LOGIN“I know but...I don’t like another man putting his hands on you.” halos pabulong na sabi ni Blane. Ngunit sapat na para humangga sa pandinig ni Melissa, para namang tumigil ang mundo niya. Hindi niya alam kung anong isasagot. Nanatili siyang nakatingin sa mga mata nito, Lalo namang lumalim ang mga titig nito sa kanya, at ewan ba niya kung bakit hindi niya magawang umiwas, tila ba may magnet ang mga mata nito. Parang ang buong silid ay lumiit hanggang silang dalawa na lamang ang natitira. Naririnig pa rin niya ang malakas na kabog ng dibdib, at tila ba alam iyon ni Blane. Dahan-dahan itong yumuko, sapat para maramdaman niya ang init ng paghinga nito malapit sa kanyang tainga. Napasandal siya nang bahagya sa upuan at hindi makahinga nang maayos. Kinilabutan siya ng marahan itong bumulong sa kanya. “Are you going to thank me now?” Tumingin ito sa kanya at nakita niya ang bahagyang pagkurba ng labi nito, ang ngiting iyon na tila ba malaki ang naging epekto sa kanya. “
Hindi rin nagtagal, umalis sina Bianca at Axel, iniwang mabigat ang tensyon sa loob ng opisina. Nang tuluyang magsara ang pinto, saka lamang nakahinga nang maluwag si Melissa. Dahan-dahan siyang napaupo sa sofa, tila biglang bumigat ang katawan matapos pigilan ang lahat ng emosyon kanina. Sa harap niya, nanatiling nakatayo si Blane, samantalang sina Calix at Jaxon ay magkatabing nakaupo, parehong tahimik na nakamasid sa kanya. Si Blane ang unang bumasag sa katahimikan. “I told you to sue him. File a case against him. Calix can help you-.” Yumuko siya at marahang umiling. Darating din ang araw na iyon. Pero hindi pa ngayon. Hindi pa hangga’t hindi niya nababawi ang kumpanyang nararapat sa kanya at hindi niya hahayaang may makuha pang kahit isang sentimo si Axel mula roon. Dahil hindi siya agad sumagot, muling nagsalita si Blane. “Why?” Napatingin siya rito. “Do you still love him?” Diretsong tanong nito habang nakatingin sa mga mata niya. Bahagya siyang natigi
Matapos ang ilang araw ng masusing imbestigasyon, sa tulong ni Attorney Calix sa pagkalap ng mga ebidensya at sa matiyagang pagtutok ni Police Captain Jaxon sa kaso ng pagpatay kay Victoria Romero, tuluyan nang nabaligtad ang sitwasyon. Lumalabas sa matitibay na dokumento at testimonya na walang kinalaman si Melissa sa krimen. Sa halip, siya mismo ang naging biktima, na-blackmail ni Victoria upang makuha ang mga land deeds na hawak niya noon. Dahil dito, inalis na si Melissa sa suspect list. Sa loob ng Fresh Food Corp, tahimik ang opisina ni Melissa. Malinis at organisado ang paligid, ngunit mabigat ang hangin dahil sa presensya ng mga taong nasa loob. Naroon siya sa lounge area, nakaupo sa single sofa kaharap sina Attorney Calix, Police Captain Jaxon, at Blane. Naka-casual attire ang tatlo upang hindi makatawag-pansin. Si Calix ay simple ngunit maayos ang suot, si Jaxon ay mukhang kalmado ngunit alerto ang bawat kilos, habang si Blane naman ay nakasuot ng itim na jacket at
Pagbukas pa lang ng pinto sa opisina ni Axel. “Finally.” Malamig ngunit puno ng galit ang boses na sumalubong kay Melissa. Nakatayo si Axel sa likod ng kanyang mesa, parehong kamay ay nakapatong sa ibabaw nito, tila pinipigilan ang sarili. Matalim ang tingin nito sa kanya. Sa gilid ng opisina, nakaupo si Bianca, namumugto pa rin ang mga mata, bakas ang pag-iyak, ngunit ang tingin ay punong-puno ng poot. “Close the door,” utos ni Axel. Sinunod iyon ni Melissa nang walang imik. Pagharap niya muli, sinalubong siya ng naglalagablab nitong galit. “What the hell did you do?” sigaw ni Axel, hindi na napigilan ang emosyon. “Mom is dead and now everything is pointing to you!” Nanatili siyang kalmado “Watch your words, Axel,” malamig niyang sagot. “You’re making accusations without proof.” “Without proof?” natawa ito nang mapait. “Bianca told me everything. Bago mamatay si mama, ikaw ang huling binanggit niyang pangalan." Bahagyang naningkit ang mga mata ni Melissa. “
Han Mall. Tahimik ang loob ng pribadong opisina ni Blane, malamig ang hangin mula sa air conditioner at tila masyadong maayos ang lahat kumpara sa kaguluhang bumabalot sa isip ni Melissa. Nakatayo siya sa harap ng malaking mesa, tuwid ang tindig, habang si Blane naman ay nakaupo sa kanyang swivel chair, bahagyang nakasandal at pinagmamasdan siya. “What did you just say?” mababa ngunit seryosong tanong ni Blane, halatang hindi pa nito lubos na napoproseso ang narinig. “Victoria is dead,” diretso niyang sagot, walang paligoy-ligoy. “It looks like the people she owed money to found out that the land deeds were fake… and they didn’t take it lightly.” Sandaling natahimik ang silid. “So… they killed your stepmother,” mahinang saad ni Blane, tila kinukumpirma ang sitwasyon. Tumango si Melissa, malamig ang ekspresyon, ngunit may bahagyang bigat sa kanyang mga mata. “And now Bianca wants to sue me,” dugtong niya. “She’s accusing me of being involved. And I need your help, Blane
Hingal na hingal na tumatakbo si Victoria sa madilim na eskinita, ang tunog ng kanyang takong ay paulit-ulit na umaalingawngaw sa basang semento. Nanginginig ang kanyang mga kamay habang pilit niyang pinapakalma ang sarili...pero paano? Ilang minuto pa lang ang nakakalipas mula nang marinig niya ang usapan ng mga tauhan ni K sa loob ng casino. “Fake ang land deeds na binigay ng babaeng ‘yon.” “Galit na galit si Boss. Gusto niya madakip si Victoria...dead or alive.” Parang binuhusan ng malamig na tubig ang buong katawan niya. Hindi na siya nagdalawang-isip. Agad siyang tumalikod at nagmamadaling lumabas ngunit sa malas, namataan siya ng isa sa mga tauhan. “Ayun siya!” Doon na nagsimula ang habulan. Ngayon, walang tigil siyang tumatakbo, lumiliko sa bawat madilim na sulok ng eskinita. Ang lugar ay halos abandonado, walang ilaw kundi ang kumukurap na poste, walang tao kundi ang mga anino ng panganib. Pero kahit anong tago niya, masyadong marami ang humahabol. “Hanapin n
Inilahad ni Blane ang kamay nang subukang tumayo ni Melissa pero dahil sa matagal na pagkakahalukipkip sa ilalim ng mesa, nangimay ang mga binti niya, she tipped forward and fell straight into him. Her hands landed against his crotch, and the jolt hit them both. He caught his breath, eyes darkeni
“Blane, can I ask a favor?” Sabi ni Melissa, nakatayo siya sa tapat ng desk table ng binata. Sa likod nito ay ang magandang landscape ng Han Mall. “What favor?” He asked, curious but not surprised. He didn’t look up right away—finished the line he was reading, capped his pen, then met her eyes.
“Hindi ko maaaring sabihin sa kanya kung ano talaga ang ginagawa ko sa lugar na iyon. Masyadong delikado—at kung mabanggit kong may nasaksihan akong patayan doon, baka madamay pa ang binata. Mas mabuting ilihim ko na lang.” kausap ni Melissa sa sarili. Bigla, bumalik ang gabing iyon sa isip niya
Pagmulat ni Melissa, puting kisame ang unang bumungad sa mga mata niya, ang kristal na palamuti sa kisame ay nagsilbing salamin, kaya naman nakita niya ang sarili niyang repleksyon na nakabalot sa kumot, at sa gilid ng salamin, nahagip ng mga mata niya ang lalaki sa tabi. Kumabog ang dibdib niya sa







