Share

CHAPTER 25

Penulis: janeebee
last update Terakhir Diperbarui: 2025-07-10 15:24:07
CHAPTER 25

Malaking halaga ng pera ang kakailanganin ng pamilya ni Anna sa sitwasyong kinahaharap nila ngayon at lahat sila ay problemado kung saan kukuha ng mga panggastos lalo’t hindi nila alam kung kailan magkakamalay si Allan. Bawat araw sa ospital, libo ang kailangang ilabas upang maipagpatuloy ang buhay ng kapatid na nakikipaglaban sa kamatayan.

“ Malapit na tayo, Anna. “ Nabalik sa realidad ang isip ni Anna nang marinig ang boses ni Javier sa tabi niya. Tumingin siya sa labas ng bintana ng bus at nakitang malapit na silang bumaba ng terminal.

Humugot nang malalim na buntong hininga si Anna at napayakap sa sarili dahil sa lamig ng aircon na tumatagos sa loob ng balat niya. “ P-Parang hindi ko kayang humarap ngayon kina Nanay at Tatay. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanila na wala na akong trabaho kung kailan kailangan namin ngayon ng pera para sa mga magiging bayarin sa ospital. “

Kinuha ni Javier ang kamay ni Anna at marahan itong pinisil-pisil. “ Huwag mo masy
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • BOOK 2: Maid For You Too   CHAPTER 27

    CHAPTER 27 Akala ni Anna, sanay na ang mga mata niyang makakita ng mga magagara at nag lalakihang bahay sa ilang taon niyang pagta-trabaho sa siyudad, ngunit hindi pa rin niya maiwasang mamangha nang makarating sa bahay na pagmamay-ari ni Sasha. May dalawang palapag ito at ang parking space ay tila kasing-laki lamang ng bahay nila sa probinsya. Dalawang sasakyan ang nakaparada doon--isang sedan at crossover. Ang railing ay gawa sa salamin na para bang nakakatakot nadampian ng kamay niya dahil baka mabasag. “ Sa picture ko lang nakikita dati bahay niyo. Ngayon nandito na ako...” wala sa sariling sambit ni Anna, tulala pa ring pinagmamasdan ang bahay na nasa harap niya. Kanina pa sila nakababa ng sasakyan, kasama ang dalawang maleta na dala-dala nila ni Javier. “ Saan mo nakita? “ tanong ni Javier, pinunasan ang pawis sa sentido niya habang nakaangat ang tingin sa ikalawang palapag ng bahay. Huling punta niya, wala na sa balkonahe ang mesa at silya na madalas niyang tambayan noong

  • BOOK 2: Maid For You Too   CHAPTER 26

    CHAPTER 26 Tahimik na pinagmamasdan ni Javier si Anna na abalang nakikipag-usap sa tumawag sa cellphone nito, bahagya itong nakatalikod sa kaniya kaya hindi niya makita ang mukha ni Anna. Kung pagbabasehan ang galaw ng katawan, kita ang gaslaw sa kilos at ang paulit-ulit na pagtapik at pagkaskas ng kamay sa hita na nagpapakita ng ngasiwa. Hindi alam ni Javier kung sino ang kausap nito dahil cellphone number lang ang rumehistro sa screen noong makita niyang sinagot ito ni Anna. Sumandal si Javier sa silya nang ialis ang paningin kay Anna. Sa halos tatlong araw niyang nawala, hindi naalis sa isip niya si Anna. Nahirapan siyang i-proseso ang lahat ng mga kaganapan ngunit hindi sumagi sa kaniyang isipan na talikuran ang responsibilidad niya. Sa isla kung saan siya pumunta para sa isang trabaho, nakatulong rin ito sa kaniya para makapag-isip ng mga nararapat na solusyon at paraan para sa buhay na nag aabang sa kaniya pag-uwi. Mahina ang signal sa isla at minsan ay nawawala pa kaya an

  • BOOK 2: Maid For You Too   CHAPTER 25

    CHAPTER 25 Malaking halaga ng pera ang kakailanganin ng pamilya ni Anna sa sitwasyong kinahaharap nila ngayon at lahat sila ay problemado kung saan kukuha ng mga panggastos lalo’t hindi nila alam kung kailan magkakamalay si Allan. Bawat araw sa ospital, libo ang kailangang ilabas upang maipagpatuloy ang buhay ng kapatid na nakikipaglaban sa kamatayan. “ Malapit na tayo, Anna. “ Nabalik sa realidad ang isip ni Anna nang marinig ang boses ni Javier sa tabi niya. Tumingin siya sa labas ng bintana ng bus at nakitang malapit na silang bumaba ng terminal. Humugot nang malalim na buntong hininga si Anna at napayakap sa sarili dahil sa lamig ng aircon na tumatagos sa loob ng balat niya. “ P-Parang hindi ko kayang humarap ngayon kina Nanay at Tatay. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanila na wala na akong trabaho kung kailan kailangan namin ngayon ng pera para sa mga magiging bayarin sa ospital. “ Kinuha ni Javier ang kamay ni Anna at marahan itong pinisil-pisil. “ Huwag mo masy

  • BOOK 2: Maid For You Too   CHAPTER 24

    CHAPTER 24 Nakatitig si Anna sa mahigit sampunglibo sa kama niya, malalim ang iniisip matapos makatanggap ng tawag mula sa lumuluhang ina. Hanggang ngayon ay kumakabog ang dibdib niya, binabalot ng takot at pag-aalala para sa kapatid niyang nakaratay sa kama. “ Anak, n-nasa ospital kami ngayon dahil iyong kapatid mo, si Allan, di ko malaman kung napag –tripan o ano pero bugbog sarado siya. Wala pa rin siyang malay hanggang ngayon, p-pero ang daming dugo na nawala sa kaniya kaya natatakot ako baka kung ano mangayari sa kapatid mo, jusko...” paulit-ulit naririnig ni Anna sa isip niya ang sinabi ng ina patungkol sa nangyari sa kapatid. Hindi niya alam ang buong pangyayari o kung paano nahantong ang kapatid niya sa ganoong sitwasyon dahil nahihirapan ang kaniyang ina sa pagsasalita sa labis na nerbyos. Kinuha ni Anna ang sampung libong papel na inilatag niya sa kama upang ibalik sa sobre. Iyon lamang ang perang naitabi niya sa ilang taong pag t-trabaho bilang kasambahay. Wala siyang ma

  • BOOK 2: Maid For You Too   CHAPTER 23

    CHAPTER 23 Blangkong ekspresyon ang nakaukit sa mukha ni Estrellita habag pinagmamasadan ang likod ni Adam na kasalukuyang nagsasalin ng champorado sa dalawang malalim na mangkok. Nakaupo si Estrellita sa isang silya, ang silya na palagi niyang inuupan sa tuwing kakain silang dalawa ni Adam sa mesa sa kusina. “ Kapag natabangan ka, dagdagan mo na lang ng gatas. “ Binaba ni Adam ang isang tray kung saan naroon ang dalawang mangkok—ang isa ay may gatas habang ang isa naman ay wala. Kinuha ni Adam ang mayroong gatas at binaba sa harap ng dalaga habang ang wala naman ay inilagay sa puwesto niya. “ Thank you. “ Ngumiti si Estrellita, hinalo-halo ang champorado gamit ang kutsara niya. Saglit niyang ninakawan ng tingin si Adam na sakto ring tumingin sa kaniya dahilan ng pagtama ng mga mata nila. Tumikhim si Estrellita, umayos ng pagkakaupo sa silya at muling binalik ang atensyon sa champorado niya. Namayani ang ilang minutong katahimikan sa buong bahay, walang kapayapaan dahil ang kani

  • BOOK 2: Maid For You Too   CHAPTER 22

    CHAPTER 22 Tahimik na kinakain ni Anna ang huling slice ng pizza na binitbit niya sa kalagitnaan ng byhae pauwi kasama ang mag-asawang abala sa pag-uusap patungkol sa sitwasyon nila Estrellita at Adam. “ Magkakabalikan pa kaya sila? “ hindi maiwasang tanong ni Estrella, nakatingin sa bintana sa gilid niya at pinagmamasdan ang mailaw na mga gusaling dinadaan nila. “ Nakakapanghinayang dahil may hindi lang sila pagkakaintindihan nang kaunti, nauwi agad sila sa hiwalayan. Sana maging maayos din sila pagkatapos nito. “ “ Parang sinabi mo kanina na okay lang sa’yo na maghiwalay muna sila? “ takhanong tanong ni Sebastian nang maalala ang opinyon kanina ng asawa nang ikinu-kuwento nito ang naganap kanina bago sila napunta sa bar. “ Oo nga, pero sana maayos iyong maging paghihiwalay nila. Hindi iyong kagaya nitong parang puro galit ang pinanghuhugutan ni ate Estrellita kay Adam, “ ani Estrella, “ Maganda naman ang naging relasyon nila, nakakalungkot naman kung matapos siya nang masama

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status