[Gail]
"Are you okay, Gail?" May pag aalalang tanong ni Nerissa. "Huh?" Wala sa sariling sambit niya. Narito sila ngayon ng kaibigan sa isang coffe sho habang hinihintay pa ang ibang kasama ni Nerissa sa fans club. "Alam mo no'ng isang araw ko pang napapansin na wala ka sa sarili. Tell me, may problema ba sa bahay ninyo? Napagalitan ka ba ng daddy mo? O nag away kayo ng ate Zera mo?" Umiling siya sa kaibigan. "Yung tungkol lang sa design ko ang iniisip ko, wala ng iba." Pagsisinungaling niya. Dalawang araw na niyang napapanaginipan ang lalaking nakita niya sa mall. Sa panaginip niya ay sinasakal siya nito. Kaya heto, hindi siya makatulog ng maayos dahil sa takot. "Ano 'to?" Kunot-noo niyang tanong kay Nerissa ng ihagis nito sa kanya ang may kalakihang paper bag. "Sa sabado ang mga iyan ang isuot ng lahat ng dadalo sa mall tour ni Miguel." Nagsimula na naman itong magtatalon dahil sa kilig. "Oh my god! Hindi na ako makapaghintay na makita uli siya!" Napangiwi nalang siya habang pinapanood ito na parang batang tuwang-tuwa habang tumatalon-talon pa. Ganito ba talaga ang epekto ng mga artista sa kanilang fans? Seventeen palang naman siya. Pero bakit pakiramdam niya ay napakatanda na niya? Hindi man lang kasi niya naranasan na magkaro'n ng isang crush, o lalaking nagugustuhan. Tapos pati sa mga artista, o mga kanta man ay wala siyang alam. Sobrang tutok ang isip niya sa pinangako nila ng kanyang Ate Zera para sa kanilang ama, kaya naman wala na siyang oras para sa ibang bagay. "Nerissaaaa!!!" "Sandyyyyy!!!" Napatakip siya ng tenga. Sa sobrang lakas ng tili ng mga miyembro ng fans club, parang mababasag ang eardrum niya. Sa palagay niya ay nasa bente, o higit pa ang edad ng iba, ang iba naman ay mukhang mas matanda pa. Hindi niya mapigilan ang mapangiwi ng mapansin ang suot ng mga ito. Green tube na hindi aabot sa pusod ang haba, tapos short-shorts na napakaikli, isang maling galaw ay makikita ang perlas ng silangan. At isa pang agaw pansin, ay ang suot ng mga ito na headband banner na mayro'ng nakasulat na, 'Miguel, anakan mo ako' Halos maglabasan ang kapeng iniinom niya sa ilong ng masamid siya. Who made this shít? Mukhang wala na sa katinuan ang gumawa nito. Wala siyang maintindihan sa pinag uusapan ng mga kausap ni Nerissa, hindi rin siya makasabay dahil wala naman siyang alam sa ganitong bagay— o tungkol sa sinumang artista. Saka sikat ba talaga ang Miguel na 'yon? "Welcome to the club, Gail! Nakakatuwa dahil nadagdagan na naman ang pipila para mapansin ni Fafa Miguel!!!" Sabi ng isang miyembro ng fans club na si Kaitlyn. "Marami akong binibentang mga pictures ni Fafa. Kung gusto mo mayro'n din akong limited edition na pinag inuman niya ng tubig ihhh!!!" Sabay tili nito. Nalukot ang mukha niya. Really? Pati pinag inuman ng tubig ng lalaking 'yon ay binibenta? Gano'n kabaliw ang mga babaeng ito sa lalaking 'yon? "No, thanks." Tanggi niya. "Ang totoo, hindi niya ako fan, hindi ko nga kilala ang—" sinamaan siya ng tingin ni Nerissa kaya napangiwi siya at nanahimik nalang. My god! Paano ba siya napunta sa sitwasyon na 'to? Ang usapan ay ipapaalam lang niya ang kaibigan. Pero ngayon ay kailangan pa niya itong samahan. Bilin iyon ng mommy ni Nerissa, kapag walang pictures together with her friend ay hindi na ito muling makakalabas pa. And that's the reason why she needs to hangout with this people. Kailangan niyang makisama hanggang hindi pa natatapos ang mal tour ng Miguel na 'yon. Natapos din ang 'walang kwentang meeting' ng mga ito patungkol sa iniidolo. Pati ba naman paggalaw ng kamay at pagtili kaylangan sabay-sabay? Bawal magtulakan para makalapit kay Miguel... at ang nakakabigla pa. Hindi pwedeng hawalan ang lalaki! "My god, anong klaseng rule iyan ng artistang 'yon?" Umiiling na wika niya habang nasa loob ng cubicle sa isang public restroom rito sa fast food chain. Ang haba ng pila sa restroom ng cofe shop kaya dito na siya nagbanyo. Ihing-ihi na siya at hindi na makakatagal pa. Artista na bawal hawakan? Bawal kamayan? Bawal yakapin? Anong klaseng artista, o public figure 'yon? Akmang itataas na niya ang suot na panty ng biglang bumukas ng malakas ang pinto, nasira pa ang lock nito dahil sa lakas ng pagkakasipa ng lalaking nakasuot ng sumbrero at mask sa mukha. "Pervert—" natigil siya sa akmang pagsigaw ng takpan ng malaking kamay ang kanyang bibig. Namumutla na siya, kung ano-ano na ang pumapasok sa isip niya. Sa diin ng pagkakatakip ng lalaki sa kanyang bibig ay halos hindi siya makahinga. Ni hindi niya magawang tumingala dahil sa takot. Nanginginig ang kamay niya habang hawak ang magkabilang gilid ng garter ng suot niyang underwear. 'Oh my god!' Tili ng kanyang isip ng maalala na nakababa ang underwear niya. Mabuti nalang nakababa ang mahaba niyang palda, kung hindi ay makikita ang tinatago niya! "Miggy, baby! Ilang beses ko bang sasabihin sayo na huwag mo akong ipapahiya?!" Umalingawngaw sa loob ng restroom ang boses ng isang matandang babae. "Ma'am, mukhang wala siya rito," boses iyon ng isang matandang lalaki. Tumingala siya. Pamilyar ang mata ng lalaki. Parang nakita na niya ito noon. Nakahinga ng maluwag ang lalaking nakahawak ang kamay sa bibig niya. Pero imbis bitiwan siya ay napansin niyang nakatingin lang ito sa kanya. Nanlaki ang mata niya ng yumuko ito— hindi lang basta yumuko, sobrang lapit ng mukha nito sa puson niya. Damang-dama niya ang pagdampi ng kamay nito sa kanyang balat. "P-P-Pervert!!!" Malakas niyang sigaw ng maramdaman na ito na ang nagtaas ng underwear niya.Hello everyone, this is Seni! This is STORY of Miguel and Gail❇️ Asahan niyo na may pagkabaliw ang mga bida sa TRAPPED SERIES ko♥️ They are territorial, possesive, and obsess. Enjoy reading everyone!
WALANG patid ang pagluha niya habang nakatingin sa puntod ng mga ate niya. Akala nila ay napakaswerte nila dahil nakatagpo sila ng mabuting tao na umampon sa kanila, ngunit mali sila. Para sa mga batang iniwan at pinabayaan ng tunay na mga magulang, gusto lang naman nila magkaroon ng magulang na tatanggap at mamahalin sila. Kanina pa tahimik na umiiyak si Junli. Sobra itong nasaktan sa nalaman. Hindi pala ito iniwan ng ate niya. Doble ang sakit na naramdaman nito ng malaman na nagdadalantao pala ang ate niya. Alam niya na kung nasaan man ang ate Marian niya ay masaya ito dahil nakatagpo si Junli ng mabuting babae. Nakakabilib si Joana, kahit sa pagluluksa sa first love ng asawa ay kasa-kasama ito. Si Coby naman, nasa kalayuan. Masaya ito dahil nabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng ate Zera niya. Pero batid niya na nasasaktan parin ito sa sinapit ng ate niya. Mahal na mahal rin nito ang ate Zera niya dahil kung tutuusin ay pwede itong umalis ng bansa at tumakas. Pero hindi nito g
Sobra ang kaba niya na baka magduda ang mga lalaking kasama nila ngayon. Buti nalang at ‘mukhang hindi sineryoso ng mga ito ang sinabi ng anak ni Nerissa. Sino nga naman kasi ang tatawagin niyang ‘fafa’ dito bukod sa kanyang ama. “Hoy, lakad na! Kanina pa naghihintay sila ma’am at sir sa sala!” Pinigilan niya ang sarili na huwag sipain ang lalaki. “Mamaya ka lang talaga sa aking lalaki ka. Pababalatan talaga kita kay Miguel mamaya.” Mahinang bulong niya. “May sinasabi ka?!” Bulyaw pa nito sa kanya. Hindi lang siya ang napangiwi, maging ang lalaking papakasalan niya. Paano ay nagtalsikan ang mabahong laway ng lalaki sa mukha nila. “Patawad, oh Diyos ko.” Napapantastikuhang tumingin siya sa lalaking papakasalan niya na ngayon ay nauna ng umalis sa kanya. Kanina pa niya napansin na panay ang sign of the cross nito. Mukhang sobra ang takot nito at tinatawag na ang lahat ng santo. Pagdating sa sala ay naabutan niya si Nerissa na kasama ang daddy niya. Natigilan siya at nagp
DINALA siya ng mga lalaki sa kwarto sa itaas ng kwarto ng daddy niya. Padaskol siyang itinulak ng mga ito at hinagis ang isang malaking kahon sa kanya. “Suotin mo daw ang laman niyan sabi ni ma’am Nerissa. Wag mong subukan na sumuway kung ayaw mong kami pa ang magpalit ng damit mo.” Napaatras siya ng pasadahan nito ng tingin ang katawan niya. “Ayaw mo naman siguro na kami pa ang magbihis sayo?!” Malakas na sinara niya ang pinto ng kwarto. “Mga manyakis!” Kung may load lang sana ang simcard ng ate Zera niya ay nakahingi na sana siya ng tulong. Kung hindi lang sana dumating ang daddy niya ay nailagay niya sana ang simcard sa cellphone nito. Pero sadyang ang malas niya dahil naabutan siya ng daddy niya at ni Nerissa. Pinahid niya ang luha na hindi niya namalayan na naglandas sa kanyang pisngi. Nang mapatingin siya sa kamay ay saka lang niya napansin na sobrang nanginginig na pala siya. Sana pala ay nakinig siya kina Joana at Junli na wag magpadalos-dalos at pumunta dito. Hindi
NATUMBA ang daddy niya sa lakas ng hampas niya. Nabitiwan niya sa takot ang hawak na kawali ng makita niya na dumudugo ang ulo nito habang walang malay. Naghanap siya ng tali at ng makakita ay itinali niya ito. Baka kasi magising ito at makatakas. Kailangan niyang makasiguro na hindi ito makakatakas. Pagkatapos itali ng mahigpit ang kamay at paa ay kinapa niya ang bulsa nito para kunin ang cellphone nito. “Thanks god!” Aniya ng makuha ang cellphone nito. Kailangan niyang tawagan si Miguel para ipaalam kung nasaan siya. “Shit!” Napasigaw siya sa inis ng makitang may password ang cellphone nito. Hindi ito gumamit ng fingerprint o face unlock kaya hindi niya ito mabuksan. Sinubukan niyang buksan ito gamit ang lahat ng pwedeng i-password nito pero wala talaga. Ang malas naman! Nakakainis! Sandali siyang napaisip. “Sa kotse!” Tama! Sigurado na may charger ito sa sasakyan nito. Wala siyang sinayang na sandali. Agad siyang lumabas para puntahan ang sasakyan nito. Dahil nakuha niya a
‘WAG KANG magpapahalata na alam mo na ang lahat, Gail!’ Aniya sabay kagat ng malakas sa loob ng kanyang bibig. Kailangan niyang labanan ang takot at kaba niya para hindi ito makahalata. Kunwari ay bumuntonghininga siya. “Tama ka, dad. Hindi dapat paniwalaan ang lalaking ‘yon. Siya ang dahilan kaya naging gano’n ang ugali ni ate Zera. Biruin mo ‘sinabi niya sa akin na pinatay daw si ate Zera dahil may nalaman si ate na sikreto ng pamilya natin.” Kunwari ay tumawa siya. “Mukhang nababaliw na talaga ang lalaking ‘yon. Inutusan oa niya ako na kunin ang mga gamit ni ate Zera para patunayan sa akin na totoo ang mga sinabi niya. Anong akala niya sa akin? Tanġa na maniniwala sa mga sinasabi niya?” “Kung gano’n ay bakit mo dala ang mga gamit ng ate mo?” Walang kangiti-ngiti na tanong ni Hector na may duda sa ikinikilos ng anak. Lihim siyang napalunok. “Ah ito ba, dad? Pumunta kasi ako dito para alamin kung may pwede pa akong mapakinabangan na gamit dito. Nasunugan kasi ang pamilya ng d
Bumuga ng hangin si Gail habang nakatingin sa bahay-bakasyunan nila dito sa Zambales. Padilim na. Pagod pa siya dahil sa biyahe pero wala siyang panahon para magpahinga. Kailangan niyang malaman kung ano ba ang meron dito para matakot ang ate Zera niya para sa kanya, ano ba ang nalaman nito na humantong sa pagkamatay nito. Tinatanggi ng utak at puso niya ang mga sinabi ni Coby tungkol sa daddy niya. Patutunayan niya na hindi iyon totoo. Patutunayan niya na walang dapat ikatakot sa lugar na ito. Ito talaga ang tunay na dahilan kaya siya narito—ang patunayan na hindi magagawa ng kanyang ama ang bintang nito. Mabilis na nagtago siya sa likuran ng sasakyan ng makarinig ng yabag. “Aalis na ako, Hector. Pumunta lang ako dito para bigyan ka ng babala. Makabubuti kung susundin mo ang mga sinabi ko sayo. Hindi ka na ligtas sa bansang ito.” Hindi siya pwedeng magkamali. Ito ang kaibigan na doktor ng daddy niya na pinakilala sa kanila noon. “Bye, daddy!” Napaawang ang labi niya ng mak