CHAPTER 01
" Hello, Este! Kumusta kayo dyan ni Sir? " Kitang-kita ang excitement sa mukha ni Anna habang kumakaway sa harap ng phone na hawak nya. Makikita sa screen ang mukha ni Estrella, malaki rin ang ngiti habang kumakaway pabalik sa kaniya.
" Maayos naman kami dito, Anna. Kayo diyan, kumusta? " tanong pabalik ni Estrella, iginilid bahagya ang cellphone upang ipakita sa tabi niya si Sebastian na abala sa pagkain ng takoyaki. Saglit itong kumaway sa camera bago subuan si Estrella.
" Wow, ang sweet naman noon, Sir! " Kinikilig na komento ni Anna na ipinatong ang cellphone sa isang container upang ito'y tumayo. Pinagpatuloy niya ang paghihiwa ng carrots para sa nilulutong sopas. " Pero maayos rin naman kami dito, Este. Wala si Manang Susan ngayon, halos kaaalis lang para mag grocery. Maulan ngayon dito kaya naisip naming magluto ng sopas."
" Hala, sopas? Na-miss ko bigla yan, ah. May bagyo ba ngayon dyan? " tanong ni Estrella matapos nguyain ang pinakain sa kaniyang takoyaki.
" Wala namang bagyo dito. Makulimlim lang talaga ngayon kalangitan tapos biglang buhos na ang ulan, " sagot ni Anna, inihinto ang paghihiwa ng carrots nang mapansin ang magandang panahon sa lugar kung nasaan ang mag-asawa. " Mabuti dyan maganda panahon, ano? Saan kayo nag d-date ni Sir? "
" Nandito kami sa isang park malapit sa hotel na tinutuluyan namin. Maganda nga ang panahon ngayon dito, eh. Mamayang hapon naman pupunta kami doon sa puno na maraming bulaklak. Ano tawag doon ulit? Cherry Boom? “ Tumingin si Estrella kay Sebastian, nanghihingi ng tulong.
“ Cherry blossom,” pagtatama ni Sebastian na kinatawa ni Estrella sapagat malayo ang sinabi niya.
“Oo, tama iyon nga. " Inilibot ni Estrella ang cellphone sa paligid upang ipakita kung nasaan sila. " Dito mayroon din naman pero hindi daw sya ganoon karami kumpara sa pupuntahan namin mamaya. Malinaw ba nakukuha ko, Anna? Nakikita mo iyong puno sa likod? "
" Nakikita ko pero hindi ko masyadong maaninag iyong bulaklak. Teka, ang ganda ng lighting dyan, Este. Glass skin, oh. Dapat marami kayong picture ni Sir para maraming memories! " Suhestiyon ni Anna na kinatawa ni Estrella sapagkat kapapahinga lang nya mula sa pagkuha-kuha ng litrato na sa bawat minuto at galaw nila, mayroon siyang kuha.
Tumagal ng halos trenta minutos ang paguusap ng dalawa bago magpaalam si Estrella na kailangan ng putulin ang tawag upang ipagpatuloy ang paglilibot nilang mag asawa na kasalukuyang nasa ibang bansa. Ipinagpatuloy naman ni Anna ang pagluluto ng sopas at nagpatugtog ng kanta sa earphone na suot niya. Tahimik ang buong mansyon dahil walang masyadong gawain at ang dalawa sa kasambahay ay sabay na nag restday kahapon, bukas nang umaga ang balik ng isa habang ngayong araw naman ang isa.
" Lakas ng ulan sa labas, grabe—"
" Ay anak ka ng pitong put puting tupa! " Gulat na napasigaw si Anna sa gitna ng pasimpleng pagkanta at pagsayaw niya nang may magsalita mula sa likuran nya. Nakita niya si Javier na may gulat sa mukha na unti-unting napalitan ng tawa dahil sa ekspresyong pinakita ni Anna. " Sir Javier naman, eh! Bakit ba nangugulat ka dyan! "
" Nanggugulat? Sino? Ako? " Tatawa-tawa nitong tinuro ang sarili saka binaba ang dalang paper bag sa mesa. " Hindi mo ba namalayan pagpasok ko sa pinto? Busy ka kasi sa concert mo."
" Sorry naman po. " Napanguso si Anna saka pinatay ang music sa cellphone nya. " Gusto niyo ba ng sopas? Malapit na tong niluluto ko. "
" Sakto pala punta ko, eh. Gutom rin ako, " ani Javier saka binuksan ang paper bag niyang dala. " Ito pala, may dala akong kape galing doon sa lugar na pinuntahan ko last week, tanda mo? Masasarap kape nila, try mo. Nasaan si Manang Susan? "
" Nag grocery si Manang. Baka pauwi na rin sila ni Manong Cesar mayamaya lang, " ani Anna habang tinitignan ang nga container na naglalaman ng mga kape na may iba-ibang klase. " Ang dami niyong pinamili, ah? Isang taon yata bago niyo maubos 'yang mga yan. "
" Mga bigay lang din 'yan ng client ko. Hindi na ako masyadong nagka-kape at ina-acid ako. Alam kong maraming mahilig sainyo kaya dito ko na dinala lahat, " sagot ni Javier saka sinilip ang kaserola. " Luto na ba? "
" Ah saglit na lang ‘to, Sir. " Binalikan ni Anna ang niluluto, hinalo-halo bago takpan at balikan ang mga dala ni Javier. " So, uhm, k-kumusta pala iyong event na pupuntahan niyo, Sir? Hindi ba't next week na lipad niyo? "
" Oo, next week. Bilis ng araw, ano? Parang kailan lang saakin inabot iyong invitation, " ani Javier na humila ng isang silya at naupo. " Hindi naman ito ang first time na pupunta ako outside the country, pero iyong excitement at kaba ko, abot pa rin hanggang langit. "
Natawa si Anna. " Pero mas matimbang naman ang excitement, di 'ba? "
" Of course. Hindi lang maiwasan mag overthink since international, so malamang iba't-ibang lahi ang mga makakasama ko doon, " hayag ni Javier na mayamaya lang ay nabago ang ekspresyon ng mukha kasabay ng pagpakawala nang malalim na buntong hininga. " Hindi ko pa nakakausap si Mama after iabot saakin iyong invitation. Nakapag pasalamat naman ako, but I think hindi sya enough? "
" Siguro kasi di pa kayo totally ayos ni Ma'am Sasha, Sir. " Pinatay na ni Anna ang kalan at kumuha ng malalim na mangkok para kumuha ng sopas at ibigay kay Javier. " Nag reach out naman na sainyo ang Mama niyo, so siguro pagkakataon niyo na rin na kayo naman ang makipag reconnect sakaniya para all goods na? "
Napaisip si Javier. " You have a point, but.."
" But? " Inabangan ni Anna ang idudugtong ng binata subalit ilang segundo itong natulala sa kawalan. Hindi alam ni Javier kung anong gagawin sapagkat ipinangako niya sa sarili na hindi sya magpapakita sa ina hangga't wala siyang ipagmamalaki. Sinabi rin n'ya noon na kayang-kaya niyang makarating sa tuktok nang walang tulong or kahit na anong koneksyon galing sa pamilya kaya naman sa mga sandaling ito, nagtatalo pa rin ang kaniyang puso at isip kung alin ba ang mas matimbang.
" Sir, mahirap magpatawad, pero parang mas mahirap po dalhin iyong sama ng loob sa magulang natin, " saad ni Anna dahilan para manumbalik sa realidad si Javier. " H-Hindi naman sa pinangunahan ko kayo, pero kasi, si Ma'am Sasha na po mismo ang lumapit sainyo, eh. Ibig sabihin noon, suportado na niya kayo sa hilig niyo. Baka nga hinihintay na lang din niya kayong lumapit sa kaniya. "
Nagpakawala nang malalim na buntong hininga si Javier at umayos nang pagkakaupo para galawin ang sopas na inihain sa kaniya ni Anna. " Kapag tumila ang ulan, subukan kong umuwi sa bahay. "
" Paano kung hindi? Hindi rin kayo tutuloy? "
Piniling hindi sumagot ni Javier, ngunit kung babasahin ang ekspresyon nya, para bang malaki tiwala niya na hindi titila ang ulan. Subalit ilang minuto lang matapos ng tanong ni Anna, unti-unting naging ambon ang malakas na buhos ng ulan hanggang sa unti-unti ring sumilip ang sinag ng araw.
***
Hindi na mabilang ni Javier kung nakailang buntong hininga na siya habang naghahanap ng tamang tiyempo bago pumasok sa bahay nila. Ala sais na ng gabi, tumila na ang ulan pero iyong buhos ng kaba sa dibdib niya, tuloy-tuloy .
“ Hindi yata magandang idea ‘tong naisip ni Anna, “ wala sa sariling sambit ni Javier, napasuklay pataas sa buhok dala ng pagbuhol-buhol ng emosyon niya. Naroon kagustuhang makapagpasalamat sa ina dahil sa oportunidad na binigay nito sa kaniya, ngunit naroon din sa loob niya ang kagustuhag lumabas na ng subdivision sa tuwing naalala niya ang ipinangako sa sarili na saka lang siya magpapakita sa ina kapag nakagawa na siya ng sariling pangalan sa industriyang pinasukan niya,
“Seriously, ako nangangawit sa’yo, Kuya. “ Napalingon si Javier sa kaliwa niya nang marinig ang boses ng kapatid niyang babae, si Jessie. “ Kung hindi lang kita nakilala agad, kanina pa ako sumigaw ng magnanakaw. Anong ginagawa mo rito, Kuya? “
“ Saan ka galing? Gabi na nasa galaan ka pa? “ tanong ni Javier at pinasadahan ng tingin ang porma ng kapatid. “ Sa bihis mong ‘yan, mukhang ngayon ka pa lang aalis, ah? “
“ Well, hindi ko naman iyan itatanggi. Bumalik lang ako para magpalit ng sandals. Hindi pala match sa outfit ko. “ Naglakad si Jessie papalapit sa gate at inilabas ang susi upang buksan ang pinto. “ And hindi mo pa sinasagot tanong ko, Kuya. What are you doing here? “
Lumingon si Javier sa likuran nang makarinig ng mga hagikhikan. May isang pulang kotse sa kabilang kalsada, kita sa loob ang mga kababaihan na masayang kumakaway at bumati sa kaniya. Pamilyar ang mga mukha kaya kumaway siya pabalik sa mga kaibigan ni Jessie bago ibinalik ang atensyon sa kapatid na nakapasok na sa loob ng gate, inaabangan siyang pumasok sa loob bago ito isara.
“ Kuya, bilisan mo na at nagmamadali ako, “ anito kaya walang nagawa si Javier kundi ang pumasok sa loob para sumunod sa kapatid na halata namang nagmamadali.
“ Nasaan sila? “ tanong ni Javier, inililibot ang tingin sa loob ng salas nang makapasok sila. Sumalubong sa kaniya ang pamilyar na amoy na tila humaplos sa puso niya. Ilang buwan pa lang ang nakakalipas simula nang lumayas siya sa poder ng ina ngunit pakiramdam niya taon na ang lumipas dahil sa mga memoryang dumaan saglit sa kaniya.
“ Nasa garden pa yata si Papa. Si Mama, baka na sa office room niya. May kausap na client ata kanina bago ako umalis, “ anito saka huminto sa paglalakad at hinarap si Javier. “ I’m happy na makita ka ulit dito sa bahay, Kuya. Gusto kong makipag-chikahan pa sa’yo, but nagmamadali kasi ako, so message me na lang mamaya sa outcome ng pagpunta mo dito, but since alam kong ‘di mo gagawin, ako na lang mag m-message sa’yo. See yah! “
Patakbong umalis si Jessie sa harap ni Javier upang pumanhik sa ikalawang palapag ng kuwarto nito. Napailing na lamang si Javier bago nagsimulang maglakad patungo sa garden ng bahay. Wala sa sarili niyang inilibot ang tingin sa paligid, tinitignan kung may nabago ba sa bahay nila simula nang umalis siya. Napahinto siya sa isang parte ng pader nila kung saan nakapaskil ang mga larawan nilang pamilya at kasama ang graduation picture nilang magkakapatid. May nabago sa bahay, wala ang kahit na anong larawan niya.
“ How many times do I have to tell you na hindi magtatagumpay ang anak mo sa papasukin niyang mundo? Nakita mo naman ang studio niya, di ba? So cheap! Mas malaki pa ang room niya dito sa bahay kaysa sa pinili niyang ‘yon. “ Napalingon si Javier sa ikalawang palapag ng bahay nang marinig ang malakas na boses ng kaniyang ina. Humakbang siya paatras upang itago ang sarili.
“ You’re so unfair, Sasha. Akala ko ba naman sincere ka na sa pakikipag-ayos sa anak mo, tapos ganiyan lumalabas ngayon sa bibig mo? “ boses ng ama ni Javier. Mahinahon ito ngunit ang tono ng boses ay nagpapakita ng sama ng loob. “Next week na ang alis niya. Hindi ba’t sayo nanggaling iyong invitation ng competition na dadaluhan niya? Ano ‘yon, pakitang tao? Don’t tell me fake iyong invitation na binigay mo? “
Narinig ni Javier ang mga hakbang pababa ng hagdan kaya muli siyang umatras at nagtago sa malaking halaman na nasa gilid ng pintuang papasok ng kusina ng bahay. Nanlalambot ang mga tuhod niya sa naririnig na sinamahan pa ng daga sa kaniyang dibdib.
“ No, It’s not fake. It’s just that...” Kumawala ang malalim na buntong hininga kay Sasha, animo’y pagod na siyang makipagtalo. Ilang segundong tinitigan ang asawa habang ikinakalma ang sarili bago ituloy ang sasabihin. “ It’s part of the plan, okay? I am planning to manipulate the situation para hindi sya makapasok sa kahit na anong ranking. With that, ma-r-realize niya na hindi talaga para sa kaniya ang photography, so wala siyang choice kundi bumalik saatin. “
“ Sasha--”
“ No, Jim, honey, listen to me first. " Hinawakan ni Sasha ang pisngi ng asawa, ang mga mata ay nagsusumamo na pakinggan sya. “ I just want my baby back. Ayaw mo bang bumalik si Javier dito sa bahay? “
“ Siyempre gusto ko, pero hindi sa ganitong paraan, “ sagot ni Jimmy na inalis ang kamay ng asawa sa kaniyang pisngi. “ Sasha, kaya umalis si Javier dahil may gusto siyang patunayan saatin. Hindi naman pag r-rebelde ang ginagawa niya kagaya ng pinaniniwalaan mo. Tumatayo siya sa sarili niyang paa para gumawa ng sariling pangalan. “
“ I doubt that. “ Mabilis na tugon ni Sasha. “ Since high school, nagsisimula na siyang mag join sa mga photography contest, but he never wins. Puro sa second place or third place lang siya inaabot. Nagawa pa niyang ibenta ang kotse niya before para bumili ng digital camera pero wala naman siyang napala, ‘di ba? Nagasasayang lang siya ng panahon sa walang silbing passion na yan. “
Napatiim-bagang na lamang si Javier at hindi na kayang sikmurain ang mga naririnig niya mula sa ina. Pumasok siya sa kusina para tumungo sa backdoor palabas ng bahay. Mabigat ang bawat hakbag niya, wala ng pakialam kung may nakakita sa kaniyang kasambahay dahil ang taging gusto niya lang ay makalayo mula sa dating tahanan.
“ Kuya! “ rinig ni Javier mula sa likuran, boses ni Jessie na nagmamadaling maglakad para habuling ang nakatatandang kapatid” “ Kuya, wait sabi! “
Huminto si Javier nang makarating ng gate, nilingon ang kapatid na punong-puno ng pag-aalala ang mukha. Ilang saglit lang ay kita ang pagmamadaling lumabas ni Sasha ng pinto mula sa salas, bakas ang takot sa mukha nang magtagpo ang mga tingin nila.
“ Kuya Javier...” bakas ang takot sa boses ni Jessie nang makarating sa harap ni Javier. “ I’m sorry, Kuya. I didn’t know--”
“ May alam ka ba sa plano? “ Diretsahang tanong ni Javier habang titig na titig sa kaniyang ina bago ibinaling ang tingin sa kapatid na agad namang umiling bilang sagot. “ So, para saan ang sorry? “
“ H-Hindi ko alam. Akala ko kasi okay na lahat, eh...” Napalabi si Jessie nang mabasag ang boses niya. Lumingon siya sa likuran para silipin ang magulang niyang naabutan niyang nagtatalo kanina bago siya lumabas.
“ Hypocrite. “ Malamig na saad ni Javier saka marahang tinapik sa balikat si Jessie. “ Pakisabi iyon sa Mama mo. “
CHAPTER 27 Akala ni Anna, sanay na ang mga mata niyang makakita ng mga magagara at nag lalakihang bahay sa ilang taon niyang pagta-trabaho sa siyudad, ngunit hindi pa rin niya maiwasang mamangha nang makarating sa bahay na pagmamay-ari ni Sasha. May dalawang palapag ito at ang parking space ay tila kasing-laki lamang ng bahay nila sa probinsya. Dalawang sasakyan ang nakaparada doon--isang sedan at crossover. Ang railing ay gawa sa salamin na para bang nakakatakot nadampian ng kamay niya dahil baka mabasag. “ Sa picture ko lang nakikita dati bahay niyo. Ngayon nandito na ako...” wala sa sariling sambit ni Anna, tulala pa ring pinagmamasdan ang bahay na nasa harap niya. Kanina pa sila nakababa ng sasakyan, kasama ang dalawang maleta na dala-dala nila ni Javier. “ Saan mo nakita? “ tanong ni Javier, pinunasan ang pawis sa sentido niya habang nakaangat ang tingin sa ikalawang palapag ng bahay. Huling punta niya, wala na sa balkonahe ang mesa at silya na madalas niyang tambayan noong
CHAPTER 26 Tahimik na pinagmamasdan ni Javier si Anna na abalang nakikipag-usap sa tumawag sa cellphone nito, bahagya itong nakatalikod sa kaniya kaya hindi niya makita ang mukha ni Anna. Kung pagbabasehan ang galaw ng katawan, kita ang gaslaw sa kilos at ang paulit-ulit na pagtapik at pagkaskas ng kamay sa hita na nagpapakita ng ngasiwa. Hindi alam ni Javier kung sino ang kausap nito dahil cellphone number lang ang rumehistro sa screen noong makita niyang sinagot ito ni Anna. Sumandal si Javier sa silya nang ialis ang paningin kay Anna. Sa halos tatlong araw niyang nawala, hindi naalis sa isip niya si Anna. Nahirapan siyang i-proseso ang lahat ng mga kaganapan ngunit hindi sumagi sa kaniyang isipan na talikuran ang responsibilidad niya. Sa isla kung saan siya pumunta para sa isang trabaho, nakatulong rin ito sa kaniya para makapag-isip ng mga nararapat na solusyon at paraan para sa buhay na nag aabang sa kaniya pag-uwi. Mahina ang signal sa isla at minsan ay nawawala pa kaya an
CHAPTER 25 Malaking halaga ng pera ang kakailanganin ng pamilya ni Anna sa sitwasyong kinahaharap nila ngayon at lahat sila ay problemado kung saan kukuha ng mga panggastos lalo’t hindi nila alam kung kailan magkakamalay si Allan. Bawat araw sa ospital, libo ang kailangang ilabas upang maipagpatuloy ang buhay ng kapatid na nakikipaglaban sa kamatayan. “ Malapit na tayo, Anna. “ Nabalik sa realidad ang isip ni Anna nang marinig ang boses ni Javier sa tabi niya. Tumingin siya sa labas ng bintana ng bus at nakitang malapit na silang bumaba ng terminal. Humugot nang malalim na buntong hininga si Anna at napayakap sa sarili dahil sa lamig ng aircon na tumatagos sa loob ng balat niya. “ P-Parang hindi ko kayang humarap ngayon kina Nanay at Tatay. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanila na wala na akong trabaho kung kailan kailangan namin ngayon ng pera para sa mga magiging bayarin sa ospital. “ Kinuha ni Javier ang kamay ni Anna at marahan itong pinisil-pisil. “ Huwag mo masy
CHAPTER 24 Nakatitig si Anna sa mahigit sampunglibo sa kama niya, malalim ang iniisip matapos makatanggap ng tawag mula sa lumuluhang ina. Hanggang ngayon ay kumakabog ang dibdib niya, binabalot ng takot at pag-aalala para sa kapatid niyang nakaratay sa kama. “ Anak, n-nasa ospital kami ngayon dahil iyong kapatid mo, si Allan, di ko malaman kung napag –tripan o ano pero bugbog sarado siya. Wala pa rin siyang malay hanggang ngayon, p-pero ang daming dugo na nawala sa kaniya kaya natatakot ako baka kung ano mangayari sa kapatid mo, jusko...” paulit-ulit naririnig ni Anna sa isip niya ang sinabi ng ina patungkol sa nangyari sa kapatid. Hindi niya alam ang buong pangyayari o kung paano nahantong ang kapatid niya sa ganoong sitwasyon dahil nahihirapan ang kaniyang ina sa pagsasalita sa labis na nerbyos. Kinuha ni Anna ang sampung libong papel na inilatag niya sa kama upang ibalik sa sobre. Iyon lamang ang perang naitabi niya sa ilang taong pag t-trabaho bilang kasambahay. Wala siyang ma
CHAPTER 23 Blangkong ekspresyon ang nakaukit sa mukha ni Estrellita habag pinagmamasadan ang likod ni Adam na kasalukuyang nagsasalin ng champorado sa dalawang malalim na mangkok. Nakaupo si Estrellita sa isang silya, ang silya na palagi niyang inuupan sa tuwing kakain silang dalawa ni Adam sa mesa sa kusina. “ Kapag natabangan ka, dagdagan mo na lang ng gatas. “ Binaba ni Adam ang isang tray kung saan naroon ang dalawang mangkok—ang isa ay may gatas habang ang isa naman ay wala. Kinuha ni Adam ang mayroong gatas at binaba sa harap ng dalaga habang ang wala naman ay inilagay sa puwesto niya. “ Thank you. “ Ngumiti si Estrellita, hinalo-halo ang champorado gamit ang kutsara niya. Saglit niyang ninakawan ng tingin si Adam na sakto ring tumingin sa kaniya dahilan ng pagtama ng mga mata nila. Tumikhim si Estrellita, umayos ng pagkakaupo sa silya at muling binalik ang atensyon sa champorado niya. Namayani ang ilang minutong katahimikan sa buong bahay, walang kapayapaan dahil ang kani
CHAPTER 22 Tahimik na kinakain ni Anna ang huling slice ng pizza na binitbit niya sa kalagitnaan ng byhae pauwi kasama ang mag-asawang abala sa pag-uusap patungkol sa sitwasyon nila Estrellita at Adam. “ Magkakabalikan pa kaya sila? “ hindi maiwasang tanong ni Estrella, nakatingin sa bintana sa gilid niya at pinagmamasdan ang mailaw na mga gusaling dinadaan nila. “ Nakakapanghinayang dahil may hindi lang sila pagkakaintindihan nang kaunti, nauwi agad sila sa hiwalayan. Sana maging maayos din sila pagkatapos nito. “ “ Parang sinabi mo kanina na okay lang sa’yo na maghiwalay muna sila? “ takhanong tanong ni Sebastian nang maalala ang opinyon kanina ng asawa nang ikinu-kuwento nito ang naganap kanina bago sila napunta sa bar. “ Oo nga, pero sana maayos iyong maging paghihiwalay nila. Hindi iyong kagaya nitong parang puro galit ang pinanghuhugutan ni ate Estrellita kay Adam, “ ani Estrella, “ Maganda naman ang naging relasyon nila, nakakalungkot naman kung matapos siya nang masama