Share

CHAPTER 5

last update Last Updated: 2024-08-19 03:19:45

ZENNARA

“T–Timothy?” tanong ko sa sarili ko.

Limang taon na ang lumipas pero sigurado ako na siya si Timothy na siya ang dati kong asawa. Hindi ako maaaring magkamali. Siya nga ang ex-husband ko kahit pa isang beses ko lang siyang nakita noon.

“Honey, sinaktan niya ako.” umiiyak na sumbong ng babae.

“Anong ginawa mo sa asawa ko?” galit na tanong niya sa akin.

“Siya ang unang nanakit,” sagot ko sa kanya at nakatingin ng diretso sa mga mata ko.

“Is that true?” tanong niya sa babae.

“No, siya ang unang nanakit sa akin. Nakikita mo ba itong damit ko. Ang anak niya ang may gawa nito.” sagot ng babae at napatingin naman si Timothy sa damit ng babae.

“Ibibili na lang kita ng bago,” sabi niya sa babae.

“No, honey gusto ko na siya ang bumili ng bagong damit ko. Ang anak niya ang may kasalanan kaya dapat lang na siya ang magpalit nito.”

“Miss, pay her dress. Bayaran mo ang maruming damit ng asawa ko.” sabi niya sa akin.

Kumunot ang noo ko. Hindi ba niya ako nakikilala? Tanong ko sa sarili ko. Kung sabagay ay sino ba ako para maalala niya. Sa loob ng dalawang taon naming pagsasama ay hindi naman niya ako tinuring na asawa at nagkita lang kami noong pinapirma niya ako ng divorce papers.

Pero habang nakatingin ako sa kanya ay parang may kakaiba sa kanya. Parang may kamukha siya pero hindi ko lang maisip sa ngayon.

“Why are you staring at my husband? May gusto ka ba sa kanya?” galit na tanong sa akin ng babae.

“Hindi ko babayaran ang damit dahil walang kasalanan ang anak ko. Puwede nating tingnan ang CCTV footage. At kung sakali nga na may mali ang anak ko ay babayaran ko ang damit niya.” lakas loob na sabi ko kay Timothy.

“Honey, kanina pa siya. Paulit-ulit niyang pinapamukha sa akin na sinungaling ako,” umiiyak pa rin ito.

“Alam mo, Miss magbayad ka na lang para matapos na ito. You’re wasting our time.” sabi niya sa akin.

“Wasting your time? O time ko? Alam niyo kung busy kayo, busy rin akong tao. Pagod ako sa flight ko and please lang hindi lahat ng tao ay dapat inaapi niyo lalo na ang bata. Babayaran ko kayo? Pero paano naman ang anak ko na sinipa at sinaktan ng asawa mo? Anong laban sa kanya ng five year old na bata?” galit na tanong ko sa kanya.

Naging tahimik ito. Tumingin siya sa akin pero umiwas ako ng tingin.

“If that’s the case, here’s the check. Para matapos na ito,” sabi niya at may inilabas itong tseke.

Naglakad ito papunta sa akin. At habang papalapit siya sa akin ay umaatras naman ako. Para siyang hari kung maglakad. Nag-uumapaw ang kagwapuhan niya at kapangyarihan. He looks intimidating na para bang siya ang tao na kailangan kong iwasan. Ang taong hindi ko gugustuhin na makasalubong.

“Tanggapin mo na ang pera at ‘wag kang magpapakita sa amin. Dahil sa susunod ay hindi na ako magpapakita ng awa sa ‘yo. May kasalanan man o wala ang asawa ko ay sa tingin mo sino ang paniniwalaan ko? Take this money at umalis ka na sa harapan ko.” malamig na sabi niya sa akin.

Nilagay niya sa kamay ko ang tseke. At nang tingnan ko ay one hundred thousand ang nakalagay dito. Galante pala siyang tao. Alam ko ang ginagawa niya. Gusto na niya itong matapos dahil ayaw niyang masira ang reputasyon niya.

“Lumipas man ang mga taon ay masama ka pa ring tao. I don’t need your money,” sabi ko sa kanya at pinunit ko ang tseke sa harapan nila. 

Tumalikod ako at naglakad palayo. Iniisip ko kung ano ba ang saysay ng pakikipagtalo ko sa kanila. Para saan at nakikipagtalo ako? Alam ko na kahit ako pa ang tama ay walang magbabago. Ang mayaman ay mayaman at ang tingin nila sa sarili nila ay mas mataas sila sa kahit na sino. Sasayangin ko lang ang oras ko sa kanila.

Nang makarating na ako sa labas ay tinawagan ko na ang kaibigan ko kaya inabangan ko na lang sila. Pagpasok ko sa loob ng sasakyan ay kaagad akong tinanong ng anak ko. 

“Okay lang po ako. Ikaw nasaktan ka ba?” nag-aalala na tanong ko kay Zevi.

“I’m okay, mommy. Hindi naman po masakit ang kurot at sipa niya. Para lang pong kagat ng langgam.” sagot niya sa akin dahilan para bigla na lang tumulo ang luha ko.

Ni minsan ay hindi ko sinaktan ang mga anak ko. Pero ibang tao lang ang gagawa. Naiinis ako sa sarili ko dahil hindi ko man lang ito napigilan. Ang sakit sa puso na wala akong nagawa. Pero pinapangako ko na ito na ang huling beses na may mananakit sa mga anak ko dahil hindi na ito mauulit pa.

“Mommy, don’t cry. Okay lang po ako,” nakangiti na sagot sa akin ni Zevi at tinuyo ang mga luha na pumapatak sa mga mata ko.

“Sorry, baby. Sorry kung late si mommy. Sorry dahil nasaktan ka,” sabi ko sa kanya.

“Mommy, wala ka pong kasalanan. Bad lang po talaga ang babae ‘yon,” sabi sa akin ng anak ko.

Hinaplos ko ang pisngi niya at ganun rin ang mukha ng isa kong anak.

“Ano man ang mangyari ay palagi ko kayong ipagtatanggol. Mahal na mahal ko kayong dalawa,” sabi ko sa kanila.

“We love you, mom.” malambing na sabi nila at niyakap nila ako.

Kaagad namang gumaan ang pakiramdam ko sa ginawa nila sa akin. Iba talaga ang binibigay na saya sa akin ng mga anak ko.

Nang makarating na kami sa bahay na titirhan namin ay naka-hinga na ako ng maluwag. As long as nasa tabi ko ang mga anak ko ay magiging malakas ako at magiging maayos ang lahat.

Dahil sa pagod sa byahe ay mabilis na natulog ang kambal kong anak. Nakatingin lang ako sa kanila habang mahimbing silang natutulog. At habang pinagmamasdan ko sila ay hindi ko maiwasan na mag-isip.

Kahit pa anong gawin ko ay bumabalik sa alaala ko ang mukha ni Timothy. Noong naghiwalay kami ay iyon na ang una at huli na nakita ko siya. Kaya halos hindi ko rin matandaan ang mukha niya. Pero kanina ay alam ko na siya ‘yon.

May asawa na siya ngayon at mukha naman siyang masaya. Ang swerte, ang swerte ng asawa niya dahil kasama niya ito. Hindi  tulad sa akin na mag-isa ako palagi sa bahay.

Pero ano nga ba ang aasahan ko dahil hindi naman niya ako mahal at ganun rin ako sa kanya. Pero kanina ko pa iniisip.

“Hindi ba talaga niya ako namukhaan? Hindi ba niya ako kilala?” tanong ko sa sarili ko.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Claudia Rico
namukhaan Ka ni Timothy
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • BILLIONAIRE DADDY'S TWINS: Winning Back the Ex-WIFE   CHAPTER 100

    ZENNARANakahawak ako sa braso ni Jetro habang papasok kami sa loob ng party venue. May suot rin akong maskara. Ang totoo ay sobrang kinakabahan talaga ako ngayon. Hindi ko kasi alam kung ano ba ang mangyayari sa akin dito. Sobrang kinakabahan ako lalo na sinabi niya na bawal akong magsalita. Inaasahan ko na rin na magkikita kami ni Tim dahil gusto kong humingi sa kanya ng tulong kapag may pagkakataon.Sa totoo lang ay malaki ang chance na makahingi ako ng tulong. Hinihiling ko na sana ay hindi pumunta ang mga anak ko dito. Hindi ko alam ang gagawin ko once na nandito sila. Alam ko kasi na gagamitin ni Jetro ang mga mga anak ko laban sa akin. Kailangan kong mag-isip ng maayos.“Tandaan mo ang sinabi ko,” pabulong na sabi niya sa akin.Tumango lang ako bilang sagot sa kanya. Ilang sandali pa ay nagsimula na ang party. Ito pala ang party para sa partnership ni Timothy at Mrs. Miller. Sa totoo lang ay natutuwa ako dahil mas mabuti na ang ganito kaysa naman si Jetro ang maging partner ng M

  • BILLIONAIRE DADDY'S TWINS: Winning Back the Ex-WIFE   CHAPTER 99

    ZENNARANaging maluwag sa akin si Jetro. Ilang linggo na siyang ganito. Hinahayaan niya ako na gumala dito sa bahay pero bawal akong lumabas sa main door. Sa ngayon ay pinipilit ko ang sarili ko na pakisamahan siya para may pagkakataon ako na makalabas sa bahay na ito.Hindi siya umaalis ng bahay kaya naman wala akong mahanap na tyempo para makaalis. Kahit ang pagtulong dito sa bahay ay hindi niya ako hinahayaan. Nababagot ako at naiinip pero pilit kong nilalabanan dahil ayaw kong maghinala siya sa akin na may binabalak akong gawin.Ngayon ay nasa office room niya siya kaya naman naghanda ako ng meryenda para sa kanya. Hapon na ngayon at alam ko na kapag ganitong oras ay tapos na siya sa ginagawa niya. Bitbit ang tray na may lamang pagkain ay umakyat ako papunta sa office room niya.Kumatok ako ng tatlong beses.“Come in,” narinig ko na sabi niya kaya naman pumasok na ako sa loob.“Jet, busy ka pa rin ba?” tanong ko sa kanya.“Tapos na ako sa trabaho ko. May kailangan ka ba?” tanong ni

  • BILLIONAIRE DADDY'S TWINS: Winning Back the Ex-WIFE   CHAPTER 98

    ZENNARANakatulog pala ako at hindi ko man lang namalayan. Kaagad akong tumingin sa labas at nakita ko na madilim na. Gabi na ngayon. Malungkot akong nakatingin sa labas dahil hindi ko inaasahan na mangyayari sa akin ang bagay na ito.Ang mas nakakalungkot pa ay may ginawa si Jetro na sobra kinasusuklaman ko. Gumawa pa siya ng babae na alam kong gagamitin niya para magpanggap na ako. Sobrang galit ako sa sarili ko dahil hinayaan ko na lokohin niya ako.Nag-aalala ako para sa mga anak ko. Para kay mama at higit sa lahat kay Tim. Alam ko na naging matigas ako sa kanya. Pero dahil ‘yun sa mahal ko siya. Mahal na mahal ko pa rin siya kahit pa galit ako sa kanya. Hindi madali para sa akin na tanggapin na ang taong minahal ko ang naging dahilan rin ng paghihirap ko.Aaminin ko na matigas ang puso ko sa kanya pero kapag nakikita ko siya ay gusto ko siyang yakapin. Masyado lang mataas ang pride ko. Isa sa reason kaya mas pinili ko na sa condo building rin na ‘yon kami titira para magkita sila

  • BILLIONAIRE DADDY'S TWINS: Winning Back the Ex-WIFE   CHAPTER 97

    TIMOTHYMaaga akong pumasok sa trabaho ko. Kahit pa hindi ako nakatulog ng maayos dahil sa kakaisip kung paano ko ba makukuha ang loob ni Zen. As much as possible ay gusto kong kunin ang loob niya sa paraan na alam ko. Na hindi ako magiging mapilit at harsh sa kanya. Gusto ko na kunin ang loob niya sa mabuting usapan. Gawin ang dapat kong gawin para mapatawad niya ako.Habang nagtatrabaho ako ay hindi maalis-alis sa isip ko ang mag-ina ko. Gusto ko ng umuwi pero may mga trabaho ako na kailangan kong tapusin. Kaya kahit pa gusto ay mas pinili ko na magstay dito sa company. Hanggang sa sumapit na ang uwian at nagulat ako dahil nakatanggap ako ng text message mula kay Zen.Zen: Hi, okay lang ba kung sasabay kami sa ‘yo sa dinner?Zen: Kung okay lang?Me: Of course.Mabilis akong nagreply sa kanya. Walang dahilan para tumanggi ako. Walang paglagyan ang saya sa puso ko ngayon. Kung kanina ay problemado ako kung paano ko sila makakasama ay ngayon naman nabuhay ang lahat ng pag-asa ko.Kaya n

  • BILLIONAIRE DADDY'S TWINS: Winning Back the Ex-WIFE   CHAPTER 96

    ZENNARA “Kung sino ka man na dumukot sa akin ay palabasin mo ako dito! Hayop ka! Palabasin mo ako!” sigaw ko dahil galit na galit na ako. “Magpakita ka sa akin! Ilabas mo ako dito!” patuloy akong sumisigaw kahit hindi ko alam kung naririnig ba nila ako. Masakit na rin ang lalamunan ko pero wala akong pakialam. Hanggang sa bigla na lang bumukas ang pintuan at pumasok ang isang tao. Ang taong hindi ko inaasahan na makikita ko. “Ikaw?” hindi makapaniwala na bulalas ko habang nakatingin sa kanya ng hindi man lang kumukurap ang mga mata ko. “May inaasahan ka pa ba na iba?” nakangisi na tanong niya sa akin. “Bakit? Anong ibig sabihin nito?” “Bakit? Bakit mo ginawa ang bagay na ‘to?” tanong ko ulit sa taong nasa harapan ko. “Bakit naman hindi? May karapatan naman siguro ako na gawin ang lahat ng gusto ko,” sagot pa niya sa akin. “Nasaan ang mga anak ko?” galit na tanong ko sa kanya. “Pinatay ko na sila,” sagot niya sa akin kaya umahon ang galit sa puso ko. Hindi ko inaasahan na it

  • BILLIONAIRE DADDY'S TWINS: Winning Back the Ex-WIFE   CHAPTER 95

    ZENNARANagising ako sa hindi pamilyar na lugar. Kaagad akong bumangon para tingnan kung nasaan ba ako. Ang huling naaalala ko ay nasa loob ako ng silid ko. “Nasaan ako?” tanong ko sa sarili ko.Lumapit ako sa may bintana. Naka-lock ito pero nakikita ko naman ang mga halaman sa baba. Ang ganda ng mga bulaklak sa garden. May balcony rin ang silid na ito pero naka-lock rin ang pintuan bago makalabas sa balcony.“Nananaginip ba ako?” tanong ko sa sarili ko.Kinurot ko ang sarili ko pero nasaktan ako kaya ibig sabihin ay hindi ako nananaginip at totoo ang nangyayaring ito sa akin. Hindi ko alam kung paano ako napunta sa lugar na ito. Sino ang dumukot sa akin? Nasaan ako?Lumapit ako sa may pintuan at kinalampag ko ito pero wala yatang nakakarinig sa akin o baka naririnig naman nila ako pero ayaw lang nila akong pagbuksan. Tumigil na ako kaysa sumakit ang kamay ko sa kakahampas sa pintuan. Naglakad ako papunta sa may kama, umupo ako at iniisip ko ang mga anak ko.Nasaan sila? Kinuha rin k

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status