ZENNARA
Palabas na kami ng banyo pero bigla na lang bumitiw sa kamay ko si Zian at tumakbo. Hinayaan ko na lang siya dahil baka gusto na niyang puntahan ang kapatid niya. Pero nang tumingin ako sa direksyon kung saan ko iniwan si Zevi ay kumunot ang noo ko. Ngayon ay alam ko na kung bakit tumatakbo ng mabilis si Zian kaya naman ay mabilis rin akong lumapit sa kanila dahil nakita ko ang babae na sinipa ang anak ko. Nang akmang itutulak rin niya si Zian ay pinigilan ko siya. “Sino ang nagbigay sa ‘yo ng karapatan na saktan ang anak ko?” nanlilisik ang mga mata na tanong ko sa kanya. “So, ikaw pala ang mommy ng batang ito?” nakataas ang kilay na tanong niya sa akin. “Ako nga at wala kang karapatan na saktan ang anak ko.” sabi ko sa kanya at sinampal ko siya. “Sana sinabihan mo rin ang anak mo na manahimik sa tabi para hindi siya nakaka-perwisyo sa iba. Nakikita mo ba itong damit ko? Sa tingin mo, kaya mong bayaran ang damit ko?!” galit na sigaw niya sa kain habang hawak ang pisngi niya. Lumapit ako sa anak ko at tinanong ko siya kung ano ba ang nangyari. “Baby, what exactly happened?” tanong ko kay Zevi. “Mommy, binangga po niya ako. Tapos po nagalit po siya at pinagbintangan na po niya ako na kasalanan ko. Mommy, nakatayo lang po ako sa kung saan mo ako iniwan. Hindi po ako umalis dito,” sagot sa akin ng anak ko. “Hindi ka ba nahihiya na sinasaktan mo ang batang walang laban sa ‘yo. At anong sabi mo perwisyo ang anak ko? Kasalanan mo rin dahil tanga ka.” galit na sabi ko sa babae. “Kilala mo ba kung sino ako?” tanong pa niya sa akin. “Hindi at wala akong balak na malaman kung sino ka. Sa tingin mo ba talaga ay masisindak mo ako dahil lang sa kung sino ka. Ikaw ang dapat na magsorry sa anak ko. Sinaktan mo siya at puwede kitang idemanda ng child ab*se sa ginawa mo.” “Sa tingin mo ay kaya mo akong takutin ng ganyan. Your son ruined my dress kaya sa tingin mo sino ang mas papanigan sa atin. Mabilis lang i-deny ang lahat ng mga sinabi mo. Sa tingin mo may tutulong sa anak mo? Sa inyo? Walang magsasalita dahil wala naman silang pakialam sa inyo.” “Zen!” napalingon ako dahil narinig ko ang boses ng kaibigan ko. “Che, ikaw na muna ang bahala sa mga bata. Susunod ako sa inyo,” sabi ko kay Chena. “What happened?” tanong niya sa akin. “Ikukukwento ko mamaya,” sagot ko sa kanya. “Tara na, kids.” sabi niya sa mga anak ko. “Mommy, I’m sorry po.” sabi ni Zevi. “You don’t have to be sorry dahil wala kang kasalanan. Naniniwala si mommy sa ‘yo.” sabi ko sa anak ko. “Thank you, mommy. Hihintayin ka namin,” sabi sa akin ng anak ko. “Behave lang kayo sa tita niyo. Susunod rin ako agad,” sabi ko sa kanila. “Opo, mommy.” nakangiti na sabi ni Zian. Hinayaan ko na isama ng kaibigan ko ang anak ko. Dahil ayaw ko na makita nila akong nakikipag-away sa walang hiyang babaeng ito. Nang mawala na sila sa paningin ko ay binalingan ko ulit ang babae. Sa tindig niya ay hindi mapagkakaila na galing siya sa isang mayamang pamilya. Higit sa lahat ay kaagad na malalaman ang kasamaan ng ugali niya. Hindi masasabi na mabait siya dahil pumatol siya sa bata kahit pa siya naman talaga ang may kasalanan. Hindi niya kayang tanggapin sa sarili niya na tatanga-tanga siya habang naglalakad. “What’s your plan now?” tanong niya sa akin habang nakataas ang isa niyang kilay. “Diba, para sa mga mayaman ay barya lang naman ang pera ng mga mahirap kaya bakit galit na galit ka ngayon?” tanong ko sa kanya. “Yes, barya nga lang. Pero hindi ko hahayaan na palampasin na lang itong ginawa ng bwisit mong anak.” “Bwisit na anak? At sino ka para sabihan ng ganyan ang anak ko?” nagyuyupos sa galit na tanong ko sa kanya. “Ako? Ako lang naman si Olivia Cruz,” sagot niya sa akin. “Wala akong pakialam kung sino ka. Siguro naman may CCTV dito? Puwede nating tingnan para malaman natin kung talaga bang may kasalanan ang anak ko sa ‘yo.” hamon ko sa kanya. “At sino ka sa tingin mo? Sa tingin mo sinungaling ako?” galit na tanong niya sa akin. “Wala kang dapat ikatakot, Miss Cruz? Kung talagang wala kang kasalanan ay papayag ka na silipin natin ang CCTV footage. At sa tanong mo sa akin kung sinungaling ba ang tingin ko sa ‘yo ang sagot ko ay oo. Dahil anak ko lang naman ang sinaktan mo at isa pa pinalaki ko ng maayos ang mga anak ko. Kaya kilala ko sila. Hindi nila kayang magsinungaling. Sa tingin ko ay wala ka pang anak kaya hindi mo naiintindihan ang sinasabi ko.” sabi ko sa kanya. “How dare you?” galit na tanong niya sa akin. “Gagawin ko ang lahat para sa anak ko. Isa sa mga hindi mo alam dahil mukhang wala ka pa namang anak.” sabi ko sa kanya. Mabilis siyang lumapit sa akin at hindi ko na paghandaan ang ginawa niya. Nagulat na lang ako dahil sinampal niya ako. Sinampal ko rin siya dahil hindi ako makakapayag na saktan niya ako. Nag-sampalan kaming dalawa. “How dare you?! Walang hiya ka!” sigaw niya sa akin at sinugod niya ako. “Wala kang karapatan na saktan ako o ang anak ko.” sabi ko sa kanya at hinila ko ang buhok niya. Nagsabunutan kaming dalawa hanggang sa may biglang umawat sa amin. Pero hindi naman ito pinapansin dahil patuloy pa rin kaming dalawa. Wala akong balak na magpatalo sa kanya. “Enough!” “I said, enough!” sigaw ng isang lalaki at tinulak niya ako dahilan para matumba ako. Nasaktan ako sa pagtulak sa akin ng lalaki. Ilang segundo ko ring ininda ang sakit pero hindi ko ito pinahalata sa kanila. Kaya naman tumingin na ako sa kanila at hindi ako makapaniwala sa nakikita ng mga mata ko ngayon.ZENNARANakahawak ako sa braso ni Jetro habang papasok kami sa loob ng party venue. May suot rin akong maskara. Ang totoo ay sobrang kinakabahan talaga ako ngayon. Hindi ko kasi alam kung ano ba ang mangyayari sa akin dito. Sobrang kinakabahan ako lalo na sinabi niya na bawal akong magsalita. Inaasahan ko na rin na magkikita kami ni Tim dahil gusto kong humingi sa kanya ng tulong kapag may pagkakataon.Sa totoo lang ay malaki ang chance na makahingi ako ng tulong. Hinihiling ko na sana ay hindi pumunta ang mga anak ko dito. Hindi ko alam ang gagawin ko once na nandito sila. Alam ko kasi na gagamitin ni Jetro ang mga mga anak ko laban sa akin. Kailangan kong mag-isip ng maayos.“Tandaan mo ang sinabi ko,” pabulong na sabi niya sa akin.Tumango lang ako bilang sagot sa kanya. Ilang sandali pa ay nagsimula na ang party. Ito pala ang party para sa partnership ni Timothy at Mrs. Miller. Sa totoo lang ay natutuwa ako dahil mas mabuti na ang ganito kaysa naman si Jetro ang maging partner ng M
ZENNARANaging maluwag sa akin si Jetro. Ilang linggo na siyang ganito. Hinahayaan niya ako na gumala dito sa bahay pero bawal akong lumabas sa main door. Sa ngayon ay pinipilit ko ang sarili ko na pakisamahan siya para may pagkakataon ako na makalabas sa bahay na ito.Hindi siya umaalis ng bahay kaya naman wala akong mahanap na tyempo para makaalis. Kahit ang pagtulong dito sa bahay ay hindi niya ako hinahayaan. Nababagot ako at naiinip pero pilit kong nilalabanan dahil ayaw kong maghinala siya sa akin na may binabalak akong gawin.Ngayon ay nasa office room niya siya kaya naman naghanda ako ng meryenda para sa kanya. Hapon na ngayon at alam ko na kapag ganitong oras ay tapos na siya sa ginagawa niya. Bitbit ang tray na may lamang pagkain ay umakyat ako papunta sa office room niya.Kumatok ako ng tatlong beses.“Come in,” narinig ko na sabi niya kaya naman pumasok na ako sa loob.“Jet, busy ka pa rin ba?” tanong ko sa kanya.“Tapos na ako sa trabaho ko. May kailangan ka ba?” tanong ni
ZENNARANakatulog pala ako at hindi ko man lang namalayan. Kaagad akong tumingin sa labas at nakita ko na madilim na. Gabi na ngayon. Malungkot akong nakatingin sa labas dahil hindi ko inaasahan na mangyayari sa akin ang bagay na ito.Ang mas nakakalungkot pa ay may ginawa si Jetro na sobra kinasusuklaman ko. Gumawa pa siya ng babae na alam kong gagamitin niya para magpanggap na ako. Sobrang galit ako sa sarili ko dahil hinayaan ko na lokohin niya ako.Nag-aalala ako para sa mga anak ko. Para kay mama at higit sa lahat kay Tim. Alam ko na naging matigas ako sa kanya. Pero dahil ‘yun sa mahal ko siya. Mahal na mahal ko pa rin siya kahit pa galit ako sa kanya. Hindi madali para sa akin na tanggapin na ang taong minahal ko ang naging dahilan rin ng paghihirap ko.Aaminin ko na matigas ang puso ko sa kanya pero kapag nakikita ko siya ay gusto ko siyang yakapin. Masyado lang mataas ang pride ko. Isa sa reason kaya mas pinili ko na sa condo building rin na ‘yon kami titira para magkita sila
TIMOTHYMaaga akong pumasok sa trabaho ko. Kahit pa hindi ako nakatulog ng maayos dahil sa kakaisip kung paano ko ba makukuha ang loob ni Zen. As much as possible ay gusto kong kunin ang loob niya sa paraan na alam ko. Na hindi ako magiging mapilit at harsh sa kanya. Gusto ko na kunin ang loob niya sa mabuting usapan. Gawin ang dapat kong gawin para mapatawad niya ako.Habang nagtatrabaho ako ay hindi maalis-alis sa isip ko ang mag-ina ko. Gusto ko ng umuwi pero may mga trabaho ako na kailangan kong tapusin. Kaya kahit pa gusto ay mas pinili ko na magstay dito sa company. Hanggang sa sumapit na ang uwian at nagulat ako dahil nakatanggap ako ng text message mula kay Zen.Zen: Hi, okay lang ba kung sasabay kami sa ‘yo sa dinner?Zen: Kung okay lang?Me: Of course.Mabilis akong nagreply sa kanya. Walang dahilan para tumanggi ako. Walang paglagyan ang saya sa puso ko ngayon. Kung kanina ay problemado ako kung paano ko sila makakasama ay ngayon naman nabuhay ang lahat ng pag-asa ko.Kaya n
ZENNARA “Kung sino ka man na dumukot sa akin ay palabasin mo ako dito! Hayop ka! Palabasin mo ako!” sigaw ko dahil galit na galit na ako. “Magpakita ka sa akin! Ilabas mo ako dito!” patuloy akong sumisigaw kahit hindi ko alam kung naririnig ba nila ako. Masakit na rin ang lalamunan ko pero wala akong pakialam. Hanggang sa bigla na lang bumukas ang pintuan at pumasok ang isang tao. Ang taong hindi ko inaasahan na makikita ko. “Ikaw?” hindi makapaniwala na bulalas ko habang nakatingin sa kanya ng hindi man lang kumukurap ang mga mata ko. “May inaasahan ka pa ba na iba?” nakangisi na tanong niya sa akin. “Bakit? Anong ibig sabihin nito?” “Bakit? Bakit mo ginawa ang bagay na ‘to?” tanong ko ulit sa taong nasa harapan ko. “Bakit naman hindi? May karapatan naman siguro ako na gawin ang lahat ng gusto ko,” sagot pa niya sa akin. “Nasaan ang mga anak ko?” galit na tanong ko sa kanya. “Pinatay ko na sila,” sagot niya sa akin kaya umahon ang galit sa puso ko. Hindi ko inaasahan na it
ZENNARANagising ako sa hindi pamilyar na lugar. Kaagad akong bumangon para tingnan kung nasaan ba ako. Ang huling naaalala ko ay nasa loob ako ng silid ko. “Nasaan ako?” tanong ko sa sarili ko.Lumapit ako sa may bintana. Naka-lock ito pero nakikita ko naman ang mga halaman sa baba. Ang ganda ng mga bulaklak sa garden. May balcony rin ang silid na ito pero naka-lock rin ang pintuan bago makalabas sa balcony.“Nananaginip ba ako?” tanong ko sa sarili ko.Kinurot ko ang sarili ko pero nasaktan ako kaya ibig sabihin ay hindi ako nananaginip at totoo ang nangyayaring ito sa akin. Hindi ko alam kung paano ako napunta sa lugar na ito. Sino ang dumukot sa akin? Nasaan ako?Lumapit ako sa may pintuan at kinalampag ko ito pero wala yatang nakakarinig sa akin o baka naririnig naman nila ako pero ayaw lang nila akong pagbuksan. Tumigil na ako kaysa sumakit ang kamay ko sa kakahampas sa pintuan. Naglakad ako papunta sa may kama, umupo ako at iniisip ko ang mga anak ko.Nasaan sila? Kinuha rin k