Zach's jaw tightened, a flicker of something unreadable passing through his eyes. Mas lumakas ang pagtama ng ulan sa payong na dala nito."Tama ka. Wala akong karapatan," he said, his voice low, almost calm.Napakurap si Hannah sa narinig. Hindi niya inaasahan ang pagbabago sa tono nito. Kanina lamang ay tila galit ito, pero ngayon ay kalmado na parang pinipigilan ang kung anumang emosyon na gusto nitong ilabas."Pero hindi ibig sabihin niyon na hahayaan kitang umalis nang basang-basa matapos mo na naman akong pagsinungalingan."Napalunok si Hannah. Gusto niyang sumagot at makipagtalo, pero nang lumapit si Zach at pinayungan siya, tila nawala ang lahat ng salitang nasa kanyang isip."Sa tingin mo ba, basta ka na lang makakatakas sa akin?"Her breath hitched."Hindi ako tumatakas," mahinang sagot niya.Ngunit kahit siya, hindi sigurado kung totoo 'yon. Nang bumaba ang tingin ni Zach sa kanyang mga labi bago muling bumalik sa mga mata niya, lalo lamang bumilis ang tibok ng puso ni Hanna
Terakhir Diperbarui : 2026-06-08 Baca selengkapnya