungutya ang boses nito. Itinuro niya si Elisse. "Ang babaeng ito ang nararapat para sa kapatid ko. Si Elisse ang dapat niyang pakasalan. Anong iniisip mo? Na pwede kang basta na lang sumulpot at magkaroon ng palihim na relasyon kay Zach?"Humakbang ito palapit kay Hannah. Pero hindi siya umurong."Kapag nalaman ito ng publiko, alam mo ba kung ano ang mangyayari? Masisira ang reputasyon niya. Ang pangalan niya. Ang karera niyang pinaghirapan niyang buuin. Sa tingin mo ba sulit ang lahat ng iyon?"Tahimik na napalunok si Hannah. Mas masakit ang mga salitang iyon kaysa sa inaasahan niya. Sa kaibuturan ng kanyang puso, alam niyang may katotohanan ang ilan sa sinabi ni Veronica. Hindi magiging madali ang landas na pinili nila. Ngunit huminga siya nang malalim at muling na
Mahigpit na hinawakan ni Zach ang kamay ni Hannah habang magkasabay silang naglalakad papasok sa ospital. Nag-alangan siya at bahagyang huminto."Zach, sa tingin ko hindi na ako dapat sumama sa'yo," mahina niyang sabi. "Maaari naman akong umuwi. Magpapahatid na lang ako sa driver mo."Huminto si Zach at hinarap siya."You're coming with me, okay?" Zach replied firmly. "Just wait with me while I see her. Hindi naman ako magtatagal. Gusto ko lang makasigurong ayos na siya."Bahagyang yumuko si Hannah."Hindi iyon ang ibig kong sabihin..." mahinahon niyang sagot. "Nandiyan ang buong pamilya mo, ang daddy mo, ang ate mo. Hindi naman ako kabilang sa pamilya ninyo, Zach."Napabuntong-hininga si Zach bago marahang hinawakan ang magkabilang balikat niya."Stop talking nonsense, Hannah. You're my family now. I don’t care what anyone in there thinks or says," mariin nitong sabi. "You’re coming with me. You’ll meet my mom, and when the time is right, I’ll tell her about us. Okay?"Marahan nitong
Paglabas ni Hannah mula sa banyo, agad niyang napansin ang mabigat na ekspresyon sa mukha ni Zach. Dahan-dahan siyang lumapit dito."Anong nangyari?" malumanay niyang tanong.Napabuntong-hininga si Zach bago marahang ipinatong ang isang kamay sa kanyang baywang at hinila siya palapit dito."My mom is in the hospital," mahina nitong sabi.Nanlaki ang mga mata ni Hannah."Ano? Anong nangyari sa kanya? Ayos lang ba siya?" sunod-sunod niyang tanong, halatang nag-aalala."Hindi ko pa alam ang buong detalye," sagot nito. "Tumawag si Veronica. Ang sabi lang niya, isinugod ito sa ospital. Hindi na naipaliwanag kung ano talaga ang nangyari."Sandali itong tumigil bago muling nagsalita."Sa tingin ko, kailangan na nating umuwi sa Pilipinas."Marahang hinalikan ni Zach ang kanyang pisngi."I'm so sorry."Umiling si Hannah at marahang hinawakan ang kamay nito."Hindi mo kailangang humingi ng tawad. Wala namang problema kung uuwi tayo. Tapos naman na ang event. Ang mahalaga ngayon ay maging maayos
Humarap si Hannah sa salamin at pinagmasdan ang sarili. Perpektong bumagay sa kanya ang pulang dress. Sapat lamang ang tabas nito para maging elegante, ngunit sapat din upang higit na bigyang-diin ang magandang hubog niya.She looks stunning. She slips on her black heels just as Zach walks into the room. Tahimik itong lumapit sa kanyang likuran at marahang ipinatong ang isang kamay sa baywang niya habang isinandal ang ulo sa kanyang batok."Napakaganda mo," mahina nitong bulong.His other hand trails slowly down over her ass. Napangiti si Hannah habang sinusulyapan ito sa salamin. He was already dressed in a dark suit, looking as irresistible as ever. "Saan mo ba ako dadalhin?" tanong niya na may mapaglarong ngiti."Somewhere," maikling sagot nito. "Just going to take a walk around the city."Tumaas ang isang kilay ni Hannah. "Sa ganitong ayos maglalakad lang tayo?"Napangisi si Zach."Did you want to dress up and get, drunk baby doll?"Nagtama ang kanilang mga mata sa repleksyon ng
"Bakit bigla na lang kayong nawala kagabi?" tanong ni Mera habang umiinom ng juice, may mapanuksong ngiti sa mga labi nito.She leaned back on the couch, her eyes still fixed on the TV show playing."May pinuntahan kami... sa isang hotel," kaswal na sagot ni Hannah.Tumaas ang isang kilay ni Mera. "Hotel? Bakit? Akala ko uuwi na kayo. Alam mo, umalis na ako matapos akong tanungin ni Roldan. Hindi ko alam kung anong isasagot, pero parang nagdududa ito sa inyo ni Zach."Napakurap si Hannah, halatang nagtataka. "Anong ibig mong sabihin?""Bigla niya akong tinanong kung may namamagitan ba sa inyo ni Zach. Sa totoo lang, hindi ko alam ang isasagot ko," sabi ni Mera.Nanlaki ang mga mata ni Hannah. "Ano? Tinanong talaga ni Roldan iyon?"Tumango si Mera. "Oo. Pakiramdam ko may hinala siya, o baka may napansin lang siya. Kilalang-kilala ni Roldan si Zach. Siguro sa paraan ng pagtitig nito sa'yo habang nag-uusap kayo. Parang may ibinunyag iyon."Kinagat ni Hannah ang kanyang ibabang labi at u
“Hannah, nandiyan ka ba?” tawag ng katrabaho niya.Parang may malamig na tubig na ibinuhos sa kanya. This is fvcking too much.Nasa labas ito ng pinto at heto naman ang masungit niyang boss, dinidilaan ang kanyang pagkababae na para bang nakasalalay doon ang buhay nito.Patuloy siyang kinakain at h
“Anong nangyayari rito?” Zara asked, walking over to the scene with her husband beside her.Bahagyang naningkit ang mga mata nito habang palipat-lipat ang tingin kina Hannah at Veronica. Pagkatapos ay bumaba ang tingin sa damit ni Hannah, at sa kanyang basang buhok. Napasinghap si Zara sa nakita.“
Naglakad si Zach patungo sa pinto habang nakasuksok ang mga kamay sa bulsa ng kanyang pantalon. Sumulyap siya sa video intercom screen na nagpapakita ng tanawin sa labas. Marahas siyang napabuga ng hangin nang makita si Veronica. Bigla na naman itong dumating nang walang pasabi. “Zach, buksan mo a
Napayuko si Hannah bago muling tumingin kay Zach habang mabilis ang tibok ng kanyang puso. Ano kaya ang ibig nitong sabihin sa patikim?Mainit na tsokolate, sa isip niya. Iyon lang naman siguro ang tinutukoy nito, ‘di ba? Iyon lang ang tanging maaaring ibig sabihin niyon.“Heto,” sabi niya habang i







