LOGINMaagang nagtipon ang lahat ng contestants sa design studio ng Han Group. Hindi iyon ordinaryong workroom..Malawak ang buong studio, napapalibutan ng glass windows na pumapasok ang natural na liwanag. Nakahilera ang mga dress forms, sewing machines, fabric racks, at iba't ibang klase ng imported textiles mula sa iba't ibang bansa. Bawat contestant ay may sariling workstation. "Good morning, designers," bati ng host. "Congratulations for passing the Concept Challenge. Starting today, your approved sketches will finally come to life." Nagpalakpakan ang lahat. Napalunok si Melissa habang pinagmamasdan ang sketch na nasa harapan niya. This is really happening... Hindi na lamang ito drawing. Isa na itong obra na kailangan niyang buhayin. "Contestants, you have two days to finish your masterpiece." "Everything will be judged. Construction. Technique. Creativity. And craftsmanship." Tahimik siyang nakinig. Pagkatapos ng briefing, nagsimula na silang pumili ng fabrics. Isa-is
Tahimik ang buong design hall. Tanging tunog ng mga lapis na dumudulas sa sketch paper at mahihinang bulungan ng mga contestants ang maririnig. Pagkatapos ianunsyo ang unang challenge na may temang "Rebirth," binigyan ang bawat kalahok ng isang oras upang gawin ang kanilang original concept sketch. Kapag naaprubahan ng panel of judges ang initial design, saka lamang sila papayagang simulan ang paggawa ng aktuwal na gown. Huminga nang malalim si Melissa. Marahan niyang hinaplos ang blangkong sketch paper sa harapan niya. Hindi siya agad gumuhit. Ipinikit niya muna ang mga mata. "Rebirth..." Muling pagsilang. Bagong simula. Unti-unting nagsimulang pumasok sa isip niya ang iba't ibang alaala. Dahan-dahan siyang nagmulat ng mga mata. Unti-unting umangat ang sulok ng kanyang labi. "I know..." Mahina niyang bulong. "I know what rebirth looks like." Kinuha niya ang lapis at iginuhit ang unang linya. Unti-unting nabubuo ang silweta ng isang evening gown. Corset bodice. Ele
Maagang nagising si Melissa. Hindi pa man sumisikat nang tuluyan ang araw ay gising na siya. Hindi dahil sa alarm clock, kundi dahil sa halo-halong excitement at kaba na bumabalot sa kanya. Ngayon ang opisyal na pagbubukas ng Han Fashion Design Competition. Tahimik siyang nakaupo sa harap ng vanity mirror habang inaayos ang sarili. Simple lang ang suot niya, isang puting blouse, high-waisted black slacks, at beige heels. Nakatali ang mahaba niyang buhok sa isang malinis na ponytail. Huminga siya nang malalim. "You can do this, Melissa." Bulong niya sa sarili. Maya-maya ay may kumatok sa pinto. "Mommy!" Napangiti siya. "Come in." Agad na bumukas ang pinto at masayang tumakbo si Aliyah papasok. "Mommy, are you nervous?" Natawa siya. "Medyo anak." Umakyat ang bata sa kama at niyakap siya. "You'll win!" "Hmm? Bakit sigurado ka?" "Daddy Blane said Mommy is the best designer." Hindi niya napigilang matawa, kasunod ni Aliyah ay pumasok si Blane. Nakadamit na rin ito ng char
Matapos ang registration, unti-unti nang nagsialisan ang ibang contestants. Ang iba ay abala sa pakikipagkilala sa kapwa designers, habang ang ilan naman ay masayang nagpapakuha ng litrato sa malaking backdrop ng Han Fashion Design Competition. Tahimik na naglalakad si Melissa sa hallway ng convention center habang nakatingin sa contestant ID na nakasabit sa kanyang leeg. Hindi pa rin siya makapaniwalang isa na siya sa mga kalahok. "You look happy." Napalingon siya nang marinig ang pamilyar na boses ni Blane. Nakangiti itong nakasandal sa dingding, tila kanina pa siya hinihintay. "I am." Mahina siyang natawa. "It still feels unreal." Lumapit ang binata sa kanya at inayos ang ID lace na bahagyang nakabaluktot sa leeg niya. "You earned it." Hindi niya napigilang ngumiti. "Thank you." Bago pa sila makapagpatuloy sa paglalakad ay may isang babaeng contestant ang dumaan sa harapan nila. Matangkad ito, maputi, mahaba ang tuwid na buhok na kulay chestnut brown. Simple n
Mainit ang sikat ng araw nang tumigil ang itim na sportscar ni Blane sa harap ng Han Convention Center. Huminga nang malalim si Melissa habang pinagmamasdan ang napakalaking gusali sa harapan nila. Sa mismong entrance ay nakasabit ang napakalaking LED screen. HAN FASHION DESIGN COMPETITION: Registration Day Marami nang designers ang naroon. May mga estudyante mula sa kilalang fashion schools, may mga independent designers, at mayroon ding mga professionals na ilang taon nang nasa industriya. Lahat ay may bitbit na portfolios, sketchbooks, at garment bags. Napahigpit ang kapit niya sa leather portfolio na hawak niya. Naramdaman niya ang mainit na kamay ni Blane na marahang humawak sa kamay niya. "Nervous?" tanong nito. Bahagya siyang ngumiti. "A little." Tinapik nito ang likod ng kamay niya. "You'll do great." Napatingin siya rito. "What if I fail?" Hindi ito agad sumagot. Sa halip ay mas inilapit nito ang mukha sa kanya. "Then fail beautifully." Napangiti s
Lumipas ang ilang araw matapos sabihin ni Blane ang tungkol sa nalalapit na fashion competition. Araw-araw ay makikita si Melissa sa garden lawn ng Han Mansion, tahimik na nakaupo sa ilalim ng malaking puno habang may sketchpad sa kandungan. Minsan ay isang gown ang iginuguhit niya, minsan naman ay suit. Kapag hindi siya kuntento, pinupunit niya ang papel at magsisimulang muli. Paulit-ulit. Hanggang sa makuha niya ang disenyo na gusto niya. Mula sa terrace ng mansiyon, tahimik siyang pinagmamasdan ni Blane. Hindi niya namalayang halos kalahating oras na pala siyang nakatayo roon. Napangiti siya nang makitang seryosong-seryoso si Melissa sa pagguhit. Kahit minsan ay kumakaway si Aliyah mula sa damuhan at pilit ipinapakita ang bulaklak na napitas nito, sandali lamang itong ngingitian ni Melissa bago muling ibinalik ang atensyon sa sketchpad. "She's back." Napalingon si Blane nang marinig ang boses ni Wade. Lumapit ang kapatid at tumayo sa tabi niya. "She's becoming the Melissa we
“P-please…” halos pabulong na ungol ni Olivia, namumutla ang mukha nito sa takot. Nanatili sa puwesto niya si Melissa habang hawak siya sa kamay ni Blane, pinagpatuloy nila ang lihim na pakikinig. “S-sandali! Hindi pa ako tapos!” mabilis nitong dagdag, pilit kinokontrol ang takot sa boses. “Wa
Sa isang Italian restaurant sa loob ng Han Mall, niyaya siyang kumain ni Blane Han. Tanghalian na, at karaniwan nang puno ng mga kumakain ang restaurant, pero sa pagkakataon iyon, sila lang dalawa ni Blane ang naroon sa loob. Pinagmasdan niya ang paligid, napansin niyang ingat na ingat din ang mga
“What happened to your forehead?” Napatigil si Melissa sa paghigop ng kape nang marinig ang tanong ni Mr. Han. Nahimigan niya ang pag-aalala sa tinig nito, kaya't ibinaba niya ang tasa at nahaplos ang may bendang noo. “Ah, aksidente akong nadulas at tumama ito sa mesa,” pagsisinungaling niya,
Sinulyapan ni Melissa ang sarili sa repleksyon ng salamin, her eyes roamed over every detail of her new image. She wore a bold office attire that wasn't her usual style – one that accentuated her curves and highlighted her figure. Kung dati ay maluwag at disente ang mga damit niya, ngayon ay sinady







