Nanginginig ang mga kamay niya habang nagmamaneho ng sasakyan. Kanina pa niya sinusundan ang sasakyan ng asawa niya. Kahit may ideya na siya kung saan ito pupunta.
Kung bakit niya ginagawa 'yon ay hindi niya alam
Marahil, gusto niyang isipin na mali ang hinala niya sa mga ito. Kahit na obvious kung saan talaga patungo ang daan na tinatahak ng mga ito.
Gusto pa rin niyang mag-assume na mali siya.
Habang papalapit nang papalapit sila sa tinatahak na daan patungong Airport. Palakas nang palakas ang kabog ng dibdib niya. Ang mga kamay niya ay nagsisimula na naman manlamig dahil sa kaba ng nararamdaman niya.
Napalunok pa siya nang huminto ang sasakyan ng asawa niya sa tapat ng Airport. Kita niya mula sa malayo ang sekretarya nito na naghihintay sa tapat ng Airport kasama nito si Janus ang matalik na kaibigan ng asawa niya at business partner.
Nagsimula na naman mangilid sa luha ang mga mata niya dahil sa nakikita niya. Sumasakit ang dibdib niya sa sari-saring emosyon na nararamdaman niya.
Binuksan ni Janus ang pinto ng kotse at lumabas doon ang asawa niya habang inaalalayan si Serenity palabas din ng sasakyan. Kita niya na nag-uusap pa ang mga ito kasama ang sekretarya nito. Pagkuwan ay may inabot na mga papel ang sekretarya ng asawa niya rito.
Mayamaya pa ay may dalawang pamilyar na tao ang lumapit sa mga ‘yon. Kahit nanlalabo ang mata niya dahil sa mga luha, ay hindi nakaligtas sa kaniya paningin ang babaing lumapit sa mga ito.
Giselle?
Si Giselle na kaibigan niya?
Bakit nga ba hindi niya nahahalata ito?
Napatawa siya nang mahina.
Bakit niya ba nakalimutan na bitch si Giselle? Ang tanga niya para hindi niya talaga nahalata ito. Gusto niyang palakpakan ang kaibigan dahil sa galing nitong umarte kanina.
Napapikit siya at hinayaan ang mga luha na dumaloy sa mga mata niya.
Gaga! Gigil na sigaw ng utak niya sa kan’ya.
Napasapo siya ng ulo bago muling tumingin sa mga ito. Hindi siya makapaniwala na b****o pa ito kay Serenity na tila matagal nang magkaibigan.
Ang tanga niya.
Sobra!
She knows Giselle is a b*tch but doesn't expect her to be a traitor.
Pakiramdam niya pinagtaksilan siya ng lahat. Pakiramdam niya pinagkaisahan siya ng mga ito.
Hindi niya mapaniwalaan ang nakikita niya.
Napatakip siya sa kaniyang bibig habang ang mga mata niya ay walang tigil sa pagluha. Gusto niyang bumaba ng sasakyan at magpakita sa mga ito.
Pero tila siyang napako sa kinauupuan niya. Hindi s’ya makakilos, dahil shock pa s’ya sa nangyayari.
Kung hindi lang may bumusina sa likuran niya ay hindi pa siya aalis doon.
Nanginginig ang buo niyang katawan habang nagmamaneho kung saan siya pupunta ay hindi niya alam.
Natagpuan na lang ni Zarina ang sarili na nasa labas ng OZEM PUB CLUB hindi niya alam kung bakit siya naroon. Marahil, kailangan niya rin talagang uminom para kahit papaano maibsan ang sakit na nararamdaman niya. Kailangan niya ang alak para makalimot sa lahat ng nakita niya kanina.
“Good evening, mam,” bati ng security na nasa entrance ng OPC.
Isang pilit na ngiti ang sumilay sa kaniya bago pumasok sa loob ng club. Agad na bumungad sa pandinig niya ang maharot na tugtugin. Mula sa kinatatayuan kitang-kita n’ya ang mga tao na nagsasayawan sa dance floor.
“My name is Kevin, and I'll be the one to serve you.” Bahagya pang yumuko ito sa kaniya.
"Hi! Kevin. I prefer to be in a serene environment free of loud music. All I want to do is sip wine and relax."
Agad na ngumiti sa kaniya si Kevin. Kung ‘di nga lang ito nakasuot ng uniform na pang trabaho iisipin ni Zarina na model ito.
Parang isa ata sa kwalipikasyon para makapagtrabaho sa Ozem Pub Club ay kailangan maganda at guwapo ang mukha, isama pa ang magandang katawan. Halos lahat kasi na naroon na nagtratrabaho ay walang tulak-kabigin.
Iginaya siya si Kevin sa ikatlong palapag. Kung sa unang at pangalawang palapag rinig ang malakas na tugtugin. Dito sa ikatlong palapag ay katahimikan ang sumalubong sa kaniyang pandinig.
Ayon kay Kevin ay soundproof ang palapag na ‘yon na sadyang ipinasadya ng may ari para sa mga customer na gustong mag-isip at mag-chill lang.
Pagkapasok pa lang ni Zarina ay agad niyang niyakap ang sarili dahil sa sobrang lamig na sumalubong sa kaniya. Ipinagpasalamat na lang n’ya na may jacket siyang nakuha bago umalis ng bahay.
Ang ikatlong palapag ay may napapaligiran ng glass wall kaya kitang-kita pa rin ang mga taong nagsasayawan sa ibaba.
Huminto sila ni Kevin sa isang mahabang bar counter na may mangilan-ngilan lang ang nakaupo roon.
"If there's anything you need. Tell the bartender my name so he can contact the front desk, and I may return here."
“Thank you,” pasasalamat niya kay Kevin bago siya iwan nito.
"Which alcohol do you prefer: wine, whiskey, vodka, or tequila?" suwabeng tanong sa kaniya ng bartender.
"I want a margarita, sex on the beach, a dry martini, everything. I want to get drunk until the last drop."
"Problem?"
Napalingon siya sa bartender na mataman na nakatingin sa kaniya.
“Obvious ba masyado?” pigil na pigil na mapahikbi siya habang nakatingin sa bartender.
Ngumiti lang ang bartender at hindi nagkomento. Tumalikod ito sa kaniya at may kinuha sa maliit na kabinet. Pagbalik nito ay may dala-dala ng ilang makukulay na bote.
Tumayo muli ito sa tapat niya habang siya ay iniwas ang mga mata na nagsisimula na naman mangilid ang luha.
Huminga siya nang malalim at iginala ang mga mata sa kabuuan ng bar. May mga magkapareha na masayang umiinom ng alak habang nagkukuwentuhan. May mga grupo ng mga babae. May mga grupo ng mga lalaki.
Ang iba naman ay mas piniling uminom mag-isa sa mahabang bar counter.
Iniisip niya kung ano ang magiging buhay niya kapag sakaling tuluyan na silang maghiwalay na mag-asawa. Dapat may Plan B na siya kung anong gagawin niya sa buhay niya. Hindi puwedeng huminto ang buhay niya dahil lang doon.
Baka pagtawanan lang siya ng mga ‘yon.
"Here's your margarita, mam."
Inilagapag ng bartender ang margarita na agad naman niyang hinawakan at inamoy bago dahan-dahan ininom.
Nang maubos ay agad na naglapag ang isa pa niyang order.
"Sex on the beach, mam."
"Is it good?"
"Yes! And if you want to try our ladies' cocktails. I'll take care of you and offer you some of the delicious cocktails we have here at the bar."
Napangiti si Zarina sa sinabi ng bartender pagkuwan ay tumango siya.
Isa-isang inilapag ng bartender ang mga ladies drink sa harapan niya. Hindi namalayan ni Zarina kung ilan na ang nainom n’yang alak. Kada mauubos niyang drinks ay may inilalapag ito na panibagong inumin.
Para siyang nanggaling sa isang malayong disyerto at uhaw na uhaw dahil hindi alintana ang pait na humahagod sa lalamunan n’ya kada inom niya ng alak.
Para siyang tanga sa isang gilid na habang umiinom ay patuloy sa pagluha ang mga mata niya. Buti na lang hindi siya pinapansin ng bartender at hinahayaan lang siya.
Marahil, sanay na ito makakita ng babaing umiiyak katulad niya.
Nang makaramdam ng hilo si Zarina at pananakit ng sikmura ay ipinasya na niyang umalis sa bar.
Agad niyang hiningi ang bill para mabayaran na at makaalis.
Gusto n’yang mag-drive lang nang mag-drive hanggang sa mapagod siya. Ayaw niyang umuwi ng bahay dahil wala naman naghihintay sa kaniya roon.
Nang makapasok sa loob ng kotse ay pinahid niya ang luha sa mga mata at inilagay ang dalawang kamay sa manibela. Binuksan niya ang makina at binilisan ang pagpapatakbo sa sasakyan niya papalayo sa mga ito.
Kung saan s’ya pupunta ay hindi niya alam.
Ang alam niya lang gusto niyang ibuhos ang lahat ng sama ng loob niya sa pagpapatakbo nang mabilis.
Wala na siyang pakialam kung anong mangyayari sa kan’ya!
Without Antoine, her life would be meaningless.
Mas gugustuhin na lang niyang mamatay kung magpupunta ito sa iba.
Lalo pa niyang binilisan ang takbo ng sasakyan niya habang ang mga mata ay patuloy pa rin sa pagluha.
She can't believe Giselle managed to trick her. Itinuring niya itong parang isang tunay na kapatid.
Tapos gano’n lang ang gagawin sa kan’ya?
Hilam sa luha ang mga mata niya habang nagmamaneho. Hindi na niya napapansin ang mga sasakyan na kamuntik-muntikan na n’yang mabangga.
Muli niyang tinapakan ang accelerator para bumilis pa lalo ang takbo ng kotse niya. Nanlalabo na ang paningin niya dahil sa walang tigil sa pag-iyak. Nanginginig na rin ang mga kamay niya na nakahawak sa manibela.
Nag-uumpisa na rin siyang mawalan ng control nang mabangga ang isa pang sasakyan na nasa unahan niya. Nawala siya sa linya at napunta sa papasalubong na sasakyan. Pilit niyang kinakabig pabalik ang kotse pero hindi na niya naiwasan ang kasunod na kotse.
Malakas na tumama ito sa likuran ng kotse niya. Gusto man niyang iiwas ang sarili at ikabig ang manibela para makaiwas ay hindi na niya nagawa dahil tuloy-tuloy na nawalan na siya ng control sa minamanehong sasakyan.
Kung saan siya sumalpok wala na siyang ideya dahil nanlalabo na ang mata niya at tuluyan nang pumikit.
Antoine....
Nakita ni Antoine ang ama niyang si Antoinio na nakatayo sa balkonahe, nakatingin sa kanila ni Zarina habang papalapit sila sa bahay.Tahimik ang gabi pero ramdam niya agad ang tensyon. Hindi niya nasabi sa ama kanina na dumaan si Zarina sa opisina niya.Ginabi na rin sila. Zarina insisted na sumama ito pabalik sa opisina matapos silang mag-lunch sa pinakamalapit na restaurant sa opisina niya. Kaya kinansela na rin ni Antoine ang huling appointment niya para makauwi ng mas maaga. Pero kahit alas-singko sila umalis sa Savic Avionics Corporation, inabot pa rin sila ng tatlong oras sa biyahe.Pagkapasok pa lang sa bahay, agad na umakyat si Zarina sa guest room nang hindi na lumingon pa.Tahimik na naglakad si Antoine papalapit sa ama niya at nagmano.“Zia was with you?” malamig ang tanong ni Antoinio, pero halatang may hinanakit.“She came to my office before lunch. She wanted to talk. I didn’t see the harm in it,” mabilis pero diretso ang sagot ni Antoine.Tinapik siya ni Antoinio sa
Gusto niyang sumigaw, gusto niyang umiyak. Gusto niyang ipakita sa lahat kung gaano siya nasaktan. Pero hindi. Hindi dito. Hindi ngayon.Hindi niya bibigyan ng satisfaction ang mga taong nag-aabang lang ng kahinaan niya. Hindi niya ibibigay ang moment na 'yon. Hindi siya gano’n kadaling gibain. Huminga siya nang malalim at pilit pinapakalma ang sarili habang papalayo sa opisina ni Antoine. Her heels clicked hard against the marble floor—each step echoing with sharp, deliberate fury, as if her stilettos were stabbing the feelings she tried so hard to swallow.Sa dulo ng corridor, kita agad niya si Serenity—nakayuko kay Jacky, bulong nang bulong na tila ba kinukuwento nito ang nangyari kanina. Baka paranoid lang siya? She stopped dead in her tracks.Dahan-dahan siyang napatingala, sabay ang unti-unting pag-angat ng kilay.“Seriously? Are they talking about me? Pinlano nila ‘to? Sinadya ba ng babaing iyon na yakapin si Antoine dahil ba alam nito na pupunta siya?”Napatawa siya—isang
Palipat-lipat ang tingin ni Zarina sa dalawa. Her eyes bounced between Antoine… and the woman in his arms.Bago pa siya makagalaw o makapagsalita, unti-unting humarap sa kanya ang babae.Napakunot si Zarina ng noo, instinctively squinting, trying to figure out who this woman was.And then, her breath hitched.For a second, nanlaki ang mga mata niya. What the hell... Is this....?That woman was stunning. Angelic face, glowing skin, eyes that looked too kind to be real. She had that graceful presence, like she walked straight out of a fashion magazine, but with nun-level elegance.She was tall. Mas matangkad kaysa sa kaniya. Halos abot na abot ang height kay Antoine. They looked… good together.Too good.Zarina’s grip tightened slightly on the strap of the bag. Her heart stung—just a bit. Damn, bakit parang bagay sila?But no.She blinked, straightened her back, and took a sharp breath.No, girl. You don’t do insecure. Not today. Not ever.She forced a soft, almost sarcastic smile on
Pagbukas pa lang ng elevator sa floor ng opisina ni Antoine, agad na bumundol ang kaba sa dibdib ni Zarina. Hindi naman ito ang unang beses na bumisita siya sa opisina ng mga Savic. Pero ngayon, ibang klaseng kaba. This time, hindi lang siya basta guest. Hindi lang siya basta may dalang lunch. This time, she was paying a wife-like visit. With food. With love. With purpose. Pero kahit anong lakas ng loob ang i-project niya, ramdam niya sa sarili—kinakabahan siya. Ano kaya ang magiging reaksyon nito kapag nakita siya. Oh, god! Kinikilig talaga siya. Tumikhim siya ng bahagya, trying to compose herself. “Relax, girl. You’re Zarina Eunice Montes,” bulong niya sa sarili. “You walk in, you own it.” Sabay flip ng buhok, as if sinadya niyang ipaalala sa sarili kung sino siya. Every step she took was practiced like a queen on a runway, and her heels reverberated on the glossy floor. Chin up, shoulders back—no room for weakness. Pero kahit gaano siya ka-poised sa labas, hindi ni
LunesMaagang umalis si Antoine papasok sa Savic Avionics Corporation. May early meeting ito with a new supplier. Nagpaalam naman ito sa kaniya at Naiwan si Zarina sa mansyon, nakahiga pa sa kama, pero gising na rin. Nakatingin lang siya sa kisame habang hawak ang phone, nag-iisip kung babangon na ba o magpapakatamad muna.Alas dos pa kasi ang pasok niya sa school. At kung tutuusin, wala na rin masyadong ginagawa doon. Malapit na ang graduation, tapos na ang thesis, lahat ng project ay naipasa na, at nakapagpa-clearance na rin siya sa mga professors niya nung Friday. Pumapasok pa rin siya bilang respeto sa attendance policy, pero to be honest—pampalipas oras na lang talaga ang school ngayon.Napatingin siya sa salamin sa gilid ng kama, saka dahan-dahang naupo. She ran her fingers through her hair, then smirked a little at her reflection.“What if…” mahina niyang bulong habang nakatitig sa sarili. “What if dumaan ako sa office ni Antoine?”She stood up, crossed her arms, and tilted he
Halos araw-araw nakakasama ni Zarina si Antoine. Naging routine na iyon sa kaniya—ang presensya ng binata, ang atensyon, at ‘yung effort nitong umuwi nang mas maaga sa Savic Mansion kahit obvious namang malayo iyon sa opisina nito. Parang may sinadyang pagbabago sa schedule ng lalaki para lang makasama siya. At masayang-masaya ang puso niya. Bawing-bawi sa mga iniyak niya noon sa lalaki. Madalas niya rin itong tanungin kung bakit hindi tumutuloy sa condo nito kagaya dati. Ngunit palagi rin sagot nito sa kaniya ay wala siyang kasama. Kahit ang mga kasambahay ng mga ito ay nagugulat dahil palagi na itong maaga nauwi. Hindi rin ito pumapalya sa pagpapakilig sa kaniya. May mga araw na bigla na lang itong may dalang paborito niyang pastries, o kaya milk tea na hindi naman niya in-order pero sakto sa cravings niya. Small things, pero sapat na para kiligin siya buong araw. Madalas din siyang turuan nito kapag napapansin nito na nahihirapan siya lalo na sa major niya. Hindi man tuwiran m
Halos isang linggo na ring hindi nakapasok si Zarina sa eskwelahan. Mabuti na lamang at pinagbigyan siya ng mga professor niya na mag-take ng special exams, lalo’t graduating na rin siya. Kahit papaano, nakahinga siya nang kaunti.Sa mga araw na iyon, si Antoine ang palaging kasama niya. Hindi ito umaalis sa tabi niya. Sa bawat sandaling magkasama sila, unti-unting lumalalim ang nararamdaman ni Zarina para rito. Mahirap itanggi—ramdam niya sa bawat simpleng kilos ni Antoine ang malasakit at pag-aalaga. His effort, his quiet presence, the way he gently made sure she was okay—it all meant something to her.Kung dati’y malinaw ang boundaries na sinusubukang itayo ni Antoine sa pagitan nila, ngayon, para bang siya pa mismo ang bumabasag sa mga iyon. Parang boyfriend na hindi mapakali kapag hindi siya sigurado kung ayos lang si Zarina. Lalo na’t tila pati ang ama ng binata ay may paraan para palaging masolo ni Antoine ang oras kasama siya. May mga sandaling tila sinasadya nitong umalis o i
Umiiyak si Zarina nang parang wala nang katapusan habang nakatayo sa harap ng museleo kung saan magkatabing nakalibing ang labi ng kanyang Mommy at Daddy. Ang init ng araw ay tila walang saysay sa kanyang balat na tila naging manhid na sa tindi ng sakit. Kahit pa tirik ang araw, parang ni hindi niya maramdaman ang init—dahil ang buong katawan niya, buong kaluluwa niya, ay binabalot ng lamig. Hindi lamig ng hangin. Kundi lamig ng pagkawala.Nanginginig ang buong katawan niya—hindi dahil sa lamig kundi sa bigat ng emosyong hindi na niya kayang bitbitin. Parang gusto niyang sumigaw, pero wala nang tinig na lumalabas. Parang gusto niyang gumuho sa lupa at isama na rin siya. Kasi ano pa bang silbi ng paghinga kung wala na ang dalawang taong naging sentro ng buhay niya?Lumapat ang kamay ni Antoine sa likuran niya at hinagod-hagod iyon. Tahimik lang ito na nakatayo sa likuran niya. Ang isang kamay nito ang may hawak ang payong, sinisiguradong hindi siya matamaan ng araw. Tila ba isa ito
Hindi pa man tuluyang nakakapasok si Antoine sa loob ng ballroom nang biglang tumunog ang cellphone niya.Napahinto siya sa gitna ng hallway. Mabilis niyang dinukot ang telepono mula sa bulsa ng coat.The phone number is unknown.May malamig na kilabot na dumaan sa likod niya.Sinagot niya agad. “Hello?”“Good evening. This is Dr. Jagoring of the Cavite Medical Center. Am I speaking to Mr. Antoine Savic?""Hi, this is me. What is going on, Doctor?""We have two patients here: Mr. and Mrs. Montes. They were brought in after a major vehicular accident near PITX. You are listed as the emergency contact. We have also tried to contact Zarina Montes, but her phone is unreachable."Parang biglang nawala ang lahat ng tunog sa paligid.Nanigas si Antoine.Accident?“She’s with me,” mahinang tugon niya. “What happened? What is their current condition?""Both are in critical condition. We’ve done emergency procedures, but both patients are unstable. Mrs. Montes has suffered a large blood loss. W