Se connecterLumabas si Melissa mula sa kanyang silid at marahang isinara ang pinto. Sinulyapan niya ang wall clock sa hallway..Alas-dos na ng madaling-araw.Napabuntong-hininga siya.Halos buong gabi siyang abala sa paggawa ng mga bagong sketches para sa nalalapit na launching ng Han Clothing. Kahit pagod na ang kanyang mga mata, hindi pa rin siya dinadalaw ng antok.Tahimik siyang nagtungo sa mini bar sa unang palapag. Naghari ang katahimikan sa buong Han Mansion.Tanging ang mahihinang ilaw sa hallway at ang sinag ng buwan na pumapasok sa malalaking bintana ang nagbibigay-liwanag sa paligid.Marahan siyang nagsalin ng isang baso ng red wine."Maybe this will help me sleep," bulong niya.Unti-unti niyang inubos ang laman ng baso bago muling nagsalin ng panibago. Habang hawak ang wine glass, hindi niya napigilang mapatingin sa malaking grandfather clock sa sala.Hindi pa rin umuuwi si Blane. Kanina pa ito nagpaalam na may importante itong aasikasuhin. Hindi na siya nagtanong pero nitong mga nakar
Alas-dose ng hatinggabi. Tahimik ang buong South Harbor. Sa unang tingin, isa lamang itong ordinaryong cargo terminal. Ilang container trucks ang papasok at palabas, habang abala ang mga cargo cranes sa paglipat ng malalaking shipping containers. Ngunit sa likod ng katahimikang iyon... May isang ilegal na transaksyon na magaganap. Sa rooftop ng isang abandonadong warehouse na nasa tapat ng pantalan, tahimik na nakamasid si Blane gamit ang high-powered binoculars. Suot niya ang itim na tactical suit ng Royal Gang. Nakatakip ang kalahati ng kanyang mukha ng itim na mask. Sa ilalim ng malamlam na ilaw ng buwan, mas lalo lamang naging malamig ang kanyang presensya. Ibinaba niya ang binoculars. "They're here." Mahina ngunit matigas ang kanyang boses. Sa likuran niya ay nakatayo sina Draco, Orion at higit sa dalawampung elite members ng Royal Gang. Lahat ay nakasuot ng black tactical gear. Walang nagsasalita. Naghihintay lamang ng utos. Lumapit si Draco at binuksan ang hol
Maagang nagising si Melissa kinabukasan. Bahagyang sumilip ang sinag ng araw sa loob ng kanilang silid habang tahimik siyang nakaupo sa harap ng vanity mirror. Maingat niyang inaayos ang buhok habang nakangiti sa sarili.Ngayon ang unang opisyal na araw niya bilang head designer ng Han Clothing.Napatingin siya sa nakasabit na ID lace na ipinadala ng Han Group kahapon.Melissa Romero: Head Fashion Designer: Han ClothingHindi niya napigilang mapangiti."Still can't believe it?"Napalingon siya nang marinig ang pamilyar na boses. Nakasandal si Blane sa pintuan. Suot na nito ang charcoal gray suit na lalo pang nagpatingkad sa matipunong pangangatawan nito.Napangiti siya."I feel like I'm dreaming."Lumapit ang binata at tumayo sa likuran niya. Sa salamin ay nagtama ang kanilang mga mata. Hindi ito nagsalita. Marahan lamang nitong inilagay ang dalawang kamay sa magkabila niyang balikat."You deserve everything that's happening." nakangiting sabi niya. "What if I disappoint everyone?"B
Nakatayo si Melissa sa veranda ng kanilang kwarto habang pinagmamasdan ang papalubog na araw. Hawak niya ang isang tasa ng mainit na tsaa habang hinahayaan ang malamig na hangin na haplusin ang kanyang mukha.Napangiti siya.Ang daming nangyari sa loob lamang ng ilang linggo. Mula sa pagkakapanalo niya sa fashion competition hanggang sa pagkakabawi ng lumang sketchbook. Hanggang sa mapatunayan ng lahat na hindi siya plagiarist.Unti-unti niyang ipinikit ang mga mata."Finally... I can breathe."Bigla niyang naramdaman ang dalawang braso na marahang yumakap sa kanyang baywang mula sa likuran. Hindi na niya kailangang lumingon. Alam na agad niya kung sino iyon."Thinking again?" Mahina ngunit malalim ang boses ni Blane sa gilid ng kanyang tainga. Napangiti siya, binitawan niya ang tasa at pinatong sa side table. Marahan siyang sumandal sa dibdib nito."Just remembering everything." sagot niya. Mas humigpit ang yakap ng binata."Then don't remember the painful parts."Mahina siyang nat
Madilim ang buong opisina. Tanging ang malamlam na ilaw mula sa malaking glass window ang nagbibigay-liwanag sa silid. Sa labas ay nagsisimula nang magningning ang mga ilaw ng lungsod, ngunit sa loob ng kwartong iyon ay tila walang puwang ang liwanag. Tahimik na nakatayo si Bianca. Mahigpit ang pagkakakuyom ng kanyang mga palad habang nakatitig sa lalaking nakatalikod sa kanya. Hindi niya makita ang mukha nito. Sa tuwing nag-uusap sila noon, palaging sa telepono lamang. Ngayon lang sila nagkita nang personal. Ngunit isang bagay ang sigurado niya. Isa ito sa pinakamakapangyarihang tao sa Viper Gang. Narinig niyang minsang tawagin ito ng mga tauhan bilang... Black Mamba. Isang pangalang kinatatakutan maging ng mga kriminal sa underground world. Tahimik lamang itong nakatanaw sa city lights. Hindi man lang ito lumingon. "So..." Malamig ang boses nito. "Your plan failed." Napalunok si Bianca. Hindi pa rin nawawala sa isip niya ang eksenang nalinis ang pangalan ni Melissa sa harap
Matapos banggitin ni Veronica ang pangalan ni Bianca tila sumiklab ang bulungan sa paligid. Nagtatanong ang mga ito kung sino si Bianca at bakit nito gustong sirain si Melissa. Hindi na itinanggi pa ni Veronica ang katotohanan. Inamin nitong si Bianca ang nagbigay sa kanya ng lumang sketchbook ni Melissa kapalit ng malaking halaga ng pera at ng pangakong tutulungan siyang manalo sa kompetisyon. Dahil sa mga ebidensyang nakalap ng investigation team - CCTV footage, bank transaction records, at ang sariling pag-amin ni Veronica - wala nang natitirang pagdududa. Tumayo ang head ng investigation committee. "After a thorough investigation, we have concluded that Contestant Melissa is the rightful owner of the sketchbook and the original creator of all the designs presented as evidence." "Contestant Veronica is hereby disqualified from this competition for submitting false claims and deliberately misleading the judges." "Furthermore, the committee will fully cooperate with the au
Ilang linggo na ang lumipas mula nang huling makita ni Blane si Melissa. Tahimik ang mga araw niya, pero hindi siya mapakali. Hinayaan niyang gawin nito ang pag-aayos ng kumpanya, ang paglilinis ng lahat ng kalat na iniwan ni Axel. Alam niyang kaya nito. Alam niyang matatag si Melissa. Pero a
Unti-unting nagmulat ng mga mata si Melissa. Puting kisame ang bumungad sa kanya at mabagal na beep ng monitor ang naririnig niya. Nakakaamoy din siya ng disinfectant na pamilyar sa ospital. Sandaling naguluhan siya, hanggang sa unti-unting bumalik ang lahat. Ang abandonadong bahay. Si Axel a
“I know but...I don’t like another man putting his hands on you.” halos pabulong na sabi ni Blane. Ngunit sapat na para humangga sa pandinig ni Melissa, para namang tumigil ang mundo niya. Hindi niya alam kung anong isasagot. Nanatili siyang nakatingin sa mga mata nito, Lalo namang lumalim ang
Hingal na hingal na tumatakbo si Victoria sa madilim na eskinita, ang tunog ng kanyang takong ay paulit-ulit na umaalingawngaw sa basang semento. Nanginginig ang kanyang mga kamay habang pilit niyang pinapakalma ang sarili...pero paano? Ilang minuto pa lang ang nakakalipas mula nang marinig niya







