CHAPTER 06
“ Gusto ko na mag-asawa...” wala sa sariling sambit ni Anna habang nakatulala sa kawalan, ramdam ang bigat ng talukap ng kaniyang mga mata dahil sa sistema ng alak sa kaniyang katawan. Kanina pa siya pabalik-balik sa banyo upang magbawas ng kalasingan pero kadak balik sa mesa, isang can na naman ng alak ang nauubos niya.
“ Lasing ka na? “ Natatawang tanong ni Javier, inilalagay na sa isang tabi iyong mga alak na naubos nila dahil nakakalat na ito sa mesa. “ Naka fifteen can rin tayo. Tama na siguro ‘to at baka mayari pa ako ni Seb at ni Estrella kapag nalaman nila ‘to. “
“ Sir, gusto ko na talaga mag-asawa. “ Buntong hiningang sumandal si Anna sa silya at ngumuso habang naluluha ang mga mata. “ Ayoko na sa sitwasyon ko. Na-realize ko na, oo nga ‘no? Hindi ko man lang magawang gastusan sarili ko nang hindi iniisip ang pamilya ko. Gusto ko kung ano iyong binibili ko, dapat mayroon din mga kapatid ko. Gusto ko kapag nakapunta ako sa isang lugar, dapat madala ko rin doon mga magulang ko, kaya lang napaka imposible eh. Kasi naman, ilang taon na akong nag t-trabaho pero wala man lang akong maipon para saakin. “
Inihinto ni Javier ang ginagawa upang ibaling ang atensyon kay Anna. “ Bakit mo naman nasabing imposible? Huwag mong pangunahan ng negative thoughts iyong bagay na gusto mong mangyari. “
“ Eh kasi nakakapagod rin iyong bigay ka lang nang bigay. Alam niyo ‘yon? Bukal naman saakin iyong ginagawa kong pagtulong sa magulang ko pero hanggang kailan ko siya gagawin? Gusto ko rin naman magkaroon ng sariling buhay. Gusto ko rin naman maranasan na ako naman ang inaalala o inaalagaan. “ Umalis si Anna sa pagkakasandal sa silya at kinuha ang huling alak sa harap niya. “ Sa madaling salita, gusto ko na mag-asawa. “
Muling bumungisngis si Javier, naguguluhan kung dapat ba niyang seryosohin si Anna o sakyan na lang muna mga sinasabi nito dahil sa kalasingan. “ Huwag mo madaliin ang pag-aasawa, Anna. Bata ka pa naman. Enjoy-in mo na lang muna ang--”
“ Paano nga ako mag e-enjoy kung may responsibilidad akong hindi ko alam kung hanggang kailan ko papasanin. Puwede bang ako naman ang pumasan kahit minsan lang, di ba? “ Tinungga ni Anna ang natitirang laman ng alak at muling tinitigan si Javier. “ Hanggang kailan ba ako maghihintay sainyo, Sir? Kailan niyo ba ako balak jowain? “
Hindi lasing si Javier pero tila nawala alak sa sistema niya dahil sa tanong ng dalaga. Ngayon na lang ulit sila nakapag-usap ng tungkol sa kung anong relasyon ang mayroon sa kanila.
“ Hindi naman kita minamadali, ha? Hindi rin naman ako naiinip—well, minsan lang kapag nag iisip-isip ako bago matulog. Gusto ko lang marinig assurance niyo ulit para mapanatag ako, Sir. Gusto niyo pa ba ako? “
“ Yes, of course, Anna. “ Buong-kumpiyansang sagot naman ni Javier. “ I’m sorry kung hindi ko siya naipapakita sa’yo but I assure you na walang mababago sa nararamdaman ko. It’s just that hindi pa ito ang time para i-workout iyong relasyon natin. “
“ Kailan kaya darating iyong tamang panahon saatin, Sir? “ tanong ni Anna na hindi agad magawang sagutin ni Javier dahilan para malugmok muli siya. “ Ang sama ko ba kung feeling ko tini-take advantage niyo lang iyong nararamdaman ko para magkaroon kayo ng kakampi sa buhay? “
Sa mga sandaling iyon, tila nakaramdam ng kirot sa puso si Javier sa binitawang salita ni Anna. Hindi niya inakalang darating sa puntong pagdududahan siya ng isang taong higit na pinagkakatiwalaan niya na alam niyang kasalanan din niya.
“ Hindi ko kasi maramdaman iyong feeling na gusto niyo rin ako, e. Parang sinabi niyo lang siya dahil naaawa kayo saakin? Ginusto niyo lang ako kasi no choice? “ Kumawala ang mapaklang tawa mula kay Anna, humalumbaba sa mesa nang hindi inaalis ang tingin kay Javier. “ Totoo naman, ‘di ba? Okay lang ‘yon, Sir. Hindi niyo kailangan ma-konsensya kasi ako lang naman itong nagpupumilit makapasok sa buhay niyo. Wala eh, sobra akong patay na patay sainyo kaya okay lang saakin kahit ganituhin niyo. Tanggap ko naman na hindi niyo talaga ako magugustuhan dahil wala namang interesting saakin. Hindi naman ako maganda at matalino--”
“ Anna, stop. Don’t look down on yourself. Walang katotohanan iyang mga sinasabi mo. “ Putol ni Javier sa dalagang unti-unting lumuluha sa kaniyang harapan. “ Hindi ko--honestly, hindi ko alam na umabot ka na sa puntong ganiyan iyong iniisip mo saakin. I’m sorry, okay? Akala ko kasi, okay ka lang sa ganitong sitwasyon natin. “
“ Na no label? Okay lang naman siya talaga pero may feelings and emotion din naman ako, Sir. Gusto ko rin naman makaramdam ng pagmamahal niyo, “ may pagtatampong wika ni Anna, pinunasan ang luha na hindi niya inakalang marami. “ Sorry kung naglalabas ako ng sama ng loob kahit wala naman akong rights. I can’t help it—uy, english ‘yon, Sir ‘wag ka. “
Hindi malaman ni Javier kung totoong tawa ba ang kumawala ngayon kay Anna na nakuha pang magbiro habang puno ng luha ang magkabila nitong pisngi.
“ Hay, ang gara naman ng gabing ‘to! Kaya ako pumunta dito para damayan kayo sa pinagdadanan niyo pero sumasapaw ako. “ Tumayo na si Anna mula sa silya matapos halos lamutakin ang mukha niya para mawala ang bakas ng mga luha. “ Nakakainis, hindi talaga maganda iyong alak sa sistema natin, ‘no? Ligpit na tayo, Sir. “
“ Anong kailangan kong gawin para makabawi? “ tanong ni Javier. “ Sabihin mo saakin kung ano ‘yong mga kailangan kong gawin para mawala iyong doubt mo? “
Hindi agad nagawang magsalita ni Anna sa tanong na hindi niya rin inasahan kay Javier. Ang dami niyang gustong sabihin kanina pero ngayon tinatanong siya, nilipad na ng hangin iyong mga nais niya pang sabihin kanina.
“ Kiss...” wala sa sariling sambit ni Anna, naiyukom na lang ang kamao nang maramdaman ang kakaibang kabog ng dibdib niya. Tensionado at kabado. “ G-gusto ko ng kiss. “
“ What kind of kiss? “ Tumayo si Javier, hindi pinutol ang tingin sa dalaga. “ Peck or with tongue? “
“ Ha? D-Depende sainyo kung pano niyo maipararamdam iyong pagmamahal niyo. “ Napalabi si Anna, nag-aapoy ang magkabilang pisngi sa halo-halong emosyon niya. “ Pero parang maganda iyong pangalawa? “
Walang sali-salitang hinapit ni Javier ang baywang ni Anna palapit sa kaniya upang ilapit ang kanilang mga mukha na sinundan ng paglapat ng mga labi nila. Malambot at madulas ang unang dalawang salitang mailalarawan ni Anna sa bawat galaw ng labing tinutugunan niya. Subalit sa mga nakalipas na segundo ay palalim ito nang palalim hanggang sa maramdaman ang dilang tila kumakatok para makapasok sa loob.
Idinilat sandali ni Anna ang mga mata upang tignan si Javier bago niya ito papasukin sa loob na mas lalong nagpalasing sa kaniyang sistema. Kumawala ang mahinang tinig sa kaniyang bibig, nanlalambot ang mga tuhod niyang umatras para sumandal sa mesa at isinampay ang mga kamay sa balikat ng binata.
“ Nangangawit ka? “ Pabulong na tanong ni Javier nang humiwalay sa labi ni Anna.
“ Medyo, pero keri ko naman...” Hinihingal na sagot ni Anna. Hindi mawari kung paano niya nagagawang titigan nang diretso sa mata ngayon ang lalaking kanina lang ay dahilan ng pag-luha niya.
“ Should I stop? “
“ Huwag, ayoko pa. Ituloy natin.“ Mabilis na sagot ni Anna na sa takot na mabitin, siya naman ngayon ang humalik. Mabilis namang tumugon si Javier na makaraang sandali lang ay binuhat na si Anna upang iupo sa mesa nang hindi pinuputol ang koneksyon nila.
“ Anak ka ng tinolang manok...” Pabulong na sambit ni Anna nang mag flashback lahat sa kaniya ang mga nangyari kagabi. Hindi niya alam kung gaano na siya katagal nakatitig sa kisame habang sinasariwa ang mga pangyayaring hindi niya inakalang mararanasan niya. Halo-halo ang emosyon niya ngunit ni katiting na pagsisisi ay wala sa kaniyang katawan dahil mas nangingibabaw ngayon ang gulat at tuwa.
Maingat na nilingon ni Anna si Javier na mahimbing pa ring natutulog sa tabi niya. Kagat-labi niya itong tinitigan nang matagal bago unti-unting bumangon upang magbihis na sana nang gumalaw ito at idinantay ang braso at binti sa kaniya dahilan upang hindi siya makabangon nang tuluyan.
“ Mamaya na...” anito, nakapikit pa rin ang mga mata kaya hindi alam ni Anna kung gising ba ito o nanaginip lang. Bilang isang mabuti at masunuring dalaga, hindi na siya gumalaw sa puwesto niya at ibinaon ang sarili sa bisig ng binata. Muli niyang ipinikit ang mga mata at niyakap pabalik si Javier hanggang sa tangayin na lamang ng antok.
***
“ Ah, shoot, ang init. “ Nailabas ni Estrellita ang dila niya nang maramdaman ang init ng kapeng iniinom niya. Binaling niya ang tingin kay Adam na napahinto sa hinihiwang croissant. “ Napaso ako, babe. Hipan mo, please. “
“ Inuman mo lang siya ng tubig na malamig. Sandali, kukuha ako. “ Tumayo naman si Adam mula sa pagkakaupo sa harap ng mesa upang pumunta sa kusina. Kumuha siya nang malamig na tubig sa ref para dalhin kay Estrellita na nakasimangot na nang dumating siya. “ Here--”
“ Huwag na, okay na pala, “ ani Estrellita, tinalikuran si Adam at marahang sumimsim sa kape niya. Tumayo na rin siya at umalis sa mesa upang pumunta sa salas. Naupo sa sofa at nakipagtitigan sa pusa ni Adam na nasa kabilang sofa. “ Turuan mo nga kung paano mag lambing ang amo mo. “
Masakit ang ulo ni Estrellita dahil sa naparaming inom ng alak kagabi sa party nina Estrella at Sebastian. Hatinggabi na sila nang matapos kaya sa bahay na ni Adam pinatuloy si Estrellita at ihahatid na lamang nang umaga sa bahay ang dalagang kasalukuyang nagbabanggan ang mga kilay.
“ Ano na naman bang problema? “ Nilapitan ni Adam si Estrellita at naupo sa tabi nito “ May nasabi ba akong mali? “
“ Wala. “ Malamig na sagot ni Estrellita, marahang hinihipan ang kape niya at hindi tinatapunan ng tingin ang nasa tabi niya. “ Mag breakfast ka na. Kumakalam sikmura mo, narinig ko. “
“ Paano ako kakain kung ganiyang nakasimangot ka na naman? “ tanong ni Adam, napabuga sa hangin nang makita ang pag-ikot ng mata ni Estrellita bago muling tumalikod sa kaniya. “ Ang hirap hulaan kung ano iyong kailangan kong ihingi ng tawad. Dapat ba gatas na lang iyong ibinigay ko sayo, instead na tubig? “
“ Ganoon ba ako kababaw sa paningin mo? “ Galit na nilingon ni Estrellita si Adam na tila wala pa ring ideya kung bakit nag-aalburoto ngayon ang dalaga. “ Bata ba ako para magtampo kasi ‘di mo ako binigyan ng gatas? “
“ I didn't mean it that way. I’m sorry...” sagot na lamang nito dahilan para mas lalong mapikon si Estrellita.
“ Hindi ito tungkol sa tubig or milk, okay? Tungkol ‘to sa’yo...saatin! “
Nagsalubong ang kilay ni Adam. “ Hindi pa ba tayo okay? Kagabi lang, sabi mo okay na tayo?“
“ Alam mo hindi ko alam kung nananadya ka ba or talagang mahina ka lang pumick-up? “ Binaba ni Estrellita ang kape sa lamesita na nasa gitna ng sofa at hinarap si Adam. “ Wala ka ba talagang ka-landi-landi sa katawan? Like, harutin mo naman ako kahit minsan, hindi iyong puro ako ang mag i-initiate? Gets ko naman na bago pa lang tayo but huwag ka naman sobrang gentleman, Adam. Ang boring ng ganoon. “
Natahimik si Adam. Hindi niya inasahan na bubuhos nang ganoon ang hinanakit ni Estrellita sa kaniya. Parang matagal itong naipon sa loob kaya sumabog na.
“ I’m sorry...” ang tanging nasabi ni Adam na pino-proseso pa rin ng utak niya ang mga narinig sa nobya. “ Hindi ko alam na ganoon pala ang nararamdaman mo sa ginagawa ko. “
“ So, hindi ka talaga aware? “ Napa-ismid si Estrellita. “ Katulad kanina, ni hindi mo man lang pinatulan iyong ginawa ko. Gusto ko lang naman i-kiss mo ako or i-blow mo dila ko pero dinalhan mo ako ng tubig? Feeling ko mas kaibigan pa kita kaysa boyfriend, eh. Keri pa ba, Adam? “
Lalong natikom ang bibig ni Adam. Hindi niya alam ang sasabihin sa sunod-sunod na mga hinahaing sa kaniya ni Estrellita. Hanggang sa lumipas na ang limang minuto, wala pa rin itong imik kaya tumayo na ang dalaga.
“ Magbibihis lang ako. Uuwi na ako, “ ani Estrellita at padabog na naglakad paalis sa salas. Parang bigla niyang gustong magsisi dahil tila sumobra ang sinabi niya.
CHAPTER 40 Mariing napalunok si Jessie, pinakiramdaman ang mga tao sa paligid nila na may kaniya-kaniyang mundo. Hindi niya inasahan na siya ang tatanungin ni Anna patungkol sa isa sa pinakamalalang isyu sa pamilya nila na matagal ng kinalimutan ngunit naungkat na naman dahil sa sinu-suspetsang pagkakapareho ng pangyayari sa kasalukuyan. “ Narinig ko kagabi iyong mga naging pagtatalo sa baba...” ani Anna nang makita ang pagdadalawang isip ni Jessie. “ Hindi naman kita pipilitin mag-kuwento kung hindi ka komportable. Gusto ko lang maliwanagan sa mga narinig ko kahapon. “ Mariing lumunok si Jessie at naiilang na tumingin kay Anna. “ A-Ano-ano ba iyong mga narinig mo kahapon? “ “ Iyong tungkol sa nangyari na noon, naulit na naman ngayon...” Nakaramdam nang matinding bigat sa dibdib si Anna sa ideya na paano kung totoo ang mga suspetsa ni Javier sa pagkamatay ng anak nila. “ At iyong tungkol sa nakatatanda niyong kapatid kung bakit mas pinili nitong manirahan sa malayo kahit okay na
CHAPTER 39 Kapansin-pansin ang katahimikan sa buong bahay nang bumaba sina Javier at Anna mula sa kanilang kuwarto. Alas nuebe nang umaga, kadalasan ay sumasalubong na sa kanila ang kasambahay na si Vee na abala sa pagwawalis, ngunit nakabibinging katahimikan ngayon ang bumabalot sa salas na animo’y sila lang ang tao sa buong bahay. Patay ang mga ilaw at nakasardo din ang mga blinds sa bawat bintana. “ Kuya? ” mula sa likuran ng dalawa, nagsalita si Jessie na kalalabas lang din halos sa kuwarto. Hindi maipinta ang ekspresyon nito sa mukha habang nagdadalawang isip sa kung anong sasabihin sa dalawa. “ Ngayon...ngayon lang ba kayo bababa? “ Tumango si Javier. “ Aalis din kami kaagad. Babalik kaming clinic. “ Napalabi si Jessie at tumango-tango bago ibaling ang lingon kay Anna. “ Ate Anna, I’m sorry about what happened. Hindi ko sure kung paano kita ma-c-comfort, pero kung kailangan mo ng makakausap or makakasama, nandito lang ako... “ Napayuko si Anna, iniwasan ang tingin ni Jessi
CHAPTER 38 “ What’s the commotion here? “ tanong ni Sasha nang maabutan ang pagtitipon-tipon sa kusina ng mga tao sa bahay. Lahat ay hindi maipinta ang mga hitsura, kabaliktaran sa abot-taingang ngiti na mayroon sa labi ni Sasha. “ Anyone? “ “ M-Ma'am Sasha, wala naman po. May ano lang...may tinatanong lang po si sir Javier tungkol sa ano...sa gatas po na iniinom ni Anna.” si Vee ang nagsalita, umaasang mapababa ang tensyon na mayroon sa kusina kung siya ang magpapaliwanang ngunit hindi pa man siya tapos sa pagsasalita ay humakbang na si Javier palapit sa ina na unti-unting nawala ang aliwalas sa mukha nang makita ang madilim na ekspresyon ng anak. Kinuha ni Javier ang kahon ng gatas na hawak ng ama upang iabot ito sa ina. “ Drink it. “ Gumuhit ang pagtataka sa mukha ni Sasha sabay baba ng tingin sa hawak ni Javier. “ Why do I need to drink it? “ “ Para malaman mo iyong sagot sa tanong mo, “ sambit ni Javier dahilan para lalong malito ang ekspresyog nakaukit kay Sasha. “ Serio
CHAPTER 37 “ Javier, please...” Pumagitna si Estrella sa pagitan ni Javier at Anna upang putulin ang anumang tensyon na nabubuo sa pagitan ng dalawa. “ Huminahon ka sa pagtatanong. Hindi ito ang tamang oras para mag-away kayong dalawa. “ “ Hindi ko naman siya inaaway, Estrella. Tinatanong ko lang naman kung anong klaseng gatas ang iniinom niya. “ Marahang paliwanag ni Javier bago muling ibaling ang tingin kay Anna. “ Pero since hindi niya alam, dapat ba akong mapanatag sa sagot na ‘yon? Paano kung may ingredients pala iyon na hindi pala maganda sa bata? “ Umiling si Anna, naluluha ang mga matang inangat ang tingin kay Javier. “ Naririnig mo ba ang sarili mo, Javier? Ilang taon na si ate Vee na nag t-rabaho sainyo hindi ba? Tatlo kayong magkakapatid na dumaan sa kaniya. Siya nag-alaga sainyo noong mga bata pa kayo, kaya bakit naman niya ako paiinumin ng gatas kung alam niyang makakasama iyon sa bata? “ “ Anna, baka nakakalimutan mo kung nasaan tayo nakatira? “ sagot ni Javier ra
CHAPTER 36 “ I’m sorry to say this, pero...” Itinigil ng Doktora ang ginagawa sa tiyan ni Anna at maungkot ang mga matang pinukol sa dalawa.“...wala na pong heartbeat ang baby niyo, Mommy. “ Bumalot ang katahimikan sa buong kuwarto nang bigkasin ng Doktora ang mga katagang taliwas sa inaasahang marinig ng dalawa. Nanigas si Javier sa kinatatayuan niya, tila nalaglag ang puso sa narinig niya, habang tila nakalimutan naman ni Anna ang huminga dahilan para mag panic siya. “ D-Doc, a-ano hong ibig niyong sabihin na walang heartbeat? ” Nanlalamig ang katawan ni Anna na naupo mula sa pagkakahiga niya, nanginginig ang kamay na hinawakan ang braso ng Doktora. “ Paano pong walang heartbeat? Hindi ho kaya sira lang itong gamit niyo? Baka po may diperensya? Ulitin niyo nga po pag-scan, please. “ “ Mommy, sandali lang, kumalma muna ho kayo...” Pakiusap ng Doktora nang maramdaman ang higpit ng hawak ni Anna sa braso niya. Tumingin ito kay Javier upang pakiusapan na tulungan siya subalit nakat
CHAPTER 35 “ I love you...” ang mga katagang hindi mawala-wala sa isip ni Anna. Paulit-ulit, tipong kada hinga ay nag e-echo sa utak niya ang boses ni Javier habang binibigkas ang mga salitang ngayon lamang niya narinig mula sa lalaki. Idinilat niya ang mata, humingang malalim bago dahan-dahang umikot ng kama paharap kay Javier na mahimbing nang natutulog sa tabi niya. Tumingin siya sa orasang nakasabit sa pader, mag a-alauna na nang madaling araw at hindi pa rin siya dinadalaw ng antok. Marahil dahil sa dami ng tumatakbo sa isip niya patungkol sa kasal na gaganapin na sa susunod na linggo at sa katotohanang inihayag sa kaniya ng magiging asawa. “ Mahal mo talaga ako? “ Pabulong na tanong ni Anna, tahimik na pinagmamasdan ang natutulog na si Javier. Wala sa sarili siyang napangiti nang makaramdam ng paru-paro sa kaniyang tiyan, animo’y kinikiliti siya upang tumawa. “ Hindi nga? Mahal mo ‘ko? “ Hindi alam ni Anna kung anong oras na siyang nakatulog dahil sa daming tumatakbo sa isip