Share

BILLIONAIRE's SECRET ROMANCE
BILLIONAIRE's SECRET ROMANCE
Author: Keitaa

Chapter 5

Author: Keitaa
last update publish date: 2026-07-22 05:51:02

Lunes na nang makabalik kami sa penthouse ni sir. Iyon ay dahil gusto pa nilang manatili sa bahay noong linggo. Bumalik sa normal ang lahat, maliban sa naging sweet at bukas kami sa isa't isa. Pagkatapos naming mag-agahan ay gumayak na kami papuntang office. Nakasalubong namin si Kyla na may nanunuyang tingin.

"Over naman sa hangover. Buong weekend talaga kayong wala?" umirap siya bago kami talikuran.

"Akala ko pumasok ka noong sabado?" tanong ko kay sir na tahimik lang papasok sa office.

"Na-miss kita, eh. Anong magagawa ko?" depensa niya.

"Pwede mo naman akong I-text na lang. Hindi mo naman kailangang umabsent" umismid ako.

"Hindi ka nga nagre-reply kaya pinuntahan na kita" parang batang tampo niya.

Inismiran ko na lang siya upang itago ang kilig. Kung dati ay naka-pokus lang siya sa kaniyang laptop. Ngayon naman ay halos hindi na siya mag-trabaho kakatitig sa akin.

"Hindi naman ako mawawala, sir" umismid lang ako.

"Gusto kong titigan ka"

"Bakit? Ako ba ang trabaho mo?"

"No. Pero ang titigan ka ay nakakayaman" banat niya.

Inirapan ko siya. Kailan pa siya natutong bumanat? Narinig ko ang halakhak niya kaya mas lalo akong nainis. Nakakainis dahil gusto kong pakinggan ang tawa niya buong hapon.

"Ang cute mo pa lang magsungit. If only I know, sana dati pa kita inaasar" tumawa pa siya ng malakas.

"Ang landi mo, Sir"

"Pwede ba huwag mo ako tawaging sir? Nakaka-insulto sa relasyon natin" masungit niyang pahayag. "Babe na lang!"

Tumawa lang ako sa pagmamaktol niya. Para siyang bata na hindi binilhan ng ice cream. Nagpatuloy ang araw na nag-uusap lang kami habang nagta-trabaho. Pinag-uusapan din namin ang nangyari sa amin. Kinu-kwento niya ang naganap nang gabing iyon kaya naiinis ako sa sobrang hiya.

"Kamatis ka ba?" untag ni Kyla sa akin.

Nandito kami sa pantry kumakain. Nang matapos I-kwento ni Maverick ang nangyari ay lumabas ako dahil nahihiya ako ng sobra. Hindi ko alam kung paano siya haharapin mamaya.

"Napano ka? Kumain ka ba ng sili? Sobrang pula ng mukha mo"

"Hindi. Wala to. Basta. Kumain ka nalang" mahigpit kong hinawakan ang kutsara.

"Weird. Diyan ka na nga" iniwan niya akong namumula pa rin ang mukha.

Nanatili lang ako sa pantry hanggang mag-alas singko. Pinagtitinginan na ako ng ibang workers dahil hindi man lang ako umalis. Para akong naka-super glue sa sobrang dikit ko sa upuan. Dito lang ako nagpapalipas-oras. Alas sais na nang kaniya-kaniya nang uwi ang mga employees. Nadatnan din ako ni Kyla nang nagtimpla siya ng kape ni sir.

"Nag-away ba kayo?" tanong niya habang hinihintay kumulo ang tubig.

"Hindi" simpleng tugon ko.

"Okie. Sabi mo eh"

Paano ko sasabihin sa kaniya na may nangyari sa amin ni Maverick pagkatapos naming mag-inuman sa bar? Ang alam niya lang ay personal assistant lang ako. Alam ko namang may ideya na siya sa relasyon namin pero hindi pa rin sapat 'yon.

"Mag-o-overtime ka ba?" sa halip ay tanong ko sa kaniya.

"Oo, sasabay ka ba?"

"Wala naman dito ang trabaho ko" tinawanan niya lang ako sa naging sagot ko.

Muli niya akong iniwan doon. Naghihintay sa wala. Hindi ko alam kung ilang minuto pa akong nakaupo doon. Wala ng ibang tao na dumaan doon. Maya-maya pa ay nakita ko na si sir papalapit sa akin. Hindi ko alam ang gagawin kaya nagpanggap na lang akong hindi siya nakita.

"Sa labas na lang tayo kakain, Shai. Late na para magluto ka pa" hindi ako umimik. "Sorry for making you wait"

Hindi pa rin ako lumilingon. Narinig ko ang buntong-hininga niya.

"Forget it. Tara na. I'm hungry"

Ang siraulo ay iniwan lang ako. Naiinis na tumayo ako at sumunod sa kaniya. Sa labas lang kami kumain para hindi na raw ako mapapagod. Gabi na rin kasi. Mapayapa kaming kumain ni Maverick nang biglang umeksena ang babaeng pinagselosan ko. Dumating si Eleanor kasama ang may edad ng lalaki. Sa palagay ko daddy niya ang kasama niya dahil na rin sa hawig nilang mata ang ilong.

"Mave? Oh my gosh, Mave!" tili ng babae.

"Mr. Arañez, long time no see" bati ng lalaking kasama ni Eleanor.

Pinanood kong tumayo si Maverick at nakipagkamayan sa lalaki.

"It's been a long time, Mr. Villafuerte. How's business?" balik na bati niya dito.

"We're rising" pagmamayabang ni Mr. Villafuerte.

"Oh, what a news"

Tumingin sa akin ang lalaki. May kakaiba sa kaniyang ngiti, parang nanunuya.

"Osya! Maiwan na namin kayo ng date mo"

Hipokrito. Nababasa ko sa mga mata niya na napipilitan lang siyang sabihin iyon. Siguro, gusto niyang kay Eleanor lang si Maverick. Napatingin ako sa galit na mukha ng babae.

"Dad! Mave will only date me. Not some lowclass gold digger" umirap siya.

Sabi na eh. Noong nakita ko siya sa office ni Maverick, ramdam ko ng may iba sa pagkatao niya. Lowclass ako? Eh ano naman kung mahirap kami? Mayaman kami sa pagmamahal kaya hindi na namin kailangan ng maraming pera. At anong sinasabi niyang gold digger ako? Totoong pumayag ako sa gusto ni Maverick para sa pera. Pero ngayon, mahal ko na si Maverick. Hindi pera ang dahil kung bakit ako nanatili sa kaniya. Kung may nakukuha man akong pera mula sa lalaki, iyon ay dahil nagta-trabaho pa rin ako sa kaniya kahit mag-asawa na kami. Pinaghirapan ko ang lahat para sa pamilya ko.

"Eleanor!" sita ng daddy niya.

"What? Totoo naman diba? She's a gold digger. Right, Mave?"

Pinagtitinginan na kami ng mga tao dahil sa kaniya. Tumayo ako at humarap kay Eleanor nanlilisik ang matang nakatingin sa akin.

"Alam mo, kung hindi ka gusto ng isang lalaki, hayaan mo na. Huwag kang gagawa ng isang negatibong bagay na magbibigay-dumi sa iyong pagkatao. Hindi mo kailangang insultuhin ang babaeng kasama ng nagugustuhan mo. Huwag mong ibaba ang iyong dignidad, mas lalo ka niyang ayawan" kalma lang ang pagkakasabi ko.

"Huwag mo akong pangaralan!"

"Nasa iyo na iyan kung makikinig ka o hindi. Tinutulungan lang kita na buksan ang iyong isipan"

"I don't care!"

Mabibigat ang paa na lumabas siya ng restaurant. Tahimik lang si Maverick na mas nagpapainis sa'kin.

"Hindi ka man lang nagsasalita" inis kong ani.

Kasi naman! Sino bang matutuwa sa ganon? Ini-insulto na ako't lahat, pero tahimik pa rin siya. Ano? Gusto niya rin ba ang babaeng higad na iyon? Edi magsama sila.

"Sorry" halos bulong niyang aniya.

Tahimik kaming lumabas ng kainan at umuwi sa kaniyang penthouse. Agad akong pumasok sa kwarto. Hindi ko siya pinansin nang tawagin niya ako. Umiiyak ako habang naligo. Isang oras akong nakababad sa ilalim ng shower bago ko naisipang lumabas. Gusto kong magpahangin para naman maibsan ang galit sa puso ko.

Kumuha ako ng jacket at isinuot iyon. Bumaba ako at agad na nagtungo sa playground malapit sa building. Umupo ako sa swing. Hindi naman masyadong madilim dito dahil sa liwanag mula sa kalsada at may inilagay din silang yellow light paikot sa buong playground. Nagmumuni-muni lang ako nang biglang may umupo sa kabilang swing. Kinakabahan ako dahil sa mga napanood kong movies, ganito ang senaryo bago may nangyayaring murder.

"Sorry"

Agad kong nakilala ang boses ng nagsasalita. Paano niya nalamang nandito ako? Nung lumabas naman ako ay hindi ko siya nakita.

"Sana pinagtanggol kita. Natakot lang talaga ako dahil alam kong palaging may nakasunod na media sa pamilyang iyon. Natakot akong masira ang pangalan ko. Sorry"

Iyon pala ang dahilan niya. Sana sinabi niya sa akin agad. Maiintindihan ko naman ang dahilan niya.

"Ito oh. Peace offering ko"

Ngumiti ako nang makita ang milktea. Parang bula na nawala agad ang inis ko. Alam na alam niya kung paano alisin ang galit sa puso ko.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • BILLIONAIRE's SECRET ROMANCE    Chapter 9

    Darating ngayon ang pamilya ni Maverick. Aligaga ako sa pag-aayos. Mula sa mga gamit sa bahay tulad ng mga pinggan na gagamitin, ang sofa ay nilinis ko rin. Kahit hindi ako ang naka-toka ay nilinis ko na ang buong bahay. Wala akong iniwan kahit maliit na dumi. Nagluto din ako ng masasarap na pagkain. At higit sa lahat, inayos ko ang sarili ko. Nagsuot ako ng magandang bestida, nagpabango, naglagay din ako ng konting makeup. Simple lang ngunit alam kong babagay sa postura nila. Kinakabahan ako lalo na noong narinig ko ang pag-doorbell. Malawak akong ngumiti nang makita ko ang buong pamilya. Ngumiti din sila pabalik sa'kin. Binuksan ko ng malaki ang pintuan upang makapasok sila. Bumagsak ang ngiti ko nang makita ang huling pumasok. "Hi" sarkastikong bati niya sa akin at ngumiti na parang nagtagumpay sa isang bagay. Bakit siya nandito? "Si Maverick?" nakangiting tanong ni madam Theresa. "N-nasa loob po" iminuwestra ko ang daan. Hindi ko pinansin ang nakakalokong tingin ni Elean

  • BILLIONAIRE's SECRET ROMANCE    Chapter 8

    Narinig ko ang pagkatok ni Maverick mula sa labas ng kwarto ko. Hindi ko siya pinansin. Umiiyak pa rin ako habang ginagamot ang mga kalmot ng kuko ni Eleanor. Talo talaga ang mahihirap. Kapag nasaktan, iiyak ka lang dahil wala ka namang mapagsabihan. Gusto kong ikuwento kay Maverick ang nangyari. Gusto kong umiyak sa bisig niya. Ngunit naiinis ako dahil siya ang dahilan ng away namin ng kaniyang ex-fiance. "Shaira, baby. Sorry na" Hindi ko na mabilang kung ilang ulit siyang nag-sorry sa akin mula sa labas. Niligpit ko ang ginamit ko para linisin ang mga kalmot. Pinunasan ko ang mukha at pilit na ngumiti bago siya pagbuksan. Nanlumo ako sa nakita. Ang guwapong mukha ng asawa ko ay nababahiran ng pagod at lungkot. Pagod na siya sa trabaho, hindi ko na dapat dagdagan ang problema niya. Walang pasabi na niyakap ko siya. Naramdaman ko ang paghalik niya sa ulo ko. Pinabalik ko na siya sa office pagkatapos naming kumain ng lunch. Gusto pa niya akong samahan dito baka balikan daw ak

  • BILLIONAIRE's SECRET ROMANCE    Chapter 7

    Kasalukuyan akong naglalaba ng mga damit namin nang biglang may nag-doorbell. Paulit-ulit at parang nauubusan ng pasensya ang taong nasa likod nito. Ipinunas ko ang basang kamay sa suot kong apron. "Sandali!" sigaw ko habang dali-daling lumapit sa pintuan upang pagbuksan ang kung sino mang nasa labas. Hindi ko na nagawang silipin ang peephole. Nang buksan ko ito ay agad akong na-estatwa sa nakitang panauhin. Anong ginagawa niya dito? Hindi maipagkakailang mahilig siya sa pula dahil sa suot niyang sleeveless fitted dress na sobrang ikli. Ibinagay niya ito sa suot niyang malaking pulang earrings at red na bracelet. Ngunit ang dala niyang handbag ay hindi red, kundi white. Ganoon din ang suot niyang stiletto. Nanliit ako sa ayos ko. Basa pa ako dahil sa paglalaba. At kahit tinapalan ng apron ay makikita pa rin ang punit sa gilid. "Hindi mo ba ako papasukin?" malditang aniya. Nilakihan ko ang awang upang makapasok siya. Parang isang modelo siyang rumampa papasok sa penthouse. Sopi

  • BILLIONAIRE's SECRET ROMANCE    Chapter 6

    Isang buwan na ang lumipas, wala pa ring nakakaalam sa relasyon namin ni Maverick. Kapag mayroong bisita sa penthouse ay nanatili lang akong abala sa kusina bilang tagapagluto. Mas naging busy din si Maverick sa trabaho dahil sa panibagong ilalabas na produkto. Hindi na ako masyadong sumasama sa office dahil wala naman akong magagawa doon."Close kayo ni sir, no?" biglang tanong ni Ate Bebang, ang taga-linis ng penthouse.Katatapos niya lang linisin ang buong bahay. Nandito kami sa kusina kumakain ng niluluto kong pansit. Tuwang-tuwa naman ang babae dahil ngayon lang daw siya nakakain ng ganito kasarap na pansit."Alam mo, ang swerte mo. Minsan lang kasi mayroong katulong na ka-close ng amo. Alam mo na, kapag mayayaman, hindi na nila binibigyang pansin ang mga nagluluto para sa kanila, naglalaba, o naglilinis ng kanilang bahay. Pinapansin lang nila ang sarili nilang buhay" tumatango ako sa sinabi niya. "Kaya ang swerte mo, parang kaibigan mo lang si sir. Hindi ka niya tinatrato na kat

  • BILLIONAIRE's SECRET ROMANCE    Chapter 1

    "Shaira! Shaira!" mabilis akong lumabas sa kitchen nang marinig ang tawag sa akin ni sir Maverick. "Po? Anong problema, sir?" kinakabahang tanong ko sa kaniya. "Samahan mo akong kumain" iminuwestra niya ang upuan sa harap niya. Laging ganito ang setup namin. Sa lahat ng katulong dito sa bahay ay ako ang lagi niyang tinatawag upang samahan siyang kumain. Hindi lingid sa kaalaman ko ang nararamdamdan ni sir sa akin. Lagi ko siyang naririnig na pinupuri ako dahilan kung bakit maraming galit na katulong dito sa mansyon ng mga Arañez. "Umupo ka. Hindi dapat nagpapalipas ng gutom ang isang magandang katulad mo" puri niya sa akin. Ang anak ng boss ko na si sir Maverick Arañez ay isang bachelor. Twenty seven years old na siya ngayon ngunit wala pa siyang ipinakilalang babae sa mga magulang niya. Lagi niyang sinasabi na may nagugustuhan siya ngunit hindi niya maaaring sabihin. "Kumusta pala ang trabaho mo, Sir?" tanong ko upang maiwasan ang ilang na namagitan. "Pwede ba akong mag-a

  • BILLIONAIRE's SECRET ROMANCE    Chapter 2

    Napatanga ako sa laki ng penthouse ni sir Maverick. Penthouse ba talaga to? Mas malaki pa yata ang sala nito kesa buong bahay namin. Ngayong araw ay lumipat na ako sa penthouse gaya ng napag-usapan namin ni sir noong nakaraang gabi. At gaya ng napag-usapan ay hindi ako nandito bilang asawa, kundi bilang personal na katulong. "Here's our room" untag ni sir.Our room? Magkasama kami sa iisang kwarto? Akala ko ba nandito lang ako dahil kailangan niya ng personal na katulong? Hindi naman kami pwedeng magsama sa iisang kwarto dahil hindi naman ako sigurado sa inamin niya noong nakaraan.Umupo siya sa sofa nang naka-de-kwatro. Pinanood ko lamang siya habang ginagawa niya iyon. Ako naman ay patuloy na inililibot ang tingin sa buong bahay. Maganda ang desinyo, bumabagay sa kulay ng puting kesame at beige na dingding. "Si Aling Bebang ang maglilinis dito. Ang gagawin mo ay ipagluluto lang ako dahil gusto kong matikman ang luto mo. Sasamahan mo rin ako sa lahat ng lakad ko" sabi niya nang hi

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status