Share

CHAPTER 2

- Lily -

Maaga palang ay nakagayak na ako. Kahit na napuyat ako sa kakaisip nang tagpong iyon mula pa kahapon. Ang lalaking gwapo sana ay ubod naman ng yabang sa katawan. Mabuti na lamang at maaga pa rin ako gumising para maghanda sa sarili. Dahil ito na ulit ang first day ko sa work ay dapat akong maganda. Hindi naman pwedeng panget akong nagta-trabaho bilang waitress.

Alas-sais palang ng naman ng umaga pero kaya marami pa akong time at alam ko naman na alas-otso ng umaga ang opening ng cafeteria. Pagbaba ko nang hagdan naamoy ko na ang mabangong d***g. Parang gusto magwala ng mga dragon ko sa tiyan. Ang beshy ko talaga nagluto na naman ng masarap na breakfast.

Saktong pagpasok ko ng kusina ay sabay-sabay na nagsitingin ang lahat ng mga kaibigan ko. Magsisipasok na rin kasi ang mga ito sa trabaho kaya maaga rin ang mga gising, pwera lang kay Akeera. Halata ang gulat sa mga mukha ng mga ito halatang di talaga makapaniwala sa ganda. Iba talaga ang ganda ko kasi.

“Goodmorning mga beh!" nakangisi ko sa lahat.

Seryoso ang tabas ng mga mukha na nakatingin ang mga ito sa akin. Ako naman ay tumabi kay Gail at parang prinsesa na umupo.

“San ang lakad mo?" kunot noong tanong ni Max sa akin habang humihigop ng mainit na kape.

“Dapat tulog ka pa ngayon ah?" lukot ang mukha ni Akeera na pinasadahan pa ako ng tingin.

Ako naman ay maarteng kumain. Ang sarap ng sangag at pritong d***g na may sawsawan pa.

“Im going to work" taas kilay ko pa at sabay maarteng nilagay sa likod ng tenga ang buhok na nakatikwas.

“What?!"

“Weh?"

“Saan teh?"

“Anung work?"

“Matinong trabaho ba yan?"

“Payag magulang mo?"

Sunod-sunod na mga katanungan ang lumipad sa hangin. Gusto kong matawa sa mga kaibigan ko na para bang isang himala na makapag-trabaho na ako.

“Balak ko na kasing mag-asawa kaya magtatrabaho na ako" sabay ngisi ko sa mga ito.

“Bakit naghihirap na ba kayo?" nakangiwing tanong ni Akeera sa akin.

“Lily, parang nakakatakot ‘yang papasukin mo." salita ni Cassey habang ngumunguya.

“Nope, matino to. Kung gusto niyo puntahan niyo ko at ililibre ko pa kayo." mayabang kong sagot.

“Anu bang work mo teh?" tanong ni Honey.

“Im going to be a goddess sexy hot waitress" kibit balikat ko sabay higop ng kape.

Napaawang ang bibig ng mga kaibigan ko.

“Saan naman yan aber? Siguraduhin mo lang legal yan dahil kung hindi ako na mismo huhuli dun." babala ni Max.

“Grabe siya. Diyan lang ako sa Alabang. Sa may sikat na Cafeteria." pinanlakihan ko ng mga mata si Max. Ang tinde talaga nitong si beshy palaging may pananakot.

“Anung pangalan ng cafeteria?" tanong ni Gail. May business rin kasing cafeteria itong si Gail at dito sa lang sa QC.

“Mmmm FrimCoffée ata yun. Hindi ko sure." Nagkibit balikat ako. Wala naman akong pake kasi kung sino man ang owner ng pagtatrabahuan ko. Basta trip kong magtrabaho ay papasukin ko. Lalayasan ko rin naman kapag nagsawa na ako.

“Di mo sure?" nakatikwas ang kilay ni Akeera.

“FrimCoffée? Sounds familiar" singit ni Max na parang nag-isip pa.

Ako naman ay napaismid sa sinabi ni Max. Palagi nalang kasi itong may alam or pamilyar sa mga bagay-bagay. Hindi ko alam dahil ba sa klase ng trabaho nito kaya halos lahat ay alam nito.

“Alam mo?" tanong ko.

Max shrugged her shoulders.

“Basta it's sounds familiar."

Matapos nang agahan namin ay kaniya-kaniyang ligpitan ng mga pinggan. Si Akeera ang aming mayordoma sa pamamahay at alam na nito ang mga gagawin.

“Sino gusto sumabay sa akin?" tanong ni Max habang nakasakay sa Ducati nito.

Mabilis na nagsiiling ng mga ulo sina Cassey, Gail at Honey. Takot ang mga ito sumakay ng big bike ni Max dahil ang bilis magpatakbo ng motor.

“Hindi na teh!" takot ni Honey.

“Tumawag na ako sa grab dun na lang kami." sagot ni Cassey.

“Makikisabay na rin ako sa grab." singit ni Gail.

“Ako na syempre!" nakangisi ko kay Max.

Pinanliitan ako nito ng mga mata pero hindi naman na nagsalita. Umiling na lang at hinagis sa akin ang helmet na mabilis na nasalo.

Ilang saglit pa ay dumating na ang grab na sasakyan ng tatlo naming kaibigan. Nang makasakay ang mga ito ay agad rin umalis. Sakto naman ay ang paglabas ni Akeera ng kabahayan at may bitbit ng basurahan.

“Alis na kami!" sigaw ko kay Akeera.

Kumaway naman ito sa aming dalawa ni Max. Nang makaangkas ako ay pinaandar na ni Max ang motor.

“Sandali Max."

“Why?" natigilan si Max.

“Tignan mo yung dalawang lalaki na nakatingin kay Akeera. Sino ba ang mga yun? Parang hindi ko gusto ang mga pagmumukha nila." matalim ang mga mata ko sa dalawang tao na nakatayo na may kalayuan sa aming bahay.

Nang pumasok na si Akeera sa loob ng bahay ay tumalikod naman ang dalawang lalaki. Ang isa ay umupo sa isang kahoy na upuan at ang isa ay pumasok sa gate sa tapat ng aming bahay.

“Anu sa palagay mo beshy? Sapakin na ba natin?"

“Tumigil ka Lily. Ngayon lang natin napansin yang dalawa. Pero kung may kahina-hinala sa dalawang tao na yan. Ako ng bahala." sagot ni Max.

“Okay sabi mo eh."

Ilan pang sandali ay umalis na rin kami. Hindi pumayag na hindi ako ihatid ni Max , dahil gusto nitong malaman kung saan ako magtatrabaho. Supportive talaga itong si beshy. Hindi rin naman ito nagtagal ng makababa ako sa big bike nito ay binalik ko sa kaniya ang helmet.

“Hello Goodmorning!" malakas at masaya ang boses ko nang makapasok sa entrance ng cafeteria.

May tatlong nagpupunas ng lamesa ang natigilan at napatingin sa akin. Halata sa mukha ng mga ito ang pagkagulat.

“Mam alas-otso pa po ang opening." salita ng lalaki na may hawak pang pamunas.

“No, I'm also an employer here. By the way, I'm introducing my self for everyone here. " nakangiti ko habang nililibot ang buong paningin sa loob ng cafeteria.

Nagsilabas ang apat pang mga staff at kasama na rin ang lalaking manager. Halata sa mukha nito ang matinding pagkabalisa. Pero wala akong pakialam.

“Maam Lialyn Griffer?" agad na lumapit ito sa akin na namumutla ang mukha.

“Oh Hi!"

“A-ah Ma'am. K-kuwan po k-kasi" halos nagkandautal-utal ito ng nagsalita.

“Why?" nakatikwas ang isang kilay ko. Parang ayoko makarinig ng negative vibes ngayon.

Sasagot sana ito nang mag-ring ang hawak nitong phone. Kaya mabilis itong tumalikod. Ako naman ay humarap sa madla na nakanganga pala ngayon sa aking harapan.

“Oh my name is Lialyn Griffer, but you can call me Lily for short. " pagpapakilala ko sa lahat kahit hindi nila tinatanong.

Ilan pang sandali ay nagpakilala rin ang mga ito. Mukha naman mababait ang pitong makakasama ko. Ang dalawang babae na sila Bea at Sita ang cashier. Nalaman ko rin na bukod sa pagiging waitress ay cashier rin ang trabaho ng mga babae kapag masiyado ng maraming tao. Dahil ang mga lalaki talaga ang tagapag serve.

Bumalik ang manager na si Mr. Willy Gaston pala ang pangalan. Hindi ko na kasi matandaan ito kagabi ng basta ko nalang pinadala ang résumé ko sa kanilang email.

Hindi na ako tinanong ng kung anu-ano pa ng manager pero mukhang balisa ito. Tinuruan naman ako ng dalawang babae para mga dapat kong gagawin. Binigyan din ako ng uniporme. Infairness type ko ang binigay nila sa akin. Black collar shirt at maiksing black skirt na may slit pa sa magkabilang gilid at black stockings. Saktong sakto sa aking katawan ang uniporme na para bang sinadya para sa akin. Nag sexy ko tignan. Pinusod ko ang buhok ko nilagyan ng hairnet.

Lumipas ang mga oras, hindi pa masiyado maraming customer sa umaga pero pagdating ng hapon ay dumagsa. Mabuti na lang at maliksi ako kumilos at kahit papaano ay may alam naman ako sa mga ganitong bagay dahil nakapagtrabaho na rin naman ako sa isang bar. Mas matindi pa nga ang lugar kung saan ni-raid ng kakambal ko.

Dahil opening ay ala-singko ng hapon ang aming out, pero pwedeng mag over time ng two hours. Kaya nakisabay rin ako tulad sa iba kahit hindi ko naman kailangan ng over time. Mayroon namang closing na alas-dose ng tanghali hanggang alas-otso ng gabi at over time ng dalawang oras. Dahil hanggang alas-dyies ng gabi ang bukas ng coffee shop.

Kakatapos ko lang mag-serve sa isang customer ng may marinig na mga nag-iingay. Parang mga sinilihang uod ang tatlong babae na nakaupo at nakatingin sa labas ng entrance.

“Andiyan na ang asawa ko!"

“Sh it talaga anakan lang ako niyan solve na ako!"

“Ang gwapo gwapo talaga!"

Malalanding nagsasalita ang tatlong bubuyog. Hindi ba nila alam na naririnig sila ng iba pang mga tao sa kalandian nila. Napailing nalang ako at hindi sinulyapan ang taong papasok ng entrance. Paglapit ko sa dalawang katrabaho dito sa kaha ay parang nangingisay sa kilig ang dalawa.

“Anung merun?" kunot noo kong tanong.

“Andito na naman si Sir Handsome."

“So?"

“Tignan mo kasi Lily. Super gwapo ni Sir."

sabay nguso nito.

Hindi ko pinansin ang sinabi ng mga ito. Nagbanyo muna ako para tignan ang sarili ko at baka haggard na ako. Super hate ko pa naman ang pumanget. Napangiti ako sa kagandahan ko. Walang mintis pa rin ang ganda ko kahit na marami kaming customer. Nag-apply ako ng face powder at red lipstick. Dahil mas feel ko mas lalong gumanda ngayon.

“Lily!" tawag sa akin ng manager.

“Yes?"

Saktong paglabas ko ng banyo ay mukha agad ng manager ang bumungad sa akin. Para itong pusang di mapaanak sa itsura nito.

Tumikhim muna ito bago nagsalita.

“S-serve mo naman sa table 7" ngumiti ito sa akin. Pero iba ang ngiti.

Tinaasan ko ito ng kilay. Kahit na baguhan palang ako dito ay parang mabilis akong makaramdam. Parang may kakaiba.

“Okay" nakatikwas ang isang kilay ko rito sabay irap. Bigla itong natigilan dahil sa attitude kong pinakita dito. Aba wag lang ako nitong gawing palautusan at baka kapag sinapian ako ng katopakan yari sa akin tong manager na ‘to.

Kinuha ko sa counter tray, nakita ko pa kung gaano kilig na kilig ang dalawang babae na akala mo ay nakakita ng artista.

“Swerte mo si Mr. Handsome pa!"

“Fighting Lily!"

Naguguluhan na tinalikuran ko ang dalawang kasamahan ko. Mabilis kong nahagip ang table 7 na nasa sulok at nakatalikod ito sa akin. Habang nakaharap naman ang lalaking may malaking katawan at broad shoulders.

Mabilis ang mga lakad ko at nakarating sa table ng lalaki. Hindi ko man ito sinulyapan pero nanunuot ang napakabangong amoy nito. So manly! Matapos kong ibaba ang order nitong Espresso Machiatto at isang slice ng vanilla cake ay nagtaas ako ng tiin.

“Enjoy eating Sir!" magalang kong salita habang nakangiti. Pero agad na nawala ang masayang ngiti ko sa lalaking nasa harapan ko ngayon.

Napadiretso ako ng pagkakatayo dahil parang bigla gustong kumawala ng puso ko sa lalaking may mapungay na asul ang mga mata. Sh it! Siya yung lalaking nakatagpo ko kahapon, at ang lalaking nagpakilala sa akin na si Draco Frimmenger. Siya rin ang dahilan kung bakit napuyat ako kakaisip sa lalaking ito . Kung makatitig ito ay para bang pati kaluluwa ko ay tagusan nitong nakikita.

“Hi. Nice to meet you" how husky and varitone his voice na pati ata kalamnan ko ay nanginig sa maganda nitong boses.

Ilang segundo pa akong natulala bago nahimasmasan.

Wake up Lily! Wag ka ma-hynotize diyan. Baka nakakalimutan mong binangga ka kahapon niyan.

“Nice mo mukha mo!" mataray kong sagot rito sabay talikod. Wala akong pakialam kung naging bastos ako sa harapan niya, lalo pa ang walang kamatayang ‘Costumer's always right' daw kuno. Taéna kung sino man ang h*******k na nagpauso ng salitang iyon ay papasabugin ko panga.

Wala akong time sa mga ganitong feeling pogi mukha naman pakboy. Hindi ko na pinansin si pakboy na ngayon ay mukhang may fans club pa. Bukod sa pinalibutan na ito ng mga babae ay Halos maputol na rinang mga leeg ng ibang mga kababaihan na kung makalingon sa lalaki ay akala mo ay ngayon lang nakakita ng tao. Napakanormal nalang makakita ng gwapo ngayon, madalas mga bakla pa.

Hindi ko na namalayan ang oras at out ko na. Matapos kong mag-ayos ng sarili kesa ko naramdaman ang pagod. Pero kayang-kaya pa rin naman makipagsabayan. Matapos namin makapag out ay naglakad na ako palabas ng exit. Nakakatuwa lang dahil mabilis kong naging close ang ibang mga katrabaho ko. Siguro dahil first day, at wala pang lamat. Kung ganito ba naman palagi abah baka higit sa isang buwan siguro ako magtatagal.

“Bye Lily!"

“Bye!"

Kumaway ako sa tatlong kasama ko na magje-jeep. Ako naman ay sa taxi sasakay. Ayaw ko kasi sa jeep dahil minsan na akong nabwisit at nakasapak ako sa mukha sa lalaking manyakis na panay ang usog sa aking tabi.

Habang naghihintay ng taxi ay napakunot noo ako ng mag-vibrate ang hawak kong phone. Leandro is calling..

“What?" agad kong bungad.

“Where are you?"

“Why?" balik kong tanong.

“Tinatanong kita, ako pa tinanong mo." halata sa boses nito ang napipikon. Kaya napangisi ako dahil gustong gusto ko na asarin to.

“Eh bakit ko sasagutin? Anung problema mo at napatawag ka?" nakahalukipkip ako habang nasa kaliwang tenga ang cellphone.

“Mom and Dad need you here. I'm going to pick you there."

Agad akong nataranta.

“Hey! Wala ako sa bahay wag kang pupunta" nanlalaki ang mga mata ko. Lintik na yan. Kapag sinabi nitong pupunta ito ay ilang minuto lang at andun na sa lugar na pupuntahan.

“Wala ka sa bahay niyo? Gumala ka ba?"

“Ah, y-yes. Hindi pa kami nakakauwi" bwisit ka talaga Leandro.

“Sure ka?"

“Patanong-tanong ka tapos dika maniniwala?!" singhal ko rito na para bang nasa harapan ko lang ito. Kung nagkataon naman talagang nasa harapan ko ito ay baka nasapak ko na itong kakambal ko na walang ibang ginawa sa buhay kundi kontrahin ako.

Saktong may kotseng puti ang huminto sa aking harapan kaya dali-dali kong binuksan ang likuran ng pintuan na di sinusulyapan ang driver.

“Mamaya na tayo mag-usap pagkauwi ko."

“Sige hihintayin kita rito sa labas ng bahay niyo kahit kanina pa ako dito."

Napanganga ako. Bwisit talaga edi nalaman na nitong nagsisinungaling ako.

“Anu ba Leandro, humanda ka sa akin pag-uwi?!" gigil ko sabay patay ng tawag. Naiinis na ako. Tiyak magsusumbong na naman ito kila Mom at Dad. Alam naman na grounded pa ako, pero ito alam na agad ng bwisit kong kapatid kung kelan kabago-bago ko pa lang sa trabaho.

“Manong sa Heaven's Village nga." utos ko kay Manong.

Hindi ito nagsalita kaya napaangat ang tingin ko. Halos magsalubong ang mga kilay ko nang mapansin na parang ang ganda ng itsura nitong taxi. Mukhang bago at mabango. Napansin ko rin na ang upuan na kakaiba ang design. Parang gusto lumubo ng aking ulo ng ma-realize ang lahat.

“Hey stop!" malakas kong sigaw para tumigil sa pagmaneho ang driver.

Hindi naman tumigil sa pagpapatakbo ang driver ngunit binagalan niya iyon.

“T-teka ibaba mo ako. Parang mali ang nasakyan ko."

Pero wala pa rin imik ang driver. Kaya umahon ang kaba sa aking dibdib.

“I said stop the car!" galit na ako.

“No, you willll stay here and and i'll drive you home." baritonong boses ng lalaking pamilyar sa akin.

Holy cow?! Si pakboy ba ito na feeling pogi? F**kk!!!

Lumingon ito sa akin ng dahan dahan na akala mo ay nag-slow motion ang lahat.

“You?!" malakas akong napasigaw sabay duro dito.

“Are you surprised?" tanong pa nito na para bang nang-aasar.

“Ibaba mo ako" pigil kong wag magwala ngayon.

“After you suddenly riding at my car, gusto mo nalang bumaba. That's unfair."

“Anung unfair pinagsasabi mo G*go! Ibaba mo ako kung gusto mo pang mabuhay kinabukasan."

“What a wild. So wild." mahinang bumulong ito pero umabot sa magkabilang tenga ko.

“F**k you! Ibaba mo ako right now. Dahil hindi mo gugustuhin na magalit ako ngayon." Im deadly serious.

“Go ahead" parang balewala nitong pagkakasabi.

“Ahhhh!" malakas akong napatili ng bigla na lamang humarurot ang sinasakyan naming kotse.

The nerve of this impakto!

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status