CHAPTER 04
“ Parang masyadong maraming lumpiang shanghai ginawa ko, ngayon? Naka dalawang palanggana ako, oh!” ani Luz nang makita ang mala-bundok na lumpiang shanghai sa dalawang palanggana sa harap niya. “ Wala pa yata sa trenta ang bisita na darating mamaya. Isang palanggana na lang muna siguro lutuin ko. “
“ Matataba rin kasi ang pagkakagawa mo ate Luz, sakto lang ‘yan. Tingin ko nga mukhang ubos iyang dalawang palanggana na ‘yan mamaya. Lutuin na natin lahat. “ Hikayat naman ni Toyang na inihahanda na ang malaking kawali na pag p-prituhan ng mga lumpiang shanghai.
“ Magtago na lang po tayo ng ilang shanghai para kung sakaling maubos mamaya, at least mayroon po tayong naitabi, ‘di ba? Tiyak po kasing may mag uuwi rin mamaya, “ segundo ni Anna na nakisingit sa usapan habang hawak ang mga plato na dadalhin sa garden. “ Nagtago na rin po pala ako ng maja blanca sa kuwarto natin. “
Agad namang sumang-ayon ang dalawang kasambahay na kinahagikhik ni Anna bago tuluyang lumabas ng bahay dala ang mga platong ibababa sa mesa. Naabutan niya ang mayordoma na nag-aayos ng mga palamuti sa garden dahil mamayang hapon ay may magaganap na mini celebration ng pag-uwi kahapon nina Estrella at Sebastian mula sa honeymoon trip. Ilang malapit na pamilya lamang ang mga imbitadong kompirmadong dadalo sa kasiyahan, kabilang na ang lola at lolo ni Estrella na pinasundo na ni Sebastian kay Manong Cesar sa probinsya. Ang kakambal naman ni Estrella na si Estrellita ay pupunta rin kasama ang kasintahan nito. Hindi nga lang makakasama ang magulang nila na kasalukuyang na sa ibang bansa dahil sa trabaho.
“ Pupunta kaya si Sir Javier? “ hindi maiwasang tanong ni Anna sa sarili nang silipin saglit ang cellphone niya dahil wala pa ring reply ang binata sa message na pinadala niya kaninang umaga. Ilang araw na silang hindi nagkikita at wala pa rin siyang balita sa kinalabasan ng pakikipag-ayos nito sa ina. Bukas na rin ang alis nito pa-ibang bansa para sa sinalihang kompetisyon kaya nalulungkot si Anna na ni anino ni Javier ay hindi pa rin niya nakikita.
“ Anna, paki-palitan nga iyong mga kubyertos dito. Manipis iyong iba, maglabas ka ng bago at ipalit mo sa mga luma dito. “ Utos ni Manang Susan nang mapansin ang ilang pangkaraniwang kubyertos sa lagayan. Agad namang sumunod si Anna at muling pumasok sa loob para pumunta sa kusina nang makasalubong si Estrella na may dala namang kakanin na siya mismo ang gumawa.
“ H-Hi, Ma’am Estrella...” hindi alam ni Anna kung paano babatiin ang kaibigan matapos mapagtanto kung anong mali sa sinabi niya kahapon.
“ Ha? Anong Ma’am Estrella ka diyan, Anna? Ayos ka lang? “ Gumuhit naman ang pagtataka sa mukha ni Estrella dahil sa paraan ng pagbati sa kaniya ni Anna. “ May problema ba? “
“ W-Wala naman. Gusto ko lang mag sorry sa kahapon. “ Nahihiyang saad ni Anna. “ Pasensya na talaga at minsan hindi ko iniisip iyong lumalabas sa bibig ko. Hindi ko intensyon na masaktan ka dahil sa sinabi ko. “
“ Ano ka ba, wala naman na ‘yon. Kalimutan na natin iyon, Anna. “ Pakiusap ni Estrella, marahang tinapik ang kaibigan sa balikat. “ Pasensya na rin sa naging reaction ko. Alam ko naman na gusto mo lang din akong payuhan at tulungan sa problema ko kahapon. Medyo iba lang naging dating ng sinabi mo saakin, pero wala na ‘yon. Naiintindihan ko na iyong gusto mong iparating doon sa sinabi mo kumpara sa una kong pagkakaintindi. “
Napalabi si Anna. “ Salamat, Este. Pasensya na rin talaga. Kagabi pa ako di mapakali, eh. Gustong-gusto kitang kausapin pero pinapangunahan ako ng kaba at hiya dahil late ko na-realize iyong pagkakamaling nagawa ko. Buti na lang ngayon, pinansin mo ako. “
“ Naku, pasensya ka na rin kahapon at medyo naging ilag ako. Mali ko rin naman na hindi ko sinabi sayo kaagad iyong naging problema kaya umabot pa ng umaga iyong pag-iisip mo. Pero ngayon okay naman na ako, promise. “ Itinaas nang bahagya ni Estrella ang kanang kamay tanda ng pagpapakitang nagsasabi siya nang katotohanan. “ Hindi ko na rin masyadong ino-overthink iyong mga bagay-bagay na hindi pa naman nangyayari. Nakakawala nga talaga siya sa mood kagaya nga ng sabi mo kahapon. “
Tila nabunutan ng tinik sa dibdib si Anna at hindi maiwasang maluha. Buong akala niya’y magtatagal ang sama ng loob ng kaibigan sa kaniya dahil hindi siya nito gaanong kinibo matapos ng naging pag-uusap nila kahapon. Kaya naman ngayon, laking ginhawa para sa kaniya ang lahat dahil wala ng ilangan sa pagitan nila ni Estrella.
***
Ala singko ng hapon, pabugso-bugsong nagsisidatingan ang mga bisita sa bahay ng Martinez, kabilang ang lola at lolo ni Estrella na hindi maitago ang pangungulila sa kanilang apo.
“ Tumataba ka yata ngayon, Este, apo. Wala pa naman yatang isang buwan noong huling kita natin pero nagkalaman iyang pisngi mo. “ Natatawang komento ni Lola Teodora nang matitigan ang kaniyang apo saka nilingon ang asawa sa tabi. “ Sandali nga, hindi kaya si Estrellita itong nasa harap natin, Emilio? “
“ Si Este ‘yan, ano ka ba? Hindi mo pa rin ba alam pagkakaiba noong dalawa? “ Napailing nama si Lolo Emilio, animo’y dismayado saka tinuro ang mukha ni Estrella. “ Kapag walang atsuete sa mukha, si Este natin ‘yan. Pero kapag pulang-pula ang labi at nandidilat ang mga mata, si Estreliita. “
“ Aba’y mapula naman ang labi ni Este, ah? “ Takhang tanong ni Lola Teodora saka pinagmasdan ang labi ni Estrella na mamula-mula.
“ Pero hindi kasing-pula ng kay Estrellita na napakatapang tignan, “ sagot naman ni Lolo Emilio sapagkat iyon ang unang basehan niya para makilala kung sino sa kambal ang lumaki sa kanila at ang ngayon lang nila nakilala. “ Pupunta ba ngayon dito ang kapatid mo, Este? “
“ Opo, pupunta po pero late na raw po sila makakarating. Sayang nga lang po at di makakasama si Mama at Tito Rod, “ ani Etrella na agad pinagsisihan ang huling sinabi. “ P-Pero hindi bali, ang mahalaga po nandito po kayo. Sobrang saya ko po kasi kahit malayo at matagal po byahe, nakapunta po kayo. “
Gumuhit ang lungkot sa mukha ni Lola Teodora at hinawakan ang kamay ni Estrella. “ Pasensya ka na kung pati ikaw ay kinailangang maipit sa sitwasyon namin ng Mama mo. Mukhang malabo na talaga na mapatawad pa niya kami. “
Nais itong sagutin ni Estrella at magbigay ng katiyakan na darating din ang panahon na mapapatawad din ng kaniyang ina ang dalawang matanda, ngunit pinili na lamang niyang manahimik dahil maski siya ay hindi alam kung may kapatawaran pa bang hinihintay ang lola at lolo niya mula sa ina.
Samantala, isang malakas na buntong hininga ang kumawala kay Anna nang mabasa ang mensahe mula sa kapatid patungkol sa hiniram nito kagabi. Humihingi tawad dahil hindi nito matutupad ang ipinangakong ibabalik ngayong araw ang pera.
“ Tignan mo ‘tong isang ‘to. Saan na naman ba niya kasi ginamit ‘yon? “ Inis na binulsa ni Anna ang cellphone niya at napabuntong hininga muli. Gusto niyang magtanong at magsumbong sa magulang nila pero ayaw niyang bigyan ng sakit sa ulo ang mga ito. Ilang linggo pa ang hihintayin niya bago makapag restday para makauwi sa probinsya at komprontahin ang kapatid na tila napapariwara sa buhay.
“ Anna, busy ka? “ Napalingon si Anna sa likuran nang marinig ang boses ni Toyang, may dala-dalang mga paper bag na naglalaman ng pasalubong mula sa ilang bista.
“ Hindi naman na po, ate Toyang. Kailangan niyo po ng tulong? “
“ Oo sana, eh. Paki-antabayanan sa labas iyong mag d-deliver ng lechon saatin? Naka-pickup. Malapit na raw, eh. Baka maligaw at sa ibang bahay madala iyong lechon, bayad na ‘yon. “
“ Ah, sige ho ako na bahala. Ngayon na ba? “ paniniguro ni Anna. Tumango naman si Toyang kaya sumunod na rin si Anna at lumabas ng bahay para abangan sa labas ang sasakyan nang makasalubong ang pamilya ni Javier.
“ Ay, good evening po, tuloy po kayo sa loob! “ Masiglang bati ni Anna sa kabila ng gulat at kaba nang magtama ang mata nila ni Sasha.
“ Is my son here? “ tanong agad ni Sasha gamit ang seryosong tono.
“ P-Po? Wala pa po dito si Sir Javier. “ Mababakasan naman ng pagkataranta ang boses ni Anna nang sagutin si Sasha. Hindi tuloy niya maiwasang lalong magtaka dahil sa binitawan nitong tanong. Hinahanap nito ang taong hinahanap niya rin. Anong nangyari sa naging pag-uusap ng mag-ina? Bakit walang paramdam si Javier sa kanila? Nasaan na ito ngayon?
“ Are you sure? “ tila may pagdududang tanong ni Sasha.
“ Y-Yes po, Ma’am. Ilang araw na nga pong hindi nadadaan dito si Sir Javier. Ang huling kita ko po sakaniya ay iyong noong nakaraang araw pa po. Plano nga po niyang umuwi raw po sa bahay niyo, eh...” Napalabi si Anna, hindi malaman kung dapat niya bang sabihin ang napag-usapan nila ni Javier tungkol sa pakikipag-ayos nito sa ina gayong walang kasiguraduhan kung natuloy ba ito o hindi.
“ Malabo na nga pong magpakita pa saatin si Kuya. Itinakwil na nga po tayo, ‘di ba? “ tila pagpaparinig ni Jessie na tuluyan ng lumakad papasok sa loob ng bahay. Nanatiling nakataas ang noo ni Sasha na may mapanghusgang mga mata habang nakatingin kay Anna na walang ibang magawa kundi ang tumungo dahil sa takot.
“ Nariyan na ba sa loob ang Chairman? “ tanong ng asawa ni Sasha na si Jimmy nang mapansin ang takot sa mukha ni Anna.
“ Ah o-opo, nasa loob na po si Sir Pio...”halos pumiyok si Anna nang sumagot kaya lalo siyang napatungo sa hiya.
“ I see, thank you, hija. Pasok na kami sa loob, ha? “ Paalam ni Jimmy, inakay na si Sasha papasok sa loob dahilan para makahinga nang maluwag si Anna. Nanlalambot ang mga tuhod niyang lumabas ng gate, naupo saglit sa malaking batong nasa gilid upang pakalmahin ang sarili.
“ Shems, pinagpawisan ako nang todo, ah? “ bulong ni Anna habang pinapaypayan ang sarili niya gamit ang mga kamay. Muli siyang lumingon sa loob ng bahay, sinilip ang pamilya ni Javier upang masigurong hindi na ito babalik para kausapin siya dahil kapag nangyari iyon, baka magkunwari na lamang siyang nawalan ng malay.
Inilabas ni Anna ang cellphone at balak sanang contac-in ulit si Javier dahil labis na siyang nag-aalala para sa binata nang biglang lumitaw ang contact name nito sa screen ng cellphone niya kaya mabilis niyang sinagot ang tawag.
“ H-Hello, Javier? “ Natatarantang bungad ni Anna na napatayo sa kinauupan niya. “ I mean, Sir Javier, ikaw ba ‘to? Nasaan kayo? B-Bakit ngayon lang kayo nagparamdam ulit? Hinahanap ka ni Ma’am Sasha saakin, ibig sabihin ba hindi kayo tumuloy noong nakaraang araw sa kanila? Nasaan kayo ngayon? Nag-aalala kami--”
“ Anna, isa-isa lang ang tanong, hindi ko masasagot lahat ‘yan, “ tila natatawang sagot ni Javier sa kabilang linya dahilan para kumalma ang nagwawalang puso ni Anna sa kaba at pag-aalala. “ Sorry hindi ako nakapag reply sa mga messages mo nang ilang araw dahil pinatay ko kasi phone ko. Ngayon ko lang sya ulit binuksan at ikaw na una kong tinawagan. “
“ Bakit niyo naman pinatay? A-Anong mayroon? “ Naguguluhang tanong ni Anna. “ Nasaan ba kayo ngayon? “
“ Galing ako sa hiking noong isang araw. Halos kauuwi ko lang kaninang umaga, “ anito na lalong pinagtaka ni Anna.
“ Hiking? Biglaan yata ‘yan, ah? Hindi ba’t may flight kayo bukas? “
“ Wala na ‘yon. Hindi na ako tutuloy doon, “ kaswal na saad ni Javier na bago pa sundan ng tanong ni Anna ay nagsalita muli siya. “ Mahabang kunweto, Anna. Saka ko na sasabihin kapag nagkita tayo. Baka hindi rin pala ako makapunta sa party ngayon diyan. Regards mo na lang ako kina Seb at Estrella. “
“ T-Teka lang naman, Sir Javier, b-bakit? Anong dahilan at di kayo tutuloy bukas? Hindi rin kayo makakapunta dito sa party ngayon, bakit? Ano bang nangyari? “ Napasuklay pataas si Anna sa buhok niya dahil sa labis ng frustration. “ Kahit isa lang doon sa mga tanong ko sagutin niyo. Feeling ko kasi may hindi magandang nangyayari sainyo ngayon, eh. “
Nagkaroon ng sandaling katahimikan sa kabilang linya, kasunod nang isang malalim na buntong hininga. “ It didn't go well, Anna. “
“ Sir? “ takhang tanong ni Anna, hindi agad makuha ang nais iparating ni Javier sa kakaramput na detalye, nang maalala niya bigla ang sinabi ni Jessie rason para unti-unting maliwanagan si Anna sa mga kaganapan. “ So, nasaan kayo ngayon niyan? Nasa condo ba? “
“ Yup. Pero baka umalis rin ako mamaya--”
“ Diyan lang kayo, Sir. Hintayin niyo ako kung saan kayo naka-puweso at pupunta ako. Magpapaalam lang ako, “ hindi na hinintay ni Anna ang sagot ni Javier dahil binaba na niya agad ang tawag kasabay ng pagpasok niya sa loob ng bahay para hanapin si Estrella.
“ Oh, nandiyan na iyong lechon? “ tanong ni Toyang nang makasalubong si Anna sa salas.
“ Wala pa ate, Toyang. Pasensya na pero may kailangan po kasi akong puntahan ngayon, eh. Wait lang, ah? “ Nagmamadaling umalis si Anna sa harap ni Toyang na nagtanong pa kung saan ang punta pero hindi na ito nasagot ni Anna nang makasalubong na ang pakay niya, pero kasama nito ang boss niya kaya mukhang mahihirapan siyang magpaalam.
“ S-Sir Sebastian. “ Magka-krus ang mga daliri ni Anna nang huminto sa harap ng mag-asawa. Saglit niyang tinignan si Estrella, binigyan ng makahulugang tingin bago ibalik ang tingin kay Sebastian. “ Sir, magpapaalam po sana ako ngayon. May kailangan po akong puntahan. Urgent po, eh. “
“ Bakit? Uuwi ka ngayon sa probinsya niyo? “
Itatanggi sana ito ni Anna nang mula sa likuran nang mag-asawa, nakita niya ang paparating na si Sasha kaya walang nagawa si Anna kundi ang tumango at gumawa ng kasinungalingan para sa kapakanan ng isang taong batid niyang kailangan ngayon ng masasandalan.
CHAPTER 07 Mula sa mahimbing na pagkakatulog, nagising si Anna sa pamilyar na ringtone na isang minuto bago niya ma-realize na kaniya kaya dali-dali siyang napabangon mula sa kama para hanapin ang cellphone na natagpuan naman niya kaagad sa mesang nasa gilid niya. “ Hello? “ Bungad niya nang sagutin ang tawag, hindi na niya natignan kung sino ito dahil sa pagkataranta. Minsan lang may tumawag sa kaniya at palaging emergency kaya naman sa tuwing naririnig ang ringtone, kaba ang nangunguna sa kaniya. “ Hello, Anna? Kumusta?“ boses ni Estrella ang nasa kabilang linya. “ Hindi ka kasi nag r-reply sa text ko kaya tumawag na ako at nag-aalala ako sa’yo. Nakauwi ka ba sainyo kagabi? “ “ H-Ha? “ tila wala pa sa realidad ang isip ni Anna dahil sa biglaang gising at bangon. “ Ah, oo nakauwi naman ako saamin nang maayos. Sorry hindi ako nakapag text kagabi dahil sa sobrang pagod, Este. Inabutan din kasi ako ng ulan kaya hindi ako magkandaugaga. “ “ Hmm, ganoon ba? Hayaan mo na, ang maha
CHAPTER 06 “ Gusto ko na mag-asawa...” wala sa sariling sambit ni Anna habang nakatulala sa kawalan, ramdam ang bigat ng talukap ng kaniyang mga mata dahil sa sistema ng alak sa kaniyang katawan. Kanina pa siya pabalik-balik sa banyo upang magbawas ng kalasingan pero kadak balik sa mesa, isang can na naman ng alak ang nauubos niya. “ Lasing ka na? “ Natatawang tanong ni Javier, inilalagay na sa isang tabi iyong mga alak na naubos nila dahil nakakalat na ito sa mesa. “ Naka fifteen can rin tayo. Tama na siguro ‘to at baka mayari pa ako ni Seb at ni Estrella kapag nalaman nila ‘to. “ “ Sir, gusto ko na talaga mag-asawa. “ Buntong hiningang sumandal si Anna sa silya at ngumuso habang naluluha ang mga mata. “ Ayoko na sa sitwasyon ko. Na-realize ko na, oo nga ‘no? Hindi ko man lang magawang gastusan sarili ko nang hindi iniisip ang pamilya ko. Gusto ko kung ano iyong binibili ko, dapat mayroon din mga kapatid ko. Gusto ko kapag nakapunta ako sa isang lugar, dapat madala ko rin doon mga
CHAPTER 05 Napatitig na lamang si Javier sa screen ng cellphone niya matapos siyang babaan ng tawag ni Anna. Iyon ang unang pagkakataon na binabaan siya nito ng tawag dahil sa tuwing nag-uusap sila gamit ang mga cellphone nila, si Anna ang nakikiusap na si Javier ang pumutol g tawag kapag kailangan na nilang magpaalam sa isa’t isa. “ Hindi raw ako aalis sa puwesto ko? “ takhang tanong ni Javier, inilibot ang tingin sa banyo at sa tronong inuupuan niya. Bahagya siyang natawa bago ipatong ang cellphone sa gilid ng sink upang tapusin ang trabaho. Masakit ang mga binti ni Javier na naglakad palabas ng banyo gawa ng walang ka-plano-planong pag-akyat ng bundok kahapon kasama ang ilang kakilala at di kilalang joiners. Biglaan lamang iyon nang yayain siya at wala naman siyang nakikitang rason para tanggihan ito kaya naman sumama na siya. Hindi iyon ang unang pagkakataon na umakyat siya ngunit iyon ang unang pagkakataon na na-appreciate niya ang kagandahang benipisyo nito sa mental health
CHAPTER 04 “ Parang masyadong maraming lumpiang shanghai ginawa ko, ngayon? Naka dalawang palanggana ako, oh!” ani Luz nang makita ang mala-bundok na lumpiang shanghai sa dalawang palanggana sa harap niya. “ Wala pa yata sa trenta ang bisita na darating mamaya. Isang palanggana na lang muna siguro lutuin ko. “ “ Matataba rin kasi ang pagkakagawa mo ate Luz, sakto lang ‘yan. Tingin ko nga mukhang ubos iyang dalawang palanggana na ‘yan mamaya. Lutuin na natin lahat. “ Hikayat naman ni Toyang na inihahanda na ang malaking kawali na pag p-prituhan ng mga lumpiang shanghai. “ Magtago na lang po tayo ng ilang shanghai para kung sakaling maubos mamaya, at least mayroon po tayong naitabi, ‘di ba? Tiyak po kasing may mag uuwi rin mamaya, “ segundo ni Anna na nakisingit sa usapan habang hawak ang mga plato na dadalhin sa garden. “ Nagtago na rin po pala ako ng maja blanca sa kuwarto natin. “ Agad namang sumang-ayon ang dalawang kasambahay na kinahagikhik ni Anna bago tuluyang lumabas ng
CHAPTER 03 Mula pagsakay ng eroplano hanggang sa pagbaba ay hindi nawala ang malaking ngiti sa labi ni Estrella habang nilalanghap ang hangin mula sa bansang kaniyang sinilangan. Hindi alintana ang maalikabok at mainit na panahon sa kaniya nang makalabas ng airport. Para siyang isang batang excited umuwi, habang ang kasama naman niya ay kunot ang noo habang panay ang tingin sa relos. “ Nasaan na kaya si Manong Cesar? After lunch sabi ko dapat nandito na siya, “ ani Sebastian saka dinukot ang phone para tawagan ang driver nang hawakan ni Estrella ang kamay niya kaya napalingon siya rito. “ Hayaan mo na, hindi nama tayo nagmamadaling umuwi di ba? Saka tignan mo, mukhang traffic din. “ Nginuso ni Estrella ang mga sasakyan na nasa kabilang kalsada malapit sa harap nila. May kabagalan ang usad kaya muling nagpakawala nag malalim na buntong hininga si Sebastian. Natawa si Estrella, inilibot ang paningin sa paligid para maghanap ng bakanteng upuan ngunit wala siyang makita. “ Gusto mo pas
CHAPTER 02 “ Ano kayang balita sa naging lakad niya? “ Pabulong na tanong ni Anna sa sarili habang nag c-cellphone, abala sa panonood ng mga random clips sa Pipol’s nang maalala ang naging pag-uusap nila kaninang tanghali ni Javier. Hindi siya makapali at para bang hindi niya magagawang makatulog hanggat hindi niya nalalaman ang resulta ng gagawing pakikipag-ayos ni Javier sa ina nito. Bumangon si Anna mula sa pagkakadapa sa kaniyang kama para makapag-isip nang maayos dahil balak niyang i-message ang binata para kumustahin ito. Alas-nuebe na nang gabi, pero parang bente-kuwatro oras na simula nang umalis si Javier. “ Kumusta, Sir? Anong balita? “ sambit ni Anna habang tinitipa ang mensaheng ipapadala ngunit binura din niya nang makaramdam ng pag-aalinlangan. “ Baka naman isipin niya ang chismosa ko? Hindi ba puwedeng concern lang as a friend? “ “Sino kausap mo, Anna? “ Gulat na napalingon si Anna sa pinto nang marinig ang boses ng mayordoma. Nakasilip ito sa maliit na awang ng pi
CHAPTER 01 " Hello, Este! Kumusta kayo dyan ni Sir? " Kitang-kita ang excitement sa mukha ni Anna habang kumakaway sa harap ng phone na hawak nya. Makikita sa screen ang mukha ni Estrella, malaki rin ang ngiti habang kumakaway pabalik sa kaniya. " Maayos naman kami dito, Anna. Kayo diyan, kumusta? " tanong pabalik ni Estrella, iginilid bahagya ang cellphone upang ipakita sa tabi niya si Sebastian na abala sa pagkain ng takoyaki. Saglit itong kumaway sa camera bago subuan si Estrella. " Wow, ang sweet naman noon, Sir! " Kinikilig na komento ni Anna na ipinatong ang cellphone sa isang container upang ito'y tumayo. Pinagpatuloy niya ang paghihiwa ng carrots para sa nilulutong sopas. " Pero maayos rin naman kami dito, Este. Wala si Manang Susan ngayon, halos kaaalis lang para mag grocery. Maulan ngayon dito kaya naisip naming magluto ng sopas." " Hala, sopas? Na-miss ko bigla yan, ah. May bagyo ba ngayon dyan? " tanong ni Estrella matapos nguyain ang pinakain sa kaniyang takoyaki. "
" Javianna, baby, dito ka lang sa malapit! Huwag kang lumayo at baka mawala ka! " may pag-aalalang sigaw ni Anna sa kaniyang apat na taong gulang na anak, na abala sa paglalaro ng buhangin kasama ang mga kaklase sa playground." But, Mom, kukuha lang po kami ng rocks doon po sa grass! " sagot ng bata, sabay turo sa isang bahagi ng playground kung saan may mga batong nakapalibot sa isang halaman." Naku, hindi puwede ata doon. Mapagalitan tayo at display yata yon sa halaman, " ani Anna saka naghanap ng bato sa paligid nya. " Ito na lang, oh. Ang daming rocks dito. Saan niyo ba gagamitin? "" That's so small, Mom. " Nakasimangot na hayag ng bata, saka naghanap ng ibang may kalakihang bato para ilagay sa mga dalang laruang sand bucket. Nagsimula ring maghanap ng bato ang tatlong batang kasama ni Javianna bago sila bumalik sa puwestong kung saan may binunuong sand castle.Ngumiti na lamang si Anna bago tumayo at bumalik sa bench kung saan sya nakaupo kanina. Pinanood nya ang anak na masay