Brianna"Ouch! Dahan-dahan lang naman, Bryle. Ang hapdi kaya," reklamo ko sa kapatid ko habang nilalagyan niya ng gamot ang mga kalmot ko sa braso, leeg at mukha. "Nakaramdam ka na ngayon ng sakit? Habang nakikipagkalmutan ka kanina ay hindi mo naisip na mahapdi kapag ginamot ang mga kalmot mo?" nakataas ang kilay na tanong niya sa akin. Napa-aray ulit ako nang bigla niyang diniinan ang paglalagay ng betadine sa leeg ko."Hindi ko na naisip 'yon kanina. Ang mahalaga lamang sa akin ay maipagtanggol ko ang sarili ko," nakangusong sagot ko. Napailing na lamang siya at ipinagpatuloy ang paglalagay ng betadine sa mga sugat ko. Mayamaya ay biglang dumating ang humahangos kong best friend."Brianna, okay lang ba?" agad na tanong nito pagkapasok sa sala namin. Lumapit siya sa akin at umupo sa aking tabi habang sinisipat ang aking mga sugat.Napairap ako sa kanya. "Mukha ba akong okay?"Tumayo si Bryle at nagpaalam. "Mabuti at nandito ka Peter. Pakigamot naman ang mga sugat ng ate ko't kaila
BriannaSa lahat ng umagang gumising ako ay ngayong umaga ang pinakatinatamad akong bumangon. Mabuti na lamang at Sunday kaya hindi ko kailangang bumangon ng maaga para pumasok sa school. Napabalikwas ako ng bangon nang biglang kumatok sa pintuan si Bryle."Ate Brin, hindi ka pa ba babangon? Hindi ka ba magsisimba?" tinig ng kapatid ko mula sa labas ng kuwarto ko. Nakasanayan na kasi ng pamilya namin ang magsimba tuwing Linggo. At kahit wala ang parents namin ay nagsisimba pa rin kaming magkapatid."Sa next Sunday na lang ako. Medyo masakit pa kasi ang katawan ko kaya tinatamad akong bumangon," mabilis kong sagot para hindi niya ako kuliting lumabas ng kuwarto."Sige, magpahinga ka na lang muna. Ako na lang ang magsisimba. Kapag nagutom ka ay kumain ka na lang. Nakapagluyo na ako ng almusal," ani Bryle bago ko narinig ang mga yabag niya palayo sa harapan ng kuwarto ko.Tuluyan na akong bumangon sa kama at humarap sa malaking salamin na nasa loob ng kuwarto ko. Napangiwi ako nang makit
Brianna"Brianna! Hindi ka pa ba babangon diyan? Late ka na sa school."Napabalikwas ako ng bangon nang marinig ko ang malakas na boses na iyon ng mommy ko. Napuyat kasi ako sa kakapanuod ng paborito kong Chinese drama. Sa inis ko kasi kay Dean ay mas itinuon ko ang isip ko sa panunuod ng mga Asian drama. Mabuti pa ang manuod ng drama dahil may happy ending. Sinisiguro ko kasi na may happy ending ang drama na papanuorin ko. Ayoko kasi ng walang happy ending dahil nakakalungkot. Palabas na nga lang ay wala pang happy ending. Kami naman ni Dean ay wala pang kasiguraduhan kong may happy ending ba o wala.Pagkatapos ng nangyaring away namin ni Ivy kasama ang mga kaibigan niya ay pinilit ko silang iwasan. Kapag nakikita kong naroon ang grupo niya sa pupuntahan ko ay mabilis akong umiiwas. Mahirap na at baka ma-guidance ulit kami at tuluyan nang maipatawag ang parents ko sa school. Si Dean naman ay ganoon pa rin. May pagka-aloof pa rin siya sa akin. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko pa
BriannaKanina pa kumukulo ang dugo ko habang nakatayo ako sa harapan ng gate at hawak sa itaas ng ulo ko ang may kalakihang plywood na may nakasulat na "HINDI NA AKO MALI-LATE AT TATALON SA PADER" habang pinagtatawanan ng mga estudyanteng nakakakita sa akin. Kahit si Peter ay hindi rin napigilan ang sarili na matawa sa hitsura ko. Para daw kasi akong nagbebenta ng plywood sa gilid ng kalsada.Natatawa sila sa hitsura ko samantalang hindi na maipinta ang mukha ko. Kasalanan ni Dean ito. Kung hindi siya nagsalita ay hindi sana malalaman ng kasamahan niya na tumalon ako mula sa pader dahil na-late ako. Kahit crush ko siya ay nakadama ako ng inis sa kanya. Bakit? Porke ba crush ko ang isang tao ay hindi na ako makakaramdam ng inis sa kanya? Ibang usapan na 'yon."Magkano ba ang isang letra, Brianna? Bibilhin ko na lahat para makauwi ka na sa bahay mo," nakangising buska ni Peter sa akin. Inirapan ko siya at ipinalo ko sa ulo niya ang hawak kong board. Hindi naman ito nasaktan dahil hind
BriannaNasa loob na ako ng classroom namin at nakaupo na sa upuan ko ay hindi pa rin maipinta ang mukha ko. Hanggang ngayon ay naiinis pa rin kasi ako kay Dean. Hindi na nga niya ako ipinagtanggol noong nag-away kami ni Ivy ay siya pa ang naging dahilan para mahuli at maparusahan ako ngayon. Hay naku, kung hindi ko lamang siya crush ay baka nakatikim na siya sa akin ng medyo maanghang na mga salita. Medyo lang naman. Hindi naman kasi ako masyadong nagsasalita ng mga salitang hindi kanais-nais pakinggan. Hindi naman kasi ako mahilig magsalita ng ganoon dahil maayos ang pagpapalaki sa amin ng mga magulang namin."Tapos na ang parusa mo ay nakasimangot ka pa rin, Brianna? Move on ka na," puna sa akin ni Peter na biglang umupo sa katapat na upuan ko. Hindi pumasok ang subject teacher namin para sa oras na ito kaya wala kaming ginagawa. Mabuti na nga lang at hindi pumasok dahil kung pumasok ay siguradong absent ang magiging record ko dahil natagalan ako bago ko natapos ang aking punishment
BriannaNaninibago ako sa loob ng aming classroom pagpasok ko ngayong umaga. Napakatahimik kasi ng mga kaklase ko. Lahat sila ay nakaupo lamang sa kani-kanilang upuan. Abala sila sa pagbabasa ng aming mga pinag-aralan sa nakalipas na buwan. Napailing na lamang ako nang makita kong seryoso rin sa pagbabasa ang kaibigan kong si Peter. Dati-rati kapag pumapasok ako sa classroom ay sobrang ingay ng mga kaklase ko at kanya-kanyang tsismisan. Pero ngayon ay tila mababait na mga estudyante na seryosong nag-aaral."Anong nangyari sa mga kaklase natin pati na rin sa'yo?" mahina kong bulong kay Peter matapos ko siyang lapitan. Tiningnan ko ang binabasa niyang notebook. Tama nga ako. Ang mgs pinsg-aralan namin sa mga nakalipas na buwan ang kanilang pinag-aaralan."Hindi mo ba nakikita ang ginagawa namin, Brianna? Nag-aaral kami para sa nalalapit na grading period natin. Para naman ngayong examin natin ay hindi ang classroom natin ang panghuli sa listahan ng mga nakapasa," mahabang paliwanag ni P
BriannaKanina pa ako nagpapalakad-lakad sa loob ng aking kuwarto. Hindi ako mapakali. Mayamaya lang kasi ay darating na si Dean para turuan ako. Ang usapan namin ay seven ng gabi siya pupunta rito sa bahay namin. Excited ako na kinakabahan. Dati-rati ay hanggang sa tingin lamang ako sa kanya pero ngayon ay nakakausap ko na siya at magiging tutor ko pa. Hindi ko alam kung ano ang ikikilos ko sa kanyang harapan ngayon."Nandito na si Dean, Brianna," malakas na boses ni Mommy mula sa labas ng aking kuwarto. Biglang kumabog ang dibdib ko at hindi ko malaman ang sking gagawin. "Brianna, gising ka pa?" tanong ni Mommy nang hindi ako sumagot."Yes, Mom. Papasukin n'yo na lang po rito sa kuwarto ko," sagot ko. Baka kasi isipin ni Mommy na tulog na ako at pauwiin si Dean ay wala pang magtuturo sa akin. Huminga ako ng malalim at inayos ang sarili ko bago naupo sa harapan ng aking study table. Hinintay ko na lamang ang pagpasok ni Dean sa loob ng aking kuwarto."Good evening, Bry," mahinang ba
BriannaHalos mabingi ako sa ingay ng mga kaklase ko sa loob ng aming classroom. Kalalabas pa lamang ng result nang aming grading period at hindi kami ang nasa bottom list. Nagbunga ang pinaghirapan ng buong klase. Hindi rin nasayang ang ginawa kong pangungulit kay Bryle na turuan ako. Hindi ko kasi tinigilan ang kapatid ko hangga't hindi ko siya napapapayag na turuan ako. Nakulitan siguro sa akin kaya pumayag siyang turuan ako. At worth it naman dahil nakapasa ako. Nakapasa kaming lahat kaya naman ang ibig sabihin no'n ay makakasama kami sa camping ng klase nila Dean. At hindi lang iyon. Siguro naman nabawasan na ngayon ang mababang tingin sa amin ng mga taga ibang section lalong-lalo na iyong mga nasa top section. Two birds in one stone, 'ika nga sa kasabihan."Guys, listen!" malakas na tawag pansin ng aming teacher. Lahat naman kami ay tumahimik at natuon ang atensiyon sa teacher naming nakatayo sa harapan ng chalk board. "I'm proud of you, guys. Pinatunayan lamang ninyo na kapag