Share

Chapter 3

Penulis: Keitaa
last update Tanggal publikasi: 2026-07-22 05:50:53

Isang linggo na simula noong tumira ako sa penthouse ni sir. Araw-araw niya akong dinadala sa office niya. Kapag nasa office niya ako ay wala akong ibang ginagawa kundi ang ipagtimpla siya ng kape at papanoorin siya buong maghapon.

Sa loob ng isang linggo ay si Kyla lang ang nakakausap ko. Hindi naman pala siya suplada. Sa katunayan nga ay mabait si Kyla. Nalaman kong magka-barkada pala sila ni sir. Marami sila sa kanilang grupo ngunit ang iba daw ay madalang nalang makakasama dahil mayroon ng mga sariling pamilya. Namangha pa ako dahil kaibigan niya ang kinuha niyang secretary at hindi ibang tao.

"Lima nalang kami sa barkada na wala pang anak. Sa tingin ko, si Mr. Arañez ang susunod na hindi na pwede sa mga gala dahil may anak ng binabantayan" kwento ni Kyla.

Tumikhim ako. Hindi niya alam ang namagitan sa amin ni sir. Ngunit hindi ko maiwasang magduda na may napapansin siya sa mga kilos namin.

"May girlfriend si sir?

Tumawa lang siya ng nakakaloko kaya nagtaka ako. Nagsisinungaling ako. Alam kong wala siyang girlfriend dahil may asawa na siya, at ako iyon.

"Hindi ko alam. Baka may secret affair nga ang isang 'yon" tumawa siya ng malakas.

Kailangan kong sabihin kay sir na mag-doble ingat kami. Base kasi sa mga lumalabas sa bibig ni Kyla ay nahihinuha kong may ideya sa amin. Pagkatapos naming kumain ng lunch at ipagtimpla si sir ng kape ay nakatulog ako sa couch. Nagising na lang ako sa bahagyang pagyugyog ni sir sa balikat ko.

"Shai, samahan mo ako" aniya nang makaupo ako.

"Saan?" humihikab kong sagot.

Sarap matulog dito, malamig. Tumingin ako sa table niya. Malinis ito, walang nakakalat na mga papeles. Hindi din nakabukas ang kaniyang laptop. Marahil natapos na siya sa gawain. Tumingin ako sa orasan na nasa dingding. Masyado pang maaga para sa uwian.

"Bibili tayo ng phone mo para hindi ka na mainip kakahintay sa akin"

May cellphone naman ako. Pinahiram ko kay Shan— kapatid ko—kasi kailangan niya. Binigyan din ako ni tiya Annabelle ng spare niyang keypad kung sakaling hihingi ako ng tulong, tatawagan ko lang daw siya.

"Eh may phone naman ako"

Pinakita ko sa kaniya ang keypad na binigay ni tiya bago ako lumipat sa kaniyang penthouse. Luma na ito at halos hindi na makita ang mga letra at numero sa mismong keypad nito. Saulo ko naman ito kaya hindi problema sa akin ang pagte-text kina nanay.

"Hindi ka ba nahihirapan sa ganiyan?

Umiling lang ako bilang sagot. Hinawakan niya ang kamay ko at marahang hinila ako palabas. Nakita kami ni Kyla paglabas namin ng office. Yumuko ako nang makita itong suminghap sa magkahugpong naming mga kamay.

Kasalukuyan kaming namimili ng phone. Si sir lang pala. Wala naman akong masyadong alam sa mga ganiyan. Ang dami niyang sinasabi na hindi ko naman maintindihan. Halos isang oras din kami naghahanap ng matibay na cellphone. At sa wakas ay nakapili rin. Sinet-up niya na rin lahat bago ibinigay sa akin ang phone.

"Salamat"

Bumalik na kami sa office dahil may meeting pa sila. Napag-utusan naman akong ihanda ang conference room. Nang magsidatingan na ang mga employee na kasama sa meeting ay umalis na rin ako. Hindi muna ako pinasama ni sir sa kanilang meeting dahil nandoon naman ang secretary niya.

Habang nag-meeting sila ay panay naman ang kalikot ko sa bagong cellphone. Marunong naman ako gumamit nito dahil nagkaroon din ako nito. Second hand ang dati kong phone pero wala namang pinagkaiba. Tawagan ko kaya si nanay? Napangiti ako sa naisip na ideya. Kinuha ko ang keypad upang i-type ang number ni Shan.

"Hello? Sino 'to?" tanong ni Shan sa kabilang linya nang sagutin ang tawag.

"Shan! Ako to, ate Shaira mo. Kumusta kayo?" masayang bati ko.

Nami-miss ko na sila. Kung papayagan ako ni sir mag day off ngayon linggo ay uuwi ako agad sa bahay.

"Ate! May bagong number ka pala?"

Napasimangot ako sa tanong niya. Number talaga una niyang tinanong. Hindi man lang ako kinamusta. Nakakatampo hmp.

"Okay lang ako" sarkastikong sagot ko.

Narinig ko siyang tumawa sa naging sagot ko. Umirap ako kahit hindi niya makita.

"Uuwi ka ba?"

"Kung papayagan ako ni sir, uuwi ako, Shan"

"Gano'n ba?" dinig ko ang lungkot sa kaniyang boses mula sa kabilang linya.

Nakokonsensya ako. Hindi nila alam ang pinasok ko. Ang akala nila ay nagta-trabaho lang ako para matustusan lahat ng pangangailangan namin.

"Si ate mo ba iyan, Sho?" dinig kong singit ni nanay mula sa kabilang linya.

"Opo, nay. Ate, kausapin mo muna si nanay. Gagawa lang ako ng assignment" paalam ni Shan.

"Shaira, anak. Kumusta ka? Kumakain ka ba ng maayos? Kung hindi mo na kaya, anak, umuwi ka ha? Aalagaan ka ni nanay"

Naluluha ako nang marinig ang boses ni nanay. Sa tuwing naririnig ko ang magaspang niyang boses ay gusto kong umuwi.

"Ayos lang po ako, nay"

Nagkwentuhan lang kami ni nanay. Hindi ko namalayan ang oras. Nakabalik na si sir sa office kasama si Kyla .

"Nay, nandito na si sir. Baba ko muna ha?" pagpaalam ko.

"Mag-iingat ka palagi. Bye, anak"

Ibinaba ko na ang tawag. Naramdaman ko ang pagtitig ni sir sa'kin.

"Nanay mo?" tanong niya nang makalabas si Kyla.

Tumango ako. Ilang minuto pa akong nakaupo bago ko naisipang lumabas para ipagtimpla siya ng kape. May nakasalubong akong magandang babae. Mukhang hindi siya employee dito dahil sa suot niya.

Nakasuot siya ng magandang damit. Pula na long-sleeved ang kaniyang top at sobrang ikli ang itim niyang pencil skirt. Red din ang kaniyang stilleto na mas lalong nagpaputi sa kaniyang makinis na balat. Maganda ang lapat ng kaniyang makeup, bagay sa kaniyang mapulang labi. Ang sobrang itim niyang buhok ay maganda ang pagkakaayos. Sobrang ganda niya. Halatang mula sa mayaman na pamilya. Nanliit ako sa porma kong faded blue na long-sleeve at tinernohan ng coffee na skirt na lampas sa tuhod ko.

Ngumiti siya sa akin kaya ngumiti na lang din ako. Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad patungong pantry. Pagbalik ko ay bahagyang nakabukas ang p***o ng office ni sir. May narinig akong hindi pamilyar na boses ng babae. Gayunpaman ay pumasok pa rin ako upang ibigay ang kape ni sir. Ngunit nagulat ako sa nakitang kausap ni sir. Ang magandang babaeng nakasalubong ko.

"Come on, Mave. If you won't spend time with me, I'll visit you at your penthouse nalang" maarteng sabi ng babae.

Sobrang lapit ng mukha niya sa mukha ni sir. Ang isa niyang kamay ay nakahawak sa likod ng swivel chair ni sir at ang isa naman ay nasa lamesa, ginawang suporta. Parang may tumusok na karayom sa nakitang posisyon nila. Hindi pa rin ako napapansin si sir dahil abala siya sa ginagawa. Hindi man lang pinansin ang babae.

Biglang nag-vibrate ang phone na nasa bulsa ng suot kong palda, hudyat na mayroong text. Nang silipin ko ito ay nakita ko ang text ni Kyla sa akin.

'Girl, labas ka muna. Nandito pala si ma'am Eleanor'

Tumingin ako kay sir na seryoso pa ring nakaharap sa laptop niya. Nakatingin lang din ang tinatawag ni Kyla na Eleanor sa akin, na para bang gusto niya akong paalisin. Nang mag-angat si sir ng tingin ay nakita ko ang pagkabalisa sa kaniyang mga matang nakatingin sa akin.

"Ah, sa labas lang po muna ako, sir, ma'am" pagpapaalam ko na lang.

Hindi ko na sila hinintay sumagot. Mabilis akong lumabas habang hawak ang dibdib ko, sa kabila naman ay ang kape na hindi ko man lang naibigay.

"Sino 'yon?" hindi ko maitago ang inis sa boses ko kaya tinawanan ako ni Kyla.

"Hindi dapat ako ang magsasabi niyan. Tanong mo na lang kay sir, close kayo diba?" aniya.

Pinanood ko lang mag-trabaho si Kyla. Panay din ang tingin ko sa p***o ng office ni sir. Dalawang oras na pero hindi pa rin lumalabas ang babae. Ano kayang ginagawa nila? Napasabunot ako sa buhok ko dahil sa naiisip na hindi maganda.

"Anyare sa'yo?" takang tanong ng secretary.

"Wala"

Maya-maya pa ay lumabas na si Eleanor na nakasimangot. Hindi ko alam kung papasok ba ako agad o tatambay muna dito. Hindi pa ako nakapag-decide ay lumabas na si sir.

"Shai, samahan mo kami mamaya"

"Saan po, sir?" hindi siya tiningnan.

Nagtatampo ako sa kaniya. May babae pala siya, bakit ako pa ang pinilit niyang pakasalan?

"Bar"

"Huh?"

Wala sa sarili akong tumango. Gaya ng napag-usapan ay sumama ako kay sir sa bar. Kasama namin ang mga kaibigan niya. Hindi ako mahilig uminom pero napililitan nalang ako. Dahil na rin sa inis kaya sunod-sunod kong ininom lahat ng ibinigay nila sa akin. Nang medyo tinamaan na ako ay hinila ako ni Kyla sa dance floor. Alam kong tinamaan na ako ng alak dahil wala na akong hiyang sumasayaw sa gitna. Tinawanan lang ako ng babae bago ako iniwan para maki-sayaw sa iba.

Naiwan ako sa gitna ng mga lalaking nagsasayawan. Nahihilo at nasusuka na ako. Anumang oras ay matutumba na ako. Ngunit bago pa man ako tuluyang humalik sa sahig ay naramdaman ko ang brasong humila sa bewang ko.

Hindi ko na maaninag kung sino ang mapangahas na iyon. Ang alam ko lang ay nakayakap na ako sa matipunong katawan ng lalaki.

"You're drunk, baby. I'll take you home"

Gusto ko mang lumayo ay wala na akong lakas na lumaban pa. Ang huling natandaan ko ay binuhat ako ng lalaki bago tuluyang sinakop ng antok.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • BILLIONAIRE's SECRET ROMANCE    Chapter 19

    Matapos ang naging sagutan namin ni Eleanor ay mabilis siyang nag-martsa paalis ng bahay. Lumabas naman si Shan mula sa kusina at may bitbit na juice at sandwich. At talagang pumili pa ng mamahaling pagkain ang higad na iyon. "Nasaan na ang maarteng babae, ate? Nandito na ang hiniling niya. Umutang pa ako ng pera kay Ate Lea" Para akong nanggagalaiti sa narinig. Ang lakaw ng loob niyang humiling ng malaki gayong halos masuka na siya sa pandidiri sa aming bahay."Umuwi na. Sana hinayaan mo na lang siyang mamatay sa gutom"Nakakainis. Marahil siya ang gumawa ng paraan upang matanggal sa listahan ng mga honor ang kapatid ko."Sino siya, ate? Bakit sinabi niya kanina inagaw mo si Kuya Maverick? Totoo po ba iyon? Totoo din po ba na may relasyon din kayo ni Mr. Melchor? Kaya ba kayo nag-usap kanina?" sunud-sunod niyang tanong.Aba't! Iba din talaga ang tama ng babaeng iyon. Ginawa na nga akong mang-aagaw, ginawa pa akong kerida ng ama ng asawa ko. Anong paninira pa ba ang gagawin niya upa

  • BILLIONAIRE's SECRET ROMANCE    Chapter 18

    Tahimik lang ako habang kaharap ko si Mr. Melchor. Pinauna ko na ang kapatid ko dahil mayroon daw kaming pag-uusapan. Tahimik lang kami habang naghihintay sa order namin. "Anong gusto mong pag-uusapan?" walang emosyon kong tanong. "Tungkol sa tatay mo" Napatingin ako sa kaniya. Deretso lang ang tingin niya sa akin. Tumayo na ako. "Kung tungkol sa mga magulang ko, ayaw kong makipag-usap" Bago pa man ako tuluyang makaalis ay nagsalita na si Mr. Melchor. "Hindi inagaw ng nanay mo si Erwin" Para akong napako sa kinatayuan. Sa isang iglap lang ay nakaupo na ulit ako sa harap niya. Wala munang nagsalita sa amin nang ilapag serbidor ang aming pagkain. "Ikuwento mo ang lahat ng pwede kong malaman" sabi ko habang sinubo ang inorder niyang steak para sa'kin. Huminga siya nang malalim bago nagsimulang mag-kuwento. Lumingon siya sa paligid, parang sinisiguro kung may makakarinig ba sa amin. "Bago palang tumuntong ng labong-walo si Theresa ay nakatakda na siyang ikasal sa ana

  • BILLIONAIRE's SECRET ROMANCE    Chapter 17

    "Ate Lea, maraming salamat po talaga at pumayag kayong samahan si nanay dito. Nag-aalala na ho kasi kami kay nanay. Tahimik pa rin" Humiling ako sa kapitbahay naming si Ate Lea na bantayan muna si nanay habang nasa paaralan kami. Natatakot ako na kapag mag-isa lang siya dito ay may mangyayaring masama sa kaniya. "Ano ka ba. Wala iyon, Shaira. Nag-aalala na rin ako diyan kay Manang Sherly" mula sa akin ay inilipat niya ang kaniyang paningin kay Shan na tahimik lang sa tabi. "Malugod na pagbati sa'yo, iho" Tumango lang si Shan. Sinisisi niya pa rin ang sarili niya sa nangyari sa akin. Hindi naman ako nanunumbat. Sa katunayan nga, desisyon ko ito sa hangad na mapaganda ang aming buhay. Hindi ko naman alam na magiging ganito pala ang lahat. Hindi ko pa nga natatanong kay nanay ang gumugulo sa isipan ko. Wala akong puso na magtanong sa kaniya. Lalo pa ngayon na parang may dinaramdam siyang malaking problema. Gusto ko man siyang damayan ay hindi ko muna ginawa. Hihintayin kong siya

  • BILLIONAIRE's SECRET ROMANCE    Chapter 16

    Mahirap makalimot lalo na kung ang taong iniiwasan mo ay palaging nagpapakita sa'yo. Halos araw-araw sumusulpot si Maverick sa bahay. Nagdadala ng kung ano-ano. Kahit anong gawin kong pagtulak sa kaniya at nanatili siyang matatag. Nag-aalala na nga ako sa trabaho niya bilang CEO ng kanilang kompanya na ngayon ay pagmamay-ari na niya. "Hayaan mo muna akong iparamdam sa'yo ang aking pagmamahal, Shai" pagmamaktol niyang nang pauwiin ko siya. "Babagsak ang kompanya niyo kung hindi ka babalik doon" malamig kong saad. Binalita ni Kyla sa akin noong nakaraang linggo na marami siyang tinanggal na trabahanta. Lahat daw ng employees ay natatakot sa kaniya. Takot na sila dati pa, iyon ang napapansin ko. Ngunit base sa ibinalita ni Kyla, parang lumala ang pagiging strikto ni Maverick. Maging si Kyla ay natatakot ng magkamali. "Mahihintay ako ng trabaho, Shaira. Ayokong maghintay pa ng ilang araw bago kita suyuin, baka mawala na ang pagmamahal mo sa'kin" Kinagat ko ang labi ko. Gusto kong

  • BILLIONAIRE's SECRET ROMANCE    Chapter 15

    Nanginginig pa rin ang buo kong katawan habang nakasakay sa kotse ni Maverick. Kinakabahan ako baka may nangyari ng masama sa nanay ko. Sa likod nakaupo si Shan na pilit pino-proseso ang pangyayari.Nang dumating si Maverick sa bahay namin kanina ay mabilis niya akong hinalikan sa labi na ipinagtaka ng kapatid ko. Napilitan kaming sabihin sa kaniya ang lahat. Sinisisi niya ang sarili niya dahil kinailangan ko pa daw isakripisyo ang sarili kong kaligayahan para mabigyan lang siya ng maayos na buhay. Ngunit sinisiguro ko naman sa kaniya na masaya ako para hindi na siya mag-alala pa. Ngunit hindi yata ito tanggap no Shan.Napabuntong-hininga na lang ako. Matatanggap pa rin niya ito kalaunan. Sa ngayon ay hayaan ko muna siyang mag-isip. Unahin ko muna si nanay. Baka nagugutom na siya o di kaya ay nilalamig. Sana walang nanakit sa kaniya. Hindi ko maiwasang ipagdasal ang kalagayan ng nanay ko. Nasaan man siya ngayon sana ay ligtas na siya. At sana mahanap na namin siya."Huwag kang mag-ala

  • BILLIONAIRE's SECRET ROMANCE    Chapter 14

    Ilang araw pa akong nanatili sa hospital bago ako ma-discharge. At sa lahat ng araw na iyon ay hindi ko nakita si Maverick. Hindi naging maganda ang huli naming pag-uusap. Ngunit tumatak sa isip ko ang huli niyang sinabi bago siya lumabas sa kwarto ko.Kaya niya bang talikuran ang mama niya para sa'kin? Kung ako ang nasa posisyon niya ay mahihirapan ako, lalo pa't mahal na mahal ko ang aking nanay. Kaya kung pinagsisihan man niya ang sinabi niya ay ayos lang sa'kin. Hindi ko rin naman gustong magalit ang mga magulang niya dahil lang sa'kin.Ngayon ang discharge ko kaya lubos akong natuwa. Paglabas ko dito ay sisiguruhin kong makakahanap ako ng panibagong pagta-trabahuan. May ipon naman ako ngunit hindi naman pwedeng aasa lang kami dito. Hindi ko sasabihin kay nanay dahil hindi niya ako papayagan, lalo na sa sitwasyon ko ngayon."Nabayaran na pala ang bills natin? Sinong nagbayad?" takang tanong ko.Sa pagkakaalam ko, malaki ang bayarin ko dito sa hospital lalo pa't nasa private room a

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status