Share

BREAKING THE CHAINS OF HIS OBSESSION
BREAKING THE CHAINS OF HIS OBSESSION
Author: Sunmaru

CHAINS 1

Author: Sunmaru
last update publish date: 2026-06-30 09:45:59

⚠️ W A R N I N G ⚠️

Ito ay DARK ROMANCE

• Obsessive & possessive love

• Toxic relationships

• Violence • Dub-con / Non-con elements

• Psychological manipulation

• Dark themes na hindi para sa mahina ang puso

Kung hindi mo kaya ang ganitong klaseng kwento...

T U M I G I L N A

You've been warned.

SIENNA POV

Maingat kong tiningnan ang suot kong uniporme-hapit ito sa aking katawan, kaya dama ko ang bawat tingin ng mga lalaking parokyano sa bar na aking pinagtatrabahuhan. Pero hindi ko na iyon binigyan ng pansin.

Ako si Sienna Constalles, labingwalong taong gulang. Hindi ko na naipagpatuloy ang pag-aaral dahil sa matinding kahirapan.

Siguro kung nasa maayos lang na kalagayan ang pamilya ko, matagal ko na sanang natupad ang pangarap kong makapagtapos at maging isang guro.

Sabi nila, maganda raw ako. Namana ko raw ang itsura kong ito kay Mama noong kabataan niya-may lahi kasi siyang Spanish, kaya litaw ang mga mestisahing katangian niya na nakuha ko rin.

Bilugan ang aking mga mata na tila laging inosente ang tingin sa mundo. Mahaba at may natural na bagsak ang dark brown kong buhok na umaabot hanggang sa bewang ko.

Sabi ng iba, may "kissable lips" daw ako-mapula kahit walang lipstick. Matangos ang ilong ko, at mahaba ang aking mga pilikmata na natural na naka-curl, bagay na lalong nagpapatingkad sa kabuuan ng aking mukha.

5'2 ang taas ko at may balingkinitang katawan. Madalas ding mapansin ang aking dibdib, na palaging napagkakamalang pinadagdagan ko raw-lalo na ng ilang kasamahan ko sa bar. Napapailing na lang ako sa tuwing naririnig ko iyon.

Ang manager sa bar ay ilang beses na rin akong inalok na magpa-table, dahil mas malaki raw ang kita roon. Marami ring guest, lalo na ang mga VIP, na madalas akong makita at magustuhan. Pero tinanggihan ko iyon.

Kahit ganito ang trabahong pinasok ko, mas pinipili ko pa ring panatilihin ang buo kong pagkatao.

Alam kong marumi ang tingin sa akin ng iba-lalo na ng mga kapitbahay namin. Pero natutunan ko na lang manahimik. Hindi nila alam ang pinagdadaanan ko, at wala rin naman silang maitutulong. Basta para sa pamilya ko, kakayanin ko.

Ang aking ina ay halos sa ospital na nakatira ngayon dahil sa kanyang malubhang karamdaman-leukemia. Iniwan na kami ng aming ama noon pa. Sumama siya sa ibang babae at kailanman ay hindi na muling nagparamdam.

Tatlo kaming magkakapatid. Ako ang panganay. Kasama ko sa buhay ang aking sampung taong gulang na kapatid na si Marco, at ang aming bunsong si Leticia, na anim na taong gulang pa lamang.

Nagtatrabaho ako sa isang bar bilang waitress. Hindi man madali, kinakaya ko para lang may maipambili kami ng gamot ni Mama at may maipakain ako sa aking mga kapatid.

Lumabas ako ng kwarto at agad kong narinig ang mahinang halakhak nina Marco at Leticia mula sa sala. Nakaupo silang magkatabi sa lumang sofa, abala sa panonood ng paborito nilang cartoon sa telebisyon.

Napatingin ako sa orasan na nakasabit sa dingding-mag-a-alas siyete na ng gabi.

May oras pa ako. 9:30 pa ang pasok ko sa bar, kaya makakadaan pa ako sa PGH para dalawin si Mama. Sana gising pa siya pagdating ko.

"Marco, i-lock mo ang pinto pag-alis ko, ha? Huwag kang magpapapasok ng kahit sino," bilin ko sa aking kapatid habang inaayos ang bag na dala ko.

"Opo, Ate," mabilis na sagot ni Marco.

"Ate, uwian mo ulit ako nung tinapay na may palaman na ham, ha? Yung masarap!" sabat ni Leticia habang lumapit sa akin at kumapit sa laylayan ng aking damit.

"Oo ba, bunso," sagot ko sabay halik sa pisngi niya at mahigpit na yumakap.

Tumayo ako at lumakad papunta sa pinto.

"Marco, ikaw na ang bahala dito, ha? Kumain na kayo. May sinaing at pritong itlog sa lamesa. At yung bilin ko, huwag mong kakalimutan."

"Opo, Ate... Mag-iingat ka, Ate," sagot muli ni Marco habang hawak ang kamay ni Leticia.

Lumabas ako ng bahay at nagsimulang maglakad papunta sa sakayan ng jeep patungo sa ospital.

Sa may kanto pa lang, natanaw ko na ang barkada ni Brandon-nakaupo sa gilid at halatang walang ibang ginagawa kundi mang-asar at manghassel ng tao.

Nararamdaman ko na agad ang mga tingin nila sa akin, lalo na si Brandon na walang hiya kung makatitig.

Napaismid ako nang mapansing papalapit siya sa akin, dala ang pilyong ngisi na matagal ko nang kinamumuhian.

"Sienna, hatid na kita!" alok niya, sabay abante ng isang hakbang.

"Huwag na, Brandon. Dadaan pa ako sa ospital," mahinahon ngunit matatag kong sagot habang pinipilit na huwag magpakita ng inis.

Pero hindi siya tumigil. Imbes na umurong, lalo pang lumapit.

"Sige na, Sienna... magkano ba?" bulong niya na may malisyosong titig, halos nilalantakan na ng mata niya ang katawan ko.

Napuno ako. Uminit ang ulo ko at masama ko siyang tiningnan.

"Tigilan mo na 'yang pangungulit mo, Brandon. Kung hindi, isusumbong kita sa pulis."

Tumawa lang siya, halatang hindi natitinag. Pero sakto namang dumaan sina Mang Tasio at ang mga kasama niyang tanod, mukhang magsisimula na ng ronda.

Nakita ko ang saglit na pagbabago sa ekspresyon ni Brandon. Napaatras siya ng bahagya-at doon ako tuluyang dumiretso sa sakayan, hindi na lumingon pa.

Pagpasok ko sa pampublikong ospital, agad akong sinalubong ng amoy ng gamot at disinfectant.

Maraming kama ang magkakatabi, hiwalay lamang ng manipis na kurtina. Tahimik ang paligid, pero rinig ang mahihinang pag-ubo, tunog ng oxygen tank, at marahang yabag ng mga nars.

Nasa dulo ng ward ang kama ni Mama.

Payat na ang kanyang katawan-halos buto't balat.

Nakasalubong ko ang isang nars na may hawak na clipboard. Bahagya siyang ngumiti sa akin, parang sanay na rin sa araw-araw kong pagdalaw.

"Ma..." mahina kong tawag habang lumalapit.

Nakadilat siya, pero halatang pagod. Nakasalpak ang oxygen tube sa ilong niya, at ang kaliwang braso niya ay may nakakabit na dextrose.

"Anak... maaga ka," mahina niyang sabi, sabay pilit na ngiti.

Umupo ako sa gilid ng kama at marahang hinaplos ang kanyang kamay.

"May oras pa po ako bago ang trabaho. Dumaan lang po ako para kamustahin kayo."

Tinitigan ko ang mukha ni Mama-ang dating masayahing mga mata niya ay ngayon puno ng lungkot at pagod. Pero kahit ganoon, ramdam ko pa rin ang init ng pagmamahal sa titig niya.

"Kamusta sila Marco at Leticia?"

"Okay lang po sila. Pinakain ko na bago ako umalis. At si Leticia, nagpapabili na naman ng tinapay na may ham," pinilit kong ngumiti.

Napahagikgik si Mama, pero agad rin iyong nauwi sa mahinang ubo.

Mabilis kong inabot ang baso ng tubig sa tabi at inalalayan siyang uminom.

Sa bawat kilos ko, ramdam ko ang kirot-hindi lang sa kanya, kundi sa puso ko.

"Ma... konting tiis na lang po, ha? Mag-iipon pa ako. Baka makuha ko na yung full dose ng gamot niyo sa susunod na linggo."

Hindi siya sumagot, pero hinaplos niya ang pisngi ko gamit ang nanghihina niyang kamay.

"Salamat, anak... Pasensya ka na kung ito ang buhay na naibigay ko sa inyo."

"Wala kayong kasalanan, Ma. Hindi ko po kayo pababayaan."

Niyakap ko siya nang marahan, at sa sandaling iyon, pinilit kong hindi umiyak.

Pero sa loob-loob ko-

Kailangan ko pang magsakripisyo. Kailangan kong kumapit. Para sa kanila.

Pagkalabas ko ng ospital, diretso na ako sa Makati Avenue.

Mula sa masikip at maingay na daan ng lungsod, sinalubong ako ng liwanag at ingay ng gabi-mga ilaw ng sasakyan, billboard, at matataas na gusali.

Pumasok ako sa isang mataas na building kung saan matatagpuan ang bar na pinapasukan ko. Isang high-class bar sa Makati-hindi basta-bastang lugar.

Kadalasang pumupunta rito ang mga kilalang personalidad, negosyante, at lalaking sanay sa karangyaan.

Kung hindi dahil kay Trisha, ang matalik kong kaibigan mula pa noong high school, hindi ako makakapasok dito. Siya ang tumulong sa akin na makahanap ng trabaho. Siya rin ang nagturo sa akin kung paano kumilos, magsuot, at magsalita sa ganitong klaseng mundo.

Pagpasok ko sa loob, agad akong sinalubong ng malamig na aircon, malambot na music beat, at ang amoy ng mamahaling alak.

Dim ang ilaw, pero elegante-may halong ginto at pula ang interior ng lugar, at ang mga waitress ay naka-uniform na hapit sa katawan.

"Sienna, you're on Floor B tonight."

Agad akong tinawag ng supervisor namin, si Madam Liza, isang babaeng palaging seryoso.

"Yes po," sagot ko habang tumango at nagtungo sa staff room upang magbihis ng uniporme.

Isang fitted na itim na dress na may slit sa gilid at bahagyang plunging neckline ang sinuot ko. Pinalitan ko ang suot ko kanina dahil sa Floor B ako naka-assign-ibig sabihin, mas daring ang kasuotan doon.

Binalewala ko na lang iyon. Waitress lang naman ang pinasok ko, hindi isang escort.

Sinuot ko iyon nang may kaunting pag-aalinlangan, pero sanay na rin ako.

Kailangang makisabay. Para sa kanila. Para kay Mama.

Sa bawat hakbang ko palabas ng staff room, damang-dama ko ang mga mata ng mga lalaking customer na nakaupo sa kanilang VIP booths.

May ilan sa kanila na kilalang negosyante, mga executive, o mukhang anak-mayaman na sanay sa kapritso.

Isang bagong gabi na naman ng pagtatrabaho.

Isang bagong gabing kailangang tiisin.

Pero sa puso ko, paulit-ulit ang panalangin:

Konting tiis pa, Sienna... konting tiis pa para kay Mama, kina Marco, at Leticia.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • BREAKING THE CHAINS OF HIS OBSESSION   CHAINS 14

    Sienna’s POVPinunasan ko ang mga luha ko at malalim na huminga. Lumabas ako ng kubo at nagpunta sa poso. Dahil sa sobrang pag-aalala, nakalimutan kong basa pa pala ang suot ko. Kaya agad akong sumunod sa mga kapatid ko at naligo na rin.Naabutan ko silang nagtatawanan habang naglalaro. Saglit akong napangiti, pero mabilis ding napalitan ng pag-aalala ang ekspresyon ko.Sabay-sabay na rin kaming natapos, nagbihis, at kumain. Mabuti na lang at nakapagluto ako bago pa kami nagpunta sa sapa kanina, kaya may tanghalian na kami. Pagkatapos kumain, agad nakatulog si Leticia dahil sa pagod sa kakalaro. Tinawag ko si Marco—gusto ko siyang bilinan. May isip na siya kahit paano, at alam kong kaya niyang alagaan si Leticia kapag wala ako.“Marco,” tawag ko.“Bakit po Ate Sienna?” sagot niya habang lumalapit.“Aalis ako mamayang gabi. Babalik din ako kinabukasan. Huwag mong pababayaan si Leticia, ha?” bilin ko, kahit wala akong kasiguraduhan kung makakabalik pa ba talaga ako. Bahala na… gagawin k

  • BREAKING THE CHAINS OF HIS OBSESSION   CHAINS 13

    THIRD POV..Matapos ang pag-uusap nila ni Azrael, pilit pa ring naging normal si Sienna sa buong magdamag.Kahit paulit-ulit siyang tinatanong nina Marco at Leticia kung bakit namumula ang kanyang mga mata, ngumiti lang siya at nagdahilan na napuyat lang siya.Ayaw niyang madamay ang mga kapatid niya sa bangungot na muli na namang bumabalot sa kanyang buhay.---Kinabukasan, habang nagwawalis siya sa bakuran, natanaw niyang papalapit si Nicco.Nang makalapit ito, agad siyang binati at iniabot ang isang bungkos ng saging na saba."Naku, Nicco. Ano na naman 'tong dala mo? Nakakahiya naman. Lagi ka na lang may pasalubong."Napakamot sa ulo ang binata at nahihiyang ngumiti."Ayos lang 'yan, Sienna. Galing lang 'yan sa tanim namin."Napangiti si Sienna."Teka, gusto mo ba ng kape? Pakukuluan ko na rin itong mga saba. Sakto, hindi pa ako nakakapag-almusal. Tulog pa sina Marco at Leticia.""Sige."Umupo si Nicco sa kahoy na upuan sa tabi ng maliit na mesa.Samantalang si Sienna ay nagsindi n

  • BREAKING THE CHAINS OF HIS OBSESSION   CHAINS 12

    THIRD POV .."Fuck!!" galit na sigaw ni Azrael, umalingawngaw sa buong silid ng mamahaling suite.Isang malakas na sampal ang iginawad niya sa babaeng nakaluhod sa harap niya. Walang kuryente. Walang excitement. Kahit na malalim na ang pagkabaon ng mainit at basa nitong bibig sa ari niya, wala pa ring sarap na katulad ng kay Sienna.Napaatras ang babae, hawak ang namumulang pisngi, nanginginig ang mga labi pero walang lakas ng loob na magsalita."Out!" utos niya, malamig at matalim ang tinig na parang patalim. Halos natumba sa pagmamadali ang hubad na babae habang nagpupunas ng laway sa bibig at nagkakagulo sa pagkuha ng damit. Ilang segundo lang ay nawala na ito sa kwarto.Kahit sino pang bayaran niyang puta, kahit gaano pa kaganda o kahit gaano pa kagaling wala pa rin. Walang makakapantay kay Sienna.Hindi niya makalimutan ang lambot ng balat nito, ang tamis ng amoy ng pagkababae nito pagkatapos niyang kainin ito, ang mainit at masikip na pagkakakapit ng loob nito sa ari niya, ang

  • BREAKING THE CHAINS OF HIS OBSESSION   CHAINS 11

    Mariin kong hinila ang pulsuhan ko mula sa pagkakahawak niya. Ngunit hindi man lang siya natinag."Bitawan mo ako," mariin kong sabi, pilit pinatatatag ang boses ko kahit ramdam kong nanginginig ang buong katawan ko.Tahimik lang siyang nakatingin sa akin.Parang hinihintay niyang ako ang unang bumigay."Narinig mo ba ako?" mas malakas kong ulit."Bitawan mo ako."Ilang segundo pa ang lumipas bago niya dahan-dahang binitawan ang kamay ko.Napaatras agad ako at mabilis na inilayo ang sarili sa kanya.Pero sa mabilis na galaw...Hinawakan niya bigla ang panga ko, mahigpit at masakit..halos tingalain ko siya.."I won't let even a single part of you belong to someone else."Bago pa ako tuluyang makaiwasBigla niya akong hinalikan. Nanlaki ang mga mata ko. Parang huminto ang oras.Nanigas ang buo kong katawan sa matinding gulat habang pilit kong itinutulak ang dibdib niya, desperadong kumawala sa mahigpit niyang pagkakahawak..Ilang sandali pa bago niya ako binitawan. Napaatras ako agad

  • BREAKING THE CHAINS OF HIS OBSESSION   CHAINS 10

    Tahimik lang kaming nakatayo habang dahan-dahang isinasakay sa puting ambulansya ang walang buhay na katawan ni Mama, balot sa malinis na puting tela.Hindi ko alam kung saan ko kinukuha ang lakas ng loob habang inaasikaso ko ang lahat—ang death certificate, mga papeles para sa release, at maging ang mga kailangang ayusin para sa burol at libing.Mahigpit lang na nakakapit sa laylayan ng damit ko ang bunso kong kapatid na si Leticia. Halos ayaw niya akong bitawan, na para bang natatakot siyang pati ako ay mawala. Sa isang tabi naman ay nakaupo si Marco, tahimik na umiiyak habang pilit pinipigilan ang paghikbi.At ang perang iyon...Ang perang nakuha ko kapalit ng gabing kailanman ay hindi ko na mabubura sa alaala ko.Nasa loob pa rin iyon ng bag ko.Marahil... ito talaga ang silbi ng perang iyon.Ang maging huling paraan para maihatid namin si Mama sa kanyang huling hantungan nang may dignidad.Para sa unang pagkakataon...Hindi na namin kailangang lumuhod o mangutang sa iba, makiusap

  • BREAKING THE CHAINS OF HIS OBSESSION   CHAINS 9

    "Spread your legs wider..." bulong niya sa mababang, mapanganib na tinig na puno ng utos at matinding pananabik.Sunod-sunuran kong pinaghiwalay pa lalo ang aking mga hita, halos nanginginig ang mga tuhod ko habang nalulunod sa kakaibang init na bumabalot sa buong katawan ko. Ang lamig ng hangin sa aking basang pagkababae ay agad na napalitan ng init ng kanyang pagtingin."Hindi ko na makilala ang sarili kong tinig," paungol ko, humahabol ng hininga, puno ng gutom na pananabik. "Ahh... Master..."Maya-maya pa, unti-unti siyang bumaba mula sa puson ko, ang mainit na labi niya ay nag-iiwan ng mga basa at nag-aapoy na halik sa aking balat—pababa sa tiyan, sa ibabaw ng pusod, hanggang sa marating niya ang gitna ng aking mga hita.At doon, walang pasubali, agad niyang inilapat ang mainit na dila niya sa aking basang-basa na pagkababae."Ahhhhh..." Wala na akong nagawa kundi mapaliyad nang todo, ang likod ko ay yumakap sa kama habang malunod sa napakalakas na sarap. Agad niyang sinipsip an

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status