Share

Chapter 2

Brianna Pov

Paglabas ko sa tarangkan ng gate namin habang hila-hila ko ang aking bisikleta ay nagulat ako nang makita kong nasa labas pa ng gate nila si Dean at tila may inaayos sa bisiklita nito. Nakapagtataka na sa ganitong oras ay wala pa ito sa school.

Maagang pumapasok si Dean sa school kaya maaga rin akong gumigising para makasabay sa kanya sa pagpasok sa school kahit nakabuntot lamang ako sa likuran niya ng mga ilang metro ang layo. Pero ngayon ay tinanghali ako ng gising dahil nanuod pa ako ng Asian drama kagabi. Halos maghahating-gabi na yata ako nakatulog kagabi. 'Tapos napanaginipan ko na naman na ikinakasal kami ni Dean kaya lalong napasarap ang tulog ko't tinanghali na ako ng gising.

Inaasahan ko na talaga na wala na siya, nakaalis na papuntang school dahil late na nga akong nagising. Pero laking-gulat ko nang makita ko siyang nasa harapan pa ng kanilang bahay. Hmm, hinihintay niya yata ako kaya hindi pa siya umaalis papuntang school.

Kahit alam ko na imahinasyon ko lamang 'yon ay lihim pa rin akong kinilig. Para akong temang na nakangiti habang nakatingin sa kanyang likuran.

"Anong nginingiti-ngiti mo d'yan, Ate? Para kang temang d'yan. Bakit hindi ka pa umaalis?" biglang tanong sa akin Bryle na lumabas na rin ng gate namin hila ang sariling bisikleta

Nang marinig ni Dean ang boses ng kakambal ko ay bigla itong napalingon sa amin. Saglit na nagtama ang aming mga mata. Saglit lamang dahil sa katabing kapatid ko na siya tumingin agad. Pero kahit saglit lamang ang pagtatama ng aming mga mata ay ibayong kaba ng dibdib at excitement ang aking naramdaman. Ganito ako palagi kapag nakikita ko siya. Kinakabahan na hindi ko mawari'y kung bakit.

"Bakit nandito ka pa, Kuya Dean?" tanong ni Brlye, pagkatapos ay bumulong sa akin sa mahinang boses, "Kaya pala para kang temang d'yan na nakangiti kasi nandito pala si Kuya Dean."

Pagkatapos sabihin sa akin iyon ni Bryle ay lumapit ito kay Dean. Sinundan ko na lamang ng masamang tingin ang kapatid ko.

"Flat ang gulong ng bisikleta ko at saka sira ang kadena. Nakita ko lamang nang paalis na ako kanina. Binumbahan ko muna at pinalitan ng kadena kaya hindi pa ako nakakaalis," paliwanag ni Dean sa kapatid ko.

"Ah, akala ko sinadya mong magpa-late kasi hinintay mo itong Ate ko na adik sa aAsian drama kaya late nagising," nakangising tudyo ni Bryle kay Dean.

Namula ang magkabila kong pisngi sa sinabi ng kapatid ko kahit na hindi naman ako ang binibiro niya. Bigla kasing napatingin si Dean sa akin pagkarinig sa sinabi ng kakambal ko. Bumuka ang bibig niya na tila may nais sabihin sa akin ngunit nagbago ang isip at kaya biglang isinara.

"Good morning, Love!"

Damn! Wrong timing talaga ang halimaw na 'to, naisaloob ko habang hinihintay ko na makalapit sa akin ang kaibigan kong nagsalita na walang iba kundi ang lalaking tumutol sa kasal namin ni Dean sa aking panaginip. Gustong-gusto ko na talaga siyang ibaon sa hukay.

"Ano ang maganda sa umaga?" nandidilat ang mga matang sabi ko sa kanya. Kung nakakatunaw lamang ang tingin ay malamang na naglaho na sa harapan ko ang kaibigang kong panira ng moment.

Nakangising inakbayan niya ako habang nakaupo siya sa kanyang sariling bisikleta. "Maganda ang umaga ko kasi napanaginipan ko na ikinakasal ka sa isang prinsipeng palaka. Mabuti na lamang at hindi natuloy dahil bigla akong sumigaw ng, 'Itigil ang kasal' kaya hindi natuloy ang kasal ninyong dalawa."

"Ah gano'n? Pinigilan mo ang kasal ko? Anong karapatan mo na pigilan ang kasal ko sa lalaking mahal ko?"nandidilat ang mga matang sita ko sa kanya at pagkatapos ay pinagkukurot ko siya ng pinong-pino.

Ang tinutukoy ko ay hindi 'yong panaginip niya kundi ang panaginip ko kung saan ay tumutol din ito sa kasal namin ni Dean.

"Aray! Masakit! Tama na, Love! Mali-late na tayo sa school," awat nito sa ginagawa ko. Hinuli nito ang dalawang kamay ko para matigil ako sa pangungurot sa kanya. "Gusto mo lang yata na maka-tsansing sa akin, eh," nakangisi ang mukhang tudyo nito sa akin. Talagang hindi kumpleto ang araw nito kung hindi ako magawasang asarin kahit isang beses sa loob ng isang araw.

"Ang kapal talaga ng mukha mo 'no, Peter? Kasing kapal ng swelas ng sapatos mo at kalyo sa paa," hindi patatalong asar ko naman sa kanya. Marunong din ako mang-asar ngunit madalas ay ako pa rin ang talo sa huli.

Bigla akong natigilan nang maalala ko na nandito pala si Dean malapit sa amin. Ngunit paglingon ko ay wala na ito pati na rin ang kapatid ko. Nauna na pala ang dalawa sa pagpasok sa school. Basta na lang akong iniwan. Hindi rin natuloy ang ano mang nais sanang sabihin sa akin ni Dean kanina kasi biglang dumating ang halimaw kong kaibigan.

"Ano pa ang hinihintay mo d'yan, pasko? Nakaalis na ang crush mo. Hindi na 'yon babalik para akayin ka papuntang school," nakangising pambubuska sa akin ni Peter bago ito nagpatiunang magbisikleta papuntang school namin. Nagmamadaling sumakay naman ako sa aking bisikleta upang habulin ang mapang-asar ngunit maaasahan ko namang kababata at kaibigan.

Karamihan sa mga estudyante sa Memaropa High School dito sa Bulacan ay bisikleta lamang ang ginagamit sa pagpasok sa school. Ang school namin kasi ay parang nasa dulo ng isang plantasyon ng mga bulaklak. Hindi maaaring makaraan ang mga sasakyan dahil makitid ang kalsada. May mga pumapasok naman na naka-kotse pero hindi sa daan na dinadaanan ng mas nakararaming estudyante. May isa pang kalsada sa likuran ng school namin kung saan naroon ang main entrance. Doon nagdaraan ang mga teachers at students na may mga dalang kotse sa pagpasok sa school.

Kami nila Dean ay sa makitid na kalsada dumaraan kasi iyon ang way ng bahay namin papuntang school. Mas gusto ko nga 'yon kaysa dumaan sa malawak na kalsada na puno ng usok at alikabok. Sa dinadaanan namin ay hindi lang preskong hangin ang nalalanghap namin kundi pati na rin ang amoy ng mga mababangong bulaklak na nakatanim sa paligid.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status