LOGINApat na taon matapos iwan ni Mara ang nasirang marriage nila, muli niyang haharapin si Rafael—ang lalaking minahal niya at piniling kalimutan. Ngayon, boss na niya ito—mas makapangyarihan, mas malamig… at mas delikado pa rin sa puso niya. Habang unti-unting bumabalik ang dating damdamin, pilit niyang tinatago ang pinakamalaki niyang sikreto— ang anak nila. Pero habang lumalapit si Rafael sa katotohanan, mas nagiging imposible ang pag-iwas. Sa pangalawang pagkakataon na magtagpo ang mga puso nila… pipiliin ba nila ang isa’t isa? O mauulit lang ang sakit ng nakaraan?
View MoreMuntik nang lumundag ang dibdib ni Mara nang marinig ang boses ni Rafael. Hindi na siya sumagot. Pagod na siya. Masakit ang puson niya. At higit sa lahat, wala siyang lakas para makipagtalo. Tahimik niyang binuksan ang pinto ng sasakyan at sumakay. Pagkaupo, agad siyang dumikit sa bintana. Halos yakapin na niya ang pinto para lang mas lumayo kay Rafael. Maluwag ang loob ng sasakyan. Mahahalata mong imported at mamahalin. Mabango. Malinis. Tahimik. Pero sa kabila ng lawak nito, pakiramdam ni Mara ay nasisikipan siya. Dahil katabi niya si Rafael. At kahit hindi ito nagsasalita, sapat na ang presensya nito para mawala ang hininga niya. Tahimik silang dalawa sa unang ilang minuto. Tanging tunog ng makina at ilaw ng kalsada ang kasama nila. Hanggang sa nagsalita rin ang lalaki. “Saan masakit?” Napakurap siya. “Ha?” “Sabi mo kanina, hindi ka okay.” Ayaw sana niyang sagutin. Pero pagod na siyang magpanggap. “Wala,” maikli niyang sabi. Tumahimik ito. Pagkalipas ng ilang se
“Kuya Jiang, salamat talaga sa pagtulong kanina.” Mahigpit ang hawak ni Aling Rosa sa kumot habang nakaupo sa wheelchair. Kita sa mukha niya ang pagod, pero mas nangingibabaw ang pasasalamat. “Yung anak ko, si Mara, sa Reyes Group din nagtatrabaho. Baka nagkikita na kayo roon?” Napalingon si Mara sa lalaking nasa harap nila. Hindi pa rin siya makapaniwala. Sa dami ng tao sa Maynila, sa dami ng pwedeng makilala ng nanay niya sa hospital, bakit siya pa? Si Miguel Santiago. Director ng Strategic Development. Tahimik. Matalino. At kilala sa opisina na hindi madaling lapitan. “Director Miguel,” maayos niyang sabi, bahagyang yumuko. “Salamat po sa pagtulong sa mama ko.” Saglit siyang tinignan ng lalaki. Walang yabang. Walang lambing. Pero hindi rin malamig. “You're welcome,” simpleng sagot nito. “Timing lang na nandoon ako.” Pagkatapos noon, walang arte nitong itinulak palapit ang wheelchair at yumuko sa harap ng nanay ni Mara. “Ma’am, dalhin muna natin kayo sa r
Napahinto si Mara sa harap ng desk niya nang marinig ang bulungan sa paligid. “Bakit bumaba ulit si Sir Rafael?” “Trip ba niya mag-check dito? Grabe, parang naninita lang ng hangin…” Hindi siya kumibo. Kunwari abala sa laptop, pero ramdam niya—may paparating na gulo. At hindi siya nagkamali. Maya-maya, bumukas ang glass door ng office. Tahimik pero parang biglang nagbago ang atmosphere. Pumasok si Rafael. Diretso ang lakad. Walang lingon-lingon. Walang ngiti. Pero sapat na ang presensya niya para patahimikin ang buong floor. Napahigpit ang hawak ni Mara sa mouse. Hindi siya tumingin. Ayaw niya. Pero— “Know na may team building kayo sa end ng month na to.” Diretso. Walang paligoy-ligoy. Napilitan si Mara tumingala. “Yes, sir,” maayos niyang sagot. “At sasama ako.” Nanlaki ang mata ng buong team. “May problema ba?,” dagdag ni Rafael, malamig ang boses. “at walang pwedeng mag-leave. Unless emergency.” Tahimik. Sobrang tahimik. Parang may pumutok—pero sa loob lang ng
“Rafael, umalis ka na.” Hindi na nagpaligoy-ligoy si Mara. Nakatayo siya sa may pinto ng condo, nakapamaywang, halatang pagod pero pilit tinatatagan ang boses. “Hindi ka welcome dito.” Hindi agad sumagot si Rafael. Nakatitig lang siya sa mukha ni Mara—parang may binabasa, parang may hinahanap na matagal na niyang hindi nakita. Dahan-dahan niyang inangat ang kamay niya, balak sana hawakan ang pisngi nito. Pero— pak! Mabilis siyang nasampal ni Mara sa kamay. “Don’t,” malamig nitong sabi, habang tinititigan ng masama si Rafael. Saglit na natahimik si Rafael. Tapos— napangiti siya. Yung tipong nakakairita. “Ang sama mo talaga,” sabi niya, medyo paos. “Gawan mo ‘ko ng sabaw. Nahihilo ako.” Napairap si Mara. Amoy alak ito. “Grabe ka, kakainom mo ‘yan,” sagot niya. “Umalis ka na lang.” Pero hindi na siya pinakinggan ni Rafael. Diretso siyang pumasok, parang siya ang may-ari ng lugar. Umupo sa sofa, sumandal, at saka tumingin sa paligid. Hanggang sa n












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.