Share

BOOK 2: Maid For You Too
BOOK 2: Maid For You Too
Penulis: janeebee

PROLOGUE

Penulis: janeebee
last update Terakhir Diperbarui: 2025-03-11 12:59:28

" Javianna, baby, dito ka lang sa malapit! Huwag kang lumayo at baka mawala ka! " may pag-aalalang sigaw ni Anna sa kaniyang apat na taong gulang na anak, na abala sa paglalaro ng buhangin kasama ang mga kaklase sa playground.

" But, Mom, kukuha lang po kami ng rocks doon po sa grass! " sagot ng bata, sabay turo sa isang bahagi ng playground kung saan may mga batong nakapalibot sa isang halaman.

" Naku, hindi puwede ata doon. Mapagalitan tayo at display yata yon sa halaman, " ani Anna saka naghanap ng bato sa paligid nya. " Ito na lang, oh. Ang daming rocks dito. Saan niyo ba gagamitin? "

" That's so small, Mom. " Nakasimangot na hayag ng bata, saka naghanap ng ibang may kalakihang bato para ilagay sa mga dalang laruang sand bucket. Nagsimula ring maghanap ng bato ang tatlong batang kasama ni Javianna bago sila bumalik sa puwestong kung saan may binunuong sand castle.

Ngumiti na lamang si Anna bago tumayo at bumalik sa bench kung saan sya nakaupo kanina. Pinanood nya ang anak na masayang naglalaro kasama ang mga kaklase nito, puno ng tawanan at kasiyahan habang pilit binubuo ang buhanging matuloy na gumuguho. Saglit na naalis ang paningin ni Anna sa mga bata nang dumaan sa harap nya ang mga ina ng batang kalaro ng anak. May mga dalang inumin mula sa mamahaling café, paubos na ang ilang cup habang ang iba ay puno pa.

"...not too sweet. I'm sure babalikan ko itong bagong nasa menu nila, " saad ng isang babae habang sumisimsim sa straw mula sa cup na hawak nya. Si Carmina, isang ina na hindi halatang may apat ng anak dahil sa ganda at pang modelong katawan.

" I agree. Hindi nga lang budget friendly, but it's worth the price naman, " sang-ayon ng isang ina, si Monica, maliit na babaeng may balingkinitang katawan. Halos kaunti pa lang ang nababawas sa inuming dala. " Siguro once in a month ko lang sya mabibili, hindi sya iyong pag nag crave ka, bili kaagad, eh. Ikaw for sure kaya mo yan, kahit siguro every week pa. "

" Kahit everyday kamo, " pagtama ni Carmina saka tumawa ngunit nawala ang ngiti sa mukha nito nang magtama ang tingin nila ni Anna. Umismid lamang ito bago nagpatuloy sa paglalakad papunta sa kabilang bench kung saan may mga nakabantay sa kasambahay.

Napailing na lamang si Anna sa pagkadismaya, di pa rin maintindihan kung bakit malaki ang galit sa kaniya ni Carmina at ng ibang magulang ng mga kaklase ng anak nya. Ni isa sa mga magulang ay walang kasundo si Anna, lahat ay mababa ang tingin sapagkat alam ng lahat na galing sya sa pagiging kasambahay na umangat nang makapangasawa ng mayaman. Walang problema si Anna sa ibang pakikitungo sa kaniya dahil ang anak naman nya ay hindi nakakaranas ng pambu-bully o pagmamaliit mula sa mga taong nasa paligid nila.

Ala singko ng hapon nang makauwi sina Anna sa kanilang mala-mansyon na bahay, kasama ang anak na nagtatakbong pumasok sa loob ng bahay para salubungin ang amang naghihintay aa kanila sa pintuan.

" Dad, you're here! " Patalon na yumakap si Javianna sa ama na nakasuot pa ng black suit, halatang kauuwi lang galing sa meeting. " I miss you so much, Daddy! "

" I miss you too, baby. " Masayang tugon ng ama saka humalik sa pisngi ng anak. Saglit nitong tinapunan ng tingin si Anna na nakatayo sa harap nila bago ibalik ang tingin sa anak. " How was your day? Balita ko naglaro kayo ng mga friends mo sa park kanina? Did you have fun?"

" Yes, I did! " anito, saka nagpatuloy sa pagkuwento habang naglalakad ang ama patungong kusina, masayang pinakikinggan ang kuwento ng anak nya.

Samantala, umakyat naman si Anna sa ikalawang palapag ng bahay upang ilagay ang mga gamit ng anak sa sarili nitong kuwarto. Naghanda na rin siya ng pamalit pantulog para mamaya bago buksan ang bag para tignan ang bawat notebook nito at hanapin kung mayroon takdang aralin para magawa mamaya bago matulog.

" Ang ganda talaga ng sulat nya sa ganitong edad, " komento ni Anna habang sinusuri ang isang notebook kung saan naroon ang pinag-aralan ng anak ngayong araw.

" Anna. " Napalingon si Anna sa pinto nang marinig ang boses ng asawa. " May ginagawa ka ba? "

" Ah, wala naman. Tinitignan ko lang kung may assignment si Javi para magawa na namin mamaya, " ani Anna saka tumayo mula sa pagkakaupo sa kama ng anak. " Bakit? May kailangan ka ba? May ipagagawa? "

" Wala naman, " anito saka marahang isinara ang pinto. " Pero may kailangan tayong pag-usapan. "

Kumunot ang noo ni Anna, agad nakaramdam ng kaba sapagkat sa ekspresyon ng asawa, may ideya na sya sa maaari nilang pag-usapan ngunit pinanatili niyang inosente ang mukha. " A-Ano 'yon? "

Lumapit si Anna sa asawang nakapamulsang nakatayo sa likod ng nakasaradong pinto, seryoso ang mukhang nakatingin sa kaniya hanggang sa umangat ang kamay nito at mabilis na lumipad sa pisngi niya.

" Antonio—"

" Tang*na kang babae ka, waka ka ba talagang kahihiyan sa katawan? " Puno ng panggigigil na tanong ng asawa saka nilapit ang mukha ni Anna gamit ang paghila sa leeg nito. " Akala mo hindi ko malalaman ang ginagawa mo? Ganoon ba ka-b*bo tingin mo saakin, Anna? "

" H-Hindi ko alam sinasabi mo, Antonio. " Pagtanggi ni Anna, hinawakan ang kamay ng asawa, pilit inilalayo sa leeg niya sapagka't nahihirapan syang huminga. " Please, bitawan mo 'ko. Kung papatayin mo ako, huwag dito sa kuwarto ng anak mo..."

Marahas na binitawan ni Antonio ang leeg ni Anna at dinuro-duro ito sa mukha. " Ipapaalala ko lang sayo na may pamilya ka na kaya huwag kang umasta na parang dalaga, Anna. Baka nakakalimutan mo, wala ka sa kinalalagyan mo ngayon kundi dahil saakin kaya ayusin mo iyang utak mo."

Nanatiling inosente ang mukha ni Anna. " Antonio, a-ano bang pinagsasabi mo? Bakit nagkakaganiyan ka na lang bigla-bigla? Ano ba—"

" Huwag mong itanggi pa dahil alam ko ang ginagawa mong pagtakas sa gabi para makipagkita sa lalaki mo. " Gigil na wika nito, mabilis ang paghinga dala ng galit na nararamdaman nya. Ilang segundo bago magpatuloy, biglang may kumatok sa pinto at narinig ang boses ng anak nila. Binalik ni Antonio ang tingin kay Anna na agad naman inayos ang sarili. " Hindi pa tayo tapos, Anna. Mag uusap pa tayo mamaya. Pasalamat ka dumating anak mo. "

Hindi na lamang nagsalita si Anna, iniwas na lamang nya ang tingin at bumalik sa kama ni Javianna para ayusin ang binubuklat nya kaninang notebook. Naramdaman na lang nya ang panlalambot ng tuhod nang marinig ang pagsara ng pinto senyales na wala na ang asawa sa loob ng kuwarto.

" Diyos ko..." Napahawak sa dibdib si Anna, kasabay ng pagpatak ng luha nya. Magkakahalong takot at awa para sa sarili ang nararamdaman nya, unti-unting napagtatanto kung ano ang kaniyang pinasok. " Hindi naman ito ang buhay na pinangarap ko. "

Napatingin siya sa bintana nang marinig ang pagbuhay ng makina ng sasakyan mula sa labas. Tumayo siya at marahang hinawi ang kurtina ng bintana, nakita niya ang anak at asawa na sumakay ng kotse, umalis nang hindi na naman sya kasama. Malamang sa labas na naman kakain ang dalawa dahilan para pumasok ang isang ideya na matagal na nyang pinag-iisipan.

Dinukot ni Anna ang cellphone sa bulsa ng suot na pantalon, pumunta sa contact list at matagal tinitigan ang numero ng balak nyang tawagan bago inilagay sa tainga ang cellphone.

" Hello? " Unang bungad sa kabilang linya. Nakatakip na lamang ng bibig si Anna nang kumawala ang hikbi sa bibig nya. "Anna? "

" Javier..." Nanginginig na sambit ni Anna sa pangalan ng lalaking tunay na minamahal niya. " Please, kuhanin mo na ako rito. Ayoko na rito. "

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • BOOK 2: Maid For You Too   CHAPTER 40

    CHAPTER 40 Mariing napalunok si Jessie, pinakiramdaman ang mga tao sa paligid nila na may kaniya-kaniyang mundo. Hindi niya inasahan na siya ang tatanungin ni Anna patungkol sa isa sa pinakamalalang isyu sa pamilya nila na matagal ng kinalimutan ngunit naungkat na naman dahil sa sinu-suspetsang pagkakapareho ng pangyayari sa kasalukuyan. “ Narinig ko kagabi iyong mga naging pagtatalo sa baba...” ani Anna nang makita ang pagdadalawang isip ni Jessie. “ Hindi naman kita pipilitin mag-kuwento kung hindi ka komportable. Gusto ko lang maliwanagan sa mga narinig ko kahapon. “ Mariing lumunok si Jessie at naiilang na tumingin kay Anna. “ A-Ano-ano ba iyong mga narinig mo kahapon? “ “ Iyong tungkol sa nangyari na noon, naulit na naman ngayon...” Nakaramdam nang matinding bigat sa dibdib si Anna sa ideya na paano kung totoo ang mga suspetsa ni Javier sa pagkamatay ng anak nila. “ At iyong tungkol sa nakatatanda niyong kapatid kung bakit mas pinili nitong manirahan sa malayo kahit okay na

  • BOOK 2: Maid For You Too   CHAPTER 39

    CHAPTER 39 Kapansin-pansin ang katahimikan sa buong bahay nang bumaba sina Javier at Anna mula sa kanilang kuwarto. Alas nuebe nang umaga, kadalasan ay sumasalubong na sa kanila ang kasambahay na si Vee na abala sa pagwawalis, ngunit nakabibinging katahimikan ngayon ang bumabalot sa salas na animo’y sila lang ang tao sa buong bahay. Patay ang mga ilaw at nakasardo din ang mga blinds sa bawat bintana. “ Kuya? ” mula sa likuran ng dalawa, nagsalita si Jessie na kalalabas lang din halos sa kuwarto. Hindi maipinta ang ekspresyon nito sa mukha habang nagdadalawang isip sa kung anong sasabihin sa dalawa. “ Ngayon...ngayon lang ba kayo bababa? “ Tumango si Javier. “ Aalis din kami kaagad. Babalik kaming clinic. “ Napalabi si Jessie at tumango-tango bago ibaling ang lingon kay Anna. “ Ate Anna, I’m sorry about what happened. Hindi ko sure kung paano kita ma-c-comfort, pero kung kailangan mo ng makakausap or makakasama, nandito lang ako... “ Napayuko si Anna, iniwasan ang tingin ni Jessi

  • BOOK 2: Maid For You Too   CHAPTER 38

    CHAPTER 38 “ What’s the commotion here? “ tanong ni Sasha nang maabutan ang pagtitipon-tipon sa kusina ng mga tao sa bahay. Lahat ay hindi maipinta ang mga hitsura, kabaliktaran sa abot-taingang ngiti na mayroon sa labi ni Sasha. “ Anyone? “ “ M-Ma'am Sasha, wala naman po. May ano lang...may tinatanong lang po si sir Javier tungkol sa ano...sa gatas po na iniinom ni Anna.” si Vee ang nagsalita, umaasang mapababa ang tensyon na mayroon sa kusina kung siya ang magpapaliwanang ngunit hindi pa man siya tapos sa pagsasalita ay humakbang na si Javier palapit sa ina na unti-unting nawala ang aliwalas sa mukha nang makita ang madilim na ekspresyon ng anak. Kinuha ni Javier ang kahon ng gatas na hawak ng ama upang iabot ito sa ina. “ Drink it. “ Gumuhit ang pagtataka sa mukha ni Sasha sabay baba ng tingin sa hawak ni Javier. “ Why do I need to drink it? “ “ Para malaman mo iyong sagot sa tanong mo, “ sambit ni Javier dahilan para lalong malito ang ekspresyog nakaukit kay Sasha. “ Serio

  • BOOK 2: Maid For You Too   CHAPTER 37

    CHAPTER 37 “ Javier, please...” Pumagitna si Estrella sa pagitan ni Javier at Anna upang putulin ang anumang tensyon na nabubuo sa pagitan ng dalawa. “ Huminahon ka sa pagtatanong. Hindi ito ang tamang oras para mag-away kayong dalawa. “ “ Hindi ko naman siya inaaway, Estrella. Tinatanong ko lang naman kung anong klaseng gatas ang iniinom niya. “ Marahang paliwanag ni Javier bago muling ibaling ang tingin kay Anna. “ Pero since hindi niya alam, dapat ba akong mapanatag sa sagot na ‘yon? Paano kung may ingredients pala iyon na hindi pala maganda sa bata? “ Umiling si Anna, naluluha ang mga matang inangat ang tingin kay Javier. “ Naririnig mo ba ang sarili mo, Javier? Ilang taon na si ate Vee na nag t-rabaho sainyo hindi ba? Tatlo kayong magkakapatid na dumaan sa kaniya. Siya nag-alaga sainyo noong mga bata pa kayo, kaya bakit naman niya ako paiinumin ng gatas kung alam niyang makakasama iyon sa bata? “ “ Anna, baka nakakalimutan mo kung nasaan tayo nakatira? “ sagot ni Javier ra

  • BOOK 2: Maid For You Too   CHAPTER 36

    CHAPTER 36 “ I’m sorry to say this, pero...” Itinigil ng Doktora ang ginagawa sa tiyan ni Anna at maungkot ang mga matang pinukol sa dalawa.“...wala na pong heartbeat ang baby niyo, Mommy. “ Bumalot ang katahimikan sa buong kuwarto nang bigkasin ng Doktora ang mga katagang taliwas sa inaasahang marinig ng dalawa. Nanigas si Javier sa kinatatayuan niya, tila nalaglag ang puso sa narinig niya, habang tila nakalimutan naman ni Anna ang huminga dahilan para mag panic siya. “ D-Doc, a-ano hong ibig niyong sabihin na walang heartbeat? ” Nanlalamig ang katawan ni Anna na naupo mula sa pagkakahiga niya, nanginginig ang kamay na hinawakan ang braso ng Doktora. “ Paano pong walang heartbeat? Hindi ho kaya sira lang itong gamit niyo? Baka po may diperensya? Ulitin niyo nga po pag-scan, please. “ “ Mommy, sandali lang, kumalma muna ho kayo...” Pakiusap ng Doktora nang maramdaman ang higpit ng hawak ni Anna sa braso niya. Tumingin ito kay Javier upang pakiusapan na tulungan siya subalit nakat

  • BOOK 2: Maid For You Too   CHAPTER 35

    CHAPTER 35 “ I love you...” ang mga katagang hindi mawala-wala sa isip ni Anna. Paulit-ulit, tipong kada hinga ay nag e-echo sa utak niya ang boses ni Javier habang binibigkas ang mga salitang ngayon lamang niya narinig mula sa lalaki. Idinilat niya ang mata, humingang malalim bago dahan-dahang umikot ng kama paharap kay Javier na mahimbing nang natutulog sa tabi niya. Tumingin siya sa orasang nakasabit sa pader, mag a-alauna na nang madaling araw at hindi pa rin siya dinadalaw ng antok. Marahil dahil sa dami ng tumatakbo sa isip niya patungkol sa kasal na gaganapin na sa susunod na linggo at sa katotohanang inihayag sa kaniya ng magiging asawa. “ Mahal mo talaga ako? “ Pabulong na tanong ni Anna, tahimik na pinagmamasdan ang natutulog na si Javier. Wala sa sarili siyang napangiti nang makaramdam ng paru-paro sa kaniyang tiyan, animo’y kinikiliti siya upang tumawa. “ Hindi nga? Mahal mo ‘ko? “ Hindi alam ni Anna kung anong oras na siyang nakatulog dahil sa daming tumatakbo sa isip

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status