THREE YEARS AGO
“Zia, hindi ka ba talaga sasama sa amin ng daddy mo?” muling tanong ng kaniyang ina na si Mommy Carol. Nang pumasok ito sa kaniyang kuwarto para muling ayain na sumama sa mga ito.
Buhat ng pagdating niya galing sa eskwelahan ay hindi na natapos-tapos ang pag-aaya nito sa kaniya. At kanina pa rin niya sinasabing hindi siya sasama dahil marami siyang gagawin.
Tiningnan niya ito at muling umiling bago itinuon ang atensyon sa laptop.
Gumagawa siya ng research para sa isa niyang assignment. Hindi naman ‘yon gaanong importante. Pero dahil wala siyang maisip na alibi sa Mommy Carol niya ay nagkunwa-kunwarian siya na maraming ginagawa. Ikinalat niya pa ang mga libro at notebook sa ibabaw ng kama niya para magmukhang marami siyang gagawin.
“Zia, naman! Ayaw mo bang makita ang Kuya Antoine mo? Baka hanapin ka ng Tito Antonio mo. Ano na naman ang idadahilan ko ngayon?"
Muli ay napatingin siya sa ina dahil hindi na nito alam kung papaano siya pilitin para lang sumama.
Si Antonio Savic ay matalik na kaibigan ng magulang niya at business partner. Ang kaisa-isang anak nitong si Antoine Savic ay nagpasya ng manatili for good sa Pilipinas matapos ang ilang taon pananatili nito sa America. Kaya naman tuwang-tuwa rin ang magulang niya nang malaman ang balita dahil parang anak na rin ng mga ito sa Antoine.
“Mom, may exam at assignment ako na kailangang tapusin. Kapag sumama ako sa inyo, ano na lang ang ipapasa ko? Gusto mo bang bumagsak ako?” alibi pa niya para hindi na siya kulitin ng ina.
Mataman siyang tiningnan ng mommy niya at umupo sa gilid ng kama niya.
“May hindi ka ba sinasabi sa ‘kin, Zia?” seryosong tanong ng Mommy Carol niya.
“Mom, wala! Ano naman ang ililihim ko sa’yo? ‘Pag hindi lang sumama may hindi agad sinasabi. Busy lang po talaga ako.” Mahinang tawa ang pinakawalan niya at muling itinuon ang tingin sa laptop.
“Kasi napapansin ko… Parang palagi kang may excuse sa tuwing nandito ang Kuya Antoine mo? Ayaw mong harapin, kahit kausapin ‘di mo rin ginagawa. Hindi ka naman ganiyan dati, ah? Ano ba ang ginawang kasalanan ni Antoine, sa’yo?”
Napakunot-noo siya sa sinabi ng mommy niya. Ganoon ba siya ka-obvious na ayaw niyang makita si Antoine?
Her first crush and her first heartbreak. Antoine hurt her without his knowledge. Nasasaktan siya dahil palaging pinamumukha nito na bata pa siya at hindi ito interesado sa katulad niya. Hindi man nito sinasabi sa kaniya pero dahil alam nito na crush niya ito. Wala itong pakundangan kung magdala ng babae para pasakitan siya.
Antoine is ten years older than her. She was fifteen years old at the time. Young and impulsive. Sanay siyang makuha ang lahat ng atensyon ng mga kalalakihan kahit na dalagita pa siya no’n. She was confident enough. Na mapapansin siya ni Antoine hindi bilang nakababatang kapatid kung hindi isang nagdadalaga. Pero palagi lang siya nitong pinagtatawanan at sinasabihan na bata pa siya para sa mga gano’ng bagay. Ang dapat ‘daw’ pagtuunan niya ng pansin ay ang pag-aaral niya.
Hanggang isang gabi inaya siya ng magulang niya na magpunta sa bahay nina Antoine dahil birthday ng ama nito na si Don Antonio. Dahil alam niyang naroon si Antoine ay sumama siya sa magulang niya. Pumili pa siya ng magandang dress na magmumukha siyang fine woman. Para kapag nakita siya ni Antoine na sa ganoong ayos baka sakaling pasok na siya sa standard nito.
Antoine dated a random woman, model, actress, may mga anak pa ng business partner ng mga ito at ang iba naman ay anak ng politiko.
Pagkarating na pagkarating pa lang nila sa mansyon ng mga Savic ay agad na hinanap ng kaniyang mga mata si Antoine. Nakita niya itong nagmamadaling lumabas, kaya naisipan niyang sundan ito.
Nakita niya ito sa may gate na may sinalubong na babae na kinulang sa tela dahil sa suot na tube and skirt. Agad hinawakan ni Antoine ang kamay ng babae.
Ewan ba niya, kung ano ang sumapi sa katawan niya at sumunod siya sa mga ito na dumaan sa likod para walang makapansin na ibang bisita. Nakita niyang umakyat ang mga ito patungo sa ikalawang palapag ng mansyon na may pagmamadali sa mga kilos.
Nakita niyang pumasok ang mga ito sa mismong kuwarto ng binata, kaya dahan-dahan din siyang lumapit sa pinto na sakto naman na hindi masyadong nakasara. Kaya kitang-kita niya pa rin ang mga ito.
Gano’n na lang ang pagkabigla niya ng makita ang mga ito na naghalikan habang nakatayo. Gusto niyang umalis sa harap ng pinto pero hindi siya makakilos dahil sa pagkabigla. Sobrang sakit ng nararamdaman niya. Parang may libo-libong karayom na nag-uunahan sa pagtusok sa puso niya.
Kahit na ilang beses niyang pinaaalalahanan ang puso niya na dapat ‘wag masaktan pero tila bingi ito dahil nasasaktan pa rin siya. Kaya simula no’n ay ipinangako na niya sa sarili na hindi na siya maghahabol sa lalaki o kahit makita ito ay hindi na niya gagawin.
Hanggang sa hindi na nga sila nagkita nito nang tuluyan dahil sa America ito kumuha ng Masteral Degree in Aircraft Maintenance Engineering.
Lahat ng nararamdaman niya no’n ay pilit na n’yang kinalimutan. Kung umuuwi man ito sa Pilipinas ay hindi siya sumasama sa magulang niya para makita ito. Lahat ng okasyon umiiwas siya basta alam niyang naroon si Antoine.
She was eighteen ng malaman niyang engage na ito sa long-time girlfriend nito na isang model. Kaya mas lalong hindi na siya nagpakita rito kahit kailan. At ngayon dumating na ito para mag-stay for good sa Pilipinas at i-managed ang Savic Avionics Corporation. At siguro para na rin magpakasal.
“Mom, hindi nga po ako sasama. Marami akong gagawin, sa ibang araw na lang. Pakisabi, na lang kay Tito Antonio dadalaw na lang ako sa kanila kapag ‘di na po ako busy sa school.”
Napabuntong-hininga na lang ang mommy niya at marahan na tumango.
"Sure, ka ba?"
"Opo."
Nang magpaalam na ang kaniyang mommy ay saka lang nakahinga nang maluwag si Zarina at ipinagpatuloy ang ginagawa.
Engross na engross siya sa ginagawa niya ng mag-ring ang kaniyang cellphone. Tiningnan niya ‘yon para malaman kung sino ang tumatawag.
It was LC, her best friend.
"Hello?" bungad na tanong niya.
"P-please... Come to South Ville, Z-Zia. I need you."
Hindi pa man nakakasagot si Zarina ay biglang nawala ang kausap sa kabilang linya. Bigla siyang kinabahan at dali-daling kinuha ang jacket na nakasampay sa upuan niya. Hindi na niya naisip na magpalit ng damit dahil malapit lang naman ang South Ville sa bahay nila.
Hindi niya alam kung bakit at ano ang problema ng kaibigan niya, dahil hindi naman nito sinabi sa kaniya sa telepono. Basta ang alam lang niya kailangan siya nito at hindi n’ya puwedeng hayaan itong mag-isa. Dahil hindi iilang beses nagtangka itong magpakamatay.
Si LC or Lady Charlene Imperial ay anak ng mayor ng Alabang sa ibang babae. Pero dahil may iniingatan na pangalan ang Mayor ipinalabas na bunsong anak ito sa asawa para hindi lang masira ang magandang imahe nito sa lipunan.
Nang makalabas ay lakad-takbo ang ginawa niya para makarating sa South Ville Country Club na nasa loob ng Village nila. Hindi naman kalayuan ‘yon sa bahay nila. Gusto man niyang mag-scooter paalis ay hindi niya magawa. Dahil alam niyang itatawag ng mga katulong nila sa magulang niya ang pag-alis niya ngayong gabi.
Tumakas lang siya at nagbakod palabas sa kanilang bakuran.
Nang makarating si Zarina sa South Ville Country Club ay agad siyang nagtataka dahil sobrang dilim ng buong kapaligiran.
“Hi! I'm looking for LC, she called me earlier and told me she was here." tanong niya sa guwardiyang naka-duty ng gabing ‘yon.
Ang South Ville Country Club ay pag-aari ng pamilya nila LC kaya anytime p’wedeng pumunta roon ang kaibigan niya.
"Ma'am LC?"
“Yes, si LC.” Nakakunot-noo niyang sagot dito na tila nagtataka pa ito sa tinatanong niya.
“Eh, Ma’am.” Nakapkamot pa ito ng batok at alanganing ngumiti sa kaniya na ikinainis niya nang husto. Dahil sasagot lang naman sa kaniya na ‘nandito o wala’ hindi pa masabi.
“Kuya, sasabihin mo ba sa akin o tatawagan ko si Tito Alex para matanggal ka sa trabaho? Mabilis lang akong kausap,” pananakot niya sa guwardiya.
“Ma’am, ‘wag naman po! Nagtatrabaho lang po ako rito. At isa pa, si Ma’am LC po ang nagbilin sa akin, na kahit sino po ang magtanong at maghanap sa kaniya. ‘Wag na ‘wag ko raw siyang ituturo,” pangangatwiran nito sa kaniya.
"So, ano nga?"
“Nasa loob po, pero ‘wag niyo pong sasabihin na ako ang nagsabi. Buntis po ang asawa ko, at ayoko pong mawalan ng trabaho.”
“Okay, hindi ko sasabihin na ikaw nagsabi,” pagbibigay niya ng assurance sa guwardiya. Kahit papaano naman ay may awa pa rin siya lalo na kung may pamilya nang nadadamay.
Sinamahan pa siya ng guwardiya hanggang sa mismong tapat ng pinto ng pavilion hall.
“Bakit patay ang mga ilaw?” nagtataka niyang tanong sa guwardiya.
“’Di ko po alam, Ma’am. Sabi lang ni Ma’am LC patayin ko ang lahat ng ilaw. Ayaw niyang makakita ng kahit anong ilaw sa paligid.”
Napakunot-noo si Zarina sa sinabi ng guwardiya sa kaniya. Gusto man niyang umalis baka mapahamak siya ay hindi naman niya magawa dahil pinihit na nito ang pinto.
“Pasok na po kayo, Ma’am.”
Alanganin na napatingin si Zarina sa guard bago ibinalik muli ang tingin sa loob ng pavilion na sobrang dilim.
“Kuya, sure ka ba na nandito si LC?” tanong niyang muli sa guard.
Kung siya ang tatanungin. Ayaw na niyang tumuloy sa loob pero dahil pinihit na nito pabukas ang pinto. No choice siya kung ‘di ang pumasok sa loob at hanapin si LC.
“Yes, Ma’am. Nasa loob po siya,” sabi nito at lumayo na sa pinto.
Huminga muna nang malalim si Zarina at pilit na inaalis ang kaba sa dibdib niya. Ang iniisip niya na kailangan siya ng kaibigan niya.
“LC! Charlene!!” sigaw niya nang makapasok sa loob.
“LC, isa... hindi maganda itong ginagawa mo, ah!”
Dahan-dahan pa siyang pumasok sa loob at kinapa ang kanang bulsa ng jacket niya kung saan isinuksok ang cellphone kanina.
“Ayy!” tili niya nang malakas ng biglang pabagsak sumara ang pinto. Ang cellphone na hawak niya ay tumilapon kung saan.
“Chhaarlennee!” muling tawag niya na may halong kaba.
Natigilan si Zarina ng biglang nagliwanag ang buong pavilion kasabay ng pagkanta ng mga taong naroon.
"Happy birthday to you, happy birthday to you."
The shock was an understatement to her face. She can’t believe of what her see. Halos lahat ng mga kaklase at kaibigan niya ay naroon. Sa ayos ng pavilion natitiyak ni Zarina na babaha ng alak at walang tigil na sayawan. Dahil kahit saan ata niya ilingon ang ulo niya may mga alak na nakalagay sa bawat lamesa.
"To my best friend, Zia. Happy twenty-one birthday, cheers!" masayang wika ni LC habang itinataas ang kamay na may hawak na wine glass.
Napailing na lang ng ulo si Zarina sa ginawang panonorpresa sa kaniya ng kaibigan. Buong akala pa naman niya kaya siya nito pinapunta sa South Ville Country Club ay may mabigat itong problema.
‘Yon pala may pa-surprise party pala ito sa kaniya.
"Salamat, best."
Lumapit siya sa kaibigan at yumakap nang mahigpit rito.
Hindi pa naman talaga niya birthday ngayon. Pero dahil isang formal ball party ang naka-set sa birthday niya. At lahat ng imbitado ay mga malalapit na kaibigan, kamag-anak at mga business partner ng magulang niya. Kaya malamang, walang alak na babaha roon. Kung mayroon man? Baka madaling araw na nila ma-enjoy ‘yon kapag nagsiuwian na ang mga bisita ng magulang niya.
Ang pamilya nila ay kilala sa buong business world society dahil sa uri ng kanilang business. Ang mga Montes ay may-ari ng malaking sugar cane sa buong Asya.
“You’re always welcome, best.” Yumakap nang mahigpit si LC sa kan’ya.
Nang maghiwalay sila saka sila nagkatawanan. Tinginan pa lang nila ni LC ay alam na nila ang gusto nilang sabihin sa isa’t isa.
Ilang araw na ring halos araw-araw nagpabuntot-buntot si Zarina kay Antoine sa opisina nito sa Savic Avionics Corporation sa Makati.May mga umaga pa rin na kailangan niyang dumaan sa eskwelahan—may kailangang ayusin na clearance, mag-follow up sa final grades, o makipagkita sa adviser nila. Pero bago pa magtanghali, nandoon na siya sa lobby ng Savic building, tila parte na siya ng daily routine ni Antoine. Alam na rin siya ng receptionist; hindi na kailangang tanungin pa kung sino ang pakay.At si Antoine—bagaman halos hindi na nauubusan ng trabaho, mula sa mga technical design meetings hanggang sa pagbubuo ng panibagong investor pitch—lagi’t laging may oras para sa kanya. Minsan, abutan pa niya itong nakasubsob sa desk, may hawak na coffee mug at may animated na kausap sa phone. Pero pagpasok niya, agad siyang ngingitian ni Antoine, parang automatic na sumasaya ang araw nito kapag andun siya.“Five minutes. Tapos sa’yo na ko,” bulong nito minsan, bago bumalik sa kausap pero nakatiti
Nakita ni Antoine ang ama niyang si Antoinio na nakatayo sa balkonahe, nakatingin sa kanila ni Zarina habang papalapit sila sa bahay.Tahimik ang gabi pero ramdam niya agad ang tensyon. Hindi niya nasabi sa ama kanina na dumaan si Zarina sa opisina niya.Ginabi na rin sila. Zarina insisted na sumama ito pabalik sa opisina matapos silang mag-lunch sa pinakamalapit na restaurant sa opisina niya. Kaya kinansela na rin ni Antoine ang huling appointment niya para makauwi ng mas maaga. Pero kahit alas-singko sila umalis sa Savic Avionics Corporation, inabot pa rin sila ng tatlong oras sa biyahe.Pagkapasok pa lang sa bahay, agad na umakyat si Zarina sa guest room nang hindi na lumingon pa.Tahimik na naglakad si Antoine papalapit sa ama niya at nagmano.“Zia was with you?” malamig ang tanong ni Antoinio, pero halatang may hinanakit.“She came to my office before lunch. She wanted to talk. I didn’t see the harm in it,” mabilis pero diretso ang sagot ni Antoine.Tinapik siya ni Antoinio sa
Gusto niyang sumigaw, gusto niyang umiyak. Gusto niyang ipakita sa lahat kung gaano siya nasaktan. Pero hindi. Hindi dito. Hindi ngayon.Hindi niya bibigyan ng satisfaction ang mga taong nag-aabang lang ng kahinaan niya. Hindi niya ibibigay ang moment na 'yon. Hindi siya gano’n kadaling gibain. Huminga siya nang malalim at pilit pinapakalma ang sarili habang papalayo sa opisina ni Antoine. Her heels clicked hard against the marble floor—each step echoing with sharp, deliberate fury, as if her stilettos were stabbing the feelings she tried so hard to swallow.Sa dulo ng corridor, kita agad niya si Serenity—nakayuko kay Jacky, bulong nang bulong na tila ba kinukuwento nito ang nangyari kanina. Baka paranoid lang siya? She stopped dead in her tracks.Dahan-dahan siyang napatingala, sabay ang unti-unting pag-angat ng kilay.“Seriously? Are they talking about me? Pinlano nila ‘to? Sinadya ba ng babaing iyon na yakapin si Antoine dahil ba alam nito na pupunta siya?”Napatawa siya—isang
Palipat-lipat ang tingin ni Zarina sa dalawa. Her eyes bounced between Antoine… and the woman in his arms.Bago pa siya makagalaw o makapagsalita, unti-unting humarap sa kanya ang babae.Napakunot si Zarina ng noo, instinctively squinting, trying to figure out who this woman was.And then, her breath hitched.For a second, nanlaki ang mga mata niya. What the hell... Is this....?That woman was stunning. Angelic face, glowing skin, eyes that looked too kind to be real. She had that graceful presence, like she walked straight out of a fashion magazine, but with nun-level elegance.She was tall. Mas matangkad kaysa sa kaniya. Halos abot na abot ang height kay Antoine. They looked… good together.Too good.Zarina’s grip tightened slightly on the strap of the bag. Her heart stung—just a bit. Damn, bakit parang bagay sila?But no.She blinked, straightened her back, and took a sharp breath.No, girl. You don’t do insecure. Not today. Not ever.She forced a soft, almost sarcastic smile on
Pagbukas pa lang ng elevator sa floor ng opisina ni Antoine, agad na bumundol ang kaba sa dibdib ni Zarina. Hindi naman ito ang unang beses na bumisita siya sa opisina ng mga Savic. Pero ngayon, ibang klaseng kaba. This time, hindi lang siya basta guest. Hindi lang siya basta may dalang lunch. This time, she was paying a wife-like visit. With food. With love. With purpose. Pero kahit anong lakas ng loob ang i-project niya, ramdam niya sa sarili—kinakabahan siya. Ano kaya ang magiging reaksyon nito kapag nakita siya. Oh, god! Kinikilig talaga siya. Tumikhim siya ng bahagya, trying to compose herself. “Relax, girl. You’re Zarina Eunice Montes,” bulong niya sa sarili. “You walk in, you own it.” Sabay flip ng buhok, as if sinadya niyang ipaalala sa sarili kung sino siya. Every step she took was practiced like a queen on a runway, and her heels reverberated on the glossy floor. Chin up, shoulders back—no room for weakness. Pero kahit gaano siya ka-poised sa labas, hindi ni
LunesMaagang umalis si Antoine papasok sa Savic Avionics Corporation. May early meeting ito with a new supplier. Nagpaalam naman ito sa kaniya at Naiwan si Zarina sa mansyon, nakahiga pa sa kama, pero gising na rin. Nakatingin lang siya sa kisame habang hawak ang phone, nag-iisip kung babangon na ba o magpapakatamad muna.Alas dos pa kasi ang pasok niya sa school. At kung tutuusin, wala na rin masyadong ginagawa doon. Malapit na ang graduation, tapos na ang thesis, lahat ng project ay naipasa na, at nakapagpa-clearance na rin siya sa mga professors niya nung Friday. Pumapasok pa rin siya bilang respeto sa attendance policy, pero to be honest—pampalipas oras na lang talaga ang school ngayon.Napatingin siya sa salamin sa gilid ng kama, saka dahan-dahang naupo. She ran her fingers through her hair, then smirked a little at her reflection.“What if…” mahina niyang bulong habang nakatitig sa sarili. “What if dumaan ako sa office ni Antoine?”She stood up, crossed her arms, and tilted he