Isang buwan na ang lumipas, wala pa ring nakakaalam sa relasyon namin ni Maverick. Kapag mayroong bisita sa penthouse ay nanatili lang akong abala sa kusina bilang tagapagluto. Mas naging busy din si Maverick sa trabaho dahil sa panibagong ilalabas na produkto. Hindi na ako masyadong sumasama sa office dahil wala naman akong magagawa doon."Close kayo ni sir, no?" biglang tanong ni Ate Bebang, ang taga-linis ng penthouse.Katatapos niya lang linisin ang buong bahay. Nandito kami sa kusina kumakain ng niluluto kong pansit. Tuwang-tuwa naman ang babae dahil ngayon lang daw siya nakakain ng ganito kasarap na pansit."Alam mo, ang swerte mo. Minsan lang kasi mayroong katulong na ka-close ng amo. Alam mo na, kapag mayayaman, hindi na nila binibigyang pansin ang mga nagluluto para sa kanila, naglalaba, o naglilinis ng kanilang bahay. Pinapansin lang nila ang sarili nilang buhay" tumatango ako sa sinabi niya. "Kaya ang swerte mo, parang kaibigan mo lang si sir. Hindi ka niya tinatrato na kat
Dernière mise à jour : 2026-07-27 Read More