Home / Romance / BROKEN HEARTS AND PROMISES / 2. TRAPPED SERIES#5

Share

2. TRAPPED SERIES#5

Author: SEENMORE
last update Last Updated: 2024-06-10 17:00:09

[Gail]

“Excuse me. Wala akong boyfriend kasi wala pa sa isip ko ‘yan. Saka seventeen palang ako. Masyado pang bata para makipagrelasyon. Mas mabuti pa na pagtuunan ko ng pansin ang pag-aaral, matutuwa pa si dad.”

"Sige na, tulungan mo akong magpaalam kay mommy at daddy." Umupo ito at umakbay pa sa kanya. "Sige na, bff, please. Hindi nila ako papayagan kapag hindi kita kasama, maawa ka sa maganda mong kaibigan.” Pangongosensya nito sa kanya.

Hindi pa ito nakuntento, nilabas pa nito ang picture ni Miguel kuno na hindi niya makita ang mukha dahil tadtad ito ng kiss mark lipstick.

"Pagbigyan mo na ako na makita si Miguel, Gail. Sige na, please!"

"No... and that is my final answer." Aniya.

Pagdating sa bahay, agad siyang humalik sa pisngi ng daddy nila. "Good evening, dad. Ang aga mo naman pong dumating ngayon." Pabagsak siyang naupo sa sofa. Pakiramdam niya ay naubusan siya ng energy dahil sa walang tigil na pangungulit ni Nerissa. Hindi talaga siya nito tinigilan.

"Good evening, baby." Ganting bati ng ama. "Don't tell me nakalimutan mo kung anong araw ngayon?" May bahid ng pagtatampo ang tanong nito.

Nakalimutan?

Bumuntong hininga ito. "It's your mother's birthday, baby."

Nalukot ang kanyang mukha "Ano naman po?"

"Gail!" May pagbabanta sa boses na sita ng Ate Zera niya na kadarating lang. "She is still our mother—"

"Ate Zera, move on, okay?" Umusbong ang galit sa dibdib niya na matagal na niyang kinikimkim. "She left us, remember?" Saka bakit nagagalit ito ngayon? Hindi ba galit rin naman ito sa ginawa ng mommy nila?

"Gail!" Nakabalatay sa mukha ng kanilang ama ang sakit, halata na hindi nito gusto ang inasta niya.

Pero wala siyang pakialam. Iniwan sila nito, mas pinili nito ang ibang tao kaysa sa kanila. 'Hinding-hindi ko kayo ipagpapalit sa kahit anong bagay' Pinahid niya ang luha nang kusang tumulo ito. Naalala niya ang pangako nito sa kanilang tatlo ng mga ate niya.

"S-sige po, dad. Aakyat na po ako sa kwarto ko." Hindi na niya hinintay na magsalita pa ito. Umakyat na siya at iniwan ang mga ito. Pagdating sa kwarto ay bumuga siya ng hangin. Pakiramdam niya ay mayro’ng nakadagan sa dibdib niya.

Bakit inaalala pa ng mga ito ang taong nang iwan sa kanila? Hindi niya maintindihan. Para sa kanya ay hindi na dapat inaalala pa ang mga taong pinili kang iwan at saktan.

Kinuha niya ang cellphone at agad na tinawagan ang kaibigan. "Pumapayag na ako. Kailan kita ipapaalam kila tita?"

"Oh my god!!! Talaga?!!!"

Nilayo niya ang cellphone sa tenga. Pakiramdam niya ay mabibingi siya sa lakas ng tili ni Nerissa sa kabilang linya.

"Pwede bang ngayon na?!"

"Masyado kang atat. Kakauwi ko lang kaya. Bukas na lang, baka hindi rin ako payagan ni daddy na ihatid di'yan sa inyo ngayon." Sigurado siya na iiyak na naman ito dahil sa pag-aalala sa mommy niya, at sigurado din na bawal silang umalis ng bahay ng Ate Zera niya ngayon. Mabuti pa ay libangin niya bukas ang sarili para maalis sa isip niya ang tungkol sa mommy nila.

Kinabukasan, maaga siyang nagpahatid sa bahay nila Nerissa.

"Ikaw ang may kasalanan ng lahat ng ito! Kung hindi ka nabuntis, hindi ako makukulong sa walang kwentang pamilyang ito!" sigaw ng ama ni Nerissa.

Nagkunwari siyang walang narinig at nagpatuloy sa pagpasok sa kwarto ni Nerissa. Katulad ng dati, walang pakialam ang kaibigan niya sa away ng magulang nito. Sanay na kasi ito. Pero aaminin niya, nakakaramdam siya ng awa rito. Harap-harapan ay halos isuka ito ng sariling ama. Mas masaklap pa ang kayang gawin ng daddy nito kaysa sa mommy niya. Hindi lang kasi isang beses nambabae ang daddy ni Nerissa, maraming ulit na. Madalas pa nitong sinasaktan ang kaibigan niya. Kaya napakaswerte nilang magkakapatid sa pagkakaroon ng mabuting ama.

"Paano ako magpapaalam sa parents mo kung nag-aaway sila?" Humiga siya sa tabi ni Nerissa.

"Ouch!!!" Daing nito nang batukan niya nang malakas.

Nag-aaway na ang magulang, pero heto ang kaibigan niya, busy sa panonood ng video.

Napailing na lang siya.

Trenta minuto ang hinintay nila bago nagpaalam sa mommy nito na aalis sila next Saturday.

"Tigilan mo nga ang kakagawa ng design, Gail. Nandito tayo sa mall ngayon para gumala, hindi para mag-drawing!" Napipikang turan nito.

Narito sila ngayon sa Z-mall. Pagkatapos magpaalam sa magulang ni Nerissa, tumuloy sila rito. Bibili kasi sila ng bagong relo. Heto ang isa sa rason kung kaya madali silang nagkasundo. Pareho sila na mahilig sa iba't ibang klase ng relo.

Luminga-linga siya. Kanina lang katabi pa niya si Nerissa, pero bigla na lang itong nawala. Hindi talaga ito mapakali sa isang lugar. Sigurado na bumibili na naman ito ng bagong album ng paborito nitong artista, singer, dancer—teka, ano nga pala ang pangalan ng idol nito? Miggy? Medel? Arghh! 'Di bale na nga.

Napa-ohh ang labi niya nang dumako ang mata sa estante kung nasaan ay mayro'ng napakagandang relo.

Ang limited edition na Z-watch!

Tamang-tama, malapit na ang kaarawan ng daddy niya. Tatlo lang ang mayro'n nito sa buong mundo. Kaya sigurado na matutuwa ang daddy niya kapag nabili niya ito.

"Fvck you, fvcker! Bakit mo dinisplay ang relo ko rito?! Gusto mong pasabugin ko itong mall mo? Damn you!!!" Nalukot ang kanyang mukha nang marinig ang malulutong na mura ng lalaking katabi niya. “Damn! I'm gonna kill you later, fvcker!"

Hindi niya mapigilan ang lingunin ito. Napakalaki kasi ng boses nito—lalaking-lalaki ang dating, nakakapanindig balahibo. Muntik na niyang makagat ang dila nang pagtingin niya rito ay napakalaki pala nito. Para itong bakulaw.

Ang tangkad!

Dahan-dahan siyang nag-angat ng tingin, hindi niya inaasahan na nakayuko pala ito at nakatingin sa kanya.

The man standing in front of her was six feet two inches tall. She knew this because she was good at estimating sizes. He had pale white skin like a vampire and beautiful amber eyes that she was certain captivated all the women around him. His curly faded black hair suits his handsome face, making him look more like a Greek god. May ganitong kagwapong tao pala sa Pilipinas? Akala niya'y nasa Hollywood lang ang ganitong klaseng mukha.

Hindi niya mapigilan ang mapangiwi nang madako ang mata niya sa labi nito. Medyo maitim, na halatang malakas manigarilyo.

Yuck.

Binalik niya ang tingin sa relo. Muling kuminang ang mata niya—pero agad din na nawala ang kinang sa kanyang mata nang basagin ng lalaking katabi niya ang estante.

"Hoy, teka!" Hinawakan niya ang kamay nito para kunin ang relo. "You jerk! That is illegal! You shouldn't break a glass like that, you thief! Security!!! May magnanakaw!!!!" Malakas niyang sigaw.

Napansin niya na napapalunok ito habang nakatingin sa kamay niya na nakahawak sa kamay nito.

"Let go of my hand, kid," nag-angat ito ng tingin. "Release it if you don't want me to hunt you."

Bigla siyang napabitaw nang tumingin ito sa labi niya. Bigla na lang siyang nakaramdam ng kaba. Para kasi itong handang sakmalin siya anumang oras.

Pumaling ang mukha nito sa lakas ng sampal niya. "Ikaw na nga ang nagnakaw, ikaw pa ang galit?! Ang tigas naman ng mukha mo—" Naiwan sa ere ang iba pa niyang sasabihin nang tumayo ito nang tuwid sa harapan niya.

Namutla siya dahil nagmukha siyang duwende sa harapan nito. Madilim na nakatunghay ang gwapong mukha nito sa kanya, napansin niya na nakatingin ito sa kanyang leeg— hindi kaya... balak siyang sakalin nito?!

Napalunok siya sa takot kasabay ng paggalaw ng mabilis ng kanyang katawan— mabilis siyang tumakbo papalayo.

Ano ba ang pakialam niya sa store na 'to? Hindi naman niya kaano-ano ang may-ari nito. Bahala nang manakawan ito... mas mahalaga ang buhay niya kaysa sa relo na iyon. Dahil kung hindi pa siya tatakbo at aalis... baka masakal na nga siya ng lalaki ng tuluyan.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Elleboj
ikaw naman kasi miggy, binibigla mo... minor pa si gail eh... thanks miss a!
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • BROKEN HEARTS AND PROMISES   112. Wakas:

    WALANG patid ang pagluha niya habang nakatingin sa puntod ng mga ate niya. Akala nila ay napakaswerte nila dahil nakatagpo sila ng mabuting tao na umampon sa kanila, ngunit mali sila. Para sa mga batang iniwan at pinabayaan ng tunay na mga magulang, gusto lang naman nila magkaroon ng magulang na tatanggap at mamahalin sila. Kanina pa tahimik na umiiyak si Junli. Sobra itong nasaktan sa nalaman. Hindi pala ito iniwan ng ate niya. Doble ang sakit na naramdaman nito ng malaman na nagdadalantao pala ang ate niya. Alam niya na kung nasaan man ang ate Marian niya ay masaya ito dahil nakatagpo si Junli ng mabuting babae. Nakakabilib si Joana, kahit sa pagluluksa sa first love ng asawa ay kasa-kasama ito. Si Coby naman, nasa kalayuan. Masaya ito dahil nabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng ate Zera niya. Pero batid niya na nasasaktan parin ito sa sinapit ng ate niya. Mahal na mahal rin nito ang ate Zera niya dahil kung tutuusin ay pwede itong umalis ng bansa at tumakas. Pero hindi nito g

  • BROKEN HEARTS AND PROMISES   111. TRAPPED SERIES#5

    Sobra ang kaba niya na baka magduda ang mga lalaking kasama nila ngayon. Buti nalang at ‘mukhang hindi sineryoso ng mga ito ang sinabi ng anak ni Nerissa. Sino nga naman kasi ang tatawagin niyang ‘fafa’ dito bukod sa kanyang ama. “Hoy, lakad na! Kanina pa naghihintay sila ma’am at sir sa sala!” Pinigilan niya ang sarili na huwag sipain ang lalaki. “Mamaya ka lang talaga sa aking lalaki ka. Pababalatan talaga kita kay Miguel mamaya.” Mahinang bulong niya. “May sinasabi ka?!” Bulyaw pa nito sa kanya. Hindi lang siya ang napangiwi, maging ang lalaking papakasalan niya. Paano ay nagtalsikan ang mabahong laway ng lalaki sa mukha nila. “Patawad, oh Diyos ko.” Napapantastikuhang tumingin siya sa lalaking papakasalan niya na ngayon ay nauna ng umalis sa kanya. Kanina pa niya napansin na panay ang sign of the cross nito. Mukhang sobra ang takot nito at tinatawag na ang lahat ng santo. Pagdating sa sala ay naabutan niya si Nerissa na kasama ang daddy niya. Natigilan siya at nagp

  • BROKEN HEARTS AND PROMISES   110. TRAPPED SERIES#5

    DINALA siya ng mga lalaki sa kwarto sa itaas ng kwarto ng daddy niya. Padaskol siyang itinulak ng mga ito at hinagis ang isang malaking kahon sa kanya. “Suotin mo daw ang laman niyan sabi ni ma’am Nerissa. Wag mong subukan na sumuway kung ayaw mong kami pa ang magpalit ng damit mo.” Napaatras siya ng pasadahan nito ng tingin ang katawan niya. “Ayaw mo naman siguro na kami pa ang magbihis sayo?!” Malakas na sinara niya ang pinto ng kwarto. “Mga manyakis!” Kung may load lang sana ang simcard ng ate Zera niya ay nakahingi na sana siya ng tulong. Kung hindi lang sana dumating ang daddy niya ay nailagay niya sana ang simcard sa cellphone nito. Pero sadyang ang malas niya dahil naabutan siya ng daddy niya at ni Nerissa. Pinahid niya ang luha na hindi niya namalayan na naglandas sa kanyang pisngi. Nang mapatingin siya sa kamay ay saka lang niya napansin na sobrang nanginginig na pala siya. Sana pala ay nakinig siya kina Joana at Junli na wag magpadalos-dalos at pumunta dito. Hindi

  • BROKEN HEARTS AND PROMISES   109. TRAPPED SERIES#5

    NATUMBA ang daddy niya sa lakas ng hampas niya. Nabitiwan niya sa takot ang hawak na kawali ng makita niya na dumudugo ang ulo nito habang walang malay. Naghanap siya ng tali at ng makakita ay itinali niya ito. Baka kasi magising ito at makatakas. Kailangan niyang makasiguro na hindi ito makakatakas. Pagkatapos itali ng mahigpit ang kamay at paa ay kinapa niya ang bulsa nito para kunin ang cellphone nito. “Thanks god!” Aniya ng makuha ang cellphone nito. Kailangan niyang tawagan si Miguel para ipaalam kung nasaan siya. “Shit!” Napasigaw siya sa inis ng makitang may password ang cellphone nito. Hindi ito gumamit ng fingerprint o face unlock kaya hindi niya ito mabuksan. Sinubukan niyang buksan ito gamit ang lahat ng pwedeng i-password nito pero wala talaga. Ang malas naman! Nakakainis! Sandali siyang napaisip. “Sa kotse!” Tama! Sigurado na may charger ito sa sasakyan nito. Wala siyang sinayang na sandali. Agad siyang lumabas para puntahan ang sasakyan nito. Dahil nakuha niya a

  • BROKEN HEARTS AND PROMISES   108. TRAPPED SERIES#5

    ‘WAG KANG magpapahalata na alam mo na ang lahat, Gail!’ Aniya sabay kagat ng malakas sa loob ng kanyang bibig. Kailangan niyang labanan ang takot at kaba niya para hindi ito makahalata. Kunwari ay bumuntonghininga siya. “Tama ka, dad. Hindi dapat paniwalaan ang lalaking ‘yon. Siya ang dahilan kaya naging gano’n ang ugali ni ate Zera. Biruin mo ‘sinabi niya sa akin na pinatay daw si ate Zera dahil may nalaman si ate na sikreto ng pamilya natin.” Kunwari ay tumawa siya. “Mukhang nababaliw na talaga ang lalaking ‘yon. Inutusan oa niya ako na kunin ang mga gamit ni ate Zera para patunayan sa akin na totoo ang mga sinabi niya. Anong akala niya sa akin? Tanġa na maniniwala sa mga sinasabi niya?” “Kung gano’n ay bakit mo dala ang mga gamit ng ate mo?” Walang kangiti-ngiti na tanong ni Hector na may duda sa ikinikilos ng anak. Lihim siyang napalunok. “Ah ito ba, dad? Pumunta kasi ako dito para alamin kung may pwede pa akong mapakinabangan na gamit dito. Nasunugan kasi ang pamilya ng d

  • BROKEN HEARTS AND PROMISES   107. TRAPPED SERIES#5

    Bumuga ng hangin si Gail habang nakatingin sa bahay-bakasyunan nila dito sa Zambales. Padilim na. Pagod pa siya dahil sa biyahe pero wala siyang panahon para magpahinga. Kailangan niyang malaman kung ano ba ang meron dito para matakot ang ate Zera niya para sa kanya, ano ba ang nalaman nito na humantong sa pagkamatay nito. Tinatanggi ng utak at puso niya ang mga sinabi ni Coby tungkol sa daddy niya. Patutunayan niya na hindi iyon totoo. Patutunayan niya na walang dapat ikatakot sa lugar na ito. Ito talaga ang tunay na dahilan kaya siya narito—ang patunayan na hindi magagawa ng kanyang ama ang bintang nito. Mabilis na nagtago siya sa likuran ng sasakyan ng makarinig ng yabag. “Aalis na ako, Hector. Pumunta lang ako dito para bigyan ka ng babala. Makabubuti kung susundin mo ang mga sinabi ko sayo. Hindi ka na ligtas sa bansang ito.” Hindi siya pwedeng magkamali. Ito ang kaibigan na doktor ng daddy niya na pinakilala sa kanila noon. “Bye, daddy!” Napaawang ang labi niya ng mak

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status