Mag-log inNagising ako dahil sa lamig na nararamdamdan. Pagmulat ko ng mata ay agad na sumikdo ang sakit sa aking ulo. Mariin akong pumikit at hinilot ang sintido. Bumangon ako at agad ding napayakap sa katawan nang mapansing wala akong damit. Nilibot ko ang paningin sa loob ng kwarto ko. Litong-lito ako sa nangyari.
Naninigas ang katawan ko nang maramdamang may gumalaw sa tabi ko. Dahan-dahan akong lumingon at halos ipagdarasal ko na sana ay kainin ako ng lupa nang makita ang katabi. Bakit nandito si sir? Anong nangyari, bakit kapwa kami n*******d? "Hmm" ungol ni sir. Parang gumuho ang mundo ko. Hindi ko maalala kung paano pero alam kong may nangyari sa amin. Napag-usapan na namin na hindi muna pasukin ito. Kapag nagbunga ito ay malalaman ng lahat ang sekreto namin. Masasaktan si nanay. Tumayo ako, tinakpan ang sarili gamit ang kumot at agad na nagsisi nang humakbang ako. Sobrang sakit ng nasa baba ko. Impit akong napahiyaw sa hapdi. "Don't move" nagulat ako nang magising siya. Tiningnan ko siya nang masama na tinawanan niya lang. Mariin akong pumikit. Naiinis ako sa kaniya. Parang kahapon lang may nanlandi sa kaniya. Tapos magigising na lang ako na naibigay ko sa kaniya ang iniingatan ko. Naiinis ako dahil hindi man lang niya inisip ang magiging kahinatnan nito. Malalaman ni nanay ang gulong pinasok ko. Baka magalit siya sa akin dahil sinakripisyo ko ang lahat para sa kanila. Pumasok ako sa banyo nang umiiyak. Wala na siya nang matapos ako. Wala sana akong balak na lumabas ngunit kailangan kong magtrabaho. Tahimik kong inihanda ang breakfast namin. Kahit noong nakaupo na siya sa hapag ay hindi pa rin ako nagsasalita. Nanatili akong nakayuko kahit ramdam ko ang nanunusok niyang tingin. "Upo. May pag-uusapan tayo" Para lang akong tuta na sumusunod sa utos niya. Umupo ako sa harap niya. "Shai, kung may mabuo man ay paninindigan kita. Asawa naman kita kaya walang problema kung may mabuo man" Wala siyang nakuhang sagot mula sa akin. Nanatili lang akong nakayuko. Iniisip ko ang magiging reaksyon ni nanay kung sakaling malaman niya ito. "Ano bang ikinabahala mo?" tanong niya nang hindi ako sumagot. "Alam mo namang mula ako sa mahirap na pamilya" panimula ko. "Pumayag ako sa gusto mo dahil sabi mo babayaran mo ako at tutulungan sa operasyon ni nanay. Hindi lang iyon ang dahilan kung bakit ako pumayag. Gusto din kita, kaya lang magkaiba ang katayuan natin sa buhay" pag-amin ko. Saksi ang dalawa kong mata kung paano lumamlam ang mata niya nang makita akong lumuluha. Hinawakan niya ang kamay ko na nakapatong sa lamesa. "Masaya akong pareho ang nararamdaman natin, Shai. Ngunit huwag ka sanang malungkot dahil lang hindi tayo pareho ng pinagmulan. Mahal kita at hindi ko tinitingnan ang estado mo sa buhay" aniya. Hinalikan niya ang kamay ko. May kung anong kiliti sa aking puso pagkatapos niyang sabihin ito. Mahal niya ako kahit gaano pa kahirap ang buhay ko. Nakaramdam ako ng kakaibang saya. Nagpaalam ako sa kaniya na uuwi muna ako sa amin. Gusto niya sanang sumama upang pormal na makilala si nanay. Ngunit pinigilan ko siya. Bukod sa may trabaho siya ay mananatiling sekreto ang relasyon namin. Labis ang tuwa ni nanay nang makita ako. Tumangis din ako sa kamay ng aking ina nang mapansin na lalo siyang pumayat. Kahit tapos na ang operasyon niya ay mayroon pa rin siyang mga gamot na dapat inumin. Marami pa rin ang bawal kainin. "Tahan na, anak. Hindi ko naman alam na uuwi ka ngayong sabado. Kumain sana ako ng marami para hindi ka malungkot" biro niya. "Nanay naman, eh. Kahit hindi ako uuwi, dapat ka pa ring kumain ng marami" nakasimangot kong sabi. "Biro lang" biglang sumeryoso ang mukha ni nanay kaya kinabahan ako. "Wala bang problema sa trabaho, anak? Baka nahihirapan ka na. Si nanay na muna ang magsikap" "Ayos lang ako nay. Walang problema" totoong ayos lang ako pero hindi ko kayang sabihin sa kaniya ang sitwasyon ko. "Kapag pagod ka na, sabihan mo lang ako ha. Ipagluluto kita ng paborito mong chicken curry" Niyakap ko siya ng mahigpit. Hindi ko pwedeng sabihin sa kaniya na nagpakasal ako sa boss ko. Alam kong hindi niya ako husgahan pero alam kong masasaktan siya kung sakaling malalaman niya ito, lalo pa at siya ang pinaka-dahilan nito. Nang magdapit-hapon na ay saka ko lamang naisipang tingnan ang cellphone ko. Marami akong natanggap na text mula kay Maverick. Napabuntong-hininga ako. Hindi ko muna siya re-replyan. Ibababa ko na sana ang phone ko nang muli akong makatanggap ng text mula sa kaniya. 'I asked your tiya Anabelle where you live' Bigla akong kinabahan. Hindi naman niya siguro ako pupuntahan dito. Hindi ba't ang sabi ko sa kaniya ay mag-pokus muna sa trabaho. At saka, anong sasabihin niya kay nanay kung magpapakita siya dito. Masyado naman akong espesyal kung pupuntahan ako ng boss ko. "Bago 'yang phone mo, te?" Napaigtad ako sa labis na gulat nang biglang magsalita si Shan. Sinamaan ko siya ng tingin ngunit hindi man lang ako binalingan. "Oo" "Wow!" Iniwan ko na siya sa sala at tumulong nalang kay nanay sa pagluluto ng pansit at lumpia. Nagluto din siya ng chicken curry dahil alam niyang ito ang pinaka-paborito ko. "Ate, may naghahanap sa'yo" sigaw ni Shan mula sa sala. Kumunot ang noo ko. Wala akong inimbita. Lumabas ako upang malaman kung sino ang sinasabi ni Shan na bisita. Laking gulat ko nang makita ang si Maverick kasama ang kapatid niya. Nakatayo si Mikaela habang pinagmasdan ang mga larawan namin. Si Maverick naman ay agad na dumalo sa akin. Siniko ko pa baka makita kami ni Mikaela. "I like your house. It's so cozy. Ang sarap sigurong manirahan dito. Maliit lang pero masaya, I believe" biglang sabi ni Mika. Hindi pa ako nakakasagot ay lumabas si nanay mula sa kusina at tulad ko ay nagulat din siya sa nadatnang panauhin sa sala "Sino ba iyang mga bisita mo, anak? Papasukin mo nang makakain" aniya nang hindi pa nakita ang magkapatid. "Hi, po" maligayang bati ni Mikaela. "I'm Mikaela Arañez po" "Arañez? Naku! Pasensya na mga ma'am at sir, maliit itong bahay namin" nang mapagtanto na sila ang pinagsisilbihan ko. Pumasok kami sa kusina at agad na inasikaso ni nanay ang magkapatid. Tiningnan ko si Maverick. Nakatingin lang din siya sa'kin na parang namamangha sa nangyari. "Oh, no worries po. Ang ganda ng bahay niyo. Sarap sigurong matulog dito" sagot ni Mikaela. "Nakakahiya naman po, ma'am kung dito kayo matulog. Wala kasi kaming makapal na kutson" "It's okay!" "Osya! Sa kwarto ni Shaira ka nalang matulog. Mas malawak ang kwarto niya" "Really? Oh my gosh!" napapalakpak pa siya sa labis na tuwa. "Osya! Kumain na kayo. Gabi na rin baka mapano kayo sa daan" Ngumisi si Mikaela sa sinabi ni nanay. Matapos naming kumain ay inihanda ko na ang hihigaan ni Maverick. Sa sala kasi siya matutulog. Kami naman ni Mikaela sa kwarto ko, si nanay sa kwarto niya kasama si Shan. "I love your banyo" Nakakatuwa naman na hindi maarte si Mikaela. Ang ibang mayaman kasi ay nandidiri sa ganitong lugar. Umupo siya sa tabi ko. "Ingatan mo ang kuya ko" nagulat ako sa sinabi niyang iyon. "Alam mo?" hindi makapaniwalang tanong ko. Tumango siya at ngumiti. Sinabi na pala sa kaniya ni Maverick ang tungkol sa amin. Kung gano'n, hindi na namin kailangang magpanggap sa harap niya. Masaya akong tinanggap niya ang relasyon namin nang walang panghuhusga. Sana lahat ay katulad niya. Nang gabing iyon ay nakatulog ako nang nakangiti dahil sa ligayang nararamdamdan.Matapos ang naging sagutan namin ni Eleanor ay mabilis siyang nag-martsa paalis ng bahay. Lumabas naman si Shan mula sa kusina at may bitbit na juice at sandwich. At talagang pumili pa ng mamahaling pagkain ang higad na iyon. "Nasaan na ang maarteng babae, ate? Nandito na ang hiniling niya. Umutang pa ako ng pera kay Ate Lea" Para akong nanggagalaiti sa narinig. Ang lakaw ng loob niyang humiling ng malaki gayong halos masuka na siya sa pandidiri sa aming bahay."Umuwi na. Sana hinayaan mo na lang siyang mamatay sa gutom"Nakakainis. Marahil siya ang gumawa ng paraan upang matanggal sa listahan ng mga honor ang kapatid ko."Sino siya, ate? Bakit sinabi niya kanina inagaw mo si Kuya Maverick? Totoo po ba iyon? Totoo din po ba na may relasyon din kayo ni Mr. Melchor? Kaya ba kayo nag-usap kanina?" sunud-sunod niyang tanong.Aba't! Iba din talaga ang tama ng babaeng iyon. Ginawa na nga akong mang-aagaw, ginawa pa akong kerida ng ama ng asawa ko. Anong paninira pa ba ang gagawin niya upa
Tahimik lang ako habang kaharap ko si Mr. Melchor. Pinauna ko na ang kapatid ko dahil mayroon daw kaming pag-uusapan. Tahimik lang kami habang naghihintay sa order namin. "Anong gusto mong pag-uusapan?" walang emosyon kong tanong. "Tungkol sa tatay mo" Napatingin ako sa kaniya. Deretso lang ang tingin niya sa akin. Tumayo na ako. "Kung tungkol sa mga magulang ko, ayaw kong makipag-usap" Bago pa man ako tuluyang makaalis ay nagsalita na si Mr. Melchor. "Hindi inagaw ng nanay mo si Erwin" Para akong napako sa kinatayuan. Sa isang iglap lang ay nakaupo na ulit ako sa harap niya. Wala munang nagsalita sa amin nang ilapag serbidor ang aming pagkain. "Ikuwento mo ang lahat ng pwede kong malaman" sabi ko habang sinubo ang inorder niyang steak para sa'kin. Huminga siya nang malalim bago nagsimulang mag-kuwento. Lumingon siya sa paligid, parang sinisiguro kung may makakarinig ba sa amin. "Bago palang tumuntong ng labong-walo si Theresa ay nakatakda na siyang ikasal sa ana
"Ate Lea, maraming salamat po talaga at pumayag kayong samahan si nanay dito. Nag-aalala na ho kasi kami kay nanay. Tahimik pa rin" Humiling ako sa kapitbahay naming si Ate Lea na bantayan muna si nanay habang nasa paaralan kami. Natatakot ako na kapag mag-isa lang siya dito ay may mangyayaring masama sa kaniya. "Ano ka ba. Wala iyon, Shaira. Nag-aalala na rin ako diyan kay Manang Sherly" mula sa akin ay inilipat niya ang kaniyang paningin kay Shan na tahimik lang sa tabi. "Malugod na pagbati sa'yo, iho" Tumango lang si Shan. Sinisisi niya pa rin ang sarili niya sa nangyari sa akin. Hindi naman ako nanunumbat. Sa katunayan nga, desisyon ko ito sa hangad na mapaganda ang aming buhay. Hindi ko naman alam na magiging ganito pala ang lahat. Hindi ko pa nga natatanong kay nanay ang gumugulo sa isipan ko. Wala akong puso na magtanong sa kaniya. Lalo pa ngayon na parang may dinaramdam siyang malaking problema. Gusto ko man siyang damayan ay hindi ko muna ginawa. Hihintayin kong siya
Mahirap makalimot lalo na kung ang taong iniiwasan mo ay palaging nagpapakita sa'yo. Halos araw-araw sumusulpot si Maverick sa bahay. Nagdadala ng kung ano-ano. Kahit anong gawin kong pagtulak sa kaniya at nanatili siyang matatag. Nag-aalala na nga ako sa trabaho niya bilang CEO ng kanilang kompanya na ngayon ay pagmamay-ari na niya. "Hayaan mo muna akong iparamdam sa'yo ang aking pagmamahal, Shai" pagmamaktol niyang nang pauwiin ko siya. "Babagsak ang kompanya niyo kung hindi ka babalik doon" malamig kong saad. Binalita ni Kyla sa akin noong nakaraang linggo na marami siyang tinanggal na trabahanta. Lahat daw ng employees ay natatakot sa kaniya. Takot na sila dati pa, iyon ang napapansin ko. Ngunit base sa ibinalita ni Kyla, parang lumala ang pagiging strikto ni Maverick. Maging si Kyla ay natatakot ng magkamali. "Mahihintay ako ng trabaho, Shaira. Ayokong maghintay pa ng ilang araw bago kita suyuin, baka mawala na ang pagmamahal mo sa'kin" Kinagat ko ang labi ko. Gusto kong
Nanginginig pa rin ang buo kong katawan habang nakasakay sa kotse ni Maverick. Kinakabahan ako baka may nangyari ng masama sa nanay ko. Sa likod nakaupo si Shan na pilit pino-proseso ang pangyayari.Nang dumating si Maverick sa bahay namin kanina ay mabilis niya akong hinalikan sa labi na ipinagtaka ng kapatid ko. Napilitan kaming sabihin sa kaniya ang lahat. Sinisisi niya ang sarili niya dahil kinailangan ko pa daw isakripisyo ang sarili kong kaligayahan para mabigyan lang siya ng maayos na buhay. Ngunit sinisiguro ko naman sa kaniya na masaya ako para hindi na siya mag-alala pa. Ngunit hindi yata ito tanggap no Shan.Napabuntong-hininga na lang ako. Matatanggap pa rin niya ito kalaunan. Sa ngayon ay hayaan ko muna siyang mag-isip. Unahin ko muna si nanay. Baka nagugutom na siya o di kaya ay nilalamig. Sana walang nanakit sa kaniya. Hindi ko maiwasang ipagdasal ang kalagayan ng nanay ko. Nasaan man siya ngayon sana ay ligtas na siya. At sana mahanap na namin siya."Huwag kang mag-ala
Ilang araw pa akong nanatili sa hospital bago ako ma-discharge. At sa lahat ng araw na iyon ay hindi ko nakita si Maverick. Hindi naging maganda ang huli naming pag-uusap. Ngunit tumatak sa isip ko ang huli niyang sinabi bago siya lumabas sa kwarto ko.Kaya niya bang talikuran ang mama niya para sa'kin? Kung ako ang nasa posisyon niya ay mahihirapan ako, lalo pa't mahal na mahal ko ang aking nanay. Kaya kung pinagsisihan man niya ang sinabi niya ay ayos lang sa'kin. Hindi ko rin naman gustong magalit ang mga magulang niya dahil lang sa'kin.Ngayon ang discharge ko kaya lubos akong natuwa. Paglabas ko dito ay sisiguruhin kong makakahanap ako ng panibagong pagta-trabahuan. May ipon naman ako ngunit hindi naman pwedeng aasa lang kami dito. Hindi ko sasabihin kay nanay dahil hindi niya ako papayagan, lalo na sa sitwasyon ko ngayon."Nabayaran na pala ang bills natin? Sinong nagbayad?" takang tanong ko.Sa pagkakaalam ko, malaki ang bayarin ko dito sa hospital lalo pa't nasa private room a







