Share

CHAPTER 05

Author: janeebee
last update Last Updated: 2025-05-09 16:26:08

CHAPTER 05

Napatitig na lamang si Javier sa screen ng cellphone niya matapos siyang babaan ng tawag ni Anna. Iyon ang unang pagkakataon na binabaan siya nito ng tawag dahil sa tuwing nag-uusap sila gamit ang mga cellphone nila, si Anna ang nakikiusap na si Javier ang pumutol g tawag kapag kailangan na nilang magpaalam sa isa’t isa.

“ Hindi raw ako aalis sa puwesto ko? “ takhang tanong ni Javier, inilibot ang tingin sa banyo at sa tronong inuupuan niya. Bahagya siyang natawa bago ipatong ang cellphone sa gilid ng sink upang tapusin ang trabaho.

Masakit ang mga binti ni Javier na naglakad palabas ng banyo gawa ng walang ka-plano-planong pag-akyat ng bundok kahapon kasama ang ilang kakilala at di kilalang joiners. Biglaan lamang iyon nang yayain siya at wala naman siyang nakikitang rason para tanggihan ito kaya naman sumama na siya. Hindi iyon ang unang pagkakataon na umakyat siya ngunit iyon ang unang pagkakataon na na-appreciate niya ang kagandahang benipisyo nito sa mental health dahil kahit papaano ay naging magaan sa dibdib ang dinadala at naging klaro ang utak niya.

Tumungo siya sa kusina para sana magluto ngunit sa kasamaang palad, wala siyang nakitang puwedeng lutuin sa cabinet at ref. Mabuti na lang ay may delata at kaunting kanin mula sa rice cooker na kahapon pa niluto kaya naitawid naman niya ang nararamdamang gutom.

“ Marami kaya silang handa ngayon doon? “ hindi maiwasang tanong ni Javier sa hangin, tulalang nakatingin sa kawalan habang nagtatalo ang isip niya kung dapat ba siyang pumunta sa welcome home party nina Sebastian at Estrella. Batid niyang ilan lamang ang mga imbitado at dadalo ngunit batid rin niya na nandoon ang mga taong iniiwasan niya.

Napalingon siya sa pinto nang marinig ang doorbell. Agad siyag tumayo at nilagay muna sa lababo ang mga pinagkainan bago pagbuksan ang nasa labas.

“ Hi, Sir Javier...” Nakangiwing bati ni Anna, may yakap-yakap na eco bag habang basa ang kalahati ng katawan.

“ Bakit basang-basa ka? Umuulan ba? “ Gulat at may halong pag-aalalang tanong ni Javier habang inaakay si Anna papasok sa loob ng condo unit niya.

“ Biglang buhos ang ulan noong nasa byahe ako e. Wala ring dalang payong noong makababa ako. Kamuntikan pa akong madulas kaya medyo narumihan iyong eco bag, sorry. “ Nahihiyang paliwanag ni Anna na hinayaan muna ang sarili tumayo sa isang doormat para siguraduhing hindi mabasa iyong sahig. “ Kumain ka na ba? Ito pala, marami akong dalang pagkain para sa’yo. Medyo mabigat lang, may babasagin kasing lalagyan.“

Agad namang kinuha ni Javier ang yakap nitong eco bag na may kabigatan nga. Nilagay niya sa mesa at nakita ang laman nito. “ Ang dami mo namang bitbit. Bakit nag abala ka pa, ang bigat ng mga ‘to? “

“ Baka kasi ‘di ka kumakain pa, eh. Huwag kayong mag-alala, marami kaming niluto para sa welcome home party nila Sir. May lechon pa nga, pero di na ako nakakuha kasi di pa dumadating noong nakaalis ako, “ ani Anna, magsasalita pa sana nag umalis si Javier sa harap niya at pumasok ng kuwarto nito. Paglabas ay may dala-dalang tuwalya na ipinatong sa balikat niya.

“ Thank you, Anna. I appreciate your time and efforts na puntahan ako dito sa condo kahit umuulan. But please, next time, isipin mo muna sarili mo bago ibang tao. Huwag mong susugurin ang ulan kung wala kang dalang payong. Puwede mo naman akong tawagan para sunduin ka kung nasaan ka. “

“ Mababasa kasi ‘yong phone ko kapag nilabas ko pa. Saka isang tawiran na lang naman kaya itinakbo ko na papunta dito sa building niyo, “ katwiran ni Anna, hindi maiwasang makaramdam ng tuwa nang makitaan ng pag-aalala si Javier sa pananalita nito.

“ Kahit pa anong rason mo, hindi pa rin safe iyong ginawa mo, lalo’t gabi na rin. Sinabi mo pa na muntik ka na madulas, paano kung nangyari nga ‘yon at tumama ulo mo sa kung saan? Paano ko ‘yon malalaman?“ tanong ni Javier.

“ Edi ano...babangon ako tapos tatawagan ko kayo? “ Inosenteng tanong ni Anna pero walang nabago sa ekspresyon ni Javier kaya sumuko na lamang si Anna. “ Joke lang, Sir. Ang seryoso bigla. “

“ Sige na at baka magkasakit ka pa kaya magpalit ka muna sandali sa CR. Hahanap ako ng damit mo pamalit. Iaabot ko na lang sayo sa loob, “ ani Javier, patalikod na sana nang magsalita si Anna.

“ Ha? Paano niyo iaabot saakin? Papasuskin niyo ba ako sa loob? “ may pagbibirong tanong ni Anna, iniyakap ang tuwalya sa sarili habang hindi naman malaman kung anong klaseng ekspresyon ang binibigay ng mga mata. Gulat na may halong pilyong mga ngiti at tingin.

“ Sira. Kakatok ako ‘wag kang mag-alala. Pumasok ka na sa loob. “ Iiling-iling na wika ni Javier na marahang itinulak si Anna sa loob ng banyo para papasukin ito.

“ Kahit ‘wag ka na kumatok...” Nakangusong bulong ni Anna matapos isarado ni Javier ang pinto mula sa labas. Kinikilig pa siya noong una pero nang maalala niya ang pinunta niya, agad niyang binalik ang sarili sa ayos.

***

“ Ate Estrellita, na-miss kita! “ Masiglang sinalubong ni Estrella ang kapatid nang sa wakas ay dumating na ito sa party. Buong akala niya hindi na ito matutuloy pa dahil alas otso na wala pa sila

“ OA, ha? Para namang one year tayong hindi nagkita kung makapag-react? “ Biro ni Estrellita nag yakapin pabalik ang kapatid. “ So, kumusta ang honeymoon? Ginawa mo ba iyong position na sinasabi ko? May nabuo na ba? May nakalangoy ba sa finish line? “

“ Ate naman, eh. Ang lakas ng boses mo. “ Nahihiyang pigil ni Estrella sa kapatid dahil sa lakas ng boses nito, pati ang mga nasa paligid nila ay napapalingon sa dalawa at lihim na natatawa. “ N-Nasaan pala ang boyfriend? Hindi mo ba kasama? “

Agad sumama ang timpla ni Estrellita. “ Boyfriend? Mayroon ba ako? “

“ Ha? “ takhang tanong ni Estrella, agad inilibot ang tingin sa garden nila hanggang sa tumama ito sa gawi ni Sebastian, kausap ang lalaking hinahanap niya. Binalik ni Estrella ang tingin sa kakambal. “ Magkaaway na naman ba kayo ni Adam? “

“ I don’t know him. Boyfriend ko pala siya? “ Simangot na tumalikod si Estrellita at naupo sa bakanteng mesa. Agad namang sumunod si Estrella, muling tinapunan ng tingin ang puwesto ng asawa at ni Adam na kumaway sakaniya bilang pagbati. Kumaway naman si Estrella pabalik at sumenyas na kauusapin muna ang kapatid.

“ Bakit hindi muna kayo kumain? Maraming pagkain, ate. Gusto mo ikuha kita? “ Alok ni Estrella pero umiling si Estrellita at pasimpleng tumingin sa gawi ni Adam para silipin ito. Naupo si Estrella sa upuan sa harap ng kambal at marahang tinanong ito. “ Bakit parang kada kita natin palagi kayong may away ni Adam? Parang hindi ko pa kayo nakikitang sweet? “

“ Exactly! Kasi hindi naman siya sweet! Never naging! “ kung gaano kakalmado si Estrella sa pagtataanong, ganoon naman kataas ang inis ni Estrellita nang sagutin ito, animo’y nagpaparinig. “ I did not expect na mag b-boyfriend ako ng yelo. As in wala man lang sa love language niya yong physical touch or words of affirmation. May act of service but my gosh, hindi naman siya butler ko para palagi akong asikasuhin at pagsilbihan. Bastusin naman niya ako kahit minsan lang ‘di ba? “

Natulala na lamang si Estrella sa mga narinig niya. Hindi alam kung anong klaseng payo ang ibibigay niya at parang gusto na lang din niyang humingi ng tulong sa iba.

***

“ Ang laki...” pabulong na komento ni Anna sa sarili habang nakatingin sa harap ng salamin, hindi malaman kung kailan siya lalabas ng banyo dahil hindi pa siya makakuha ng kumpiyansa sa sarili dahil sa suot niyang oversized tshirt ni Javier. “ Bakit kapag sa iba, ang sexy nila tignan sa ganito? Bakit saakin para akong maglalaba? “

“ Anna, tapos ka na diyan? “ Napatalon si Anna sa kinatatayuan nang marinig ang katok at boses ni Javier sa labas ng banyo.

“ P-Patapos na, wait lang! “ Natataranta namang inalis ni Anna ang ipit sa buhok niya para ilaglag na lamang ito. Tinupi niya nang dalawang beses ang manggas at pinaragan ang laylayan ng damit sa harapan ng suot na gray sweat short upang magmukhang maayos siyang tignan. “ Okay na, mukha na akong tao. “

Bahagya siyang nakatungong lumabas ng banyo at sinalubong naman siya ni Javier na kanina pa siya hinihintay sa mesa na puno ng pagkaing dala ni Anna.

“ Saan ko pala ‘to puwedeng isampay? “ tanong ni Anna, hawak ang batya na may damit at pantalon niya.

“ Ah, sa balcony sana kaya lang umaambon pa. Diyan na lang din sa CR. Mayroon namang sasampayan diyan. “ Pumasok naman si Javier sa loob ng banyo para ituro kay Anna ang tinutukoy niya na puwede nitong pagsampayan. “ Hindi ba masikip masyado iyong short sa’yo? “

“ Hindi naman? Bakit? “ takhang tanong ni Anna habang isinasampay ang damit niya. Nilingon niya si Javier na nakatayo sa gilid ng pintuan pero agad itong umiwas ng tingin at nagkamot ng ulo.

“ Okay lang ba kung tanggalin mo na lang siguro iyong pagkaka-paragan mo? Nagkakasala mata ko, “ anito saka tumalikod at lumakad palayo.

Umawang ang bibig ni Anna, yumuko para silipin ang pang-ibaba niya pero wala naman siyang nakikitang mali sa suot niya kaya muli siyang humarap sa salamin, tumingkayad upang makita nang buo ang sarili at napangiwi siya nang makitang bakat ang hugis niya.

Matapos ng kahihiyan ni Anna, patay malisya siyang lumabas ng banyo na nakababa na ang laylayan ng damit na suot niya. Kaswal siyang pumunta sa mesa para tignan ang mga pagkaing dala niya. Bigla niyang naalala ang pagpapaalam na ginawa kanina na agad niyang inalis sa isip para maiwasan ang guilt.

“ Gusto mo bang uminom? “ Lakas-loob na tanong ni Anna, ilang beses lumunok ng laway para ituloy ang sinasabi niya. Hindi niya nais masayang iyong sakripisyo niya ngayong gabi. “ P-Para makatulong sana sa paglalabas mo ng sama ng loob? Marami naman akong oras dahil nakapagpaalam naman ako kina Sir na ma l-late ako ng uwi mamaya. P-Pero okay lang naman kung wala ka sa mood uminom--“

“ Okay lang ba? “ tanong ni Javier.

Kumunot noo ni Anna. “ Okay lang ba na ano? “

Tumalikod si Javier para tumungo sa ref niya. Kumuha ng apat na bote ng beer in can para ilapag sa mesa. Nakangiting naupo si Anna sa silya at inabot ang isang binuksan ni Javier para sa kaniya.

“ So, uhm, p-puwede ko na bang malaman ang rason kung bakit di ka na tutuloy bukas? “ hindi na nagpatumpik-tumpik pa si Anna dahil gusto na niyang malaman ang lahat ng katanungan sa isip niya matapos ng naging pag-uusap nila ni Javier sa cellphone kanina. Sa mga sandaling ito, wala muna siyang pakialam sa guilt na nararamdamahan dahil sa ginawa niyang pagsisinungaling kina Sebastian at Estrella para makapunta lang sa condo ni Javier. Gusto niyang makausap ang binata at damayan ito sa mabigat nitong dinadala. Kung mapagalitan man siya sa oras na malaman ang pagsisinungaling niya, bahala na.

“ Mahabang kunwento, Anna, “ ani Javier saka nilagok ang alak na nasa can.

“ Kahit gaano ba ‘yan kahaba, kaya ko ‘yan, Sir. “ Kumpiyansang sagot naman ni Anna dahilan para mabulunan si Javier. Hindi alam kung dahil ba sa naparami ang inom niya o dahil sa mapaglarong interpretasyon ng isip. “ Bakit? Ayos lang kayo? “

Tumango-tango na lamang si Javier sa tanong ng dalaga, pigil ang sariling tawa habang pinupunasan ang sarili dahil sa naibuga niya. “ Well, hindi sincere si Mama sa ginawa niya, and to make the long story short, planado niyang sirain ako at iyong career ko para patunayang tama siya at mali ako. Same issue pa rin but this time, mas malala.“

Gulat at panghihinayang ang naramdaman ni Anna sa narinig. Hindi niya alam kung paano ito sasagutin kaya napalogok siya ng alak. Hindi niya inakala naabot sa ganoong punto si Sasha para lang mapatunayan na mali ang piniling daan ng anak niya.

Iyong unang apat na alak na nilabas ni Javier ay nasundan muli ng dalawa hanggang sa hindi nila namamalayan ang oras ay patuloy sila sa pag-inom na may pulutang kuwentuhan at paglalabas ng sama ng loob. Ang mga pagkaing dala ni Anna ay kaunti lamang ang nababawas dahil mas natuon ang atensyon nila sa likidong unti-unting pumapasok sa kanilang sistema, hanggang sa nagising na lamang si Anna sa sinag ng araw na tumatama sa kaniyang mukha mula sa labas ng bintana. Umaga na. Umikot siya ng higa sa pagbabakasakaling maipagpatuloy ang mahimbing na tulog niya ngunit tila nagising ang diwa niya nang sumalubong sa kaniya ang mukha ni Javier na mahimbing na natutulog.

“ Oh my gosh...”Bulong ni Anna, tinakpan ang bibig sa takot na magising ang katabi niya. Dahan-dahan niyang ibinaba ang tingin sa sarili, natatakpan ng kumot ang katawan kaya inangat niya ito at lalong hindi siya makapagsalita nag mapagtantong wala siyang kahit na anong saplot.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • BOOK 2: Maid For You Too   CHAPTER 07

    CHAPTER 07 Mula sa mahimbing na pagkakatulog, nagising si Anna sa pamilyar na ringtone na isang minuto bago niya ma-realize na kaniya kaya dali-dali siyang napabangon mula sa kama para hanapin ang cellphone na natagpuan naman niya kaagad sa mesang nasa gilid niya. “ Hello? “ Bungad niya nang sagutin ang tawag, hindi na niya natignan kung sino ito dahil sa pagkataranta. Minsan lang may tumawag sa kaniya at palaging emergency kaya naman sa tuwing naririnig ang ringtone, kaba ang nangunguna sa kaniya. “ Hello, Anna? Kumusta?“ boses ni Estrella ang nasa kabilang linya. “ Hindi ka kasi nag r-reply sa text ko kaya tumawag na ako at nag-aalala ako sa’yo. Nakauwi ka ba sainyo kagabi? “ “ H-Ha? “ tila wala pa sa realidad ang isip ni Anna dahil sa biglaang gising at bangon. “ Ah, oo nakauwi naman ako saamin nang maayos. Sorry hindi ako nakapag text kagabi dahil sa sobrang pagod, Este. Inabutan din kasi ako ng ulan kaya hindi ako magkandaugaga. “ “ Hmm, ganoon ba? Hayaan mo na, ang maha

  • BOOK 2: Maid For You Too   CHAPTER 06

    CHAPTER 06 “ Gusto ko na mag-asawa...” wala sa sariling sambit ni Anna habang nakatulala sa kawalan, ramdam ang bigat ng talukap ng kaniyang mga mata dahil sa sistema ng alak sa kaniyang katawan. Kanina pa siya pabalik-balik sa banyo upang magbawas ng kalasingan pero kadak balik sa mesa, isang can na naman ng alak ang nauubos niya. “ Lasing ka na? “ Natatawang tanong ni Javier, inilalagay na sa isang tabi iyong mga alak na naubos nila dahil nakakalat na ito sa mesa. “ Naka fifteen can rin tayo. Tama na siguro ‘to at baka mayari pa ako ni Seb at ni Estrella kapag nalaman nila ‘to. “ “ Sir, gusto ko na talaga mag-asawa. “ Buntong hiningang sumandal si Anna sa silya at ngumuso habang naluluha ang mga mata. “ Ayoko na sa sitwasyon ko. Na-realize ko na, oo nga ‘no? Hindi ko man lang magawang gastusan sarili ko nang hindi iniisip ang pamilya ko. Gusto ko kung ano iyong binibili ko, dapat mayroon din mga kapatid ko. Gusto ko kapag nakapunta ako sa isang lugar, dapat madala ko rin doon mga

  • BOOK 2: Maid For You Too   CHAPTER 05

    CHAPTER 05 Napatitig na lamang si Javier sa screen ng cellphone niya matapos siyang babaan ng tawag ni Anna. Iyon ang unang pagkakataon na binabaan siya nito ng tawag dahil sa tuwing nag-uusap sila gamit ang mga cellphone nila, si Anna ang nakikiusap na si Javier ang pumutol g tawag kapag kailangan na nilang magpaalam sa isa’t isa. “ Hindi raw ako aalis sa puwesto ko? “ takhang tanong ni Javier, inilibot ang tingin sa banyo at sa tronong inuupuan niya. Bahagya siyang natawa bago ipatong ang cellphone sa gilid ng sink upang tapusin ang trabaho. Masakit ang mga binti ni Javier na naglakad palabas ng banyo gawa ng walang ka-plano-planong pag-akyat ng bundok kahapon kasama ang ilang kakilala at di kilalang joiners. Biglaan lamang iyon nang yayain siya at wala naman siyang nakikitang rason para tanggihan ito kaya naman sumama na siya. Hindi iyon ang unang pagkakataon na umakyat siya ngunit iyon ang unang pagkakataon na na-appreciate niya ang kagandahang benipisyo nito sa mental health

  • BOOK 2: Maid For You Too   CHAPTER 04

    CHAPTER 04 “ Parang masyadong maraming lumpiang shanghai ginawa ko, ngayon? Naka dalawang palanggana ako, oh!” ani Luz nang makita ang mala-bundok na lumpiang shanghai sa dalawang palanggana sa harap niya. “ Wala pa yata sa trenta ang bisita na darating mamaya. Isang palanggana na lang muna siguro lutuin ko. “ “ Matataba rin kasi ang pagkakagawa mo ate Luz, sakto lang ‘yan. Tingin ko nga mukhang ubos iyang dalawang palanggana na ‘yan mamaya. Lutuin na natin lahat. “ Hikayat naman ni Toyang na inihahanda na ang malaking kawali na pag p-prituhan ng mga lumpiang shanghai. “ Magtago na lang po tayo ng ilang shanghai para kung sakaling maubos mamaya, at least mayroon po tayong naitabi, ‘di ba? Tiyak po kasing may mag uuwi rin mamaya, “ segundo ni Anna na nakisingit sa usapan habang hawak ang mga plato na dadalhin sa garden. “ Nagtago na rin po pala ako ng maja blanca sa kuwarto natin. “ Agad namang sumang-ayon ang dalawang kasambahay na kinahagikhik ni Anna bago tuluyang lumabas ng

  • BOOK 2: Maid For You Too   CHAPTER 03

    CHAPTER 03 Mula pagsakay ng eroplano hanggang sa pagbaba ay hindi nawala ang malaking ngiti sa labi ni Estrella habang nilalanghap ang hangin mula sa bansang kaniyang sinilangan. Hindi alintana ang maalikabok at mainit na panahon sa kaniya nang makalabas ng airport. Para siyang isang batang excited umuwi, habang ang kasama naman niya ay kunot ang noo habang panay ang tingin sa relos. “ Nasaan na kaya si Manong Cesar? After lunch sabi ko dapat nandito na siya, “ ani Sebastian saka dinukot ang phone para tawagan ang driver nang hawakan ni Estrella ang kamay niya kaya napalingon siya rito. “ Hayaan mo na, hindi nama tayo nagmamadaling umuwi di ba? Saka tignan mo, mukhang traffic din. “ Nginuso ni Estrella ang mga sasakyan na nasa kabilang kalsada malapit sa harap nila. May kabagalan ang usad kaya muling nagpakawala nag malalim na buntong hininga si Sebastian. Natawa si Estrella, inilibot ang paningin sa paligid para maghanap ng bakanteng upuan ngunit wala siyang makita. “ Gusto mo pas

  • BOOK 2: Maid For You Too   CHAPTER 02

    CHAPTER 02 “ Ano kayang balita sa naging lakad niya? “ Pabulong na tanong ni Anna sa sarili habang nag c-cellphone, abala sa panonood ng mga random clips sa Pipol’s nang maalala ang naging pag-uusap nila kaninang tanghali ni Javier. Hindi siya makapali at para bang hindi niya magagawang makatulog hanggat hindi niya nalalaman ang resulta ng gagawing pakikipag-ayos ni Javier sa ina nito. Bumangon si Anna mula sa pagkakadapa sa kaniyang kama para makapag-isip nang maayos dahil balak niyang i-message ang binata para kumustahin ito. Alas-nuebe na nang gabi, pero parang bente-kuwatro oras na simula nang umalis si Javier. “ Kumusta, Sir? Anong balita? “ sambit ni Anna habang tinitipa ang mensaheng ipapadala ngunit binura din niya nang makaramdam ng pag-aalinlangan. “ Baka naman isipin niya ang chismosa ko? Hindi ba puwedeng concern lang as a friend? “ “Sino kausap mo, Anna? “ Gulat na napalingon si Anna sa pinto nang marinig ang boses ng mayordoma. Nakasilip ito sa maliit na awang ng pi

  • BOOK 2: Maid For You Too   CHAPTER 01

    CHAPTER 01 " Hello, Este! Kumusta kayo dyan ni Sir? " Kitang-kita ang excitement sa mukha ni Anna habang kumakaway sa harap ng phone na hawak nya. Makikita sa screen ang mukha ni Estrella, malaki rin ang ngiti habang kumakaway pabalik sa kaniya. " Maayos naman kami dito, Anna. Kayo diyan, kumusta? " tanong pabalik ni Estrella, iginilid bahagya ang cellphone upang ipakita sa tabi niya si Sebastian na abala sa pagkain ng takoyaki. Saglit itong kumaway sa camera bago subuan si Estrella. " Wow, ang sweet naman noon, Sir! " Kinikilig na komento ni Anna na ipinatong ang cellphone sa isang container upang ito'y tumayo. Pinagpatuloy niya ang paghihiwa ng carrots para sa nilulutong sopas. " Pero maayos rin naman kami dito, Este. Wala si Manang Susan ngayon, halos kaaalis lang para mag grocery. Maulan ngayon dito kaya naisip naming magluto ng sopas." " Hala, sopas? Na-miss ko bigla yan, ah. May bagyo ba ngayon dyan? " tanong ni Estrella matapos nguyain ang pinakain sa kaniyang takoyaki. "

  • BOOK 2: Maid For You Too   PROLOGUE

    " Javianna, baby, dito ka lang sa malapit! Huwag kang lumayo at baka mawala ka! " may pag-aalalang sigaw ni Anna sa kaniyang apat na taong gulang na anak, na abala sa paglalaro ng buhangin kasama ang mga kaklase sa playground." But, Mom, kukuha lang po kami ng rocks doon po sa grass! " sagot ng bata, sabay turo sa isang bahagi ng playground kung saan may mga batong nakapalibot sa isang halaman." Naku, hindi puwede ata doon. Mapagalitan tayo at display yata yon sa halaman, " ani Anna saka naghanap ng bato sa paligid nya. " Ito na lang, oh. Ang daming rocks dito. Saan niyo ba gagamitin? "" That's so small, Mom. " Nakasimangot na hayag ng bata, saka naghanap ng ibang may kalakihang bato para ilagay sa mga dalang laruang sand bucket. Nagsimula ring maghanap ng bato ang tatlong batang kasama ni Javianna bago sila bumalik sa puwestong kung saan may binunuong sand castle.Ngumiti na lamang si Anna bago tumayo at bumalik sa bench kung saan sya nakaupo kanina. Pinanood nya ang anak na masay

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status