Share

BITTER SWEET LOVE STORY OF US
BITTER SWEET LOVE STORY OF US
Author: Daylan

Chapter 1

Brianna

Matamis ang aking pagkakangiti habang pinapanuod ko ang guwapong hitsura ng aking groom na naghihintay sa akin sa harap ng altar. Pakiramdam ko ay napaka-suwerte ko talaga sa kanya. Dahi siya ang pinaka-guwapong groom na nakita ko sa buong buhay ko. At hindi lang 'yon siyempre, dahil mahal na mahal niya ako.

Pero hindi lang ako ang masuwerte sa kanya dahil masuwerte rin naman siya sa akin. Dahil mahal na mahal ko rin siya. Sa katunayan ay tanging siya lamang ang lalaking minahal ko sa tanang buhay ko.

Pakiramdam ko ay parang lumulutang ako sa alapaap habang naglalakad palapit sa kanya. Finally, my long time dream did came true. Sino ba naman ang mag-aakala na kaming dalawa ang magkakatuluyan? Eh hindi nga niya ako pinapansin noong mga teenager pa lamang kami. But look at us now, we still ended up together.

"You're so beautiful," hindi napigilang sabihin sa akin ng groom ko habang inaabot niya ang kamay ko.

"Siyempre, guwapo ang magiging asawa ko kaya't kailangang maganda rin ako," nakangiting biro ko sa kanya habang naglalakad kami palapit sa harap ng altar.

Sabay kaming lumuhod sa harapan ng pari upang umpisahan na ang seremonyas ng aming pag-iisang dibdib.

"Bago tayo mag-umpisa ay tatanungin ko muna ang lahat. Wala bang tumututol sa kasalang ito?" malakas na tanong ng pari.

Sa lakas ng boses nito ay halos matulig ang tainga ng mga taong nasa loob ng simbahan. Lahat tuloy kami ay biglang napatakip sa aming mga tainga.

"Walang tututol sa kasal namin, Father. Kaya puwede mo nang umpisahan ang kasal," hindi mapigilang wika ko sa tono na hindi na makapaghintay. Hindi tuloy naiwasang matawa ng mga taong nakarinig sa sinabi kong iyon.

"Sigurado kang wala?" tanong ng pari sabay tingin sa mukha ko.

Teka, kilala ko ang paring ito na magkakasal sa amin, ah. Anak ng pating! Bakit naging pari ang impakto kong kapatid?

"Inuulit ko. Wala bang tumututol sa kasalang ito?" muling tanong ng paring kamukha ng kapatid ko.

"Itigil ang kasal!" sigaw ng boses ng isang lalaki mula sa kung saan.

Lahat kami ay napatingin sa pinagmulan ng boses na tumututol sa kasal namin ng lalaking pinakamamahal ko. At ganoon na lamang ang pagkagulat ko nang makilala ko kung sino ang tumututol sa kasal ko.

"Peter?"

Napabalikwas ako ng bangon sabay mulat sa aking mga mata nang marinig ko ang tatlong sunud-sunod na malalakas na mga katok sa pintuan ng aking kuwarto.

"Brianna! Tanghali na! Gumising ka na, Anak!" malakas na sigaw ng mommy ko mula sa labas ng aking kuwarto.

"Istorbo talaga. Ikakasal na sana kami ng mahal ko ay may kumatok pang bigla. At may tumutol pa na isang halimaw," nayayamot na bulong ko sa sarili habang dahan-dahang bumabangon sa aking kama para pagbuksan ang taong kumakatok sa labas ng pintuan ng aking kuwarto.

"Kagigising mo pa lang, Brianna? Anong oras na? Mali-late ka niyan pagpasok sa school," sita sa akin ni Mommy nang buksan ko ang pintuan.

"Mommy talaga panira ng tulog. Ang sarap-sarap ng panaginip ko, eh. Ikakasal na kami kaso nagising ako sa malakas na pagkatok mo sa pintuan. Saka may halimaw pa na biglang tumutol sa kasal ko," I pouted my lips when I remembered the person who stops my wedding. Makakatikim siya sa akin mamaya.

Ang lalaking tumutol sa kasal ko sa aking panaginip ay walang iba kundi ang kaklase at kaibigan kong si Peter, samantalang ang pari naman na magkakasal sa amin ay walang iba kundi ang kakambal kong kapatid na si Bryle.

"Naku, ikaw talagang bata ka. At sino naman ang groom sa panaginip mo? 'Wag mong sabihing si Dean na naman?" naiiling na tanong ng mommy ko. May munting ngiti sa mga labi nito habang nagsasalita.

Medyo nahihiya akong ngumiti sa kanya. Medyo lang naman. Alam naman na kasi ng pamilya ko na may lihim akong crush sa anak ng bestfriend ni Mommy. At saka hindi lang naman ngayon ang unang beses na napanaginipan ko na ikinakasal kami ni Dean. Kundi maraming beses na.

My feelings for Dean is like an open book to my family. Lahat na kasi sila ay alam na may damdamin akong itinatago sa supladong kapitbahay namin. Dahil do'n ay madalas tuloy nila akong pagtulungang asarin.

Magmula noong lumipat ang pamilya ni Dean sa tabi ng bahay namin four years ago ay nagka-crush na agad ako sa kanya. Sabihin na nating nagka-crush at first sight ako sa kanya. Matangkad na kasi siya noon kahit fourteen pa lamang ang edad niya, guwapo at malakas ang dating. At na-curious din ako sa kanya dahil binati ko siya ngunit hindi man lang niya ako pinansin. Sa halip na ma-turn off ako sa kanya dahil may pagka-suplado siya ay mas hinangaan ko pa siya. Para kasi siyang bida sa mga napapanuod kong Asian drama. May pagka-suplado ang bida pero may kabaitang itinatago sa loob. Siguro nadala na rin ako sa kapapanuod ko ng mga Asian drama na 'yan.

Mas lalo akong nagka-crush kay Dean nang pumasok siya sa school namin kung saan ako nag-aaral. Grade seven pa lang ako no'n at siya naman ay grade nine. Natuklasan ko na matalino pala siya at magaling pa sa sports. Siya ang naging panlaban ng school namin sa mga contest katulad ng quiz bee, spelling contest, debate at iba pa.

Magaling din siyang maglaro ng chess, tennis at basketball. Para sa akin, isa siyang perfect student and perfect boyfriend for a girl like me. Pero dahil sa mga katangian niyang taglay ay marami tuloy akong naging karibal sa kanya. Marami kasing mga babaeng estudyante ang nagkagusto sa kanya sa school namin. But I'm thankful sa pagiging suplado niya at aloof sa mga babae. Dahil do'n kaya nangingilag ang ibang mga babae na lumapit sa kanya sa takot na baka mapahiya lamang ang mga ito. Kaya pare-pareho lamang kami na hanggang tanaw at buntong-hininga ng malalim ang kayang gawin na lamang. At least, hindi lang sa akin siya suplado kundi sa lahat ng mga babae. So may pag-asa pa ako na mapaamo ko siya.

Mabait naman si Dean sa bahay nila at pati na rin sa mga magulang ko't sa kakambal ko. Ang totoo nga ay mag-close ang mga pamilya namin dahil mag-bestfriend ang aming mga nanay at magkapit-bahay lamang kami. Madalas nagbibigayan ng kung anu-ano lang. At madalas din itong kalaro ni Daddy sa larong chess. Pero ewan ko nga ba at mukhang ayaw talaga niyang makipag-lapit sa akin. Mas close pa nga siya sa alaga kong aso na si Shitzu kaysa sa aming dalawa. Shih Tzu kasi ang breed ng alaga kong aso kaya pinangalanan ko siyang Shitzu.

"Pinagnanasaan mo na naman ba si Kuya Dean sa panaginip mo, Ate? Isusumbong na talaga kita sa kanya," kantiyaw ng kapatid kong si Bryle na padaan sa harapan ng kuwarto ko kaya narinig niya ang pinag-usapan namin ni Mommy. Binigyan niya ako ng nang-iinisna ngiti.

"Shut up!" asik ko sa kanya at pagkatapos ay pinandilatan ko siya ng mga mata sabay irap.

Kahit na kailan talaga ay napaka-alaskador ng kakambal kong ito. Kung hindi lamang kami kambal ay iisipin ko na hindi talaga kami tunay na magkapatid. Magkaibang-magkaiba kasi kami sa lahat ng mga bagay. Matalino siya, average level lang ako, brown ang kulay ng balat niya samantalang maputi ako, hugis-puso ang mukha niya at ako naman ay maliit na bilog, matangkad siya at ako'y medyo kinapos sa height. Ayaw ko kasing uminom ng growee noong mga bata pa kami kaya hindi ako tumangkad. Hindi katulad ni Bryle na halos simutin pa ang laman ng bote kapag ubos na ang gamot pampatangkad.

Pero naisip ko na mana siya kay Daddy at ako naman ay mana kay Mommy. Matalino kasi si Daddy, matangkad at medyo tan ang balat samantalang si Mommy ay maputi dahil palaging nasa loob ng bahay namin o di kaya'y nasa bahay nila Dean at walang ginagawa kundi makipag-kuwentuhan kay Tita Amalia. Talagang totally housewife and a mother si Mommy para kay Daddy at sa aming dalawa ng nakababata kong kapatid.

Matanda ako ng ilang minuto kay Bryle kaya tinatawag niya akong ate. Minsan naman ay tinatawag ko siyang bunso kapag inaasar ko naman siya. Ayaw na ayaw niya kasi na tinatawag ko siya sa ganoong palayaw. Pang-baby lang daw ang palayaw na bunso kahit na hindi naman.

Matalino ang kakambal ko. Ito ang nangunguna sa lahat ng mga section sa aming antas. Guwapo din kahit na may pagka-seryoso rin kapag kaharap ang ibang tao. Pero sa akin ay malakas siyang mang-asar pero sa ibang tao ay may pagka-seryoso rin ito katulad ni Dean. Kaya click na click ang dalawa dahil nakikita siguro nila ang kanilang mga sarili sa bawat isa. Gano'n ba talaga kapag guwapo at matalino ang isang tao? Sa mga katulad nila na nag-i-excel sa lahat ng bagay nakikipaglapit at nakikipag-kaibigan lamang?

Kung matalino ang kakambal ko ako naman ay eksakto lamang. Hindi masasabing matalino talaga pero malayo naman para masabing bobo. Tamad lang kasi ako mag-aral dahil ang oras ko ay nauubos sa kakapanuod ng mga Asian drama sa Youtube at cable channel. Pero siguro naman kung magseseryoso ako sa pag-aaral ay baka mahanay din ako sa mga honor list ng classroom namin.

"O siya, huwag na kayong mag-asaran diyan at baka pareho pa kayong ma-late sa klase," saway ni Mommy sa aming magkapatid. "Maligo ka na Brianna at mag-ayos ng sarili mo."

Nang tumalikod si Mommy ay binelatan ko si Bryle na iiling-iling pa habang nakatingin sa akin ang nang-iinis na mga mata bago ko isinara ang pintuan ng kuwarto ko para maligo at maghanda na sa pagpasok sa school.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status