Share

CHAPTER 03

Penulis: janeebee
last update Terakhir Diperbarui: 2025-04-29 14:09:31

 CHAPTER 03 

Mula pagsakay ng eroplano hanggang sa pagbaba ay hindi nawala ang malaking ngiti sa labi ni Estrella habang nilalanghap ang hangin mula sa bansang kaniyang sinilangan. Hindi alintana ang maalikabok at mainit na panahon sa kaniya nang makalabas ng airport. Para siyang isang batang excited umuwi, habang ang kasama naman niya ay kunot ang noo habang panay ang tingin sa relos.

“ Nasaan na kaya si Manong Cesar? After lunch sabi ko dapat nandito na siya, “ ani Sebastian saka dinukot ang phone para tawagan ang driver nang hawakan ni Estrella ang kamay niya kaya napalingon siya rito.

“ Hayaan mo na, hindi nama tayo nagmamadaling umuwi di ba? Saka tignan mo, mukhang traffic din. “ Nginuso ni Estrella ang mga sasakyan na nasa kabilang kalsada malapit sa harap nila. May kabagalan ang usad kaya muling nagpakawala nag malalim na buntong hininga si Sebastian. Natawa si Estrella, inilibot ang paningin sa paligid para  maghanap ng bakanteng upuan ngunit wala siyang makita. “ Gusto mo pasok uit tayo sa loob? Para makaupo ka? “

“ No, I’m good. Hindi naman ako nangangalay. Ikaw ba? “ Nilingon ni Sebastian ang luggage cart sa tabi niya at tinulak ito nang bahagya palapit sa asawa. “ Gusto mo dito ka muna maupo?  “

“ Naku, hindi na baka may masira pa ako diyan. Mabigat ako. “ Nahihiyang pagtaggi ni Estrella sapagkat bata lamang din ang nakikita niyang nauupo sa cart na puno ng bagahe.

“ Anong mabigat? Gaan mo nga. “ Pilyong ngiti ang gumuhit sa labi ni Sebastia nang mapagtanto ang iba pang kahulugan ng mga salitang lumabas sa bibig niya.  “ Nagawa nga kitang buhatin nag ilang beses. “

Agad naman itong naunawaan ni Estrella na nangamatis ang buong mukha sabay hampas sa braso ng asawa. “ Ang bastos mo...”

“ Bakit? Anong bastos sa sinabi ko? “ tila inosenteng tanong ni Sebastian na bahagyang natatawa nang makita kung gaano kapula ang mukha ni Estrella. 

“ Sebastian naman, nakakahiya. Tama na, please. “Pabulong na wika ni Estrella habang pinapaypayan ang sarili gamit ang mga palad. Paulit-ulit niyang naririnig kung gaano siya kagaan at ang mga larawan sa isip niya mula sa mga pangyayaring hindi niya kailanman malilimutan.  Gusto niyang magkulong ngayon sa isang kuwarto para mailabas ang emosyong hindi pa niya mailabas dahil nahihiya siya sa asawa.

“Pinagpapawisan ka na, oh. “ Pinunasan ni Sebastian ang ilang namumuong pawis sa noo  ni Estrella na tila nakuryente kaya bahagyang napatalon sa gulat sa ginawa ni Sebastian.

“ Sir Sebastian! Ma’am Estrella! “ Nakuha ang atensyon ng mag-asawa nang marinig ang pamilyar na boses ni Manong Cesar na lakad-takbong lumalapit sa puwesto nila. “ Pasensya na po na-late ako. Sobrang traffic po kasi sa labas ngayon. “

“ Naku, walang kaso po, ‘yon. Ang mahalaga nakarating ho kayo. Halika na ho, “ ang kaninang kalmadong si Estrella, ay siya ngayong tila natataranta dahil sa hiyang nararamdaman niya. Pasimple niyang sinulyapan si Sebastian na nakatingin rin sa kaniya kaya lalo siyang pinagpawisan. Parang  bumalik sa pagiging teenager si Estrella na umiwas  agad ng tingin dahil sa magkahalong kilig at hiya nang mahuli siya ng crush niyang sumusulyap nang palihim.

***

“ Welcome home, Mister and Misis Martinez! “ Masayang salubong ng mga kasambahay sa pagdating ng mag-asawa mula sa hindi malilimutang honeymoon trip. Agad namang sinalubong ni Estrella ng yakap si Anna dahil sobra niya itong na-miss at marami din siyang nais ikuwento sa kaibigan. Sunod niyang niyakap ang mayordoma at ang dalawa pa nilang kasambahay na excited rin sa pagbabalik nila. 

“ Kumusta naman ang byahe niyo, Sir? Grabe daw ang traffic ngayon. Akala ko nga’y hapon pa kayo makakauwi. Mabuti na lang sumakto ang dating niyo ngayong tanghalian, “ ani Manang Susan kay Sebastian.

“ Mabuti nga ho nakauwi kami kaagad at takam na takam na ang asawa ko sa kare-kareng luto niyo, “ sagot naman ni Sebastian saka nilingon si Estrella na masayang nakikipagkuwentuhan agad sa tatlong kasambahay. “ Noong isang araw, sopas ang gusto. Kahapon, kare-kare at hanggang ngayon, iyon ang hinahanap na ulam. “

“ Dinamihan ko nga ng pechay kagaya ng request ni Ma’am. Naparami nga yata ang luto ko, na-excite kasi ilang araw din akong hindi nakapagluto ng mga putaheng gusto niyo, “ ani Manang Susan saka tumingin kay Estrella. “ Maraming masasarap na pagkain doon sa bansang pinuntahan niyo, pero  lutong bahay pa rin ang hanap niya. Hindi kaya naglilihi na ang asawa niyo, Sir? “

Mas sumilay ang ngiti sa labi ni Sebastian na sinundan ng tawa kaya napalingon sa kaniya ang lahat pati si Estrella na bakas ang pagtataka sa mukha.  “ I hope so. “ 

Nang nakapagpananghalian, sa halip na pagpahinga ang mag-asawa ay pinili munang pumasok ni Sebastian sa kaniyang opisina upang silipin ang mga trabahong iniwan. Habang si Estrella naman ay nakigulo muna sa ibaba, tumulong sa ilang hugasin  na kahit na anong saway sa kaniya na huwag na gumawa, pinili pa rin niyang kumilos upang mapadali ang mga kailangan ligpitin.

“ Anna, halika dito, dali! “ Excited na tawag ni Estrella sa kaibigan dahil nang matapos sa mga gawain, agad silang tumugo sa likurang bahay upang doon magkuwentuhan ng mga bagay na kay Anna lamang nais ibahagi ni Estrella. “ Oh, dala mo pa rin iyong chocolate? Kanina mo pa yan kinakain, ah? “

“ Inuunti-unti ko lang baka kasi maubos kaagad. Ang sarap, eh.” Naupo si Anna sa isang silya kaharap si Estrella na natawa na lang sa narinig. 

“ Marami pa naman tayo niyan, ‘no? Kuha ka lang doon sa ref, maglalagay ulit ako mamaya, “ saad naman ni Estrella bago lumipat ng silya upang tumabi kay Anna na bahagyang natawa dahil halatang-halata kung gaano kasabik si Estrella na magkuwento. “ Anna, paano mo malalaman na nagdadalang tao ka na? “

Napatigil naman sa pag-nguya si Anna habang nalalaki ang mga mata. “ B-Buntis ka na? “

Umiling si Estrella. “ Hindi pa naman siguro. B-Bigla ko lang naitanong para naman alam ko mga gagawin ko kapag nakaramdam na ako ng mga sintomas kapag nagdadalang tao na ako. Katulad na lang ng pagkahilo  o pagsusuka? Araw-araw ba siya?“

“Ano ka ba, huwag mo masyadong i-overthink ang mga ‘yan. Ang dapat mong paghandaan e iyong pagbubuntis mo. “ Natatawang sagot ni Anna saka napahawak sa dibdib. “ Grabe, na-excite ako doon, ah. Akala ko buntis ka na. Ang bilis kako? “

Kumunot noo ni Estrella. “ Mabilis ang alin? “ 

“ Mabuntis. Wala pa naman isang buwan simula noong ikasal kayo ulit ni Sir then last last week lang din kayo nag honeymoon ‘ di ba? “ tanong ni Anna ngunit makaraang saglit lang ay may napagtanto siya kaya sumilay ang ngisi sa labi niya. “ Well, kunsabagay hindi naman ito ang unang kasal at honeymoon niyo ni Sir. May morning sickness na ba? “

Umiling si Estrella. “ Wala pa namang ganoon yata. Normal naman kasi iyong paghahanap ng mga lutong bahay kapag nasa ibang bansa, di ba? Hindi naman siya pregnancy cravings kaagad? “

“ Siguro? “ hindi siguradong sagot ni Anna kaya di rin nakunento sa nakuha si Estrella. “ Gusto mo bang check? Mayroong malapit na botika sa labas. Gusto mo bili akong pregnancy test? “

“ Hindi, huwag na at baka kung ano pa isipin ng makakakita. “ Nakaramdam agad  ng takot si Estrella sapagkat hindi niya alam ang magiging reaction kapag nakita niya ang anumang resulta. 

“ Hindi ka pa ba ready magka-baby? “ may pag-aalinlangang tanong ni Anna nang makita ang pagbabago ng ekspresyon ni Estrella. 

Napanguso si Estrella saka sumandal sa silya. “ Paano ba masasabing ready ka na? “

“ Hindi ko rin sure dahil hindi pa rin naman ako nagiging isang Nanay. Pero  marami kang dapat i-consider sa bagay na iyan, eh. Siyempre dapat mentally, physically emotionally and  financially stable ka kapag bubuo na ng pamilya. Nakikita mo na ba sarili mo na maging isang ina? “

Tumango si Estrella. “ Ini-imagine ko siya minsan kapag nag-iisip isip ako. Minsan nga nananaginip pa ako na may baby na raw ako, kaya kapag nagigising ako mula sa panaginip na iyon, parang biglang may napakalaking kulang saakin. Mapapaluha ka na lang, ganoon. “ Kuwento ni Estrella.

“ Talaga? Parang kakaibang panaginip iyan, ah? Hindi kaya sign na rin iyan? “ takhang tanong ni Anna, hindi maiwasang mamangha sa ibinahagi ni Estrella sapagkat wala pa siyang panaginip kagaya ng sa kaibigan. “  Napag-uusapan niyo naman siguro iyan ni Sir, ‘no? “

“ Napag-uusapan na rin naman namin siya ni Sebastian at hindi nama niya ako pini-pressure sa bagay na ‘yan, pero alam mo ‘yon? Parang ang laking kabawasan saakin bilang asawa  na paano kung di ko pala siya kayang bigyan ng anak? Paano kung mainip siya bigla---”

“ Este, ako nagsasabi sayo hindi maganda iyang pag o-overthink na ginagawa mo. Masisira lang mood mo sa pag-iisip ng mga negative. “ Pigil ni Anna na napabuga na lamang sa hangin bago ibinaba sa mesa ang kinakaing chocolate. “ Alam mo, hindi mo naman kailangan mag-isip masyado tungkol sa mga bagay na iyan e, kasi sa totoo lang nasasayo naman na ang lahat. Madali na lang iyan solusyunan. “

“ Anong ibig mong sabihin? “ Takhang tanong ni Estrella.

“ Napakarami ng ways or choices para magkaroon ng baby sa panahon natin ngayon, Este. Wala kang dapat alalahanin kung sakali ngang magka-problema ka dahil si Sir na ang bahala sayo. Relax ka lang, okay? Baka nakakalimutan mo, milyorayo ang napangasawa mo kaya easy na lang ‘yan sainyo. Relax lang . “ Kaswal na saad ni Anna na kinatikom ng bibig ni Estrella sapagkat hindi niya inaasahan ang nakuhang sagot mula sa kaibigan. 

“ H-Hindi naman tungkol sa pera ang pinag-uusapan natin, Anna..,”

“ Hindi nga. “ Inosenteng saad ni Anna, nagtataka sa biglaang pagbabago ng mood sa pagitan nila. “ Teka, may nasabi ba akong mali or di mo nagustuhan? “

Pilit ang ngiti ni Estrella na umiling. “ Wala naman. Baka ako lang siguro ‘to. “

Agad namang nakaramdam ng konsensiya si Anna. “ S-Sorry, Este. Hindi ko alam kung ano iyong nasabi kong hindi mo nagustuhan pero wala akog ibang intensyon doon. Sorry. “

“ Ano ba, okay lang ako, Anna.  Huwag mo na isipin ‘yon. Baka dala lang din siguro ‘to ng pagod kaya medyo ano ako ngayon...” hindi alam ni Estrella ang salitang id-describe sa nararamdaman niya kaya idinaan na lamang niya sa pilit na tawa at pag-iiba ng topic para mawala ang tensyon na nabuo sa pagitan nilang magkaibigan.  

*** 

Isang malalim na buntong hininga ang kumawala kay Anna matapos mapagtagpi-tagpi ang bumabagabag sa isip niya ilang oras na ang nakararaan. 

“ Napaka insensitive mo, Anna. Aanga-anga ka na naman. “ Bulong sa sarili, binabalot ng hiya at konsensya sa napagtanto dahil batid na  niya ang rason kung bakit hindi nagustuhan ni Estrella ang lumabas sa bibig niya kanina. Masyado siyang naging komportable at nalimutan ang limitasyon niya bilang kasambahay at kaibigan ni Estrella.

“ Anna, matatapos ka na ba dyan? “ Napalingon si Anna sa pinto nang marinig ang katok mula sa labas ng banyo.

“ Malapit na po ate Toyang. Patapos na po! “ sagot niya saka muling nagbuhos ng tubig mula sa tabo upang tapusin ang paglilinis ng katawan bago tuluyang matulog.

Alas otso na ng gabi, tapos na sila sa mga gawaing bahay kaya oras na para makapagpahinga ang mga kasambahay na madaling araw pa lang ay gising na para paghandaan ang pagdating ng mag-asawa mula sa isang linggong bakasyon sa ibang bansa. 

“ Grabe ang daming binili saatin ni Maam Estrella. Tuwang-tuwa panigurado ang mga anak ko sa chocolate na parang isang buwan ata ang itatagal sa bahay bago maubos. Ang dami! “ Tuwang-tuwang  saad ni Luz, kinukunan ng litrato ang mga binigay sa kanila ni Estrella  na pasalubong. “ Mayroon pang mga sabon at pabango, oh! Iyong pabango, dito na lang saakin ito at baka pag-awayan pa ng dalawang dalaga ko. “

Bahagyang natawa si Anna habang inaayos sa paper bag ang mga pagkain at gamit galing kay Estrella.  Ilang beses na niyang sinuri kung may iiwanan siyang gamit para sa sarili niya pero palaging nauuwi sa buntong hininga dahil lahat ng bigay sa kaniya ay mapupunta rin sa magulang at mga kapatid niya. Iyong chocolate ay wala namang problema dahil marami namang nakalagay sa ref sa kusina. Pero iyong mga mababangong sabon, shampoo at pabango ay hindi niya magagamit dahil iuuwi lamang niya ang mga ito sa probinsya sa susunod na linggo.

Nalipat ang tingin ni Anna sa cellphone nang marinig ang ringtone nito. Rumehistro ang pangalan ng kaniyang kapatid kaya kinuha niya ito at sinagot gamit ang mahinang boses upang di makaabala kay Luz na nasa kabilang kama, kausap na rin ang pamilya sa kabilang linya, ibinibida ang mga bigay ng amo nila.

“ Hello, Allan? Kumusta? Napatawag ka yata? “ Pangungumusta ni Anna sa kapatid na sumunod sa kaniya. Sumandal siya sa headboard ng kama at inayos ang paper bag na nasa gilid niya.

“ Ate, may dalawang libo ka ba dyan ngayon? Puwedeng pahiram  muna? Ibabalik ko bukas, promise. “ Napaalis agad si Anna sa pagkakasandal sa narinig niya sa kabilang linya.

“ Wala man lang hi or hello? Ang gandang bungad, Allan, ha? Ano bang gagawin mo sa dalawang libo? Nasaan ka ba? Bakit ang ingay? “ tanong sa kapatid saka siya umalis sa kama para lumabas ng kuwarto nila. “ Allan, ano na? Nasaaan ka ba ngayon? Bakit ang ingay ng backgroud? “

“ Nasa mga kaklse ko lang ako ngayon. Nagkakasiyahan lang kaya maingay. Ate, iyong dalawang libo padala mo na kaagad saakin, please. Kailangan ko ngayon, eh. Huwag mo na lang babanggitin kina Nanay at Tatay, okay? “

“ Ha? Teka, bakit naman? Ano na namang kalokohan ‘yang inaatupag mo? “ may halong inis at pag-aalala ang boses ni Anna habang papunta sa kusina para sana magkaroon sila ng masinsinang pag-uusap ng kapatid nang mamatay na ang tawag. “ Anak ng tupa naman, oh. Ano na nama bang pingagagawa niya sa buhay? “

Sinubukang tawagan ulit ni Anna ang numero ng kapatid pero pinapatay nito ang tawag at nagpapadala na lamang ng message na i-send agad ang hinihiram na pera gamit ang e-wallet. Paulit-ulit na tinatanong ni Anna ang rason subalit wala siyang nakukuhang matinong sagot. Sa kabila ng inis, mas nangingibabaw ang pag-aalala niya sa kapatid kaya wala siyang nagawa kundi pahiramin ito ng pera kahit walang kasiguraduhang maibabalik pa sakaniya. Hindi ito unang beses na nangyari sa kaniya ang panghihiram ng kapatid ng pera, maraming beses na nahiraman si Anna ng pera ng kapatid niya pero ni piso ay walang bumabalik sa kaniya.  

janeebee

Hello, guys! Sorry sa late upload ng chapter 3. Naging busy lang nitong mga nakaraang araw. Sana po suportahan niyo ang BOOK 2 ng MFY kagaya ng pagsuporta niyo sa BOOK 1. Salamat po!

| 2
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • BOOK 2: Maid For You Too   CHAPTER 27

    CHAPTER 27 Akala ni Anna, sanay na ang mga mata niyang makakita ng mga magagara at nag lalakihang bahay sa ilang taon niyang pagta-trabaho sa siyudad, ngunit hindi pa rin niya maiwasang mamangha nang makarating sa bahay na pagmamay-ari ni Sasha. May dalawang palapag ito at ang parking space ay tila kasing-laki lamang ng bahay nila sa probinsya. Dalawang sasakyan ang nakaparada doon--isang sedan at crossover. Ang railing ay gawa sa salamin na para bang nakakatakot nadampian ng kamay niya dahil baka mabasag. “ Sa picture ko lang nakikita dati bahay niyo. Ngayon nandito na ako...” wala sa sariling sambit ni Anna, tulala pa ring pinagmamasdan ang bahay na nasa harap niya. Kanina pa sila nakababa ng sasakyan, kasama ang dalawang maleta na dala-dala nila ni Javier. “ Saan mo nakita? “ tanong ni Javier, pinunasan ang pawis sa sentido niya habang nakaangat ang tingin sa ikalawang palapag ng bahay. Huling punta niya, wala na sa balkonahe ang mesa at silya na madalas niyang tambayan noong

  • BOOK 2: Maid For You Too   CHAPTER 26

    CHAPTER 26 Tahimik na pinagmamasdan ni Javier si Anna na abalang nakikipag-usap sa tumawag sa cellphone nito, bahagya itong nakatalikod sa kaniya kaya hindi niya makita ang mukha ni Anna. Kung pagbabasehan ang galaw ng katawan, kita ang gaslaw sa kilos at ang paulit-ulit na pagtapik at pagkaskas ng kamay sa hita na nagpapakita ng ngasiwa. Hindi alam ni Javier kung sino ang kausap nito dahil cellphone number lang ang rumehistro sa screen noong makita niyang sinagot ito ni Anna. Sumandal si Javier sa silya nang ialis ang paningin kay Anna. Sa halos tatlong araw niyang nawala, hindi naalis sa isip niya si Anna. Nahirapan siyang i-proseso ang lahat ng mga kaganapan ngunit hindi sumagi sa kaniyang isipan na talikuran ang responsibilidad niya. Sa isla kung saan siya pumunta para sa isang trabaho, nakatulong rin ito sa kaniya para makapag-isip ng mga nararapat na solusyon at paraan para sa buhay na nag aabang sa kaniya pag-uwi. Mahina ang signal sa isla at minsan ay nawawala pa kaya an

  • BOOK 2: Maid For You Too   CHAPTER 25

    CHAPTER 25 Malaking halaga ng pera ang kakailanganin ng pamilya ni Anna sa sitwasyong kinahaharap nila ngayon at lahat sila ay problemado kung saan kukuha ng mga panggastos lalo’t hindi nila alam kung kailan magkakamalay si Allan. Bawat araw sa ospital, libo ang kailangang ilabas upang maipagpatuloy ang buhay ng kapatid na nakikipaglaban sa kamatayan. “ Malapit na tayo, Anna. “ Nabalik sa realidad ang isip ni Anna nang marinig ang boses ni Javier sa tabi niya. Tumingin siya sa labas ng bintana ng bus at nakitang malapit na silang bumaba ng terminal. Humugot nang malalim na buntong hininga si Anna at napayakap sa sarili dahil sa lamig ng aircon na tumatagos sa loob ng balat niya. “ P-Parang hindi ko kayang humarap ngayon kina Nanay at Tatay. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanila na wala na akong trabaho kung kailan kailangan namin ngayon ng pera para sa mga magiging bayarin sa ospital. “ Kinuha ni Javier ang kamay ni Anna at marahan itong pinisil-pisil. “ Huwag mo masy

  • BOOK 2: Maid For You Too   CHAPTER 24

    CHAPTER 24 Nakatitig si Anna sa mahigit sampunglibo sa kama niya, malalim ang iniisip matapos makatanggap ng tawag mula sa lumuluhang ina. Hanggang ngayon ay kumakabog ang dibdib niya, binabalot ng takot at pag-aalala para sa kapatid niyang nakaratay sa kama. “ Anak, n-nasa ospital kami ngayon dahil iyong kapatid mo, si Allan, di ko malaman kung napag –tripan o ano pero bugbog sarado siya. Wala pa rin siyang malay hanggang ngayon, p-pero ang daming dugo na nawala sa kaniya kaya natatakot ako baka kung ano mangayari sa kapatid mo, jusko...” paulit-ulit naririnig ni Anna sa isip niya ang sinabi ng ina patungkol sa nangyari sa kapatid. Hindi niya alam ang buong pangyayari o kung paano nahantong ang kapatid niya sa ganoong sitwasyon dahil nahihirapan ang kaniyang ina sa pagsasalita sa labis na nerbyos. Kinuha ni Anna ang sampung libong papel na inilatag niya sa kama upang ibalik sa sobre. Iyon lamang ang perang naitabi niya sa ilang taong pag t-trabaho bilang kasambahay. Wala siyang ma

  • BOOK 2: Maid For You Too   CHAPTER 23

    CHAPTER 23 Blangkong ekspresyon ang nakaukit sa mukha ni Estrellita habag pinagmamasadan ang likod ni Adam na kasalukuyang nagsasalin ng champorado sa dalawang malalim na mangkok. Nakaupo si Estrellita sa isang silya, ang silya na palagi niyang inuupan sa tuwing kakain silang dalawa ni Adam sa mesa sa kusina. “ Kapag natabangan ka, dagdagan mo na lang ng gatas. “ Binaba ni Adam ang isang tray kung saan naroon ang dalawang mangkok—ang isa ay may gatas habang ang isa naman ay wala. Kinuha ni Adam ang mayroong gatas at binaba sa harap ng dalaga habang ang wala naman ay inilagay sa puwesto niya. “ Thank you. “ Ngumiti si Estrellita, hinalo-halo ang champorado gamit ang kutsara niya. Saglit niyang ninakawan ng tingin si Adam na sakto ring tumingin sa kaniya dahilan ng pagtama ng mga mata nila. Tumikhim si Estrellita, umayos ng pagkakaupo sa silya at muling binalik ang atensyon sa champorado niya. Namayani ang ilang minutong katahimikan sa buong bahay, walang kapayapaan dahil ang kani

  • BOOK 2: Maid For You Too   CHAPTER 22

    CHAPTER 22 Tahimik na kinakain ni Anna ang huling slice ng pizza na binitbit niya sa kalagitnaan ng byhae pauwi kasama ang mag-asawang abala sa pag-uusap patungkol sa sitwasyon nila Estrellita at Adam. “ Magkakabalikan pa kaya sila? “ hindi maiwasang tanong ni Estrella, nakatingin sa bintana sa gilid niya at pinagmamasdan ang mailaw na mga gusaling dinadaan nila. “ Nakakapanghinayang dahil may hindi lang sila pagkakaintindihan nang kaunti, nauwi agad sila sa hiwalayan. Sana maging maayos din sila pagkatapos nito. “ “ Parang sinabi mo kanina na okay lang sa’yo na maghiwalay muna sila? “ takhanong tanong ni Sebastian nang maalala ang opinyon kanina ng asawa nang ikinu-kuwento nito ang naganap kanina bago sila napunta sa bar. “ Oo nga, pero sana maayos iyong maging paghihiwalay nila. Hindi iyong kagaya nitong parang puro galit ang pinanghuhugutan ni ate Estrellita kay Adam, “ ani Estrella, “ Maganda naman ang naging relasyon nila, nakakalungkot naman kung matapos siya nang masama

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status